untitled
viviti
'AUGUST 24th'

-10-   

Nagbell naman na kaya pumunta na kami sa classroom. As usual, may klase na naman. Kaasar pero ayos lang naman. May binasa kaming story sa Filipino. Nagkataon naman na napili ako ng teacher na bumasa. Medyo mahaba nga yun at tagalog na tagalog pa. Pagkatapos kong bumasa eh nagpalakpakan yung mga kaklase ko. Todo palakpak pa si V-jay.Binatukan ko nga.Parang tanga eh.Kailangan ba talagang ganun kalakas ang energy nya?

5:00,nagring na yung bell. Uwian na....kaya lang ako hindi pa.  May meeting kasi ang members ng school newspaper.  Katatapos lang kasi ng Linggo ng Wika at papalapit naman ang Intams. Big deal daw kasi yun kaya maglalabas ng issue ng The Scribe. Yun yung pangalan ng newspaper.

Kung anu-ano pa nga yung mga pinagsasabi ng teacher eh kaya lang hindi na ako nakinig.Isa lang din naman ang babagsakan noon eh. Gusto lang nya na yung writing piece namin ay start pa lang attractive na. Syempre naman. Kaya nga kami napasok dito sa newspaper na ito dahil ‘creative writers’ kami so malamang alam na namin yun. Yung kanta naman ni V-jay kanina eh hindi ko makalimutan.Kainis. Pati nga sya eh nakikita ko kahit saan ako tumingin. Kahit nakapikit ako.Isn’t it freaky?

Sinimulan ko naman na yung article ko.Sasabihin ko pa ba kung tungkol saan? Wag na. Hindi naman ganun kahalaga.  Noong natapos yung meeting na yun, halfway done na ako sa paper ko. Hay, buti naman para hindi ko na masyado problemahin yun this weekend. 

Noong pauwi na ako, habang naglalakad ako papunta sa gate ay napakanta na lang ako. Ewan ko ba. Ang saya ko na parang ewan. Kanina lang, halos parang pasan ko na ang mundo tapos ngayon, may nalalaman pa akong pagkanta-kanta.

Dahil medyo nasa dulo yung library, ang dami ko pang madadaanan bago ako makarating sa gate. Noong nasa tapat na ako ng gym, marami-rami din tao doon. May mga lalaki pa nga na nag-aappear doon. Bakit kaya?

Shh...Denise...mind your own business.


Hindi naman na ako naki-isyoso sa kanila dahil baka mapagkamalan pa akong chismosa, kaya tuluy-tuloy lang yung paglakad ko. May narinig naman akong sumisigaw. Ang lakas din naman ng taman nun. May pasigaw-sigaw pa sya dito sa school.

“HINDI NA PALA AKO SASAMA. KAYO NA LANG. MAY LAKAD PA AKO.”

Lumingon naman ako pero hindi ko nakita yung mukha. Nakatalikod kasi sya at  tumatakbo ng paatras. Ang tawa ko siguro kapag nadapa yun.

Tumuloy na naman ako sa paglakad dahil medyo gumagabi na rin. Nandoon na ako sa labas ng gate at bigla na lang akong napaatras ng may humila sa bag ko sa likod. Waaah! Holdaper. Hindi naman ako nag-aral ng taekwando kaya yung una kong naisip yung ginawa ko.

Sinampal-sampal ko sya at ginanutan ko. Hindi ko na masyado nakita yung mukha dahil busy ako sa ‘self-defense’ ko.

“ARAY, Aray, aray. “ tuloy pa rin ako sa sarili kong version ng taekwando.


“Teka nga lang!!! Denise!!!”  sabay hawak nya sa dalawang balikat ko.Tapos inalog pa ako.

Napaatras na lang ako bigla nang makita ko yung mukha nya. Ang cute ng holdaper ah!

“Nyay. Ikaw pala. Akala ko holdaper na. Bakit mo naman kasi hinila yung bag ko?!”

“Eh pasensya na, hindi ko naman sinasadya na hilahin yung bag mo. Ang bilis mo maglakad eh.” at Ako pa pala ang may kasalanan ngayon!

“Ang sakit mong manampal ah. Yun ba yung self defense mo? Para namang makakatulong yun kung holdaper nga ako.”
 
“Eh bat hindi mo na lang kasi ako tinawag.”

Hinawakan ko naman yung pisngi nya at medyo ibinaling ko para mas makita ko yung nasampal ko. Ang pula ng pisngi nya. Malakas nga siguro yung pagkakasampal ko.

“Sorry.”

“Ok lang.” sabi nya habang hawak pa rin yung pisngi nya. Nasaktan nga yata talaga.

Sabay na kami naglakad pauwi. Sya ay nakabasketball uniform pa. May game pala sila kanina versus Pilot Highschool at sila ang nanalo. Nag ‘congrats’ na lang ako, dahil hindi ko naman napanood. Kelan pa ba ako nanood ng basketball? Bagay din naman sa kanya yung uniform. Ang cute ngang tingnan eh..

Lumampas na naman sya sa kanto na dapat sana ay sa kanila. Ihahatid na daw nya ako dahil gabi na daw. Sa isip-isip ko naman, eh kahit naman maaga pa hinahatid din nya ako. Mahirap na daw at baka mamaya ay tunay na holdaper na yung humila ng bag ko. Oh, ngayon naman may bodyguard na ako. Say nyo?

“Anong gagawin mo bukas?” sabi nya habang nakatingin sa lupa.

“Wala,Saturday eh. Tapos naman na yung exams at mga projects.Manonood na lang siguro ako ng tv.” Spongebob Squarepants ang palabas.

“Bakit?”

“ Pwede ba kitang sunduin bukas?" What? Bakit naman?

“Ha? Ano naman gagawing natin?”

“Eat? Maybe watch a movie. Something fun.” Eat?watch a movie? hindi ba parang...

“Parang date?” oh gosh. Sinabi ko ba talaga yun? Ang malisyosa ko naman.

“Parang ganun na nga.  


Dahil nasa tapat na kami ng bahay ‘nun, napa ‘ok’ na lang ako. First time ko lalabas kasama ang isang guy. Wala naman siguro masama kung subukan ko ‘di ba?

Ngumiti naman sya dun sa sagot ko. Hindi na sya pumasok sa loob dahil gabi na rin daw. Nakatayo lang ako doon sa harap ng gate habang pinapanood ko syang maglakad. Hinintay ko naman na makalayo sya ng kaunti bago ako pumasok sa loob ng bahay. Bago sya lumiko ay lumingon pa ulit pero mabilis lang.

Dumating si Kuya Ryan at may dala pang Andok’s kaya sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Tinuloy ko naman yung sinusulat ko para sa school paper pero hindi ko pa rin natapos. Nahiga na ako doon sa kwarto ko. Nagsoundtrip ako gamit yung ipod ko. I just felt like listening to music. Ok, to be specific, love songs po. Ilang sandali pa lang ay nagvibrate naman yung phone ko.

“Hello?”  si V-jay yung tumatawag.

“May nakalimutan akong sabihin kanina."

‘Ano ba kasing gagawin natin?’
‘Saan ba tayo pupunta?’
‘Anong plano mo? ‘

Ang dami kong tinanong sa kanya at ang haba ng sagot nya.

“Basta..” Oh di ba? Ang haba?

“ Siguraduhin mo lang na ayos yan ah.” Kung hindi...kung hindi...basta!

“Syempre naman. Sunduin na lang kita ng 6 a.m.” Ang aga naman yata nun!

“ANO? Ok ka lang? Baka hindi pa sumiskat ang araw nun ah.”

Tumawa naman sya.

“Binibiro lang kita,Denise. Susunduin kita ng  1:30? Ok ba yun sayo?”

“Ok yun.” Mas ok kaysa 6 am.

“Sige pala, I’ll pick you up at 1:30. Sweet dreams.”


“ok.Ikaw din. Bye.” Then I hang up.


-11-

8:30 na ako nagising. Ano bang date ngayon?August 24. Due na pala ng bed sheet ko. Kailangan na pala palitan. Naglinis muna ako ng kwarto tapos tumulong  kay lola sa paglinis ng bahay. Nagpaalam naman ako sa kanya na aalis ako mamayang tanghali at pumayag naman sya. Si kuya naman, ngayon din umalis papunta sa new dorm nya. Mag-aayos pa daw kasi sya ng gamit doon. Malungkot talaga ako dahil aalis sya pero life must go on. May lakad pa ako mamaya.

Naghanda na rin naman ako para sa ‘date ’namin ni V-jay. Naka blouse lang ako at jeans. Parehong padala nina Mama. Pati yung rubber shoes ko galing din sa kanila. Hindi na ako naglunch dahil late na rin naman akong nagbreakfast. Eksatong 1:30 ng dumating si V-jay. Aba, On time ah! Todo ngiti pa. May dala pa syang kung ano para kay lola. Nanggaling daw kasing Baguio yung Mommy nya. Eh paano naman yung para sa akin? Haha. Just kidding. Syempre meron din. Roll Eyes

Napansin ko naman yung suot nya. Naka t-shirt din sya tapos ripped jeans. Then, naka ball cap.In fairness ha,magaling syang pumorma. Bagay sa kanya yung suot nya. It’s because he’s tall and handsome.

Ugh. Embarrassed Let’s pretend I didn’t say that.

 Nagpaalam naman na kami kay Lola Martha.

“Mag-iingat kayo ha. Wag kayo magpapagabi.”

“Opo, sige po. Mauna na po kami.,”

Naglakad pa kami ‘nun hanggang sakayan ng jeep pero ayos lang naman. Sanay naman ako ng ganun. Nakasakay na kami ng jeep at hanggang ngayon, wala pa rin akong idea kung saan kami pupunta. Maitanong nga.

“San tayo pupunta?”

“Denise, bago yung tunay na date natin, sa Community Center muna tayo ha? May gagawin lang ako dun. Ngugutom ka na ba? Kung nagugutom ka na kakain muna tayo.”
“Hindi. Busog pa nga ako eh. Sige, Community Center muna tayo.” Ito naman. may sinabi ba akong gutom ako? Wala naman di ba.Ano naman kayang gagawin nya community center?

Para nga pala sa mga hindi nakakaalam, yung  community center ay isang buliding para sa recreational activities. Madalas doon ang mga teen agers especially yung mga athletes. May lugar din doon para sa mga social gatherings.

So, meron doon mga court para sa tennis, badmiton, basketball, volleyball, at mga iba pang sport. May swimming pool nga din doon eh. Matagal na rin ako hindi napapadpad doon sa lugar na yun.

Maya-maya lang, nandoon na nga kami sa community center.  Marami nga din tao dun. Sa pagkakaalam ko, mga taga-ibang lugar ang mga yun. Ang dami nga din babae doon na bumabati kay V-jay. Nagpapacute pa yung iba. Sya naman, Tumatango lang sa kanila at tuloy pa rin kami sa paglakad papunta sa loob.

“Hi V-jay. Good Luck sa game. Galingan mo ah.”

“Oo nga V-jay. Kahit taga Oakton kami, Sa Freemont kami kampi. Yun kasi yung team mo eh.” Sabi nung babae na akala mo ay may bulate sa tiyan. Hindi mapakali eh.

Tama ba namang balewalain yung team ng lugar nila? Iba rin ang style ah. Napairap na lang ako pero hindi naman nya yun nakita.Teka,did she just say ‘game’? Anong game ‘to?


Nandoon na kami sa tapat ng pinto papasok sa tapat ng gym. Sumilip ako sa pinto at nakita ko na maraming tao dun. Mga naka basketball uniform. Nakita ko din na may refery. Teka...Teka...Is this a...

“basketball game? Naman, V-jay! Alam mo naman na ayaw ko nyan.” nasisiraan na ba sya? Bakit nya ako dinala dito?

“Denise, sorry. Hindi ko agad sinabi sa’yo dahil alam kong hindi ka sasama.”

Nakakainis sya. Alam naman nya yung reason kung bakit ayaw ko ng basketball tapos ngayon, dadalhin nya ako sa isang game?!!
 Angry

“Hindi ako manonood. Dito na lang ako sa labas,hihintayin na lang kita dito.”

Pumunta naman ako sa tabi dahil nakaharang kami doon sa pinto. Humawak sya sa dalawang balikat ko.

“Championship na namin ‘to. Thsi game is not as big and important katulad ng sa school pero mahalaga rin sa akin ‘to.Manood ka na oh,kahit ngayon lang.Para sa akin,please?..Luluhod pa ako dito kung gusto mo.” Naku ha. Luluhod pa sya. Baka isipin ng mga tao, nagliligawan pa kami dito.

Aba at lumuhod nga!

“Please?”

Oh sya, makapayag na nga para tumayo na rin ang mokong na ito.

“Sige na nga. Pero ngayon lang to ah!”

“Thanks.”

Pumasok kami sa loob at humanap ng mauupuan. Nakita ko naman si Leah kaya doon na ako tumabi. Dahil nga player sya...syempre doon sya sa court at kami... mga audience.

“Dito ka muna ah, magpapalit lang ako ng uniform.Sorry ulit.Enjoy the game.””Sabi nya tapos ay tumakbo na sya papunta doon sa locker room.

“Ano bang date ngayon?”

“August 24 po. Bakit?”

“ La lang. imamark ko yung calendar. September 4, nakita kong magkasama si Denise Lauren Menodoza at V-jay Radley Rivera.Bakit ka nga ba nandito?”

“Ano pa? eh di manonood ng game.”

“Aba! At kelan ka pa nanood simula ng nawala yung kambal mo?”

“Ngayon  lang. Nagmakaawa si V-jay eh.”

“Hmmmm....naku! May naaamoy ako. Tsk tsk tsk..iba, iba talaga. May- -“

Hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil nagsalita na yung announcer. Magsisimula na yung game kaya yung mga babae doon sa likod ay nagsigawan na. Diyos ko,halos mabingi na ako.

Nagsimula na nga yung game. Freemont Falcons vs. Oakton Eagles. Black and white yung uniform ng falcons. Nakaprint doon sa likod nya ay RIVERA 46. As usual.Unang nakascore ang Eagles. Konting sandali lang, umisocre na rin ang Falcons. At dahil yun kay V-jay. 1st and 2nd round lamang na ang Falcons. Waah.!Rounds nga ba yung tawag? Narinig ko lang sa boxing yun eh.

Nahabol pa rin naman yung kabilang team. Sila nga yung nanalo nung 3rd round. Nakakakaba nga dahil natumba si V-jay nun. Akala ko nga tatama na rin yung ulo nya. Pero nagsign naman sya na ok daw sya. Noong 4th round naman, naka 3-point shoot sya.Tumingin pa nga sa akin at nagwink. Nakita nga yata ni Leah kaya tinukso tuloy ako.

Bandang huli, sila din ang nanalo.  Falcons- 96,Eagles- 85.So, Freemont Falcons ang champion. And to my relief, natapos yung game na walang nasaktan. Hayy, buti naman.Dahil kung meron, hindi na talga ako manonood ulit. Himala nga dahil naintindihan ko yung game. Paano ba naman kasi, kay ano nakasentro yung atensyon ko. Kay you-know-who.

Nagtatalon nga yung team nila doon. Ang saya-saya nga nila. Lumapit sya sa akin at nag’congrats’ naman ako. Binigay ko pa nga yung tubig na hawak ko dahil mukhang nauhaw sya. Si Leah naman, nanunukso pa rin doon. Ang laki ng problema nya.

Nagpunta na sya doon sa boys locker room. Para daw magshower at magpalit ng damit. Pagkatapos ‘nun ay nagpaalam na sya doon sa mga teammates nya. Si Leah naman ay umuwi na.

San kaya yung sunod?


 -12-



Sumakay na ulit kami ng jeep. Sa mall naman kami pumunta. Kumain muna kami sa  dahil nagugutom na daw sya. Ako din naman gutom na. Doon nya ako dinala sa Max's.  Sabi ko nga wag na lang doon. Alam nyo na..medyo mahal kasi.

"Wag mo isipin yun. Pinag-ipunan ko 'to." ganun? out of his own pocket?


May dumating naman na dalawang babae sa table namin. I think isa sila sa mga  cheerleaders sa school namin. Parang kulang nga eh. Ang alam ko tatlo silang  magkakasama lagi.

“Oh, Hi V-jay. Do you want to eat with us?”

“Can’t you see? I’m already eating. At tsaka, if you don’t mind, may kasama na ako.” Sabay tingin nya sa akin.

Ang sungit naman.

Tumuloy lang sya sa pagkain ‘nun. Kung makikita mo lang yung mukha nung babae, nakakatawa sya. Umirap lang sya tapos ay umalis na din.

“Wag mong pansinin ang mga yun.mga KSP kasi.” KSP? as in Kulang Sa Pansin or Kulangot Sa Pader?

Natapos na kami kumain ‘nun. Dinala naman ng waiter yung bill. Hindi ko na nga tiningnan e. Nauna syang tumayo at inoffer pa yung kamay sa akin.

“Masyado ka naman. Kaya ko pang tumayo ng hindi ako inaalalayan. but thanks anyway.”

Ngumiti lang sya sa akin. The ‘killer smile’ again. *Sighs*. I hate it  but I love it at the same time.

Naisipan namin na manood ng movie kaya nagpunta kami sa movie theatre. Yung movie na pinanood namin, hindi naman pure love story pero may halo din.  Almost 2 hours din yung movie. Gusto nyo bang ikwento ko yung movie? Wag na. Hindi ko rin naman masyado naintindihan eh. Nadidistract kasi ako dito sa katabi ko.

Pagkatapos nun, naglakad lakad pa kami around the mall.. Nagpunta din kami sa arcade at naglaro.Para nga kaming mga 4 years old dun eh.Kanina pa na sya yung nanlilibre. Kaya this time, ako naman ang nanlibre. Nilibre ko sya ng dippin’ dots. Favorite ko kasi yun, eh hindi pa daw nya yun natikman.Yun yung ice cream na parang maliliit na holen. Ang cute noon eh,ang sarap pa.Nakabili din naman ako ng dalawang blouse sa bench tapos sya naman ay ball cap. Ang hilig nya dun eh.

Tuloy pa rin kami sa paglakad nang may nakita akong bata na may suot na t-shirt na katulad na katulad ng kay Dustin. Pinagmasdan ko sya habang papunta sya doon sa palaruan. Maya-maya lang, hinatak na naman nya na naman yung kamay ko. Pumasok kami doon sa tindahan ng silver accesories.

“Bibili ka?” tanong ko sa kanya. Hindi siguro ako narinig dahil hindi sya sumagot.

“Miss, ayun nga po.” Tinuro nya yung bracelet na may palawit na ....heart? Nyay! Bakit pangbabae?

Tinanggal nya sa lalagyan tapos isinuot nya sa wrist ko.

“There, it’s perfect for you. Ikaw naman, pili ka para sa akin.” Ok? Ako ba magbabayad nito? Dahil kung oo, lagot. Dahil 90 pesos na lang ang natitira sa pera ko.

“Ako naman magbabayad.” Sabi nya sa akin. Nabasa nya yung utak ko? Since sya naman yung magbabayad, pumili na rin ako. Sa dami ng pagpipilian, dun ako bumagsak sa susi yung palawit. Parang mali no? dpat kasi  kapartner ng susi ay something na may lock. But anyway, yun ang pinakamaganda doon kaya yun na lang. Pinakuha din nya doon sa sales lady. Nagpatulong pa nga sa akin na isuot ko sa kanya. Tsaka ko lang napansin na pareho pala yung chain.

“Miss, magkano ‘to? Both.”sabi nya sa sales lady.

“450 po,Sir.” Sabi nya ng sales lady.  “200 yang sa’yo, yung sa kanya 250.”

Nagulat naman ako dun. 450 na para sa dalawang bracelet? Ang mahal naman.Tapos mas mahal pa yung sa akin kaysa sa kanya.

“V-jay, wag na kaya. Mas mahal pa itong sa akin eh. Nakakahiya naman.”

“Hindi. Bigay ko yan sayo. Tsaka di bale, mas ... naman kita eh.” Ano daw? Hindi ko masyado naintindihan eh. Bwisit naman kasi yung isang lalaki. Sa dami ng babanggain sa mundo, ako pa ang napili. Napa ‘ouch’ na lang ako nun. At kung hindi rin naman sya bastos, eh umasta pa na parang walang nangyari.

“Pare, wala man lang bang sorry?”

“Sorry for what? Aksidente lang yun. Hindi ko kailangan magsorry.Sya naman yung nakaharang dyan ah!” Aba! Ang panget na to. Ang yabang. Kung hindi lang mas matangkad sa akin to, sinampal ko na eh.

“Kahit na. Babae sya at nasaktan mo. At tsaka hindi sya nakaharang. Ikaw yung di tumitingin sa dinadaanan mo. Are you gonna say sorry to her or You want me to make you feel sorry?”tahimik lang ako dun na nakikinig sa kanila. Natakot yata yung higanteng yun sa mga sinabi nya kaya nag-sorry na din.Asus. Yun lang naman pala ang katapat nya. Ang yabang pa nya. Duwag naman pala.

Matapos yun ay tinapik lang sya ni V-jay sa balikat. Then, binayaran na nya yung mga bracelet.Dahil gumagabi na, habang nagpunta sya sa Sports Authority, ako naman nag C.R. naiihi na kasi ako. Nag-usap kami na magmeet na lang doon sa may National Bookstore.Malapit kasi yun sa exit.

Pagdating ko dun, eh nandoon na nga sya. May dala pa nga sya na kung ano na parang unan. Hindi ko naman na tinanong kung ano yun.  Pagod na rin kasi ako.Sumakay na kami nun sa jeep. Nakangiti na naman sya nun sa hindi malamang dahilan. Parang sira.

Pagbaba namin ng jeep, maglalakad pa dapat kami hanggang sa amin. Kaya lang, sumakay na kami ng tricycle. Napagod din ata sya. Naupo pa kami doon sa tapat ng game  namin. Wala naman kasing tao sa bahay.Si Daryll lang. May pinuntahan  yata sina Lola. Sina kuya naman,nandoon na siguro sa bago nyang dorm.Pinakita  naman nya sa akin yung dala-dala nya na nasa paper bag. Tumawa ako ng malakas nung makita ko yun. Hindi naman kasi kapani-paniwala.

“Stuffed toy? Mahilig ka pala dyan.” Sabi ko naman habang tumatawa pa rin ako. Sino ba naman mag-aakalang mahilig ang isang V-jay Radley Rivera sa stuffed toy.

“Sino naman nagsabing akin ‘to? Para sayo ‘to Remembrance.. "Seryoso talaga sya nun kaya tumigil na ako sa pagtawa.

Binigay na nya sa akin yung stuffed toy. Medyo malaki din yun pero hindi naman yung super laki. May maliit na card pa dun na nakasulat yung date at kung anu-ano pa.

“Thanks. Hindi mo naman sinabi kaagad. Sana pala bumili rin ako ng para sa’yo.”

“Ok lang naman kahit wala ako.” Tumigil sya tapos tinawag ako.

“Denise..”

“Hmm?”

“Sobrang saya kayo ngayong araw na ‘to.” Ows? Hindi nga?

“Ako din eh,  enjoy ako.”

“Mas lalo ako. Nanalo kami kanina, tapos kasama pa kita.” Touch naman ako dun sa sinabi nya. That was more than enough to make me smile.

Tumayo na ako at tumayo na rin sya.

“Ano nga palang tingin mo dun sa laro namin kanina?”

“Galing! Nanalo nga kayo di’ba? Congrats! I had fun.”

“Talaga? It helped na nandoon ka.”Nagsmile lang naman ako sa kanya at niyakap nya ako.

Tuwang-tuwa talaga sya eh noh?

“Thanks,Denise.” Sabi nya habang nakayakap sya ng mahigpit.

“V-jay, hindi na ako makahinga.” Sabi ko naman kaya inalis na nya yung pagkakayakap nya.

"Sige pala, lakad ka na. Gabi na din eh.”

“Oo nga, una na pala ako. Alagaan mo sya ha. Bigyan mo ng pangalan.” Sabay turo nya sa hawak ko na stuffed toy.

“Oo naman. Thanks dito ah. Wala naman akong nabili para sa’yo. Ito na lang remembrance ko..Ingat ha. ”

Humarap ako sa kanya then...












I kissed him on his cheeks.

Nagulat nga yata sya sa ginawa ko. Ako rin eh. Kaya ngumiti na lang ako at pumasok na ako sa loob ng bahay. Matapos ng ginawa ko eh Wala naman na akong sasabihin no.

Naglinis na ako ng katawan at nagpahinga na. Ang sakit nga ng paa ko dahil sa kalalakad namin. Buti na lang talaga nag rubber shoes ako. Hindi ko naman inalis sa kamay ko yung bracelet. Yung stuffed toy, katabi ko pa sa pagtulog.

Nagvibrate naman yung phone ko.

> Tnx Denise.. Dis is the beSt day ever...Swit dReams.

Magrereply sana ako kaya lang check op na ako.Asar naman. Bakit naman kaya sya nagpasalamat? Ako pa nga dapat magpasalamat sa kanya eh. Halos libre nya lahat yung kanina.Over all nag-enjoy naman ako sa date na yun. Maniniwala ka bang nanood ako ng basketball? Ang arte ko no? Si V-jay lang pala makakapilit sa akin.  Roll Eyes Roll Eyes



Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com