untitled
viviti
“I guess we’ll have to sit next to each other…is that okay with you?”

-9-


Kay Mommy ako nagpapaalam sa mga ganitong bagay. Tapos sya na lang magsasabi kay Daddy. I mean, my dad is cool but mas gusto ko dumaan muna kay Mommy bago sa kanya. Tinawagan ko si Mommy sa hospital na pinagtratrabahuhan nya. Ang astig nga dun eh. Bawat nurse eh may sarili telepono na dala nila kahit saang parte ng hospital sila magtungo.

“ 4 North. This is Ellaine. How may I help you?”

“Hello Ma? May lakad po ako bukas. Manonood po kami ng movie and then mall. ”
   
“Ohh Sure.” Yes!!!

Nagtext naman ako kay Brandy para sabihin na makakarating ako bukas. Ipinanganak nga yata ako na girl scout dahil gusto ko e palagi akong handa. Kaya naman, humanap at nagsukat na agad ako ng isusuot ko bukas.

“Where are you going?” napahawak naman ako sa dibdib ko nun dahil sa pagkagulat.

“Ano ba?! Hindi ka ba marunong kumatok? Basta-basta ka na lang pumapasok.” Ang hirap nun ah! Asar ka na pero hindi ka makasaigaw. Kailangan pabulong dahil baka magising si Daddy.

So where you going?” umupo sya sa bed ko at tiningnan nya yung outfit ko. As In tiningnan ako from head to toe. Para bang inaanalyze nya ako.

“Somewhere.”

“And you’re wearing that?” tumango naman ako. “who are you and what have you done to my sister?”

“What? Why?” ano naman kayang pinagsasabi ng biik na ito.

“Because it’s..teeny. You dress like a teenager now.”

“Ano bang pakialam mo?”May kumatok naman sa pinto. Ayun. Meron pa palang marunong kumatok dito.

“Oh my gosh! It’s mommy.” Duh?

Nag-kiss naman ako sa kanya  nun. At nakigaya naman si Kelly.

“Bakit ang aga mo po?”

“Konti lang patients. Nadownstop ako. Ano na naman ang pinag-aawayan nyong dalawang magkapatid?”

“Ayan kasi oh. Pati yung suot ko pinakikialaman.”

“Well, ‘coz she dresses like a teenager now.” Napatawa lang nun si Mommy.

“Kelly, your ate is a teenager now. She’s 14, So she has the right to dress like a teenager.” Inexplain naman ni Mommy sa kanya.

“But she didn’t dress like that before” hindi pa rin nya na-gets.

“I know that, but ate has grown up. She can’t dress like a little girl now.” Korek!

“Will I get to dress like a teenager when I grow up?” nagliwanag naman yung mukha nya. Gulay. Sino dito gusto ng kapatid na babae? Inyo na si Kelly,kahit libre na.

Maaga naman ako nagising nung Saturday. Sabay-sabay kami kumain ng breakfast at pagkatapos eh nagsimula na akong maglinis ng kwarto ko. Kwarto ko lang ah. Sila na bahala sa iba. Dahil ako ay isang dakilang multi-tasker, nag-sign in ako sa YM. Wala lang. Mas masaya kasing maglinis kapag may kausap. Sa opinion ko ha. But on the badside, magtatagal ka. Pero matatapos din naman.

Pinkchucks387: Oisst!  

Ang galang ng pinsan kong ito!

Alexx24: oisst ka din! Musta?

Pinkchucks387: e2, bawal lumabas ng bahay. Walang cp..

Alexx24: nyay! Bakit??

Pinkchucks387: Nakita ni mama ung bracelet na bigay sa akin ni Jason. Naka engrave dun eh ‘Jason & Mae 5-06-07’ Ayun, buking kami. =(

Alexx24: aww.saklap. bakit kasi nililihim mo pa? E kung sinasabi mo na lang sa kanila di ba? Para ndi ka nagtatago..

And that was the start of our deep conversation. Ang hirap pala no kapag yung parents mo eh ayaw kang magkaroon ng boyfriend. Problema at problema talaga ang dala. Ang strikto din naman nina tita. Sina Mommy kaya? Hmm..ewan. Di ko pa naman nasusubukan eh.
Medyo napatagal nga yung paglilinis ko dahil dun. Si Mae ba naman ang kausap mo eh ang daming kaek-ekan nyan sa buhay. Pagkatapos ng ilang oras e nag-sign out na rin sya dahil gabi na. Ako naman eh tinapos ko na yung paglilinis ng kwarto ko.

By 11 a.m., nagready na ako dahil 12 noon yung usapan namin na magkita-kita.  For some reasons eh parang biglang ayaw ko ng tumuloy. Ewan ko. Di naman kasi ako sanay sa mga ganito. Pero sabi naman ni Mommy eh dapat ko daw maranasan. Wala daw fun kung parati lang akong magstay sa bahay.So yun,hinatid nya ako sa mall kung saan yung meeting place namin.

Nung dumating ako sa meeting place eh medyo marami na rin sila doon. Syempre, kasama din yung ibang mga alagad  ni Brandy. I don’t consider myself as one of her alagads and there’s no way I’m gonna be one. Hindi naman ako papayag na maging sunud-sunuran ako. Anyway, nabigla ako nung nakita ko na may mga kasamang guys.

“Yo Alex.” Tulad ni Ziggy. Malay ko bang kasama sya.Sabagay hindi rin naman ako nagtanong.

“Hi guys.”  Binati ko naman sila while the girls hugged me.

I think there were eight of us in the group.  Saka ko lang napansin na partner-partner pala sila. Si Brandy eh may Nick. Si Kelsey eh may Scott. Si Nancy ay may Simon.

Napagkasunduan namin na manood muna ng movie. Yung napili nila eh Action/Adventure na may pagka science fiction.

“I’m gonna go get something to eat first. How about you guys?” tumigil naman si Brandy doon sa tapat ng bilihan ng mga pagkain.

“You guys can buy your food while I go to the bathroom. I have to pee.” Sabi ko naman ng pabulong.Then, I headed for the bathroom na. Sayang ang oras di ba? Sa halip na naghihintay ako dun sa pila eh di jingle muna ako.

Nahirapan pa ako sa pagpasok sa banyo kaya mejo nagtagal. Yung isa kasing babae, hindi nya mailabas yung stroller ng babies nya. Kung hindi ba naman sya t*nga. Ipasok daw ba yung mala-higanteng stroller na para sa twins. Laking pasasalamat nya nung tinulungan ko syang ilabas. Buti na lang mabait ako!

“Ugh! Thank you so much!” tumutulo pa yung pawis nya nun.

“You’re welcome.” I’ve got skills Wink

Paglabas ko ng cr eh nagpunta agad ako dun sa tindahan kung saan ko sila pinag-iwanan. At ang nakita ko doon ay si Ziggy na lang. Iniwan nila ako? Ganun na ba ako katagal sa Cr at nakatapos agad sila bigla sa pagbili ng food?

Siguro nga.

“If you’re wondering where they are, they went inside to save seats.”

“Ohh.”

“You want anything to eat?” tumingin naman ako dun sa menu.

“Nachos and cheese.” Sabi ko naman.

Nilibre naman nya ako nun food. Combo meal kasi yung binili nya kaya damay na ako dun. Pagpasok namin sa mismong loob ng theatre eh sinalubong agad kami ni Kelsey.

“I’m sorry guys.We didn’t find seats for you two. We tried to find a spot where we could sit all together, but there’s isn’t any.” Mahina yung pagsasalita nya. Para na rin siguro hindi maka-distract sa iba. Napa ‘what?!?’ na lang ako sa isip ko eh.

Sabay kami ni Ziggy tumingin sa mga upuan para humanap ng seat.

“Wh oa!” ang daming tao. At parang wala na akong nakikita na vacant seat.

“Oh,there’s a couple of seats over there.” Tinuro naman nya yung seats na nasa may bandang itaas.






“I guess we’ll have to sit next to each other…is that okay with you?”


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com