-14-
“Th-three kids?”
“U-huh. Here’s Zack and Anthony.They’re twins.” Hinawakan nya sa balikat yung dalawang batang kambal.
”And here’s Jamie” hinawakan naman nya si Jamie sa ulo.
“So these are the kids that I’m gonna babysit?”
“Exactly.And If you don’t mind, can you watch my mom too? She’s not that hard to take care of but she’s forgetful. Can you make sure she takes her meds on time?”
“Okay.”
“Thank you so much. I promise I’ll pay you a lil more.” Hinawakan pa nya yung mga kamay ko habang nagpapasalamat sya. Pagkatapos eh kinailangan na rin umalis dahil mag-overtime daw sya sa trabaho.
Ni-lock ko yung pinto ng bahay at inikot ko yung tingin ko sa buong bahay at ang sunod eh doon sa mga batang aalagaan ko.
Yung isang batang lalaki (na hindi ko malaman kung si Zack ba o si Anthony) eh may pilit na inaabot sa loob ng fridge at parang malapit ng mahulog. Yung isa naman eh nagsusulat gamit ang marker sa couch. Si Jamie naman naglalakad na parang model with matching high heels, sunglasses at feathers around her neck.
“Hey you. Freeze. Don’t move.” Tumakbo agad ako para alalayan si kambal dahil in no time eh mahuhulog na sya doon sa stool na tinutungtungan nya at babagsak lahat ng laman noong fridge. Ipinag-init ko na rin sya nung pagkain na gusto sya sa microwave.
“Don’t write on your couch. That’s not something you write on …twin #2??”
Kinuha ko yung marker sa kamay nya. Sabay nakita ko naman yung isang kambal na umaakyat uli sa stool kaya dali-dali na naman akong lumapit sa kanya para ibaba sya. Na-settle down sya nung inilapag ko yung pagkain nya. Then he started eating. Yung isa eh nakigaya at gusto rin daw nya ng ganun na pagkain.
Magkatabi na sila habang kumakain kaya ako lalo nalito. Sino na si Zack? Alin si Anthony?
“Wait a sec.Which one is Zack and which one is Anthony?”
“The one with a blue shirt on is Zack and that one with a yellow shirt is Anthony.” Sagot ni Jamie. Okay. Now I get it.
I sat down sa chair na katapat noong sa kambal and tried to spot the difference between the twins. Si Zack pala eh mejo mabilog yung mukha samantalang si Anthony eh pahaba naman. Ang cu-cute naman ng mga kids na ‘to. The twins are three years old while Jamie is five and they all have ocean blue eyes.
Yung twins ang masasabi ko na alagain talaga. Biruin mong nakipaghabulan pa sa akin tapos kung anu-anong kalokohan ang ginagawa. Muntik na nga mabasag yung malaking vase at muntik na rin ma-hit ng baseball bat yung painting na nakasabit sa wall. Mabuti na lang at naaawat ko pa sila.They were named after saints pa naman tapos parang opposite sila. Naykupo. Nosebleed ‘to!
Pinainom ko ng gamot si Grandma Betty na nakaupo lang doon sa rocking chair nya na akala mo eh sya lang ang tao sa mundo. Wala man lang reaction na nagkakagulo na dito sa bahay nila.Pagkatapos eh dinala ko yung mga bata sa park dahil sabi doon sa note na iniwan ni Mrs. Lawlor eh dalhin ko daw sa park sa ganitong oras para makapaglaro.
Nakakatawa siguro yung hitsura ko habang naglalakad kami papuntang park. May hawak akong bata sa magkabila kong kamay at may isa na nakasabit yung kamay sa bulsa ng jeans ko. Eew. Parang losyang. Pero okay lang naman. Aba, mahirap na at baka mamaya kung mapaano pa ang mga ‘to. Konsensya ko pa yun.
Marami ng tao nung dumating kami sa Arndt Park. Ang cu-cute ng mga bata na naglalaro doon sa playground. Sina Zac at Anthony eh nagpunta agad doon sa slides at si Jamie naman doon sa monkey bars.Umupo lang ako doon sa swing na malapit din sa kanila para nababantayan ko sila habang naglalaro ako.
Pinagmamasdan ko yung mga bata doon. There was a little girl on the slides and her mom was waiting for her at the other end. And then, they would hug each other everytime they meet up. Napangiti ako nung nakita ko yun. Ang sarap siguro ng feeling nun no? Ako kasi, I’ve never experienced that. I grew up without a mother, literally.
I kept on watching the kids pero napatigil ako nung biglang nadapa si Zac. Tumayo lang agad sya at nagsmile lang sa akin. So malamang okay lang sya di ba?
Sitting pretty pa rin ako ng biglang nagdilim yung paningin ko. Sino naman itong nagtatakip ng mga mata ko?
“Who are you? Get o--” Inalis na nya sa pagkakahawak sa mata ko yung mga kamay nya before I finished talking.
“What are you doing here?” ay! Si Ziggy pala.
“Babysitting.” Tiningnan ko yung mga anak-anakan ko.Gosh.
Nagsasakalan na yung dalawang kambal.
“Hold on.”
“Stop that twins!” pilit ko silang pinaghiwalay nun.
“What’s going on?”
“Can you come with me to that ginormous slide?” Kaya naman pala nagpapasama. Medyo mataas kasi para sa age nila. Hmm..ginormous? is that even a word?
“No! She’s coming with me.” Sagot naman ni Anthony.
“with me!” And Zac started yelling.
“not with you. Me!” So Anthony started to cry.
Oh my!
Pinag-aagawan na nila akong dalawa. Yung isa eh hinihigit yung sweater ko habang yung isa naman eh hinahatak yung kamay ko.
“Fine,I’ll ride with you two.” Sinamahan ko na nga sila doon sa mas malaking slide. Si Ziggy naman eh sumunod din.
And then...slide.
Nang nag-slide kami eh tumahan na sa pag-iyak si Anthony at naging happy na yung mood nya. Hayy, salamat naman.
Nakakahiya naman itong ginagawa ko. Ang laki-laki ko na para sa ganitong klaseng laro. Mukha siguro akong tanga na pilit pinagkakasya ang sarili doon sa maliit na slide.
Umarte akong napapagod na para matapos na ang kalokohan na ito. After all, pagod na rin naman ako. Swerte naman at na-convince ko yung dalawang kambal kaya naupo na lang kami doon sa bench kung saan nakaupo si Ziggy na tinatawanan ako.
“Fine.Be like that. Laugh at me. I know I look like a retard in there.”
“No. Of course not. I even took a picture.” Mejo tumatawa pa rin sya nun. Nakakaasar naman ‘to. Mukha akong tanga dun eh.
“Give me that.” Inagaw ko yung cell phone nya para idelete ko yung pictures ko. Hindi naman natuloy dahil inagaw nya pabalik.
“You can’t delete this. It’s mine.”
“But it’s my picture. I look funny in there.”
“So what? I like it. It’s cute. You look cute.”
“Yeah right!” sabi ko habang kunyari eh wala na akong pakialam. Nung nakita ko na hindi na mahigpit yung pagkakahawak nya sa cellphone eh bigla kong hinablot sa kamay nya.
Sa kaagaw namin, hindi ko na namalayan yung nangyari. Kinabahan akong bigla.
“Wait..where are the twins?”













bravenet.com