untitled
viviti

“Actually, Ervin is good at it. He’s a …soccer player.”

-3-

Yun 2nd day namin ay full-day na. Grrr. 45 minutes tuloy each class. That first week of school turned out okay. Wala pa namang mabibigat na projects na pinaggagawa sa amin but we do get homeworks. Eh yung homework na yun, wala lang. Parang refreshment lang. Tapos sa L.A (Not L.A as in Los Angeles…L.A. as in language arts)  meron lang kaming simple project na ME collage. So yun kung ano-ano ng bagay ang pinaglalagay ko na nagrerepresent sa akin.

“You’re so quiet.” Sabi ng isa kong classmate. Anong gagawin ko? May pagkamahiyain ako sa simula. Tatanga lang ako. Patingin-tingin, walang kausap habang silang lahat eh magkakakilala na lahat. I mean, kilala ko na rin naman ang iba sa kanila dati pero hindi kami yung tipong nag-uusap.

 Napakaswerte ko dahil ang unang-unang class ko is Gym. Nice di ba?Simula pa lang ng araw mo, gulo-gulo na ang buhok mo. Pero hindi lang yun, ayoko kasi ng P.E.. First of all, hindi naman ako athletic. Secondable, nakakahiya kapag namiss mo yung bola or hindi mo nagawa yung dapat mong gawin. Third, terror yung teacher. Tough grader. Hindi naman ako yung tipong lalampa-lampa pero hindi talaga ako athletic. Nagsimula na nga kami ng Soccer unit which was ok because I can always pretend that I’m running for the ball. Kahit na hindi naman. Yun ang technique ko kapag nakatingin yung teacher. Nasa field kami nga kami ngayon. Nakakainis. Basang basa pa yung mga damo so they’re all over my shoes.

“Here Alex, pass the ball.” Sinipa sa akin ni Joby so ang ginawa ko ay sinipa ko yung soccer ball doon sa isang classmate namin na nasa malayo. Nung malayo na ang narating ng bola, they gave me this weird look na parang ‘what-the-hell-did-you-do?’

Yung mukha ni Joby ay parang natatawa na hindi mo malaman kung itutuloy nya ba o hindi. Si Ervin naman nakakunot yung noo.  Waah! Nakakahiya ito!

“What did I do?”

“You were suppose to pass the ball.” Eh?  Baliw yata ito eh. Di ba pinasa ko nga?

“Isn’t that what I just did?” 

“You were suppose to pass the ball…by hand. Like this.” Tapos pinakita nya kung paano ipass yung soccer ball by hand. Nakakainsulto ‘to ah. Mukha bang hindi ko naiintindihan ang ‘pass the ball by hand’? Batukan ko kaya ito?

“Alex,watch.” Then pinasa nya ulit kay Ervin and vice versa.

“Ohhhhhh.” Nyasus. Yun lang pala. Tinawanan naman ako ni Ervin. Hmpf. Ang yabang nito! Akala mo naman ang galing-galing nya.

“Haha. She doesn’t know how to play soccer.”   Sabi nya kay Joby. At ang lokong si Joby naman ay tumawa. Tiningnan ko lang sila and  then I moved around na para maituloy na yung game. Ang yabang ng Ervin na yun! E malay ko bang ginagamit din ang kamay sa soccer e hindi naman ako soccer player! Angry

“So how was your soccer team?” lumapit naman sa akin si Michelle. She’s my so-so friend since last year.

“Bad.” Pinapagpag ko pa yung sapatos ko sa semento. Grabeng makadikit ang mga damo. Parang linta. Kawawa naman yung sapatos ko. Cry

“Why?”

“Because of Ervin. He made fun of me. He said I don’t know how to play soccer. He thinks he’s very good at it! ” asar na asar talaga ako sa lalaking yun kaya si Michelle e natatawa na lang sa hitsura ko.

“Actually, Ervin is good at it. He’s a …soccer player.” What? Oh My God.  Shocked

Pumasok na kami sa girls’ locker room para magpalit ng damit. Syempre, kung ano-anong kaartehan ang makikita nyo  sa loob ng girl’s locker room. Eye shadows, lip glosses, hairbrushes, perfume—you get the picture. Gumagamit lang ako ng mga yun occasionally. Unang-una, dahil ayoko ng maraming tapal sa mukha, pangalawa, it takes time. Pangatlo, masyadong kikay. Pang-apat, itigil na ang kahibangan na ito dahil malelate na ako sa next class ko. E dadaan pa naman ako sa mala-obstacle course na hallway ng school namin.

Fortunately, hindi naman ako na-late sa aking 2nd period class, which is l.a. Parts of Speech ang lesson namin at may 3 worksheet na binigay para sagutan. Syempre, dahil ako si Alex e madali akong natapos. Yay me!  Napag-aralan ko na ang mga yun sa aking lupang sinilangan. Yun nga lang, kapag ikaw ang unang natapos, nasa 99.5% ang chance na mabobore ka.  So wala akong choice kundi ang tumanga at panoorin yung mga classmates ko na magdusa sa pagkadali-dali namang worksheets.

Inikot ko lang yung tingin ko sa loob ng classroom at sa hindi sinasadyang pangyayari ay  nag-land ang aking  beautiful eyes kay ...

Ziggy! Aba at nangongopya ang loko. Ang lakas din ng trip eh no? Kung iniisip nyo kung anong hitsura ni Ziggy..umm..well..just think of Jesse McCartney. Ayun, ganun yung aura ng kanyang face. Ang cute di ba?

Next roll…

Joby Joy. Nyikes. Ang lupet  ng last name no? Panghugas ng pinggan. Si Joby ay isang pana. Ano yung pana?!? Hehehe. Pinoy slang for the word Indian. Wag mo ko tanungin kung saan galing yun at Nadatnan ko nay un dito sa Amerika . Anyway, so si Joby, ang kaisa-isang pana na kilala ko na hindi mabaho. Not to be mean to Indians ha, but they seriously smell horrible. Have you ever smelled a rotten garlic? A dead mouse? A horse that hasn’t taken a shower for months?

I have. It’s deadly.

Si Pat naman, hay naku 6 footer daw yan. Kaya nga pagkatabi ko e parang nakatayo ako sa harapan ng Sears Tower. Cute sana e,kaya lang ang haba ng buhok. I think he’ll look better kung magpagupit sya. Magmumukhang neat ba. (Hay, pakialaman daw ba?)
 
Sunod kong nakita e si Ervin Zepeda. (Ze-pay-duh) Well..hell. Sabi ni Michelle eh half Mexican half American daw yun. E kaya naman pala ganun na lang eh.  Ganun na lang
kagwapo. Nakakapanghina.

Hayyy…may magkamali kaya sa akin sa isa sa mga ito? 

Wooh! Lakas kong mangarap no? Hoy Alexandra Ysabelle, magtigil ka nga. 2nd week of school pa lang kung anu-ano na agad ang iniisip mo.

Diyos Mi Oh!

***

Yung ibang friends ko from last year, they changed so much na hindi ko na sila makilala.  As in like ‘what’s up !@#$?’ and all those bling-bling.   I can’t stand those things. So I found new people to hang out with. Kasama ko sa lunch table sina Domika. She’s Polish and she’s really nice. Problema ko nga lang jan ay medyo mahilig sya sa word na ‘f***’Pero it doesn’t mean anything to her. Kumabaga e natatak na sa vocabulary nya ang salita na yun.

“Oh my gosh. I got so much !@#$ homework from Mrs. Skonicki. That evil  !@#$ witch.” O kita nyo na?  Buti na nga lang hindi ko kaklase yan kundi nahawa na siguro ako. Mas matalino kasi yan kaysa sa akin kaya nasa higher level sya.

“So how is it being in the regular classes? ” sabi nya tapos kumagat sya doon sa pizza nya.

“It’s ok.” Ako naman e  busy at kumakain na rin  ng cheeseburger.

“Any hot guys? Wait..Who are the guys in your classes?”

“Umm..Sean, Kenny,Pat,Ziggy,Joby,Kush,Ervin… ” sino pa nga ba? “ Yeah. Them and more.”

“Ugh. Good luck with that. Having Ziggy, Pat and Joby in your classes is dreadful. Trust me, I had them last year. It was crazy but they’re fun though. Ziggy’s cute and I love his hair. And Ervin is nice but he’s a snob sometimes.” Tapos uminom naman sya ng milk.
 
“Isn’t he hot?” napangiti lang naman ako dun sa sinabi nya. Ibig sabihin pala normal ako. Ayos din pala ang taste ko.

Ngayon na nga pala ang simula ng signing up chuva para sa mga clubs. Ang daming clubs na pwedeng salihan sa school. Nahihirapan na nga akong mamili eh. Pero may alam ako na siguradong hindi ko sasalihan kahit anong mangyari. There’s no way para mapasali mo ako sa kahit anong sports club.Last year, noong 7th grade, wala naman akong sinalihan na club. Bago pa lang kasi ako nun kaya nahihiya pa ako sa mga tao. Yun na rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin ako masyadong kilala ng mga tao dito sa school.

Pagkatapos kong makapag-isip-isip eh nagsign up na ako doon sa mga napili ko. First choice ko ang Yerbook Club. Sabi kasi nung friend ko na 8th grade dati ay ayos daw yun kasi you get to design the yearbook.  Nagkataon naman na mahilig ako sa mga ganung bagay so feeling ko e swak na swak ako doon. Second Choice ko naman ang Spanish Club. Last week pa nagsimula yun pero ngayon lang ako magsasaign up. At saka naghahanap rin naman sila ng bagong members.Dahil nga bago lang ako dito e nasa Spanish I pa lang ako. First Level ng Spanish. Alam kong matutullungan nila ako doon para mas mabilis akong matuto. Alam nyo na, 2nd language ng U.S. ang Spanish kaya mas maganda kung alam ko rin yun .Third choice ko naman ang Newspaper Club. Ano pa bang gagawin doon? E di gumawa ng newspaper. Hindi naman daw mahirap ang trabaho. Magsasign up pa sana ako para sa Scrabble Club kasi parang gusto ko maglaro. Kaya lang nung magsasaign up na ako biglang pinigilan ako ni Michelle.

“You know you can only join 3 clubs right?” okay. Sabi ko nga eh. 3 clubs lang.

Sa Social Studies naman, nabored ako ng sobra. Nakakaantok kasi kung magsalita yung teacher namin. Kaya nga, ganun na lang ang pagkagulat ko ng tumunog yung fire alarm. Waaaah!! May sunog?

JOKE! Walang pong sunog. Fire drill lang. We have to do this ten times a year.  Lalabas kami sa pinakamalapit na exit ng tahimik at maayos. Parang walang point naman ito eh. Imagine, kung may totoong sunog, maiiwas mo ba ang hindi magpanic at lumabas ng tahimik at maayos?  Ang bagal kaya nilang kumilos. Bago pa kami makalabas lahat dito eh three-fourths na ang tostado.

Pagnakarating ka naman sa labas, doon ka naman pupunta sa line mo. Bawat homeroom ay may kanya kanyang line. Kami eh line # 3. Hindi ko pa nga makita agad. Buti na lang tinawag ako ni Ziggy. Remember same homeroom kami? DAhil dun sa pagtawag nya sa akin na yun, nasita sya ni Mr.Kanter. Bawal nga daw kasing magsalita ang students. Muntik pa tuloy syang mabigyan ng detention.

First time of this year ko nakita kung gaano karami ang students ng Lincolnwood Middle School. Siguro mga 1000+ kami lahat-lahat. Pero hindi ko naman maramdaman na ang dami namin. Hindi kasi tulad sa mga public schools sa pilipinas na parang wala ng space para sa mga students. Dito, hindi nagkukulang ng classrooms. Hindi kailangan maki-share ng books at hindi sira-sira ang facilities.

Sinundo naman ako ni Daddy sa school at pagkatapos e nagpatulong sya sa akin na maglinis  sa harapan ng bahay namin. Akalain nyong ako daw ang pagamitin ng lawn mower.

“Ano ba naman kayo mga damo. Pwede bang wag na kayo tumubo? Kung alam nyo lang kung gaano kahirap ang mag-mow. Gawain pa ng lalake ‘to. Mukhang lalaki ba ako? Hindi naman ah.”

“Alex, akala mo naman naririnig ka ng mga yan. Bilisan mo na nga lang. Pagkatapos mo ay dalhin mo yung recycle bin dito.” Ano bay an. Hindi pa tapos itong ginagawa ko eh may kasunod na utos agad.

I swear I hate mowing the lawn. Ang bigat-bigat noong mower.Pero syempre, kahit nakakapagod ito eh kayang-kaya pa rin naman.Kumakanta pa nga ako nun eh.

Ako si Darna, ako ang dyosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi














“Need help with that?” 

Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com