untitled
viviti


-15-



“I dunno.Weren’t they sitting next to you earlier?”    

Inikot ko yung tingin ko sa buong park at walang anino ni Zac at Anthony akong nakita. Waah. Baka mapatay ako ni Mrs. Lawlor pagnagkataon.

Sa katatakbo namin, napadpad kami doon sa malapit na sa kalsada.

“The ice cream truck!”


Biglang nawala yung kaba ko nung nakita ko yung dalawa na inaabutan ng ice cream noong matanda sa loob ng truck.

“How much do I owe you?”

“Oh don’t worry about it. It’s already paid.”
  Sagot nung matanda na nagtitinda ng ice cream.

“Where did they get the money from?”


“Ooh. A laddie paid for it.”  Wow. Ang bait naman.

“Well..thanks.”


Bumili na rin si Ziggy ng ice cream kaya ako eh nagkapag-ice cream na rin dahil sa libre nya. Naupo ulit kami doon sa bench at sinigurado ko na nasa safe place yung dalawang kambal.

“Isn’t that hard to take care of two kids?”


“You mean three kids. I’m taking care of three kids. The other one is there.”
Tinuro ko naman yung monkey bars at relieved naman ako na nandoon pa rin si Jamie.

“Whoa!That’s a lot. Must be hard.”


“Yeah. It’s not that hard. I like little kids but not anymore when they grow up.”


“Me?  Nope. Don’t like kids.”

Napakwento pa ako nun kay Ziggy ng mejo matagal. Pero nung mga 4:30 na eh nagpaalam na ako dahil kailangan kong iuwi yung mga bata sa bahay .

“Bye Alex. See you around.”

The next day was like that too. Hindi ko na naman naabutan yung isang nag-aalaga sa kanila dahil umaalis daw yun ng 1pm sharp. Hindi rin kami nagpunta ng park para maglaro pero namasyal kami doon sa may lake. So far, the kids are in my control.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay eh ang bungad agad sa akin ni mommy eh…

“Oh eto na pala. Bilisan mo magbihis at baka mapanis na yung niluto ko.” 


Huh? Ano naman connection ng bilis sa pagbibihis sa mapapanis na niluluto?


“San po ba tayo pupunta? Anong meron?”


“Sinabi ko sa’yo kanina ah.Ang bata mo pa, makakalimutin ka na. Sabi ko di ba, may party sina Tita Helen mo. Birthday nya at saka welcome party na rin para sa brother nya na galing sa U.S navy.”


 Ahh.Malay ko ba.Sa pagkakaalam ko hindi naman ako makakalimutin.Wala naman akong naaalalang sinabi nya sa akin. Sino nga ba ang makakalimutin? Ako o si mommy?

Hay.Ewan!

Mabilis lang ako natapos magbihis kaya nakaalis kami agad. Yung sinasabi pala ni Mommy na baka daw mapanis eh yung kare-kare na niluto nya. Specialty nya kasi yun eh kaya tuloy ang daming nagrerequest nun kapag may party.

Binati ko naman si Tita Helen ng ‘happy birthday’ noong winelcome nya kami.  Namangha naman ako doon sa bagong bahay nina Tita Helen. !@#$. Ang laki.

“Nice house Tita.”


“Salamat Alex, pero hindi ko bahay ito eh. Wish ko  lang, but this is really my brother’s and his wife’s. Dito lang namin napagkasunduan na mag-celebrate.”


“Mare, nasaan na ba si Darwin? Ang tagal ko ng hindi nakikita yung kababata ko na yun ah.”

Pinakain muna kami ni Tita Helen nun. Maya-maya lang eh may dumating na isang lalaki na I think is in his 30’s. Nung nakita sya ni Mommy eh napatayo pa si Mommy sa upuan. Yun pala yung Darwin na Tito Darwin ko daw kasi daw kababata niya yun. Halos sabay na silang lumaki. At nung bago pa lang daw dito sa America sina mommy at daddy eh si Tito Darwin daw ang tumulong sa kanila.


“Ito na ba si Alexandra mo? Eh bubwit lang ito noon ng makita ko sa pilipinas eh.”
Bubwit? Ano ako? Si Mickey mouse?

“Oo, ayan nga at dalaga na. Eh yung anak mo? Naku, ang laki na siguro nun at pagkagwapo-gwapo.”

“Si Ervin ba? Ayun, nasa labas
.” Tapos nagpause sya. “Ate  Helen, pakitawag mo nga si Ervin sa labas.”

Parang gustong mabingi ng dalawang tenga ko nun. Tama ba yung narinig ko? Ervin daw? Could it be that Ervin I know? Nah…hindi naman siguro. Baka kapangalan lang.

Hindi rin nagtagal eh may dumating na isang lalaki doon sa area namin. Kung kanina eh gusto kong mabingi, ngayon naman gusto kong mabulag. Totoo ba itong nakikita ko?
“Ito na ang binata ko.” Sabi ni tito Darwin sabay akbay sa kanya.

Si mommy nga eh na-excite at biglang napa-hug doon sa anak ni Tito Darwin. Parang kailan lang daw eh munting sanggol tapos ngayon…

“Man! You’re so big now.”
Ginulo-gulo pa nya yung buhok. “And handsome.  ” Nag-nod pa nun si mommy habnag nagsasalita sya.  Yung kausap naman nya eh pangiti-ngiti lang na nahihiya na ewan.

Ipinakilala ni Tito Darwin si Mommy, si Daddy, at si Kelly sa anak nya, Pero pagdating sa akin..

“Son, she’s your tita Ellaine’s eldest daughter- -“
Hindi pa natatapos si Tito Darwin eh nagsalita na sya agad.

“and her name is Alex. We know each other.”
Sabi nya sa daddy nya.

“You do?”
tanong sa akin ni mommy.

“Yeah. We’re classmates.”   
  Nakita pa nga natin sya sa mall dati.

Natuwa sina Tito Darwin na malaman yun. Ako naman eh naguluhan. Ang sabi kasi ni Michelle Mexican daw si Ervin. Tinanong ko naman si Mommy kung anong lahi ng mother nya at ang sabi naman nya eh  Filipino rin daw. So paano nangyaring Mexican sya? Ano sya? Adopted?

Inilabas ni Tito Darwin yung Magic sing nila at nagsimula silang magkantahan. Nauna eh si Tito Darwin,sumunod eh si mommy. Ang swerte nga nung nanay ko at nabiyayaan ng magandang boses galing sa itaas. At yun naman ang hindi ko nakuha sa kanya.
Ako kasi average lang. hindi naman masama ang boses at hindi rin naman sobrang ganda. Pero may mga nagsasabing ang lambing daw ng boses ko.

Weh? Maniwala.

Umupo lang ako sa couch doon sa side at nanonood na lang. Hindi ko feel na kumanta lalo pa at kagagaling ko lang sa pag-babysit. Naboring naman na ako noong yung mga pinagkakanta nila eh mga songs na nag-exist nung mga panahon na hindi pa ako pinapanganak. Kung makikisali naman ako doon sa usapan ng mga lola eh di bale na lang. Kung doon naman sa conversation nina Kelly eh tiyak na mabwibiwisit lang ako.

After ko mag-yawn, dun ko naramdaman yung pagod ko. Mag-11 pm na rin pala. Hindi ko alam kung anong oras balak umuwi nina mommy. Mukha kasing nagkakasiyahan pa sila. Si daddy naman eh mukhang mainit ang laban doon sa poker.

“Ma, inaantok na ako.Uwi na kaya tayo.”

“Hwag muna Alex, mamaya na lang. Kung gusto muna magpahinga, matulog ka muna dyan sa isang kwarto sa taas. Bahala ka na. Kahit saan naman pwede.Feel at home.”


Umakyat na ako sa taas nun. Dun na lang ako pumasok sa unang pinto malapit sa stairs. Nanlalambot na ako nun kaya pagpasok ko eh diretso higa na ako sa kama na basta na lang.

Then Zzzzzz…

Nagulat na lang ako nung paggising ko eh nakahiga ako ng maayos at naka-blanket pa…




 

 





“AHHHHHHHH!!!!!!!!!!”





Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com