untitled
viviti


 “Kapag na-in love ka na, malalaman mo rin yung sinasabi ko…”

-7-


Parang nawala na ako sa sarili ko simula nung nabasa ko yung tungkol sa project na iyon. How am I suppose to do that? Hindi mo ako maaasahan sa mga project na ganyan. Yung pupunta ako sa harapan at mapeperform doon? Papalpak lang ako. And to make matters
worse, kailangan eh kumpletong Spanish pa. Anak ng timawa naman oh! Ano bang alam ko
sa espanyol?

Saklolo!!!

“Can we ask our Spanish Club partner for help, Ms.Rodriguez?”
tinanong naman ni Michelle sa teacher.

“of course  you can. You know what I told you in Spanish Club…you help each other with stuff like this. In fact, I’m gonna make this week’s and next week’s meeting a ‘working time’ for your projects.” Ang bait din naman ni Mrs. Rodriguez.

Nakerr. Sana naman tulungan ako ng partner ko. Dahil kung hindi, tiyak na mapapahiya ako at isang maliwanag na C ang magiging  katabi ng Spanish sa report card ko.

Nagkaroon ng Pop quiz sa social studies tungkol sa 13 colonies. Obviously, hindi namin yung ineexpect, kaya nga ‘pop’ eh. Ipalagay daw ba sa mapa kung saan ang exact location ng mga colonies. Malay ko naman dun eh di naman ako treasure hunter.


“Hey Alex, did we get any homework today?”
himala yata at kinausap ako. Akala ko hindi na naman ako kilala eh.

“Yes. Preposition sheet. Metric & Mass, and Log Response.”
Sabi ko sa kanya. Tapos eh nakita ko yung novel namin. “And a test on Ember.” Yun yung novel na binabasa naming para sa Independent Study.


“Anything else?”



“Nope. That’s all.”

“Thanks.” Hindi na ako nakasagot ng ‘your welcome’ dahil paglingon ko ulit eh naglaho na syang parang bula.

Well..I guess he's just…Ervin.

Ewan ko ba, pero parang natawa ako nun. Kasi sa dinami-dami ng tao eh sa akin pa sya nagtanong. Bigla tuloy akong naging puzzled.

We had our first Yearbook Club meeting noong hapon na iyon. Na-assign ako na maging ‘fall and spring pictures organizer.’ Sabi din nung teacher e magkakaroon daw kami ng evaluation anytime soon. Para daw malaman kung sino ang mabibigyan ng chance to design certain pages of the yearbook. 

Palibhasa eh day-off ni Mommy ngayon, sya ang sumundo sa akin sa school.  After that,sa school naman ni Kelly kami nagpunta para sunduin sya and then we went to the mall para mamasyal. Ganito naman yung ordinary day-off ni Mommy kapag weekday.

“San kayo bibili ng pagkain?"


“Auntie Anne’s!”

“McDonald’s”

“Auntie Anne’s! gusto ko ng pretzel!”


"I want cheeseburger!


“Huwag na lang kayong kumain!
”nag-away pa kami ni Kelly by making faces.


“Bili nyo na lang po sya ng gusto nya. Bibili na lang po ako ng sa akin.”
Binigyan ako ni mommy ng pera para bumili ng sarili kong pretzel.

Pumunta na ako sa may Auntie Anne’s habang sina Mommy eh doon naman sa McDonald’s nagpunta. Ano bang meron sa McDonald’s at gustong gusto ng lahat? Anyway, nagulat naman ako nung nakita ko sya na bumibili rin sa Auntie Anne’s.


“Hi.”


“Hey..” nagpause sya sandali. “Alex right?” Tumango naman ako at mejo nagsmile rin.


 “So what you been up to?”
then nag-interrupt naman yung babae sa cashier.

“How may I help you?”


“Can I have two pretzel dogs and one large coke and…”
tapos humarap sya sa akin. “What do you want?”

“Huh?” parang naguluhan ako dun sa tanong nya sa akin.

“I’m asking you what you want to order.”
Ililibre nya ba ako?

“Ohh. No. It’s alright.”
  Sabi ko naman.

“Okay. Can you add one almond pretzel and one medium lemonade for her?”
then kumukha yata sya ng pera sa pocket nya.

“$ 9.42 sir.”  binayaran na nya yung cashier at inabot sa akin yung pretzel at lemonade.

Tingnan mo ‘to. Isa pang hindi nakakaintindi. Sabi na ngang it’s alright eh. Tinuloy pa rin nya. Ewan ko nga kung sino ang sumunod kanino.Basta ang sunod na alam ko eh magkasabay na kaming naglalakad habang kumakain.

“Umm..I have a Spanish project and you’re my Spanish club partner so I’m wondering if you could help me…” eeeeh! Kapalan na ng mukha ito.

“Oh that. When is it?”
uy! Mukang tutulungan ako ah!

“Can you come to the next Spanish club meeting? Cause that’s the only time when we can work together.”

“Ok.” Mabilis naman nyang sagot sa akin. Pagkatapos eh nag-sip sya doon sa coke nya. May mga lumapit naman sa amin na mga lalaki. 4 or 5 yata sila. At sa kanilang lahat eh si Johny lang ang kilala ko at yung iba eh kilala ko lang sa mukha dahil nakikita ko sila na pakalat-kalat sa school.

“You took forever,dawg.”  Aso?

“Wazzup Alex? I didn’t know you were here.”


“Hey.” Nag-wave lang naman ako kay Johny.

“Am I missing something in here Ervin? Are you two..”
tinuro nya kami ni Ervin. “going out?”

“Shut up Johny! I just saw Alex  at Auntie anne’s so drop the whole ‘going out’ idea! I’m going now.” At nagwalk  out na nga ang loko. Hindi man lang nag-bye. Mabuti pa sina Johny na nagpaalam kahit paano bago sila umalis.

Ako naman e pumunta na sa stall ng McDonald’s para kina Mommy at Kelly. Nung papunta naman ako eh nakasalubong ko na silang dalawa. Natawa ako sa unang sinabi ni Mommy.

"Uy, cute yun ah!"



“Cute???Cute nga. Ang Suplado naman.”
kumagat naman ako doon sa pretzel ko. Infairness ha, masarap itong almond ang flavor.

“Dyan ako naiinlove sa mga lalaking suplado-mysterious type. May ibubuga yang mga iyan eh. Pakiramdam ko nga eh ganyan yung mga magpapaibig sayo. Pareho tayo eh.”

“Hindi po siguro! Hindi ako maiinlove noh. At least not to someone from my school. not to someone na hindi ako liligawan sa paraang alam ko. Gusto ko yung tulad sa pilipinas.”
Alam naman natin na iba yung sa ating mga Pilipino di ba?

“Anak, wag ka magsalita ng tapos. You never know kung kanio ka iibig. Saka wala ka na sa pilipinas, kaya tanggapin mo na na iba yung paraan dito. Sige ka, mgaya ka sa tita mo. Matandang dalaga.” 

“What are you saying?”

 “Kapag na-in love ka na, malalaman mo rin yung sinasabi ko…”


“Ma??!?” nginitian nya lang ako.

“Alexandra, ibalik mo sa akin yung pera. Nakita ko nilibre ka nya kanina
.” Nanonood pala sya nun?!?  Tinukso-tukso ako ni Mommy hanggang sa sasakyan.

Pasaway talaga yang nanay ko. Kakayanin nyo ba kung ganyan ang nanay nyo?


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com