-11-
5:30 na rin nung nagkahiwalay-hiwalay kami. Ako eh isa sa mga nahuling sunduin. Matagal-tagal rin ako naghintay doon. Sabi ni Mommy eh 5:30 nya daw ako susunduin. Eh dahil ‘filipino time’ eh naging 6 o’clock na yata.
I made a good decision noong hindi ako umatras sa lakad na ito. Actually, I had so much fun. Tama nga si Mommy na dapat ko talagang maranasan. Buti na lang!
Umaga ng Linngo eh normal naman. Nagsimba kaming buong mag-anak dahil sabi nga nila ‘a family that prays together, stays together’ hmm..totoo kaya?. Unlike the usual lunch namin kapag Sunday na it’s either sa restaurant, sa bahay nina Lola or sa bahay lang namin, iba ngayon. We were invited sa birthday ng party ng supervisor ng nursing home na pinagtratrabahuhan ni Daddy.
Sa isang banquet ginanap yung party. Ang sosyal nga ng arrangement eh. Maraming mga doctors at iba pang nurses na bisita. Binigyan kami ng table number para doon kami maupo. So kami eh nagpunta na doon sa table 13. Sino kaya ka-share naming sa table no?
Sina Mommy at Daddy eh ang daming ka-shake hands na ibang nurses at mga doctor kaya naman patigil-tigil kami at hindi na makarating-rating sa table 13 dahil sa dami ng interruptions.
Matapos ang shake-hands moment eh dumereto na talaga kami sa table namin. Nagulat naman ako nakita ko yung ka-share namin sa table. 12 people kasi ang kasya sa isang table. So there’s our family, Janie Smith’s family (according doon sa card nila) and the Joy family.
Waah. Pwede bang humanap ng ibang table?? Pakiramdam ko kasi eh sa mga susunod na minute eh bigla na lang akong magcocollapse dahil sa baho. Kung maaamoy nyo lang ang parents ni Joby. Grabe talaga. Buti na lang at katabi ko naman eh sya at yung ate nya dahil daw ‘teenagers’ kami so it’s not that bad. Actually, hindi sya mabaho.
Habang kumakain kami eh daig pa naming ang mga nasa hospital. Feeling kasi ng mga parents namin eh ‘on duty’ pa rin sila. Naiimagine nyo ba yung table namin? They’re talkin’ medically. Same in our house.
Mabuti na lang at nagsimula ng conversation itong si Joby kaya nagkaroon ako ng kausap.
“Alex, I didn’t know your dad and my mom worked at the same place.”
“I know, right. I didn’t know either.”
“That’s pretty awesome!”
“Yeah.”
So nagkakwentuhan na nga kami tungkol sa buhay-buhay. Our parents don’t just work at the same place pala, as in talagang partners. My dad is a registered nurse and his mom is a nursing aid. Tapos yun palang gasoline station na tinatayaan ni Mommy ng lotto eh sina Joby ang may-ari. What a co-incidence.
Medyo nagtagal din kami doon sa party. May sayawan pa kasi pero hindi naman na kami sumayaw. Pang ball room dancing ba naman yung tugtog. We chose to sit and talk instead habang si Kelly naman eh busy pa rin sa pagkain.
“What school did you go to before?”
“Even If I tell you, you won’t know where and what it is.”
“Come on. I know most of the schools in this area. I might know it.”
“I’ve been here in this country for like 2 years only. So far, the only school I’ve been to is Lincolnwood.”
“Are you serious?” mukha ba akong nagpapatawa?
“Of course.”
“So you were in the Philadelphia all those times?”
“Philippines!” cinorrect ko naman sya.
“Now that is awesome. It ain’t obvious. I mean , your accent. You sound so much like a blonde?”W-what? Nawindang ako sa sinabi nyang yun. Did you know that blonde means stupid?
“What did you say?” Ang taray na ng sound ko nun. Mukhang nakasense yata ng danger at biglang nag-back up.
“Ok. I didn’t mean what you are thinking. I meant blonde like you’re a white girl. Your accent and all that. You don’t sound like you just crossed the border."
“I did not cross the border. Philippines is not in Mexico. It’s way too far.” Tumawa naman sya.
“Yeah I know. I was just playing around.”
Tuloy pa rin yung kwentuhan namin habang nagsasayawan pa rin yung matatanda. Napakwento nga ako tungkol sa school. Tinanong nya kasi ako ng ‘What do you think of Lincolnwood?’ May sinerve na second set ng dessert na tingin pa lang eh super sarap na.Mga ice cream,toppings, whipped cream at kung anu-ano pa. Ako naman eh takaw-tingin lang kaya di ko rin naubos.
4pm na rin nung nagsimulang mag-alisan yung mga tao. The banquet was payed for five hours only so hanggang five hours lang talaga yung party. Katulad ng pagkatagal-tagal na pagwelcome, ganun din ang pag-goodbye. Hay, parang showbiz naman ‘to. Ang daming beso-beso. Napapagod na ang beauty ko.
“Yo Alex, You’re my new buddy. You can call me anytime and I’ll be there as fast as 911.” Natawa naman ako dun.
“Thank you.” Then we ended up with a hug.you know..friendly hug.
Sa bahay naman eh naabutan ko pa yung palabas na ‘The Buzz’ kaya naman nanood muna ako. Umiral ang pagkachismosa ko. After that eh diretso ako sa study table ko para magcheck kung nagawa ko ba yung dapat kong gawin.
Sinubukan kong gumawa ng something para doon sa Spanish project ko. Pero parang wala naman sense yung mga sinasabi ko doon. Dahil sa totoo lang, hindi pa talaga ako ganoon karunong. And worse, I don’t have my spansih book with me. Hopefully eh by Wednesday ay may mai-present ako sa class. May usapan naman na kami ni Ervin na tutulungan nya ako during Spanish club. Sya lang din naman ang pwedeng tumulong sa akin since he’s my partner.
Pagmulat ng mata ko nung umaga eh napa-sigh na lang ako. Gulay. Monday na naman.
Ginawa ko naman na yung rituals ko tuwing umaga. As usual , cereal lang for breakfast. Minsan naman eh oatmeal. Light breakfast lang yung akin kasi nga yung first period class ko eh gym. Kapag kumakain ako ng rice or anything na heavy eh sumasakit yung tagiliran ng tiyan ko kapag tumatakbo ako.
Sa homeroom eh panay ang kwentuhan nila. Ako naman eh tatahi-tahimik lang pero sumasagot naman kapag kinakausap nila. Ang pasaway din ng teacher namin dahil inaasal namin yung pledge at sya pa yung leader namin. Makulit yun eh. Kung ano-ano ang pinaggagawa sa homeroom. Nagbabackflip, nakikipag-arm wrestling at tumutugtog ng gitara.
Sa gym naman eh nakahinga ako ng maluwag nung sinabi na three days na lang daw kami sa Soccer unit and we’ll end it with a short quiz. At pagkatapos eh we’ll spend a week in the fitness room kung saan mga meditation ,Polaris, taebo at kung ano-ano pa na pwedeng gawin within such a small space. And then welcome to Football unit na.Nyak! Patay na naman ako dun!
Nakakagulantang naman nung dumating ako sa Math class. Nag-iba kasi yung arrangement ng mga desk. Every 2 weeks yata eh nagrerevolve itong class room namin sa math. Madalas magbago isip ni Mrs. Mynard eh. At syempre, dahil my new arrangement ng desks eh meron din ng new seatmate.
“Joby, you’re right there next to Alex.” uh-oh.
Ano ba yan. Minsan tuloy gusto ko ng tanungin si mrs. Mynard if she hates me. Kasi dati, si Pat yung itinabi sa akin. Ngayon naman eh si Joby. Aba, konti na lang at masasabi ko na talaga na malas ako.
Todo smile pa si Joby nung umupo sya sa chair na katabi nung sa akin.
“Mrs.Mynard, Mrs.Mynard!” sumisigaw pa talaga sya nung tinatawag nya yung teacher.
“Ouch!You’re not talkin to someone deaf.” Tinatakpan ko yung tenga ko nun. Ang lakas kasi ng boses nya eh.
“Joby! Joby! What?What?” dinoble din naman ni mrs.mynard yung words nya.
“Hey you guys! You know what’s cool? Alex’s dad and my mom are co-workers.” omg. You didn’t have to say it to the whole class.
After that, the rest of my day went well until after school Spanish club came.
Pagdating ko sa Spanish room eh marami na ang busy sa paggagawa ng projects with their partners. Ang iba naman eh busy rin sa pagkain naman. Everytime kasi na may meeting eh may treat si Mrs. Rodriguez palagi. May cookies, pizza, pop at kung anu-ano pa.
Dahil wala pa yung partner ko eh naki-busy na rin ako sa pagkain. Maya-maya siguro eh darating na rin yun. After 15 minutes eh wala pa rin si Ervin. Hindi rin nagtagal eh naglabas na rin ako ng paper and pen at nagsulat ng mga sa tingin ko eh magagamit ko sa project. Kung anu-ano na yung pinagsusulat ko doon. Ni hindi ko nga alam kung tama ba yung word forms.
Nakaupo pa rin ako doon at naghihintay. Medyo tumahimik na rin sila dahil nakafocus na sa paggawa ng project. Tinanong nga ako ni Mrs. Rodriguez kung okay lang daw ako. Baka daw kailangan ko ng tulong. Sabi ko naman eh okay lang ako at magfocus na lang sya doon sa mga tinuturuan nya na halata naman na mas nangangailangan ng tulong kaysa sa akin.
Nilabas ko yung Spanish notebook ko at nagbasa-basa doon hanggang sa nakatulog na ako. The next thing I know, ginigising na ako ng teacher dahil uwian na.
At walang ni-isang anino ni Ervin Zepeda ang nagpakita.
Nakasalubong ko pa sya sa hallway nung pauwi na ako. Kasabay nya eh yung mga lalaki na parati nyang kabuntot. Nagsipasok sila sa boy’s locker room at si Ervin ang isa sa mga nahuli. So I took the chance para kausapin sya.
“Ervin, you said you were gonna help me with my project. There was a Spanish club meeting today.”
“I had soccer so I couldn’t go there.” Yun pagkakasabi pa nya eh parang wala lang sa kanya na hindi sya nakarating. Nagtinginan pa sila nung kasama nya na nakasmile pa.Nagpunas sya ng mukha gamit yung towel face towel nya.
“What about this. I’ll go take a shower and then we meet at the library.” Oh. That’s a good idea.
“Oh okay. I’ll wait for you there.” Ayun,pumasok na sila sa boy’s locker room. Ako naman eh dumeretso na doon sa library namin.
Ilan-ilan na lang ang mga tao dun. Karamihan siguro eh 6th graders. Halata mo dahil sa mga dala nilang gamit. It’s so kiddy. Naghintay na naman ako doon sa LMC for like 25 minutes. Yep. I waited…again. Nagcheck out naman ako ng book nun para may mabasa ako. Chicken Soup for the Teenage soul.
Napatingin ako sa orasan at 6:05 na. Nasan na ba si Ervin? Darating pa kaya yun? Naghintay pa rin ako for 5 minutes or so. And then, tumitig na lang ako sa clock. Nainip na talaga ako nun kaya sabi ko eh kapag yung second hand tumapat na sa 12 eh uuwi na talaga ako.
Taran! 6:12 na. Wala na talagang pag-asa. Hindi na sya darating. Nag-pack up na ako at nagsimula ng maglakad pauwi. Nakakaasar naman. Hindi na naawa yun. Paano na lang yung project ko?
"Lagi na lang akong pinaghihintay. Hindi man lang sya tumawag or something para hindi ako naghihintay na mukhang tanga doon. Tapos papupuntahin ako sa library. Hindi rin pala sya sisipot. Sana man lang eh tumawag sya o magsabi na hindi sya pupunta. Maiintindihan ko naman yun. Hmpf! Palibhasa sikat sya, gusto nya pinipilahan sya ng lahat.”
Eto na naman yung masama kong habit. Nagsasalita ng walang kausap/ kinakausap ang sarili. Alam nyo bang napagkakamalan na akong baliw minsan?
Hawak ko pa yyung strap ng backpack ko habang naglalakad ako. Pagdating ko ng bahay eh diretso agad ako sa kwarto k. Humiga ako sa kama ko and just stared at the ceiling.
Hayy. Ang buhay nga naman. Parang life.
Parati na lang si Alex ang naghihintay















bravenet.com