untitled
viviti
“Pare, nkatira ka ba? Para kang baliw.”

“Kapareho ba yun ng inlove? Kung oo, baliw nga ako.”sabay tingin nya sa akin at sabay iwas din ng tingin ko.

-13- 


Maaga ako pumasok ngayon sa school. Ang saya ko nga daw sabi ni Ate Mye. Suot ko din yung bracelet na bigay nya. Nagkwekwentuhan kami doon ni Leah. Nalaman nya kasi yung tungkol sa date na yun. Dahil close naman kami, kwinento ko na sa kanya. Asungot naman yung intercom at bigla na lang sumingit.

‘The following students, please come to the LMC,
Denise Lauren Mendoza...blah-blah-blah..
please come to the LMC’



Pagdating ko sa LMC, nandun na yung ibang members. Pinapasa na yung mga article nila. Waah! Ngayon na nga pala due ‘yun. Hindi pa ako tapos. Nakalimutan ko na. Kailangan na kailangan na daw yun sabi ni Ms. Anyayahan kaya ako ay nag-ala Darna dahil halos lumipad na ako papunta sa room namin para kunin yung kalhati ng article ko. Hand-written na lang since wala naman na akong  time para magtype. Bakit ko naman kasi nakalimutan pa yun!Grabe,madalian na nga lang talaga ang article na yun.  Buti na lang gifted ako pagdating sa writing at natapos ko in 15 minutes.

Pasalamat sila. 

Sa P.E naman. Volleyball Unit kami ngayon. Sa gym naman kami kaya hindi nakakaitim ‘to. Naka P.E uniform kami ngayon. Nang naglaro girls to girls daw muna. Yung mga boys, nasa bleachers lang. Nanalo naman yung group namin nina Leah. Sunod naman ay halo-halo na yung boys and girls sa team.

“Ei, ang cute mo sa P.E uniform.Bagay sayo, ang ganda mo lalo.”


“Sus!Bolahin daw ba ako. Oh dali na game na.” sabay binato ko sya ng bola.Kaya lang nasambot naman nya.

Ngumiti lang sya noon at nagsimula na kami maglaro. Sya sa kabilang team. Hindi naman nya sineryoso yung laro. Parang wala lang sa kanya. Tawa lang sya ng tawa doon. Ayaw nyang iserve ng maayos. Sya tuloy ang pulot ng pulot ng bola.  Kailangan na yatang dalhin sa mental.

“Mr.Rivera, mukhang masyado ka ngang  masaya ngayon ah!Pay attention to the game!!!” Sabi ng P.E teacher namin.

“Opo,Mam.”sabi naman nya habang tumatawa-tawa pa.

Sinerve naman nya ng malakas. Sobrang lakas naman ngayon na nakarating na yung bola sa kabilang side. Tapos, tawa pa rin sya ng tawa.

“Pare, nkatira ka ba? Para kang baliw.”

“Kapareho ba yun ng inlove? Kung oo, baliw nga ako.”sabay tingin nya sa akin at sabay iwas din ng tingin ko.

Ano naman yun? Naku ha. Inlove ba sya sa a--

Yan ka na naman Denise. Dream on!

Kinabukasan, panay ang paalala ng mga teachers tungkol sa exams. Wala! Puro pressure na lang.

Nagsimula na naman ang kalbaryo ko dahil sa Math na yan. Nakinig naman ako sa lecture pero hindi ko pa rin nakuha.  Naiinis nga ako dahil kapag kasabay yung teacher eh nasasagutan ko naman ng tama. Tapos kapag ako na lang, mali na lahat. Dahil nga tiyak na makakasama daw yung sa test eh sineryoso ko ang pag-aaral during breaktime dito sa ilalim ng payong. Ibang usapan na kapag bumagsak ako.

Nanahimik ako dahil nga binabasa ko yung book tungkol sa lesson namin. Argghhhh!!!Sumasakit ang ulo ko sa corollaries na ito. Noong pinanganak yata ako eh isinumpa ako ng mathematics kaya ganito na lang ako kabobo pagdating dito. Nag-try akong magsagot ng ilang problems pero out of five eh dalawa lang yung naitama ko.

“Ugh! Ang hirap naman nito. Dumudugo na yung utak ko.” 

“Kailangan mo ng tulong?” 

Lumingon naman ako bigla  kaya yung buhok ko ay napahampas sa mukha nya. Anak ng tokwa! Bigla-bigla namang sumusulpot ito.  Hindi ko na alam kung saan nanggagaling eh.

“Your hair smells good.” Nag-sniff pa sya sa buhok ko. Parang aso naman ‘to. Sumisinghot-singhot kasi eh.

“Ano,kailangan mo ng tulong?”  tumabi naman sya sa akin. Napansin ko din na may dala syang bola.

“Oo.As in kailangan ko talaga.” Magaling naman sya sa math. Malamang eh kayang kaya nya ‘to. Tiningnan nya yung book ko at sinabi ko na nahihirapan ako sa part na yun. Ni-ready ko naman yung papel para i-jot down yung mga ituturo nya.

“Sige, kita na lang tayo mamayang labasan. May practice kasi ako ngayon eh.” Nginitian lang nya ako. Nakakaloko. Akala ko pa naman tuturuan na ako! Basketball talaga oh. Asungot!

So ayun nga. Nagpunta na sya sa practice nya. Ako naman eh pumasok na sa room at naghintay na lang ng next class. Noong labasan eh may message ako nung binuksan ko yung phone ko.

>and2 ko sa gym. Punta ka d2.

Eh di punta naman nga ako sa gym.  Dala-dala ko pa yung mga books ko na pagkabigat-bigat. Kailangan ko kasi pag nag-aral ako mamaya. Pagpasok ko sa gym eh wala namang tao. Ako nga lang yata nandun eh.

“Denise,dito!”
  nandoon pala sya sa maliit na office ni Sir Mike. Pumasok naman ako doon. Mukhang nag-aayos sya ng mga files eh....habang nanonood ng tv. Ngayon ko lang  nalaman na may tv pala dito sa office ni Sir Mike.

“Bakit dito?”

“inutusan akong mag-ayos ng files ni coach. ” tapos kinuha nya yung book ko.

“Dito ka ba nahihirapan? Ganito lang yan...” tapos inexplain na nga nya.  Hindi ko naman dinemand na tulungan nya ako  dahil nakita ko naman may ginagawa nga sya. Pero ayos lang naman daw dahil madali lang iyon.Maayos naman ang pagkakapaliwanag nya kaya unti-unti ko ng naintindihan. Habang tinturuan ako eh hindi nya maiwasan manood ng tv. Hindi na ako nagtaka eh. Basketball kasi ang palabas.


“Oh..try mo ‘to sagutan.” Tinuro nya yung problems doon sa book. Nagulat naman nung narinig ko yung tiyan ko. Nag-growl eh.

Nyikes! Nakakahiya. Halata mo na natatawa na sya pero pinipigil lang.  Ngumiti na lang sya at biglang tumayo.

“Bibili muna ako sa labas. Ano bang gusto mong kainin?”
   
“Kahit ano na lang. Kaw na bahala.” Sabi ko na lang.

“Ok. Pabantayan lang nung game.” Sabay tinuro nya yung tv. Wala naman akong nasabi dahil  ang bilis nya lumabas.

Tinuloy ko yung pagsagot dun sa mga problems. Once every minute or two eh na-glance ako sa  tv. Kahit labag sa kalooban ko eh binantayan ko na rin yung game. Naiinis nga ako dahil hindi ko naman masyadong naiintindihan. Pano ko naman ieexplain sa kanya yung mga nangyari.

Patapos na ko dun sa sinasagutan ko nang dumating sya. Alam ko na agad kung saan sya bumili. Chicken Joy kasi tapos may bubuyog na pula.

“Anong nangyari?” 

“Nung umalis ka, natapos naman yung second round.  38-43. Noong 3rd round, nagtie sa 60.”Tumigil naman ako sa pagsasalita. Paano naman kasi eh nakatingin lang sya sa akin nun habang ako...i’m trying my best to explain kung anong nangyari sa epal na basketball game yun. TApos sya nanakunot yung noo na para bang hindi nya naiintindihan yung sinabi ko.

"Eeh! Wag na nga. "

“What? Anong bang ‘round’? Baka naman ‘quarter’’ because round is for boxing.” Tawanan daw ba ako? Malay ko sa basketball na yan! Hindi naman ako mahilig dyan.

“Whatever. Pareho na rin yun. Wala akong alam dyan.”

Kumain naman kami nun. Nanonood pa rin sya ng basketball habang chinecheck yung mga sagot ko. Ako naman, inayos ko na yung mga files na dapat sya ang gumagawa. Kaya lang ,tinutulungan nya ako sa lessons kaya parang bayad ko na rin. Maya’t maya nga eh tinatawag ako at sinasabi kung anong move yung ginagawa ng mga players. Lay-up daw yung ganun, blind pass yung ganito, free throw dahil ganun.  At kung anu-ano pa. I don’t know why he started telling me all those stuff. Basta sabi  lang nya...



“it might help you in the future.”


-14-

Next day.Lunch. Naglalakad ako papuntang cafeteria para kumain. Maya-maya lang kasunod ko na pala si V-jay. Kaya ayun, sabay na nga kami papuntang cafeteria. Habang naglalakad kami, bigla na lang may lumapit na babae.
Nagulat na lang ako ng bigla nyang hinalikan si V-jay sa lips. It was a smack.
Tapos nun ay nagsmile yung girl at tumakbo na papalayo. Ayos din ah! Agaw eksena.

Kung makikita mo yung hitsura ni V-jay  eh parang nashock talaga. Kahit naman ako eh nashock din doon sa ginawa nung babae. Pati nga yung mga tao sa paligid eh napa ‘whoa’.

“Geez...She’s  so random!”
sabi nya yun habang pinunas nya yung labi nya. Halatang nalagyan ng lip gloss eh.

“Yeah. Totally random. Kilala mo ba yun? Ninakawan ka ng halik ah.” I couldn’t believe that girl.

Hindi naman nya sinagot yung tanong ko hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Tintukso sya nung mga barkada nya na nakakita nung “Kissing Scene”

“Pare, kamusta naman yun. Ninakawan ka ng halik ng crush mo.”

“Oo nga pare. Sya na yung gumawa ng first move. Sisiw na para sa’yo. Pwedeng pwede mo ng diskartehan.”


Ahh!!! Magsitigil nga kayo. Hindi ko gusto yung mga naririnig ko. Yung babae na yun pala ang crush ni V-jay. Ano ba naman yan. Masyado naman yatang aggresive.

But I admit...she’s pretty.

 Bigla na lang nag-init yung mukha ko ‘nun. Nawalan na ako ng gana sa pagkain. At hanggang sa matapos yung araw na yun eh parang tuluyan na akong nawala sa mood.

Friday.Nagtake kami ng kung anong-test ngayon. Assesment test yun. Half day nga kami dahil dun eh.Ganun kasi kapag may assesment test. Parang pahinga na siguro yon habang yung mga teachers eh nagchecheck.Usually pumupunta kami sa mall or kumakain somewhere kasama ang mga kaklase.

Nakaupo na naman ako doon sa may malaking payong at may chewing gum na naman. Biglang may humawak sa dalawang balikat ko. Diyos ko. If you don’t see me tomorrow that means I died because of heart attack.

“Denise, tara,sama ka sa akin.”

Kinuha nya yung bag ko na nakalapag sa bench at hinila  nya ako palabas ng gate. Sana lang hindi sya nagmamadali no. Ang bilis nyang lumakad.

Sumakay kami sa tricycle noon. Hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Medyo malayo siguro, dahil nagtricycle kami. Kahit naman papaano ay kilala ko na sya. Natatandaan ko na sinabi nya dati na  mas gusto nyang maglakad.

“Oh, bakit nagtricycle ka yata ngayon? Saan ba kasi tayo pupunta?”

Tumingin lang sya sa akin at ngumiti. Ano namang ibig sabihin noon? That didn’t even answer my question.

Maya-maya lang, huminto na yung tricycle. Bumaba na kami at nakita ko naman yung address plate sa tabi ng gate.

RIVERA
3248 Freemont

Bahay siguro nila ito. Ano ba ‘to?Mansion? OA! Binuksan nya yung gate at pumasok na kami.  Namangha naman ako dahil garden pa lang ang ganda na. Ano pa kaya sa loob?

“Bahay nyo?”

“I think so” Naku ha! Hindi ka pa sigurado. Baka mamaya hindi sa inyo ‘to. Tresspassing pa tayo.

“Anong gagawin natin dito?”

“Nandito sina Daddy ngayon. Ipapakilala kita sa kanila.”

Pagpasok namin, mas lalo pa akong namangha. Ang ganda kasi. Nakita ko doon sa living room  yung mga displays. May mga figurine ng airplane at maliliit na flag from different countries. Siguro mahilig silang magtravel or something.
Pagtingin ko naman sa kabilan side, may mga pictures naman doon. May lalaki doon na sa tingin ko ay tatay nya. Kahawig kasi eh.

“That’s my dad. He’s a pilot. Minsan lang syang nandito dahil kung saan-saan yung byahe nya. ” Wow. Pilot.Astig! Sabi ko na nga ba yun ang tatay nya.

That explained everything. Kaya naman pala may mga eroplano at flags from different countries. Piloto naman pala. Pinakita din nya yung picture ng Mommy nya at yung kapatid nyang babae na mas bata sa kanya.

“At eto naman, baka hindi mo kilala eh ako.” Makakalimutan ko naman ba ang mukhang yun?

“Sino ba yan? Ngayon ko lang nakita ang pagmumukhang yan ah.” Niloko ko naman sya.

“So may kapatid ka pala no? magkahawig din kayo eh.”

Tumango naman sya at ngumiti. Hinila nya ako at ililibot daw nya ako sa bahay. Ang ganda ng pagkakaayos ng bahay. Elegante pero homey pa rin. Nakita ko din yung kwarto nya. Ano sa tingin nyo ang hitsura? Ano pa, eh di basketball ang theme at parang hindi kwarto ng lalaki sa sobrang ayos. May mga bola pa nga na may autograph.Yung ‘Bryant’ lang ang familiar sa akin.  Madami din syang collection ng jerseys, and ball caps. Meron din syang laptop doon.

Napansin ko naman yung parang jewelry box na transparent. May mga wrapper ng juicy fruit. May sayad ba ‘to ? Itago daw ba ang basura?

“Ei, ano to?”

“Gum wrapper.” Oo nga naman, Denise. Gum wrapper nga naman.

Itatanong ko pa sana kung bakit nakatago yun kaya lang hinila na naman nya ako papunta sa next room. Napipikon na ako ah. Kanina nya pa akong hinihila.

Akala ko ba nandito yung Daddy niya? Eh kanina pa kami naglilibot dito, wala naman akong ibang nakita kung hindi yung isang ale na maid yata nila. May isang room pa doon na hindi na ako nakapasok. Nandoon daw yung mga aso nila at hindi pa daw nya napapaliguan kaya next time ko na lang daw tingnan. Hindi naman ako disappointed dahil hindi naman ako interesado mameet yung mga aso nila. Baka mapatili ako dun ng di oras.

Ang last part ng bahay na pinuntahan namin ay yung backyard. May deck sila doon at nandun pala yung buong family nila. Papalabas pa lang kami noon nang napatigil naman ako. Tiningnan ko si V-jay noon. Nakatingin na naman sya sa kin at nakangiti pa. Ano bang nasa isip nya ngayon? Ewan ko.Hindi ko rin alam. Ang weird nga nya nitong mga nakaraang araw.For some strange reasons, bigla na lang akong kinabahan. Maybe because his parents look tough? I don’t know. Dahil nakatigil ako doon sa may pinto, hinila na naman nya ako. At talagang nakangiti pa sya. Talagang hindi nauubusan eh.

“Daddy, Mommy, si Denise po.”

“G-good afternoon po. Mr. and Mrs. Rivera” Oh my god. Natutuyuan ako ng laway. Hindi ko alam ang sasabihin ko dito.

“Good Afternoon din. Naku,masyado naman formal.Tita Racquel na lang.”

“Right hija, ako naman, just call me Tito Vic.Feel at home ok.”

“Ok po.”

“Sa wakas, nakilala ka rin namin. We’ve heard so much about you.” Naku ha.Nakakatakot ‘to.Are they investigating me or something?
 
Lumapit naman yung batang babae. Actually, hindi na sya ‘bata’ eh. Medyo dalaga na.

“Hi, ok lang bang Ate Denise ang itawag?”  Tumango naman ako at nagsmile. Kilala na rin nya ako. Tsk,Tsk. Iba na ang sikat. Wink

“Reese nga pala.”  Parang sya yung babaeng version ni V-jay ah.


Tinawag naman na kami sa mesa para kumain. Ang daming ngang nakahanda eh. Parang fiesta. At may barbecue pa. Favorite! Kumain naman na kami noon. Ang magkatabi ay yung parents nila, tapos si Reese, ako, then si V-jay. Pabilog yung table, pero feeling ko ako pa rin yung nasa pinakagitna. Nakakailang nga eh. Lahat sila ineentertain ako. Idagdag mo pa na si V-jay nilalagyan pa ako ng pagkain sa pinggan ko. Hello? Meron naman po akong sariling kamay.

“Anak,babalik na nga pala ang pinsan  mo from the states.”

“Talaga po? Eh di mabuti. When?”

“Bukas ng tanghali.”

Out of place naman ako. Hindi ko alam yung pinag-uusapan nila. Oh well, it’s none of my business.

Inutusan naman si V-jay ni tita Racquel na kuhanin yung dessert sa loob ng bahay.

“Denise, ginugulo ka ba ni V-jay? Sabihin mo lang,at tuturuan ko ng leksyon.” Sabi ni Tito Vic.

“Hindi po. Mabait naman po yun. Mahilig nga lang manghila.” Sabi ko naman.Tapos ay biglang nagtinginan sila ni Tita Racquel at tumawa.

Para saan kaya yun?

“Ganun talaga sya since maliit pa sya. Kapag hinihila ka nya,that means, masaya sya kapag kasama ka. Ganoon talaga sya. Sa akin pati. Especially kay tito Vic mo.” May ganun?

Bumalik na si V-jay dala yung dessert. Bigla naman iniba ni Tito Vic yung usapan. Ayaw nyang malaman ni V-jay?!? Shocked

Pagkatapos namin kumain, nagyaya naman si Tito Vic na doon daw kami sa family room dahil umiinit na.  Ang dami din nilang DVD doon. Collection daw nila. Ang dami naman yata nilang collection.

Parang nagkaroon na rin ng talkshow dahil sa kwentuhan at gag show dahil patawa ng patawa si Tito Vic. Pagod na nga ako sa kakatawa. Si V-jay naman, ay hindi umalis sa tabi ko. Dapat lang no. Dinala-dala nya ko dito tapos iiwan nya lang ako. Mukhang napagod na rin sya sa kakatawa at nakahawak pa sya sa tiyan nya. Nawala naman na yung pagkailang at kaba  ko at napalitan ng enjoyment. They are not really as tough as I thought before. Ok nga sila eh. Ang sayang kasama.

Hinatid naman ako nina V-jay sa bahay. Kasama pa nga si Reese eh.

“Ei, hindi mo pa nasabi sa akin yung tungkol sa parents mo.”

“Ah.oo nga pala no. Nurse sila pareho. 10 years ko na nga sila hindi nakita eh. Kagaya ng iba,nandoon sila para mabigyan kami ng mas magandang furure.Ang last  na nakita ko sila eh yung namatay si Dustin. Hindi na nga naabutan nina Mama na buhay sya eh. Sayang. Tapos, ayun, hindi pa naman kami madala nina Mama doon dahil nga yung mga papeles na kailangan pa ayusin. Sabagay, ayoko rin naman pumunta doon. Ayun ang drama ng buhay ko... Ang lungkot no? Parang api. Pwede nang pang telenovela. Ikaw may drama ka rin ba sa buhay mo?"

Ang konti lang sinabi ko no?

“Ako? Wala naman. Hindi naman ako api. Ako pa yung mabait sa api.”

Ewan ko ba kung seryoso sya sinabi nyang yun. Nakangiti din kasi sya eh.

“Wala daw?! Meron eh. Ate Denise, may drama din yan. Nga pala, I like your bracelet. ”sabi naman ni Reese.

“Thanks. Paano mo naman nasabi na madrama?”

“Simple lang naman. May pinsan ako, solong pinsan ko yun sa father side.. May sakit sa puso. Kawawa nga yun eh. Lagi syang tinutukso kasi lampa sya. Tuwing mapapahamak sya, to the rescue agad ako. Sabi kasi ng lola ko, I should always protect him as much as possible and I should give way to him as much as I can. And share what I have,as well.Kaya kung meron akong something na gusto nya, binibigay ko. Ako lagi yung nagpaparaya para sa kanya. ”

“Sobrang bait mo naman pala. Eh bakit kailangan ganun?”

“Ayaw nila na masaktan yung feelings nya kasi nga may sakit sya sa puso. May favoritism din pero ayos lang sa akin.Naawa rin kasi ako. Hindi naman nya nagagawa yung mga bagay na pwede at kaya kong gawin Limited yung kanya. Ako naman, sa tingin ko normal ako kaya ako na lang naggpapalamang.”


“Ahh...” yun na lang yung lumabas sa bibig ko. Speechless na ako.Para ngang gusto kong umiyak dahil sa story eh pero pingil ko na lang.

Pero ang bait naman nya sobra. Kung ako nga, hindi ko yata kaya gawin yun para sa kapatid ko eh. Sa hitsura nya, parang wala lang naman sa kanya yun. Kakaiba rin eh noh?


“Kuya, who told you you’re normal?” sabi naman ni Reese habang tumatawa  kaya ginulo ni V-jay yung buhok nya.

“Shut up, Reese." Binuksan ko naman yung gate nun para makapasok na.


"Hold on. Wait. Ate Denise, have you seen those gum wrappers doon sa kwarto ni Kuya?"   Pinigilan naman ako ni Reese. Natatawa pa sya na parang ewan. Si V-jay naman sinisiko sya.


"Err...yeah. Para saan ba yun?"

"Well, ang corny. But kuya's keeping those gum wrappers because they're from you." tawa na ng tawa si Reese. Ang sama naman ng tingin ni V-jay sa kanya pero biro lang naman yun.

"Totoo ba yun?"  Nagkamot pa sya sa ulo. Sumagot sya pero hindi nakatingin sakin ng diretso.

"Uhmm....yea." Napangiti naman ako nun. "sige na Denise, hihintayin ka namin makapasok sa loob.”


“Ok. Bye Reese. Nice meeting you.”

“Ate, punta ka ulit sa bahay ah.” nag-nod lang ako.

“Thanks sa paghatid. Ingat kayo sa pag-uwi ha.” Tinapik ko naman sa balikat si V-jay.

“Good night Denise!” Tumango lang naman ako at pumasok na sa loob ng bahay.

Noong gabing yun, nagkaroon pa ako ng time para magmuni-muni. Bigla na lang nasagi sa isip ko si V-jay.  Kakaiba rin yun e. He is...well...something.

  -15-

Katulad ng normal na araw ko, school tapos bahay. Aral tapos tambay sa harap ng tv o kaya naman computer.

Si V-jay naman, normal din siguro. Busy pa rin sa basketball. Minsan makulit,minsan naman eh seryoso. Kung minsan naman, napaka weirdo nya kaya hindi ko na maexplain. But there is really something about him that is making me weak.

Weekend. Walang pasok. Hay..ang sarap matulog. Nagising na ako pero medyo nagkakapit pa yung mga mata ko. Pero, kapag ganito, asahan mo na may istorbo.

May kumakatok sa pinto ko. Kung makakatok pa akala mo ay katapusan na ng mundo.

“Ate! Gising na. May naghahanap sa’yo sa baba.”

 Speaking of the devil. Himala yata ngayon at nauna nagising sa akin si DAryll. Eh tulog mantika din yun eh.

Sino namang yang nasa  baba? Ang aga aga, istorbo.Bumangon na ko. Nagtooth brush at naghilamos lang tapos ay bumaba na ako. Alas-10 na rin pala. Hindi na maaga.

“Good Morning,Denise.” Akala ko ba nasa states sya?

“Yuan?” Well, ang saya...my crush is back.

Tumayo at binigay sa akin yung flowers na dala nya.May chocolate pa nga eh. Malamang galing pang states yun. Ganun din kasi yung pinadadala nina Mama. Ang pinagkaiba lang ,nasa lalagyan na korteng puso yung dala ni Yuan.

“Thanks,Anong ginagawa mo dito?”

“Dumadalaw lang. “

Bigla naman pumasok si Kuya Darren. Nandito si Kuya! YAy!At may kasama pa.

Si V-jay??? What in the world is he doing here?

“Oh, nandito ka rin?”  kakshock ‘to ah.

Nagsmile lang naman sya sa akin. That ‘killer smile’ again.

Help!!! PArang gusto sumakit ng ulo ko. Hindi ko gusto ang scenario na ito. Si V-jay tapos si Yuan.May flowers at chocolate. Gusto ko yatang umakyat na  lang ulit sa kwarto ko. Baka kung anong isipin ni V-jay. Teka, ano naman pakialam ko kung anong iisipin nya diba?

May nagsnap naman sa harapan ko. Si kuya Darren.Akalain nyong natigilan pala ako.
   
“Umayos ka.Wag parang ewan.” Binulong nya sa akin yun.

As if naman na hindi halata nung dalawa. Pagkatapos noon, umakyat sa kwarto nya si kuya.

“Ah...V-jay si Yuan nga pala.... Yuan si V-jay.”

Nakipagshake hands naman si V-jay kay Yuan.Napansin ko na nakapang basketball si V-jay. Blue and white pa nga yung kulay. As usual, 46 na naman yung number. May dala rin sya na bola.

Maya-maya naman, bumaba na si kuya. Nakapangbasketball din sya. So, I guess... hindi naman ako ang pinunta ni V-jay dito. I thought—yeah right Denise. Asa ka pa. Feeling mo naman ang haba ng hair mo.

“Tara na.”
sabi ni Kuya.

“Oh, eto na pala. Sige Denise, mauna na kami...see yah.”


Tumayo na si V-jay nun. Nakipagshake hands naman ulit kay Yuan. Talagang may ‘repeat’ pa ha. Umalis naman na sila. Obviously, maglalaro sila ng basketball.

“Yuan, kailan ka nga pala dumating?Kamusta yung surgery?”

“Successful naman yung surgery. Bawal pa nga lang magpagod masyado. Pero makakapasok na ako sa school. Sa Brayden Johnson High School na rin ako. "

“Ah, talaga. Bakit ka pala nandito?”Teka..parang tinanong ko na yun kanina ah?

“Namiss lang kita.Kaya eto, dinadalaw na kita.”

Parang mali yata yun. Sya yung nagkasakit dito tapos ako yung dinadalaw.

Loko ka talaga.Baliktad naman yun. Ikaw yung na-operahan, ako pa yung dinalaw mo.”

Nagkwentuhan kami doon tungkol sa pagstay nya sa Amerika. Fall pa lang daw dun kaya hindi naman masyadong malamig.Marami-rami rin yung nagpag-usapan namin. Tumunog bigla yung phone nya kaya nag-excuse sya. May narinig ako na ‘Mom’ kaya malamang yun yung mommy nya. I wasn’t eavesdropping,ok?! Narinig ko lang dahil malakas talaga yung pandinig ko.

“Denise, mauna na pala ako. Tumakas lang kasi ako sa bahay. Bye.”
Hinatid ko na lang sya hanggang sa may pinto.

Hayy...Lunes na naman. Another week again. Let’s start it right.Rise and shine, Denise Lauren! Good Morning America...este Philippines pala.

Ginawa ko naman yung daily routine ko. Pagdating ko sa may kanto ng Freemont, nandun si V-jay. Nakisabay naman sya sa paglakad.Tanghali na rin ah. 6:45 na. Dapat nasa school na sya ng ganitong oras.

“Good Morning Denise.” Hay...talagang good ang morning ko.

“Good Morning din. Tanghali ka na yata ngayon ah.” Sabi ko naman.

“Oo nga eh. Hinintay kasi kita. Kanina pa nga ako doon, alas-6.”

“Ako? Bakit mo naman ako hihintayin?” hindi naman nya ginagawa ‘yun dati.

“Wala lang. Gusto ko lang kita makita agad.” Ay ganun?!   Huh Roll Eyes

“Bakit? May kailangan ka ba? Ano? May problema? Tell me.”

Ngumiti lang naman sya sa akin ‘nun. Talaga  bang hindi sya nauubusan ng supply ng smile?

Tiningnan ko naman sya na parang “Huh?”

“Wala.Gusto nga lang kita makita agad.Bawal na ba yun ngayon?”  sabi naman nya.

“Hindi. Sinabi ko bang bawal?”

“Ako na nga magdala nyan.” Sabay kuha nya nung mga libro ko.

“Dumating na yung pinsan ko.” Parang natatandaan ko nga na pinag-uusapan nila yun.

“Oh yeah? Eto ba yung pinsan na kwinento mo sa akin dati?”

Nag-nod lang naman sya noon. Nakarating na rin kami sa school at dahil magkatabi lang din yung upuan namin,hanggang sa loob ng room, magkasabay pa rin kami. Namataan na naman kami ni Leah kaya nanukso na naman sya. Naku naman, pagsinimlan nyan, hindi ako titigilan. Ganyan sya kapag may topak. Idagdag mo pa si Ashley. Tapos na ang full moon ah. Bakit sinusumpong pa rin sila?








Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com