untitled
viviti


 

-8-

Gym class was boring the next day. There are three classes in the gym during first period at isa kami sa mga iyon. The other two are 7th graders and another 8th grade class. Since wala yung teacher nung isang class eh hindi kami pwedeng magklase ng totohanan. So tinanong kami kung anong gustong laruin. Dahil malakas ang hatak ng mga popular kids e yung sinasabi nila ang madalas na pinakikinggan. Lalo na ni Ms. Metz. May favoritism sya eh.

Nung bago pa nga lang ako dito, I didn’t know how to play matball. Hindi naman kasi naming yun nilaro sa pilipinas no. So I asked her how to play it.

“I’m sorry. I couln’t do anything about it. You can ask the Ell teacher to translate it for you.” Tapos e tinalikuran na ako.  Kainis na yun.  Hindi matanong ng matino.

So we ended up playing dodgeball dahil yun ang nirequest ng mga paborito. I hate dodgeball! Parang wala naman kasing point iyan. May tig-isang team sa magkabilag dulo tapos wala lang. Parang nasa malaking room ka lang, tapos maraming bolang lumilipad sa paligi na kailangan mong iwasan. Kasabay ng pag-iwas mo sa mga bola eh dapat subukan mo rin na may matamaan ka sa kabilang team. Kapag may natamaan eh out ka na. Pero wala namang dapat ipagkabahala because you’’ll get back later anyways.  Pero kung kung anu-ano ang iniisip mo sa halip na nakafocus ka sa game eh malamang na ..

“OUCH!” tamaan ka ng bola sa mukha. Kung sino man ang tumira nun eh he/she must be damn strong dahil parang umikot yung paningin ko for a moment.

“I guess I threw the ball too hard. Are you okay?”

“Do I look like I’m okay?” parang ewan talaga ‘to. naluluha na yung mga mata ko at hindi ko na masyado mamulat yung isa tapos tinatanong ba kung ok daw ako?

“That’s why you should pay attention to the game. Don’t just stand there. You gotta get moving.”

Tumingin sya doon sa kabilang side. At pagkatapos, naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa malamig na floor ng gym. Idagdag mo pa yung mabigat na nakadagan sa harapan ko. Saradong sarado pa yung mga mata ko. At nung dumilat na ako eh  saka ko lang napansin yung isang malaking bola na tumama ng malakas doon sa wall. Naku, kung nakatayo pa rin ako doon e sapul na naman siguro ako. sa dibdib naman. Pagtingin ko naman dun sa mabigat na nakadagan sa akin ay tinitigan lang din ako. Bigla syang umiwas ng tingin at  mabilis na tumayo.

“Pay attention so you don’t get hurt.”  Yes sir!  Irritated pa yung facial expression nya.

Nag-whistle na yung teacher kaya nagpasukan na kami sa locker room. Syempre boys sa boys at  girls sa girls. Tingnan nyo yun! Hindi man lang nag-sorry. Ganun ba talaga ang mga lalaki or sya lang?

Tingin ko nga sya lang.

As I was walking to lunch, halos nakikita ko lahat ng tao na nasa hallway. May pakialam ako sa mundo eh. Madalas kasi gusto ko na aware ako sa mga nangyayari sa paligid. Tahimik lang akong madalas pero sobrang daming tumatakbo sa isip ko. That’s why I know their names and their friends. . That’s why I know their names and their friends. But they don’t know me because ,in this school, I am nobody. Until ..

“Alex! You can sit here in our table.” Tinatapik-tapik pa nya yung table habang naka-smile pa. Ako naman e umupo na rin habang pinapakilala nya sa mga kaibigan nya.

Hindi ko kontrolado ang mga sunod na mangyayari.At walang makapagsasabi sa akin na sa simpleng pag-invite ni Brandy sa akin..magsisimula ang lahat…for  me to become… ‘somebody’

“You look really pretty.”

“Thanks.”

“Oh so you really think you are?” 

“I’m just saying thank you because I thought that was a compliment.” Tapos tumawa naman sya.

“Just kidding. It was really a compliment.” Tapos nagsmile sya at napatingin sa buhok ko. “And your hair…it’s so …black and straight and..” hinimas nya pa yung buhok ko na naka-pony tail. “smooth.” Ako naman eh nagsmile na lang ulit.


Ano naman kayang nagustuhan nya dito sa buhok ko? Nasobrahan na nga yata sa straight kaya ang hirap ng ayusan minsan. Ayaw kasing sumunod. Ang gusto ko naman na buhok eh yung tulad ng kay Brandy. Ang ganda kasi ng kulay. Parang blonde na may brownish streaks. Basta, ang ganda.

Simula ng araw na yun eh masasabi ko na naging magkaibigan na nga kami ni Brandy. Madalas na rin akong napapasama sa kanila. Siya ang madalas nagtuturo sa akin ng mga bagay-bagay na kahit simple eh nakakatulong naman. Like how to play this certain game in gym class. How to do this and that.  Siguro nga, si Brandy ang tinaguriang ‘queen’ ng school. President ng Student Council, athletic, lahat na. Role model tlaga but They either love her or hate her. Kaya naman mapadikit ka lang yata sa kanya eh bigla kang makikilala ng lahat. And they will either love you or hate you.

Nagugulat na nga lang ako kapag naglalakad ako sa hallway dahil kung sino-sino ang nag sasay ‘hi’ sa akin. Sagot lang din naman ako ng ‘hi’. Marami ang nakikipagkaibigan dahil gusto ka nila as a person. Pero yung iba naman eh nagpapakilala. Nagpapakilala dahil nakita nila na kaibigan ka ni Brandy. Sa pamamagitan nito eh nahuhuli ko na rin naman na kung sino ang mga Tupperware. Hindi ko naman magawang tarayan sila. Unang una eh hindi ko naman gawain yun. Pangalawa, wala ako sa position para mang-reject ng mga nakikipagkaibigan. Dahil I’m supposed to be making friends right now. Naging kagroup ko nga din sina Brandy sa Social Studies at naging ayos naman. Mabait naman kasi si Brandy . I mean, she is bratty at times  but there’s something in her that tells me not to hate her.

                                                       ***

Naghihintay lang kami dito sa labas para mag-ring yung bell at makapasok na rin kami.  At dahil late September na eh lumalamig na rin ang hangin. Kaya naman mga naka-long sleeve, sweat shirt,  or hoodie na kami.

“Guess what Alex.” Nakatayo kami sa circle nun kasama sina Nicole, Patrica, and marami pang iba.

“What?” sabi ko naman habang nakafold pa yung arms ko. Ang ginaw kasi.

“ I think someone I know likes you.”    Sabi nya habang nakangiti pa ng nakakaloko. Napakunot naman ako nun.Parang ang hirap na clue naman yata nun. Eh halos lahat naman yata ay kilala nya.

“Who?” umarte naman sya na ini-zip nya yung bibig nya and then nagwink sya.

“Joby!! Come here!” tinawag naman ni Brandy si Joby na as usual eh naglalaro ng football with Ziggy ang some other people. Nakita ko naman yung circle nina Michelle na gusto ko naman kamustahin. Ako eh umalis muna sa circle namin nina Brandy at lumapit doon kina Michelle.

“Hi people.” Ginulo ko naman sila.

“Hi Alex!” halos sabay-sabay silang bumati sa akin.

“What have you guys been up to?”

“We are thinking of how Ziggy would notice Sarah because she likes him.”

“Ziggy? You like him? Oh, I can help you with that. He’s in all my classes and our  lunch table.” Sabi ko naman.

“With Brandy?”

“Yeah.” With matching tango at ngiti pa.

“You’re being one of them.” Sagot naman ni Michelle sa akin.

“Me? Being one of who?”

“Brandy. Who else?”

“Isn’t that a good thing? What’s wrong with that?”   Hindi naman na nya nasagot yung tanong ko dahil bigalng nagring yung bell. Pagkatapos nun eh nawala na sya sa paningin ko. Noong nagkita naman kami sa Gym eh hindi ko na binuksan ang tungkol dun dahil mukhang hindi rin naman big deal sa akin. At saka Michelle was so much into the game we were playing so I didn’t bother to ask.

Hayy buti na lang at Friday na. This week was a little bit stressing. Maraming work para nga doon sa novel na binasa namin at nagkaroon din ng comprehension test.  Buti na lang at wala pa akong Alzheimer’s  Disease kaya hindi ko pa nakakalimutan yung mga details doon sa book. Geez. I didn’t know na pati yung smallest detail eh isasali rin sa mga tanong. Pati ba naman yung kung sino ang nagsabi ng certain quote eh pinasagutan sa amin. It’s a good thing that I aced it.

“Dang! You got a hundred on the test.” Nakita pala ni Ziggy yung papel ko. Seatmate ko kasi sya sa L.a and Lit. which are magkasunod na subject, same room,same teacher, and most likely, same seatmate. Ang lakas ng pagkakasabi nya nun kaya nagtinginan ang lahat.

“She did?” tanong ni Joby.

“Yeah! Look at this.” And then he held up my paper so Joby could see it.

Correction, hindi lang pala kay joby, whole class pala.

“You little smarty pants!” sabi sa akin ni Pat habang nagboboses bata pa.  Ganun ang drama nila ngayon eh.

“Can I borrow this for tonight so my mom would think I’m smart?” napataas na lang yung kilay ko sa sabi ni Joby.

“Nerd.” Hmpf!Eto naman oh, nagcomment na nga lang hindi pa inayos.

Nakuha ko rin naman pabalik yung papel ko. Mejo nagusot na nga lang dahil pinagpasapasahan. Noong nag-ring na yung bell eh muntik pa ako mahulog sa hagdan sa pagmamadali. Ewan ko ba, parang gusto ko agad umuwi at makapahinga. Free weekend! Walang homework.

Maliban lang dun sa Spanish Project. Naykupo!

Sa pagmamadali ko eh hindi ko nakalimutan na tingnan kung tamang locker ba ang binubuksan ko. Alam nyo na, nakakahiya yung nangyari. Baka maulit pa. Inayos ko pa muna yung backpack ko dahil hindi magkasya yung gym shoes at uniform na kailangan labhan.

“Alex, are you doing anything tomorrow?” bigla namang sumulpot sa likod ko ito.

“Err. NO.”

“You wanna hang out with us? Movies and then mall.”

“Okay, but I have to ask first.”

“Owkie-dowk. Ttyl.”Are we online?

Okay...am I going? Undecided


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com