untitled
viviti
“Umm..Hi.” nagpause sya saglit at parang nag-isip. “I’ve seen you somewhere…Aren’t you the girl from Walmart who lost her
sister?”

-2-

AAAAHHHH!! Lumilindol. Yumayanig ako!

“Alexandra!! Gising na.Alas-7 na.”
ay sus. Si Mommy lang pala. Akala ko naman may earthquake na dito sa lugar namin.

Bumangon na ako nun at naghanda na dahil within 1 hour, magsisimula na ang ‘first day of school of 8th grade.’ Nakakakaba rin ha.Hindi ko alam kong sino mismo ang magiging mga kaklase ko. Bacon and egg ang breakfast namin at syempre kapartner ang walang kamatayang  kanin. 

“Good Morning Ate.” Mukhang bruhang sabog-sabog ang buhok ni Kelly habang bumababa sya sa hagdan.

“Ok, you eat now. Dad’s coming in 5 minutes. I’m gonna drop ate to school.”


Magbreakfast pa lang sya, ako e papasok na sa school. School starts at 8am and ends at 3pm for me. For Kelly, it starts at 9am and ends at 3:30pm. Magkaiba dahil sya ay elementary at doon sya sa Devonshire Elementary School at ako naman ay sa Lincolnwood Middle School.

Hindi ako sumasakay ng school bus dahil ayaw ni Daddy. Marami daw kasing bullies at delikado daw. Hmm.Ewan ko ba.So eto, hinahatid ako ni mommy sa school. Hindi naman yung hatid na as in sasamahan nya ako sa loob,  hanggang sa sasakyan lang sya syempre. Hindi ko naman feel na ihatid pa nya ako hanggang sa locker ko no. That’s impossible coz first of all I do not have a locker yet.  They assign us our lockers during homeroom and speaking of homeroom….where is my homeroom?  Teka, let me check. It’s in my schedule.

Oh shoot!


“Ma, nasa iyo po yung schedule ko di ba?”

“Schedule? Di ba ngayon pa lang ibibigay yun sa inyo?”


“ Dapat kinuha nyo na po nung ni-enroll nyo ako.”

“Sabi ko sayo dapat sumama ka.  Malay ko ba eh wala rin akong alam. For your information, panganay kita kaya hindi ko rin alam no.”


 Patay na! Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naalala ko tuloy yung kwento ni Kelly na inenroll sya ni Mommy sa isang high school for kindergarden.

Anyway….

“Hayy..di bale po. Punta na lang ako sa office.”

Pagdating ko sa school ay marami ng tao.Maaga kasi yung mga nagbabus. 7:30 pa lang ay nandito na ang mga yan. Kaya yan, kumpol kumpol na naman sila dito sa harap ng school. At nagdadaldalan sila at nagyayakapan. Namiss yata nila ang isa’t-isa. Nyaysus. Hindi naman nagbago ang pagmumukha ng mga yan.Hindi kasi agad kami pinapapasok hanggang hindi nagriring yung 8o’clock bell. So wala silang choice kundi ang maghintay sa labas maliban na lang kung bumabagyo or nagssnow. Dahil  mga 7:55 na ako dumating e nagring na agad yung bell. Nakakasar nga dahil siksikan papasok., naapak-apakan tuloy yung bago kong shoes.  Kainis talaga ang mga yun.It’s not like they’re never gonna get in.

As soon as I got in, nagpunta ako agad sa office para hingin yung schedule ko.Marami-rami rin nga ang tao dun dahil sa mga lost 6th graders. Naliligaw pa sila dahil bago sila dito sa school. So this is kinda embarrassing.  Baka isipin nila, 8th grade na ako e nawawala pa rin ako.  Habang papunta nga ako doon ay may nakasabay akong lalaki. Akala ko nga e ipagbubukas na nya ako ng pinto dahil naghintay sya doon saglit. Pero nung malapit na ako bigla naman syang umalis kaya yun, nauntog na naman ako sa pinto. Wala na bang natitirang gentleman dito sa mundo?

“Umm...hi.I need my schedule coz my mom forgot to get it on the day of enrollment.” Sabi ko doon sa secretary kasi tumingin na sya sa akin kahit may  inaabot pa sya na papel doon sa lalaki.Dun ko lang talaga nakita ang mukha nya.

“Thank You Ms.Hartford.” Omygosh! That’s the guy from Walmart. I wonder if he remembers me. So I tried to say ..

“Hi.”  And then he was like..

“Umm..Hi.” nagpause sya saglit at parang nag-isip. “I’ve seen you somewhere…Aren’t you the girl from Walmart who lost her
sister?”


“Err.Yeah.”see,naalala ng ako! Remarkable talaga yung beauty ko eh!

“This is cool. We even go to the same school.”todo ngiti pa naman itong si..si..

“What’s your name?”

“Ziggy.”

“What’s your name,honey?” sumingit naman si Ms.Secretary.

“Alexandra Nunez.”  Known as Alexandra lang ako. Hindi nila alam yung isang Ysabelle kasi first names lang ang ginagamit nila. Kaasar nga e. Gusto ko pa naman yung middle name ko.

“So Alexandra is your name?”

“Yup.Or Alex for short.”

“Oh ok. Nice meeting you. See ya.” Medyo nagwave lang sya at lumabas na rin sa office.

In no time, nakuha ko rin yung schedule ko.

Homeroom – Mr.Kanter – Room 3

Uy! Sa Art Room.Dali-dali akong bumaba ng hagdanan. Nasa groundfloor kasi yun or the so-called basement. Kung gaano ako kabilis maglakad pababa ng stairs, nagslow motion naman nung malapit na ako sa pinto at bigla akong kinabahan. Nakakainis nga e. I was holding the door knob but I couldn’t turn it.

Sa totoo lang ayoko naman talagang pumasok. Kasi nakita ko pa lang yug schedule ko, alam ko na na sa accelerated classes nga ako napunta.Inalis nila ako sa ELL- English Language Learners. Hmpf.Dapat lang no! Hindi ko naman na kailangan magdaan pa doon. Ayan tuloy, parang newbie na naman ako sa mundo nila.

“What are you waiting for? Can’t you open the door?”

Biglang sumulpot ang lalaking ito out of nowhere. Ano ba naman! I’m having my ‘kaba moment’ e. Panira ito.  Angry Roll Eyes

Tiningnan na lang nya ako at pagkatapos dahan-dahan na inalis yung kamay ko sa door knob at sya na mismo ang nagbukas ng pinto. Wow! Gentleman.

Pero yun ang akala ko, napataas yung kilay ko nung sya lang ang pumasok at talagang sinarado nya ulit yung pinto. What a dork! Sayang talaga ang mga dazzling species of man na ito. Dahil noong nagsabog si God ng pagkagentleman ay nasa period of hibernation yata sila. Kaya wala tuloy nasambot. Tsk.Tsk.Tsk. Kawawa naman.


Binuksan ko na rin yung pinto dahil wala naman akong balak magstay sa labas lang. Pagpasok ko nga, feeling ko nakatingin silang lahat sa akin. Pero feeling ko lang naman yun. Maybe they were staring at me. Maybe not. Hindi ko na pinansin dahil diretso lang ang tingin ko. 

“Hi. I’m hoping you are Ms.Alexandra Nunez?” nagsalita agad yung teacher. Si Mr.Kanter. Ako na lang ba ang wala?

“Actually it’s Alexandra Nu-nyez.” Ang hirap talaga ng last name ko. Parati na lang noo-nez ang sinasabi. E sinabi na ngang Nu-nyez. Dapat kasi nasa standard keyboard na yung ‘n’ na may guhit sa taas e.

“Oh. So  you have that squiggly line above the ‘n’ ” oh yun. Squiggly line pala ang tawag dun. Tumango lang ako nun at naglook around. Hmmm..saan kaya makaupo?

“You may find your name somewhere in there. You have assigned seats.” Ganun?

Hinanap ko naman ang desk kung saan nakaukit ang aking napakagandang pangalan. Hmmm..Joke lang. Hindi sya nakaukit. Pero may isang sheet sa desk  which happened to be our schedules.Madali ko naman nahanap yung seat ko kasi there was only one chair left na walang nakaupo. So ayun agad ang nilapitan ko. And hooray! It was mine.


Kung ako ang tatanungin, ayoko ng may assigned seats dahil madalas ay hindi ako at ease sa mga katabi ko. Pero mas ayos na ito kaysa naman sa mawalan ako ng seat or kung meron man,I’m pretty sure na yung mga super duper geeky na ang mkakatabi mo. Kaya pagtitiyagaan ko na itong si Eric ang katabi ko. He’s African-American. So kape at gatas kami. Ay! Ang sama ko. Kahit gangster sya e ayos na rin siguro kaysa doon kay Christian na naglalaway pa. Maya-maya eh may nagsalita na boses galing sa intercom.

“Good morning Lincolnwood. Please rise for the pledge. I pledge allegiance to the flag of the United States of America and to the republic for which it stands, one nation, under God, indivisible with liberty and justice for all.” Ayan ang ‘panatang makabayan’ ng Amerika. Ang iksi compared sa pinas no?

Nasa homeroom ko din nga pala si Ziggy na kanina pang nagpapapansin. Ang ingay pala ng lalaking iyon. Sa harapan ko nga nakaupo e. At syempre nandun din yung lalaki na pinagsaraduhan ako ng pinto kanina na nasa bandang likod. Opposite naman ni Ziggy si Ervin. (I just heard Eric call him.) Base sa matinding calculation ko e hindi maingay na tao itong si Ervin.  Lahat kasi kami ay pinagpakilala isa-isa at pinagkwento ng something about the summer. Everyone has fun stories. Mine was when we went to Wisconsin and Indiana. Mga neighboring states ng Illinois. Si Ervin naman, ayaw pang magkwento ng kusa kundi sya tatanungin ng teacher. He went to vacation in his dad’s beach resort in Mexico daw. Sosyal! Kaya lang yun lang ang sinabi e. Walang details. Ayos naman ang mga tao sa homeroom. But I have no idea kung sinu-sino ba sa kanila ang magiging mga classmates ko sa kanila.

Anyway, after that, binigyan naman na kami ng lockers.  Yung napatapat naman sa akin eh yung number 66. Good spot  na rin dahil nasa middle floor kaya malapit sa kahit saan. Yung nasa right naman ay kay Ambar, Ziggy, Ervin and then hindi ko na alam. Tapos punta na kami sa classes namin. Paulit-ulit lang naman ang nagyari. Magpapakilala kung saan para akong sirang plaka kakaexplain ng last name ko. Tapos copy ng recquirements then rules. Hanggang 9th period e ganun ang drama namin.Thank God at half day ngayon. Hehe. Galing no? Saan kayo nakakita ng first day of school na half-day?  Cheesy

Nagbye naman ako sa mga taong malapit yung locker sa akin.

“Bye Buddy.” Si Ambar yan.(pronounced as Amber) Hindi pa naman kami masyadong close pero ‘buddy’ ang tawag sa akin. Kanina pa nga sya e. I guess I’m gonna have a new friend.

“Later Alex.”

At si Ervin, eh tumingin lang at walang sinabi. Hmpf! May pagkamasungit din ito. Buti na lang kamo, gwapo.







Toink!









Sabay ganun eh no?



Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com