untitled
viviti


-6-

“Sup Alex? Ms.Arnold did a good job putting people together. Right?”

“Sure.” Tumayo naman sya sa tabi ko dahil dapat e magkakatabi yung partners. Sinumulan na namin yung experiment. Sya na yung gumagawa ng mga coins chuva habang ako ay taga-sulat na lang ng mga data at taga-utos kung ano ang gagawin. Yan ang tinatawag na teamwork.  Cheesy

Vocabulary Words naman ang ginawa naming sa Spanish. Binigyan lang naman kami ng isang packet ni Ms.Rosa. Yung Spanish words eh ilalagay ko yung katumbas na English words. Nung una eh sinusubukan kong sagutan ng walang gamit na book. I answered some like mesa,lapis,papel..mga ganun. Pero yung tipong alimento at  árboles, ay hindi ko na kinaya kaya kinalaunan ay gumamit na rin ako ng libro bago pa ako mag-nosebleed.

Sa Social Studies, American History naman ang basehan ng lessons namin.Sometimes, I just get lost in the middle of their freakin’ conversation. Like seriously, how am I suppose to know about George Washington’s wooden dentures?

Si Ervin nakikita  ko pa rin lagi. Maiiwasan ko bang hindi eh bawat class ko ah nandoon sya. Maliban nga lang sa Spanish at Lunch kung minsan. Alam nyo bang sa girls’ bathroom e naririnig kong pinag-uusapan sya ng mga girls.

“I really really like Ervin. He’s sooo hot. You think I shoud ask him out?”

“You can. But don’t blame me if he dumps you, like what he did to me. He said he’s not into girls like  us.”

Na-shock naman ako nun. Si Ervin nangdadump ng mga babae? How rude! Pero ang taray ha. Sya pa ang nilalapitan ng mga girls.  At ito namang mga babae na ito, sila pa ang nag-aask sa guys. I’m not against it or anything but I don’t think it’s right. Lalo na  yung walang ‘ligawan’ effect nila dito. Paano sila nagkakaintindihan sa pamamagitan ng ‘going out’ na yun.

Patakaran talaga ng amerika oh! Di mo maintindihan.

Nagkasabay naman kami ni Ziggy pauwi ng bahay. Naglakad kasi ako ngayon dahil nakalimutan ni Daddy na sunduin ako. Tulog kasi ng tulog eh.

“What’s your phone number? I’m gonna call you sometimes. If it’s ok..”  binigay ko naman nga yung cellphone number ko. Hindi naman ako yung tipo ng tao na para ipinagdadamot ang cell phone number. And besides, Ziggy is a nice guy.

Yung ever dearest sister ko naman e muntik ko nang magawang lechon de leche. Pano naman kasi, tinanggal nya lahat ng gamit nya sa closet nya tapos hindi naman nya pala kayang ibalik ng maayos. And she wanted me to do it for her. Nag-iiyak pa nga ng malakas  so I ended up helping her kahit na marami rin akong homework.

“Ikaw Kelly ha! Hindi ako pinanganak para maging katulong mo. Naku kung hindi lang kita kapatid, kinatay na talaga kita!”

“Thanks ate. I love you.

“I love you my ass.”

Kanina sa gym eh CV day na naman kami.  9 laps nga ang nagtakbo ko at sobrang hiningal ako. Paano naman kasi, sumabay sa akin si Ziggy sa pagtakbo. Kaya ayun, napilitan akong makipagsabayan. Ewan ko nga kung bakit nya ako sinasabayan eh samantalang kasing kupad ako ng pagong. At sya eh well..as fast as a rabbit? Nung naka-nine laps naman na kami, nahirapan na talaga akong habulin yung hininga ko.

“Come on, Alex. Let’s keep running. We gotta do at least five more.” What the heck? Nanlaki ng pagkalaki-laki yung mga mata ko nun. Five more daw? Ineexpect nya ako na tumakbo pa ng five laps? Eh himala na nga itong naka-nine ako. At saka we only have fifteen minutes left. Di ko na kaya yun.

“No. it’s...o…kay. I.. can’t.. run any.. more.”  Hiningal pa rin ako nun. “Just..go..ahead.”
Umupo na ako sa damuhan nun kagaya nung iba na nakarami din ng laps. Pinanood ko na lang yung mga tumatakbo pa rin tulad ni Ziggy. Naisipan kong orasan yung pagtakbo nya. In six minutes and twenty-two seconds, naka four laps na sya which is a mile. And after another minute or two, he finished his 14th lap.

“Good job guys! Ziggy, you made fourteen laps. Eleven for Pat and Joby. And sixteen for you, Ervin.”

Ano bang lahi ng mga ‘to? Kabayo? Bakit ang bibilis tumakbo?

Hindi ko naman maipagkakaila na si Ziggy ay isa sa mga pinaka-athletic na tao na nakilala ko. Kaya naman, ganoon din sya kapopular sa school namin.

“Hi Ziggy.” Binati sya ni Brandy noong isang araw na kasabay ko sya papuntang Science. Nakigaya naman yung mga alagad ni Brandy at nakibati rin.

“Brandy, have you met  Alex?”

“U-uh.”  Umiling naman si Brandy.

“Ok. So Alex this is Brandy. Brandy this is Alex.”

“Hi..” nagsmile naman ako sa kanya. And then she smiled back.

“You know what’s cool? She’s Asian.” Naging serious yung mukha ni brandy.

“You are?” nag-nod naman ako. “Shut up.” Napakunot naman yung mga kilay ko.”Shut up.”

“I didn’t say anything.”

“I looovveee Asians. See you later.” Kung maka-turn naman sya eh parang nagmomodel ng shampoo. May sira ba yun? Shut up daw e ni wala nga akong sinasabi.

The next day eh nagmamadali ako pumunta ng locker ko. Galing ako sa gym class nun at late na kaming nakapasok galing sa field. Syempre kailangan ko pang magpalit kaya natagalan. Tumatakbo na nga ako nun para hindi ako malate sa class kaya lang pingilan naman ako nung isang teacher.

“NO RUNNING IN THE HALLWAYS!!!!” so ako eh lumakad na lang ng mabilis.

Malas pa at hindi ko nabuksan yung locker ko nung unang attempt. 32—14—20. 32—14—20. Ilang beses na akong nag-try ng combination ko.  Pinagpapawisan na nga ulit ako.

“Ano ba?!? AngryNakakapikon na ito ah! Huminga naman ako ng malalim.Okay Alex, one more try. 32—14—20. Arrrrrrrrrrggggghhhhh! Ayaw talaga. Nararamdaman ko na nag-aalisan na yung mga kahelera ko ng locker. Ibig sabihin lang nun I’m running out of time na.

“Can you move out of my way?”

“HOLD ON! I couldn’t open this locker!” Sinipa ko na yung locker sa sobrang inis ko. Sinubukan ko ulit buksan for the nth time at talagang ayaw pa rin.

“Maybe you should try opening YOUR locker. Not mine.” Sabi naman nya sakin. At talagang naka-smirk pa sya. Napatingin naman ako doon sa locker number nya. Shocks! Kaya naman pala ayaw mabuksan.69 pala.eh 66 yung akin!

 Ramdam  na ramdam ko na nag-init yung mukha ko at siguradong namula ako.  Bigla ko na lang nawish na sana ay salantain na ng tornado ang Des Plaines at higupin na ako. (Des Plaines is our city ,btw.)

“Oops.” Pahiya si Alex. “Sorry.”

“We’re gonna be late.”


Wala man lang ‘it’s ok’ ‘to.

Pumunta na ako sa locker ko na #66 at isang attempt ko pa lang ay nabuksan kaagad. Sya naman ay binuksan na rin yata yung kanya . Natataranta na nga ako sa pagkuha ng mga gamit ko sa sobrang pagmamadali. Alam nyo na baka maka-abot bago mag-ring yung bell. Binilisan ko na rin ang paglakad.

“There’s no point in rushing. You think you can get there on time? The bell is gonna ring soon.”

At pagkasabing-pagkasabi nya nun ay nag-ring na nga yung bell. Lagot na. Reregaluhan kami ng teacher ng Tardy slip nito. Pahamak talaga yung locker! Sabagay, tama naman sya. There’s no point in rushing nga naman. We’re late anyways. Ewan ko kung paano nangyari pero magkasabay kami umakyat ng 3rd floor para sa next class.

“Tardy!” sabay abot ng tig-isang yellow slip sa amin ng teacher. Pina-fill up sa amin at ibibigay daw sa homeroom teacher. Kapag naka-tatlo ka nun, automatic na detention kaagad.

“Make sure you’re always on time.”

“Yes Mrs.Addante.” (AddanTAY) si Ervin eh parang wala lang narinig dun sa sinabi ng teacher.

 “Way to go Ervin! One more and you’re gonna get a detention, bud.” Nang-asar naman si Johny. So ibig sabhin pala 2nd  tardy na ni Ervin ito.

“You want one now, Johny?” ni-hold up naman nung teacher yung detention slip. Napakamot sya ng ulo at nagtawanan naman yung mga classmates namin. Natawa rin naman ako kahit nakakuha ako ng tardy.

Sige lang Alex, itawa mo lang yan. Total eh napahiya ka naman kanina.

Nyikes! Nakakahiya talaga yun. Kaya simula ng araw na iyon ay palagi ko ng sinisigurado na number 66 ang locker na binubuksan ko.

Pagpasok ko sa loob ng Spanish room, ito agad ang bumulaga sa akin...

Project: Write and perform a dialogue about the beginning of the school year.  It must be all in Spanish.  Due September 20.













OH NO!! I AM SOOO DEAD!!!!



Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com