-19-
Hindi ko alam kung sinasadya ba ito o ano..bakit ba palaging napapatapat ako kay Ervin?
Binuklat ko agad yung assignment notebook ko pag-uwi ko ng bahay. Nyay!
l.a./lit – book report, verbs worksheet
math – pg.15, 17-25
science- calculate density
social studies- the 13 col. Crossword puzzle
art – grid drawing
Anak ng tokwa. P.E. na lang ang kulang ah! Baka naman mamaya meron din. Nagpahinga lang ako ng kaunti at pagkatapos eh cinareer na ang paggagawa ng homework.
Gosh, nakaka-stress talaga kapag Wednesday.
Naabutan pa ako ni Mommy na naggagawa ng homework which tells me na late na talaga. Kasi 12 midnight sa umuuwi ng bahay galing sa work.
“Anak, late ka na yata ngayon ah.”
“May meeting kasi kanina tungkol po sa Culture day. Ayun, mejo nagtagal kaya ito ako ngayon.”
“Ahh. Kamusta pala yung Natutulog ba ang Diyos? Ysabella? At saka kapalit?” naku, lumalabas ang pagka-TFC addict ng nanay ko.
“Hindi ko po alam. Panoorin nyo na lang po. I taped it naman.”
***
“Ano ka ba? Ang dali-dali ng tinikling. Mas mahirap pa yang harlem ana ginagawa mo.”
Umagang-umaga eh tinatapik-tapik ni Mommy yung mukha ko at ginigising ako. Nanaginip daw kasi ako.
“Ano ba yang sinasabi mo? Mukhang nagsasayaw ka dyan sa panaginip mo ah.” Tinawanan lang ako at lumabas na rin sa kwarto ko.
Pati sa panaginip ko ba naman kasama sya?
Nakita ko naman si Ziggy doon sa may entrance ng school kaya naman sabay na kami pumasok. Ang awkward nga eh. Ikaw ba naman ang maglakad sa hallway habang yung mga tao eh tahimik na nakaupo sa tapat ng locker nila habang nanonood sa mga taong dumadaan. At kasabay mo lang naman ang ‘the jock’ ng Lincolnwood Middle School, hindi ka ba maiilang? It’s like walking down the aisle. 
“Don’t forget tomorrow’s game, Alex.”
“I won’t.” sabi ko naman sa kanya habang naglalakad pa rin kami.
Nagulat naman ako nang may mabigat na pumalo sa right shoulder ko.
“How’s it going here people?” umakbay sya sa aming dalawa ni Ziggy at nakisabay maglakad.
“Good. I asked her to come to my first game this season.”
Nag-smile naman si Brandy.
“Yeah Ziggy! Work it.” Tinapik nya sa balikat si Ziggy at pagkatapos eh sa akin naman tumingin.
“So Alex, what are you doing for the Culture Day?”
“Miss Peralta said we’re gonna do the Bamboo Dance and ..I don’t know. We’ll see.”
“Oh cool. Who are you dancing with?”
“Ervin.”
“Ohh. Ervin.He’s….wait. you meant Ervin? As in Ervin Jyles Zepeda?” Aba, ngayon ko lang narinig yung ‘Jyles’ ah. May middle name pa pala sya. Nice huh.
“I think so.” Sagot ko naman sa kanya. OA naman yata maka-react yun. After that eh hindi na sya nag-react. Naghiwa-hiwalay na kasi kami nun dahil sa taas yung locker nya. Kami ni Ziggy eh dito lang sa malapit.
***
First period class namin eh natuwa ako sa pagkagulat. Pagpasok ko kasi sa gym eh may substitute teacher doon. Yes! Wala si Miss Metz. Wala ang bruha.
Dahil football unit nga at hindi naman kami pwede maglaro sa field dahil wala si Miss Metz ay doon lang kami pinag-stay sa gym. Pinapili kami kung ano daw ang gusto namin laruin. Dodgeball at Matball na naman ang pinagpilian. Pero this time, majority wins kaya matball.
Simpleng laro lang sya. May dalawang team na maglalaban. Yung isang team eh nakakalat sa kunyaring field at yung isa naman eh naka-line up against the wall habang naghihintay ng turn para maka-kick ng bola. You kick the ball and then you run. There are three bases. Kailangan makarating ka sa bawat base (which are the mats) na hindi ka na-tatag ng kabilang team. Gets?
Teka nga, ito oh.
http://en.wikipedia.org/wiki/Matball
Yung class namin unang napasalang. Nag-rock-paper-scissors kasi at nanalo si Ziggy kaya ayun, kami ang unang titira. . Yung mga boys eh parati namang excited sa mga larong ganito as in they’re really competitive. Kaya naman sila ang nangunguna sa pila. So us, girls’ job is to go between two boys. May boy-girl order pa kasing nalalaman eh.
“Come on girls, hurry up.” Ayan, nainip na yata si mr.sungit. Ang bagal daw kasi namin pumila. Eh syempre namimili pa ako ng spot noh. Ayoko yatang mauna sa pila. That’s the last thing on my mind everytime I’m in gym class.
“Alex, there’s an empty spot here.”tinawag ako nun ni Ziggy para doon sa spot na nasa likod nya. Okay sana eh, nasa likod ko nga lang si Ervin. Pero ayos na rin naman siguro kaysa kung sinong mabaho or tarantado lang.
Nagsimula na yung game nun. Ang intense nga! Wala pang naa-out. Grabe silang sumipa. As in lumulutang talaga sa ere yung bola. Parang hindi ko yata kaya yun ah. Boy-girl order nga di ba? So it’s either si Ziggy or Ervin yung makakasabay ko. It turned out na si Ziggy naman but it’s my turn to kick.
“Michelle, you wanna switch?” Gusto ko makipagpalit nun dahil ayoko sana sumipa ng bola. 99% chance na sasala yung sipa ko. Nakakahiya yun pagnagkataon.
“I don’t wanna go and kick the ball.”
“Just go Alex. You’re gonna have to go eventually.” Hmm..bakit ba pinakikialaman ako nito?
“Come on, you can do it.” Nag-slight tap pa sya sa balikat ko habang naka-smile.
Anong nakain nito?
Kinakabahan pa ako nun sa pag-sipa ng bola. Feeling ko talaga hindi ko sya masisipa. Pero bigla ko naman naisip na baka psychological lang ‘to. So inisip ko na I can do it. At nakaya ko nga! YES!Lumutang sa ere yung bola. Ang galing mo, Alex! 
Takbo kami ni Ziggy nun. Takbo ng mabilis papunta sa first base kaya lang si Ziggy eh nagdire-diretso papuntang second base ng hindi na-tag ng kabilang team. Ako naiwan sa first base. Di ako pwedeng tumakbo dahil hawak ng kabilang team ang bola.
Then it was Ervin and Michelle’s turn. Michelle was able to kick the ball pero mahina lang compared dun sa akin. I had no choice but to run dahil dumadami na ang tao sa first base. Bawal kasi ang more than four.
Nung tumakbo na ako, nasalo ng kabilang team yung bola and the guy was aiming for me. Alam kong kahit anong iwas ako tatamaan talaga nya ako and it’s gonna hurt as hell. Pumikit lang ako nun nung alam kong binato na nya yung bola.
Then I heard a “BOOOOOG!”
Hindi ako ang nasaktan. It turned out Ervin caught up to me and covered me.
“Run Alex. Run home fast!!!” yun yung sinabi nya sa akin kaya I ran as fast as I could. Ang bilis masyado ng pangyayari.The next thing I know, I made a homerun.
Isang himala.
“Nunez, an A+ for you. I’ll let Metz know about this.”
Well what can I say?
WOW!













bravenet.com