-20-
That was something I did not expect from Ervin. I mean..what was that for?Tinanong ko lang sya kung masakit ba yung tama ng bola kaya lang ini-snob na naman ako. May pagka-krung-krung din eh noh?
Nanahimik ako dun na nagdradrawing nung bagong inasign na project sa amin sa Art. Pahirapan na naman ‘to. Nung nagsabog kasi si Lord ng talent sa pag-drawing eh nakapayong ako. But thanks na rin dahil nakakasurvive ako sa Art Class kahit paano.Kinulit naman ako ni Ziggy noong nasa art class kami at tumabi pa sa akin.
“What do you call that language again? Tala- - ”
“TAGALOG! Ta-ga-log.”
“Yeah that. Ta- whatever. How do you say Ziggy in your language?” saan naman nya nakuha yun?
“Just Ziggy. It’s all the same. Even our letters are the same as English.”
“Cool. So how do you say ‘you’re stupid’?”
“Tanga ka.”
“Tana ka?”
“No. It’s ta-nga. With the ‘ng’ sound. Try saying it again.”
“Ta-na ka.” Napangiti na lang ako nun. This is hopeless.
“Forget it, Ziggy.”
“That’s a good idea. But what about ’What’s you’re name?’”
“Anong pangalan mo.”
“Anon pa-na-lan mow?” waah. Kaloka!
“Close enough.”
Dahil may pagka-madaldal din itong katabi ko eh I didn’t get half of my project done. Pero okay lang din naman dahil first day pa lang namin dito sa Van Gogh . We have a week to work on it naman.
Habang naglalakad ako sa hallway eh hinabol ako ni Michelle at nakisabay.
“Did you tell him yet?” ay shocks! Oo nga pala. Nakalimutann ko na na may pinapasabi nga pala si Michelle kay Ziggy.
“Ohh. I haven’t told him yet. I can’t find the right timing and I keep on forgetting. I’ll write it in my assignment notebook so I won’t forget.”
“Don’t! It’s ok. Just tell him when you get the chance.” Pabulong pa yung pagsabi nya at pagkatapos eh hindi ko na sya nakita dahil nagkasiksikan na sa hallway.
“Alexandra, kailangan mong maalala na sabihin kay Ziggy yung tungkol kay Michelle. Don’t forget. Don’t for-” napatigil naman ako nung naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Yung tingin nya eh yung tingin na parang freaked out.
“Who are you talking to?”
“Um..myself.”
“You’re weird, you know that? What planet are you from?”
“Same planet you were from.”
“Oh really?” sarcastic pa yung tone ng voice nya.
“Really. So what’s up Weirdo?” sabi ko naman habang nakangiti pa. Parang ang sarap asarin nito ah. Nung tiningnan ko sya, napatawa sya ng kaunti. Akalain nyo yun? Napatawa ko si Zepeda? Uso na talaga ang himala ngayon. Akala ko ba sabi ni Nora Aunor eh ‘Walang himala!!!’

“Hey are you listening?” hinawakan nya ako sa braso kaya napatigil ako sa paglalakad. Ano nga ulit yung sinabi nya?
“Huh? What? Say it again.”
“Nothing. Just go to the dance room afterschool. We’ll practice.” Nainis na yata kaya umalis na rin pagkatapos nyang sabihin yun.
Palpak ka Alex.Paano na lang kung importante pala yung sinabi nya. Eh di hindi mo narinig?!
After ng 5th period, na-stranded ako papuntang cafeteria.Hindi ako agad nakapagbukas ng locker dahil ang daming tao na nakapaligid doon sa locker ni Ervin. I don’t care if they admire Ervin so much na parang nilalandi na sya. Sana lang alam nila na hindi sila ang may-ari ng hallway no. There’s someone here that is starving and needs to open her locker so she could put her stuff away and eat lunch.
Nakasabay ko naman ng lunch si Gabby dahil late na rin sya nakarating sa caf. Pareho nga kaming nasa end of the line eh.
“I am so hungry.”
“My stomach has been growling since Math.” Natatawa na nga si Joby kanina dahil tumutunog daw yung tiyan ko. Nararamdaman nya daw yung vibration.
“Speaking of Math, who do you have for L.A?” natawa naman ako dun.Comedienne din itong si Gabby eh. Speaking of math daw tapos biglang l.a pala.
“Addante. Why?” na-excite yung facial expression ni Gabriella nung sinabi ko yun.
“Addante? second period? Room two-hundred something?”
“Yep!” sabi ko naman habang tumatango pa. Si Gabriella naman eh nagtatatalon na sa tuwa.
“I’m going to be in your l.a class starting some time next week. They moved me there for some reason. Ervin is in that class too, isn’t he?”
“A-huh. I told you. He’s in every class I am in except in Spanish.” Ngumiti lang sya doon sa sinabi ko.
“Oh yeah! But I am just so happy we’re gonna be in a class together.” We as in sya at ako or We as in sya at si Ervin? Malamang si Ervin siguro. Sila yung mag-syota eh. Duh?!
Parang may kung anong mabigat sa dibdib ang naramdaman ko nung sinabi ni Gabby yun.
“Alex naman, para yun lang!”
Sa socstud pala, I had a blonde moment na naman. Blonde as in stupid. May mga nakasulat kasi doon sa board na kung ano. Akala ko naman wala lang kaya sitting pretty lang ako. Tas nung five minutes na lang ang natitira bago mag-ring yung bell eh biglang nagsalita yung teacher na…
“Make sure you write down the notes before you leave because those won’t be there tomorrow.”
Napataas na lang yung kilay ko eh. Naku! Gusto kong batukan yung teacher namin. Bakit kasi hindi agad sinabi. Kaya tuloy nag-bell na eh nandoon pa rin ako sa room at nagsusulat.
“You want to have some ice cream after that?” nakahawak sya doon sa desk na sinusulatan ko.
“Sorry I can’t. I have dance practice.” Tumingin ako nun sa kanya.
Sinabi ko na next time na lang siguro dahil may usapan nga kami ni Ervin. Tinapos ko naman na yung sinusulat ko at umalis na rin.
Dahil wala naman akong balak mag-practice ng sayaw ng hindi comfy yung suot ko eh nagpalit muna ako ng damit sa locker room. Isa pa, rule din naman para sa girls na bawal pumasok sa dance room na naka jeans at may kung anu-anong accessories. Kaya ayun, nagpalit ako into sweat pants saka shirt.
Pagdating ko naman sa dance room eh nandoon na yung ibang kasamahan namin sa team phil. Nandoon na yung choreographer na ini-hire ni Miss Peralta. Nagsimula na sila magssayaw doon.Wala pa si Ervin nun kaya wala na naman akonng partner so sit out muna ako. Saang sulok ng mundo na naman kaya nasuot si Ervin Jyles Zepeda? Kundi lang rin naman sya darating eh sana pala sumama na lang ako kay Ziggy na mag-ice cream.
Mukhang kailangan ko talaga ng pampalamig dahil sa ngayon talaga eh nag-iinit yung ulo ko. I remember nung bata ako, kapag umiiyak ako or nalulungkot my tita, na nagpalaki sa akin would give me ice cream and then solved na problema ko.
Nag-aalisan na yung iba nun kaya ako eh aalis na rin sana. Kaya lang nung naglalakad na ako sa hallway eh biglang dumating si Ervin.
“Where are you going?”
“Home.”
“You can’t!” at kelan pa ako hindi pwedeng umuwi ng bahay namin?
“We still have practice.”
“Not anymore. You’re late. You told me to go to the danceroom afterschool. I waited in there for like almost an hour and you didn’t show up!”
“That’s what I’m doing right now.”
“You said ‘afterschool’. Sabi ko habang naggawa pa ako ng quotation marks sa hangin.
“And the choreographer left already.”
“Right. I said ‘afterschool’.” Ginaya naman nya yung ginawa ko kanina. “This is still afterschool. I told you to come at 4.” Tumingin ako sa cellphone ko para sa time. 4:00 pm nga. “And I don’t care about that choreographer. I told you that earlier too.”
“I didn’t hear you.”
“That’s why you should pay attention and LISTEN to people when they are trying to tell you what time you should meet them at the dance room.” Sabi ko nga eh, hindi ako nakikinig sa kanya kanina.
“whatever.” Sabay talikod na sa kanya at lakad palabas kaya lang may humatak sa akin kaya napaturn ako. Shoot! Eye to eye ang drama.
“Yeah. Whatever.We’ll practice.”
Sunod na lang na nalaman ko, halos nakabaliktad na yung ulo ko at yung likod nya ang nakikita ko.
“What the?? Ervin, put me down!!!” Tama daw bang buhatin ako papuntang dance room?
Wala akong nakita nun maliban doon sa red shirt na suot nya. Alam ko lang na nasa dance room na kami nung binaba na nya ako.
“You’re crazy!” hinampas ko sya sa balikat nun tapos umupo ako sa floor.
Maya-maya lang eh nakigaya rin naman sya. Pawis na pawis ako nun at naiinis at the same time.
“Ugh! Badtrip ka talaga Zepeda! Panira ka ng araw. Hmp! Kung hindi ka lang…hmp nasampal na kita eh.” Naramdaman ko na naman na nakatingin sya sa akin. Alam ko hindi nya naiintindihna yung sinasabi ko eh kaya okay lang na murahin ko sya.
“Tingin-tingin ka dyan! Pasalamat ka gwapo ka.”
Gusto ko mag-disappear nung sumagot sya ng…
“Salamat.”













bravenet.com