untitled
viviti


-12-

I was disappointed at Ervin. Naiinis ako sa kanya pero hindi naman ako galit. Ayos lang naman sa akin kung pinaghihintay ako. Ang kinaiinisan ko lang eh yung pinaghihintay ako sa wala.

Gumawa na ako ng homework ko at nag-aral ng kaunti para sa tests namin bukas. Tatlo rin yun ah. Literacy, Math, saka Science. Tapos may presentation pa sa Spanish. Waah! Parang ayaw ko ng pumasok bukas.

But speaking of presentation sa Spanish, gumawa na rin ako para doon. Isang conversation na tungkol sa first day of school. It’s surely not the best dahil ako mismo eh hindi ko alam kung tama ba. Basta gumawa na lang ako ng kahit paano magkaroon lang ng project. Ayokong makakita ng kulay red na ‘U’ sa progress report ko.

Late na naman ako nakatulog dahil ginawa ko pa yung entry ko para sa Yearbook Club. Three pages din yun. I was creative so it turned out really pretty. Sana makapasa sa club adviser.Nagsaulo pa rin ako ng sasabihin ko bukas sa Spanish I. Pagkatapos eh nagcheck pa ako ng e-mail at friendster and then off I went.

Friendster lang ang meron ako dahil sa mga classmates ko dati sa pinas at mga pinsan ko. That’s  the way of our communication. I know almost  everyone in my school has myspace. Ako na nga lang yata ang wala nun eh. But I don’t really care. I don’t wanna get one and fall into the trap like everyone else.

Dahil late na ako nakatulog eh late na rin akong nagising. Binungangaan pa nga ako ni Mommy dahil tatanghaliin na daw ako. Kasalanan ko bang nakalimutan ko i-set yung alarm clock?

7:45 na ako nagising at 8:00 naman yung time. Ala-wonder woman na ako sa sobrang bilis ng pagkilos. Dali-dali akong naghilamos at nagbihis. Jeans at shirt na may layering ang nahugot ko.Sinwerte pa at nakapagsulay pa ako ng maayos. Kung hindi ako nagmamadali eh usually, I put my hair up in a pony tail.But I didn’t do it today dahil wala ng time. Tatlong kutsarang subo ng cereal lang yata ang nakain ko. Pero si mommy eh nagdala ng sandwich at frappuccino kaya yun ang kinain ko habang nagdadrive sya.

Bwisit na stop light yun at tumapat pa sa red kung kelan ako nagmamadali. Luckily, hindi naman ako na-late but I got there when the bell exactly ringed. Lumipad na lang ako papunta sa locker ko nun. Yung mga tao nga sa hallway eh kaunti na dahil nasa kani-kanilang homeroom na sila. Ang bilis naman kumilos ng mga yun.

Mukha na nga siguro akong ewan. Gulu-gulo na yung buhok sa katatakbo. Daig ko pa ang hinahabol ng aso. Nang makarating ako doon sa area ng lockers namin, there was only one person in there. Sa dinami-dami ng pwede kong unang lalaki na makikita sa araw na ito eh bakit sya pa of all people?

Hindi ko pinansin si Ervin nun at tumuloy lang ako sa pagbubukas ng locker ko. Pag-bang ko sa locker ko eh nakita ko sya na nakatingin sa akin. Parang yung look na nang-aanalyze na di mo maintindihan. Seryoso pa rin kasi yung mukha like his usual.

Detective ba ‘to?

“Why are you looking at me like that?”

“Nothing. Is that all you’re gonna say? You’re not mad at me or something?”

“No.” naglakad na ko papuntang homeroom.

When I got there, nagtaka na lang akong bigla. Why is everybody looking good today? Yung mga guys eh maayos yung suot. Yun bang mas maganda kaysa simpleng jersey or t-shirt. Yung mga girls naman eh dolled up.

“Ambar, what’s today?”

“Wednesday.” Sabi nya habang nag-aayos ng buhok.

“Not that. I mean what’s so important today? Everyone looks good.”

Pinalo nya ng malakas yung desk.

“Are you kidding me? You don’t know?” ano ba talagang meron?

“It’s picture day! It’s for the yearbook.”  Say what?!?!?

“Oh.my.God. That’s today? I totally forgot about it.”

Waah.grabe na ‘to. I can’t believe na ganito magiging hitsura ko sa magiging yearbook namin. Ganito ang hitsura ko sa 8th grade yearbook picture ko?? Wala man lang kahit kaunting make up. Ni walang ayos yung buhok ko. Ang simple ko masyado. Natural beauty na lang sandigan ko.  Cheesy

Pero nakakainis talaga. Sana man lang hindi ko nakalimutan para nakapaghanda ako kahit paano. Parang nagiging free period yung gym class namin kapag picture day. Yes! Ligtas ako sa CV day.So generally, masaya talaga- except for the fact  na ganito ang ayos ko. But I took a picture anyway. No big deal.

Pagkatapos eh kung anu-ano na lang ang pinaggagawa namin. Nagtaka naman ako kung bakit nagkukumpul-kumpol yung mga babae doon sa may bleachers. Ano naman kaguluhan ang nangyayari?

“Look at them. They’re all over Ervin.” Natatawang sabi ni Gabby. Napaisip naman ako nun. Hindi kaya  nagseselos itong si Gabby? Kasi yung isang babae eh nakikipag-flirt na kay Ervin.  Kakaiba rin naman ito at tumatawa pa.

Tumingin lang ako saglit at tumuloy na sa paglakaro ng volleyball. Hindi naman ako ganoon ka-interested sa kanya no. At hindi sya ganoon ka-interesting.

Nakaperfect ako dun sa test ko sa math at sa literacy naman eh may isa akong mali. Not bad right?  Yung sa science eh ndi ko pa alam kung anong nakuha ko but I’m pretty sure na mataas score ko dun. Nag-aral eh.

Normal lang naman yung mga sumunod na classes ko. Except for some people that keep on noticing me.Weird.

“Alex, you look really pretty today.” Sabi ni Samantha.

“You look gorgeous! I’m sure you took a good pic.”si Mrs. Mynard naman this time.

“Oh my !@#$ Lord. Leave your !@#$ hair down all the time.” Need I say who said this?

Maliban sa mga tao na pumapansin sa akin normal pa rin naman lahat. Wala pa namang nagkakamental breakdown or something. Masaya naman ako nung buong umaga hanggang Science class. As in kampanteng-kampante na ako nun dahil nga natapos na yung mga tests ko. Kaya lang, nung passing period eh naalala ko yung project namin sa Spanish.

Parang natakot ako dahil yung naririning kong pinag-uusapan ng mga classmates ko na project nila ang ganda. Ang cool daw nga mga props nila. Yung akin naman eh simple lang talaga na posters na pwedeng maging background. Pero kahit ganun yun eh pinaghirapan ko ng sobra. Ganun din yung dialogue. Di ko nga lang alam kung tamang grammar ba.

Isa-isa ng nagpresent yung mga classmates ko. Kahit ano talagang gawin ko nun hindi ako makapag-relax. Kinakabahan na talaga ako nun. Paano ba naman, watching them perform their projects freaks me out. I am so screwed.

Bawat isa sa kanila na matatapos eh laging may acknowledgements sa huli.‘I did this project with the help of my Spanish Club partner’ or ‘Thanks to __ for helping me with this project.’ Which made me kinda feel bad dahil yung partner ko eh di man lang ako tinulungan. And worse, yung teacher eh sinasabi yung grade na nakuha ng presentor..OUT LOUD. Undecided

“ a B- for you.”then nagpause sya.

“ Alexandra, you’re up next.” Help. Anyone?

Huminga pa ako ng malalim before I went up to the front. Ang lakas ng heart beat ko at talagang ramdam na ramdam ko yung pag-pump. I’m telling you, this is embarrassing.
Binigay ko yung copy ng dialogue sa teacher namin dahil sya yung gaganap na kausap ko sa scene. Kung anong nakasulat doon eh yun daw mismo ang sasabihin nya.Ikinabit ko din dun sa wall yung posters ko na supposed to be eh props.

“Buenos días,senorita Rodriguez. ”

“Buenos días, ¿cuál es su nombre?”

“Su nomber es Alexandra Ysabelle Nuñez.” May narinig na ako na nagtatawanan nun pero di ko na lang pinansin.

“Mucho gusto, Alexandra.”

“Mucho gusto,se-“ natigilan ako nung bumukas yung pinto at may pumasok na lalaki.

Pumunta sya sa harapan kung nasaan ako. Ang nakakainis pa eh tinatawanan nya ako. As in he was lauhing at my presentation. Hindi ko alam kung anong iniisip ng taong ito pero ang lakas ng pakiramdam ko na hindi yun maganda. Sino ba naman ang matinong bigla na lang magpa-pop sa room sa gitna ng isang presentation at  tatawanan yung nagpreresent?
Dahil sa pagtawa nya eh nadala na rin yung mga classmates ko. Kaya nagtatawanan na lahat sila. Talk about humiliation!

“What’s so funny?” tinanong ko sya nun pero hindi ako sinagot. Sa halip eh tumingin lang sya at biglang naging serious yung mukha nya.

And then he started speaking in Spanish.

“Esta chica- - socio- - ella es estúpida en español -- proyecto..es cojo- -“ Aba tinawag pa akong stupid?!? At lame daw yung project. Sino kayang stupid sa amin eh siya nga yung walang ginawa sa project.

Tuloy pa rin sya sa pagsasalita nun ng dire-diretsong Spanish! The heck? Ano ng pinagsasabi nito? Hindi ko maintindihan.

Noong natapos sya eh mukha siguro akong ewan na walang alam sa mundo. Ito na lang nasabi ko…

“What?!?”

At ang sumunod ay narinig ko na lang na sinabi ng teacher namin…











“An A.”  







Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com