untitled
viviti


-13-

Eh? Paano nangyari yun? Pinagkakaisahan ata ako ng mga ito ah. Kelan pa naging way ang insult para makakuha ng good grade?

Naguguluhan talaga ako ng mga oras na yun. Tumingin ako sa teacher namin at mas lalo akong naguluhan nung nakita ko na naka-smile sya sa akin.

Hala, nasisiraan na nga yata ng ulo ang mga tao dito.

Nagring na yung bell nun at ipinasok ko pa sa binder ko yung mga gamit kong nakalabas. Nagmamadali na nga ako nun kaya hindi na rin ako nakapagtanong. Sobrang nasayahan na kasi ako dahil sa tumataginting na ‘An A.’  na sinabi sa aking ng teacher ko. Pero ang tanong ko lang sa sarili ko…

How did I get an  ‘A’ Huh

Kung minsan, may mga misteryosong tao na dumarating sa buhay natin. Sabi nga ng iba, kailangan rin daw natin ng kaunting kababalaghan sa buhay. And I guess, this one’s one of mine.

Palabas na sana ako nun ng nakita ko na si Ervin eh nag-struggle doon sa pagbukas ng pinto. Oh my! We’re locked inside.  Kami na lang palang dalawa ang natira dito sa room.
Pinatabi ko sya saglit at sinubukan ko na bukasan yung pinto. Parang may sira ata sa doorknob eh. Naalala ko bigla yung pinto doon sa bahay ng tita ko sa pilipinas. May technique na ginagawa para mabuksan yun eh. So yun, ginawa ko nga yung technique gamit ang aking magical powers.

“Leave it to me. You can’t open that.” maya-maya lang eh bumukas bigla yung pinto.

“Who are you calling stupid now,huh?” sabi ko naman sa kanya.

“Oh now you’re calling me stupid?” parang naiinis na yung tono ng boses nya.

“’ella es estúpida en español’  Estupida? You were the one who’s calling me stupid!!!” sagot ko naman sa kanya sabay labas ng room. Mejo tinarayan ko na sya  pero biro lang naman para sa akin yun.

“I just helped you in there.” Sumunod sya sa akin palabas ng room. “Hey hold on..” then he grabbed my arm.

“WHAT?!?!”

“I just helped you in there..” nag-pause sya sandali. “But you are stupid.”  Ngumiti pa sya ng nakakasar.

“Whatever.” sabay tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa akin at umalis na.Feeling naman nya affected ako sa sinabi nya? Asa  sya.

Naglakad na ako papunta sa next class ko.

Ooh! I forgot something.

Lumingon uli ako sa kanya na nakatayo pa rin doon.

“And yeah…whatever you said in there. Thanks for the ‘A’.” nagsmile ako sa kanya. And this time, tuluyan ko na syang iniwan doon.

After school eh nag-drop by lang ako sa room ng Yearbook Club adviser para ipasa yung entry ko. Pagkatapos eh umuwi na rin ako.   Pakiramdam ko nun eh nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Salamat naman at natapos na yung project sa Spanish. Makakahinga na ako ng maluwag.

Sitting pretty na lang ako pag-uwi ko ng bahay. Wala akong homework maliban sa magbasa nung novel namin. So I read a couple of chapters and then I went online kung saan nakachat ko si Joby. Kung anu-ano lang naman ang pinag-usapan namin for like an hour and a half. He was trying to convince me na gumawa daw ako ng myspace account. Kaya ayun, pinaliwanag ko yung dahilan kung bakit ayaw ko. Hindi rin naman ako papayagan ni daddy kung saka-sakali.

Muntik na akong makapamalo ng remote kanina dahil kay Kelly. Nagpatulong kasi sa homework nya ang biik. So tinulungan ko naman. Sinabi ko na ganito ganyan yung borrowing tapos eh pinipilit nya yung sagot nya na sigurado naman akong mali yun. Grabe dito, 3rd grade na subtraction pa rin ang pinag-aaralan. Samantalang ako nun sa pinas, 2nd grade pa lang marunong na ng division. 

Hindi namana natuloy yung pamamato ko ng remote. Sabay pa kami nina daddy at Kelly mag-dinner. May himala? Wala lang naman, parang ang saya ko lang. Naka-A ako dun sa project ko.

I wonder what he said.


The next two days went fast. Wala naman mahalagang nangyari maliban lang sa natakid ako sa hagdanan papunta sa Spanish kung saan marami-rami din ang nakakita at sa lunch room kung saan natapon yung pagkain ko dahil nasagi ako ni Brandy. Naglinis pa tuloy ako. Sa homeroom naman eh ang damin papel na binigay sa amin which I thought was junk kaya dinespatsa ko na doon sa trash can.

Weekend. Medyo maaga ako nagising. Did I mention na I got a babysitting job and it starts today? Well, yun nga. I got my working permit from school. Mag-aalaga ako ng bata only for four hours dahil fourteen years old pa lang ako. So hindi pa talaga pwede yung normal na eight hours. 

I’m gonna work not because I have to. My parents are earning enough money for us. Actually, more than enough so kung tutuusin, hindi ko talaga kailangan magtrabaho but I’m gonna work because I want to. There are a lot of things na gusto kong bilihin. And I want to buy them from my own pocket. Nakakahiya rin naman mag-ask kina mommy at daddy. Ang weirdo ko no? Well I have a reason. I didn’t grow up with them. They left for the states when I was nine months old and nagkita-kita kami uli when I was eleven.  Can you imagine that?  Hindi ko pa rin sila ganoon kakilala kaya hindi rin ako malapit  sa kanila kaya naman asking them to buy things that I want is not that easy.

Nagready na ko nun para pumunta nga doon sa bahay ng mga batang i-babysit ko. Nag-offer si Mommy na ihahatid daw ako pero sabi ko eh lalakarin ko na lang. Malamig pala sa labas. Buti na lang nagsuot ako ng sweater. Saka ko naman napansin na namumula na pala yung dahon ng mga puno.

Naku! Fall season na pala.  Ang ganda sanang tingnan ng mga red at orange na dahon sa puno eh. Ang pangit lang eh yung nanlalagas sila. Kaya tuloy our whole place becomes a mess. At ang mess, kailangan parating linisin. Angry

Nag-door bell agad ako nung makarating ako dun sa bahay na itinuro sa directions. Nakalagay pa doon sa mailbox nila yung apelyido nila so malamang eh hindi ako nagkamali.

“Hey there pumpkin.”  Lola na yung nagbukas ng pinto. Haha. She called me pumpkin. That’s cute.

Dumating naman si Mrs. Lawlor (who is the mom of the kid that I will babysit) at kinausap ako tungkol sa batang aalagaan ko.  Sabi nya eh kakailanganin daw nya ang service ko every weekend.

“Since you can only work for four hours, you’ll have the second  shift. There’s someone that’ll watch them before you. He leaves at 1pm so you should be here on time too. So the kids won’t be alone.”

Pinaliwanag ni Mrs. Lawlor. Ako naman eh tango lang ng tango. Nasaan na ba  yung batang aalagaan ko nang makapagsimula na.

“Hold on, I’ll get the kids.” Kids? Ilang bata ba yun?

Maya-maya lang eh lumabas na ng kwarto si Mrs. Lawlor. May kasunod syang isang bata.

At isa pang bata. At isa pa uling bata.

Whoa. Ito ba yung mga aalagaan ko?







OH BOY!





Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com