untitled
viviti

“Denise, pangatlo na 'to.Is it Truth or Dare?” Nyikes.Speaking of the ....bottle.Kanina pa pala ako tinatanong.


“Uhh.....truth na lang!



-16-

Usap-usapan naman sa school yung bagong estudyante. Sino pa nga ba? Eh di si Yuan. Hindi naman namin sya kaklase dahil doon sya sa Section C. Pero yung room nila ay malapit lang din ng sa amin.

Paglabas ko ng room para pumunta sa cafeteria, nandun si Yuan. Nagtanong nga sya kung pwede daw sabay kami kumain at pumayag naman ako.Nilibre pa nga ako eh. Spaghetti at garlic bread yung akin. Yung kanya naman eh vegetable
salad.Masyadong healthy eh no?

Chinika ko naman sya tungkol sa first day nya dito sa Brayden High. So far, ayos daw naman. Sabay na din kami papunta sa room. Ang bagal nga lang nyang maglakad. Kabaliktaran ni V-jay na madalas eh kinakaladkad ako.

Dahi mabait naman ako, sinamahan ko na si Yuan  hanggang sa room nila.  Tapos nun sinamahan din nya ako hanggang  sa room namin. In other words, naghatiran lang kaming dalawa. Hindi ko naman na siya sinamahan hanggang sa room nila.Eh di babalik na naman ako. Para kaming sira na naghatidan.

Wala pa naman yung teacher namin kaya nakipagdaldalan muna ako doon. Nagkumpol-kumpol yung mga kaklase kong babae doon. Ano namang chismis?
May dala pala na magazine yung isa naming kaklase. Noong narinig ko nga
Yung pangalan na Chad Michael Murray. Napatili na lang ako at nakijoin na rin ako sa kanila. Oh.My.God. Nakakabaliw talaga si Chad. Bago ako, himatayin sa kagwapuhan nya eh bumalik na ko sa upuan ko. OA noh?  Si V-jay naman, nandoon din at naglalaro sa cellphone nya. Nakaball cap pa. Bawal sa loob ng room yun ah.

Teka...Bakit sya nandito? May practice dapat ngayon ah!
Bakit ko alam? Wala lang.  Smiley Smiley


“Canceled ba ang basketball practice  ngayon?”


“Hindi. Tinatamad lang ako magpractice.” Pwede pala yun. Kapag ayaw nya ,di sya pupunta.

“Nakita kita sa cafeteria kanina ah. Pati yung kasama mo. Magkasundo naman pala kayo ng pinsan ko eh.” Ooh. Right sa caferia kaninang lunch. Wait...pinsan? Hindi ko pa nga nakikilala yun eh.

"V-jay, ipakilala mo naman kami sa pinsan mo...ang gwapo eh.’’Marami ka pa bang pinsan? Mukhang ang ganda ng lahi nyo ah.Pakilala mo naman”

Yun yung sabi ng mga kaklase namin na babae. Basta boys talaga ang pinag-usapan,asahan nyo na sila ay nandun. Tinawanan lang naman ni V-jay yung sinabi nila. Ako naman eh napatawa na rin. Ganun na ba sila ka desperate?

“Kamusta nga pala yung pinsan mo? Kailan ko ba sya makikilala?Dito rin sya nagg-aaral?”

“Kilala mo na. Nasa bahay nyo pa nga nung sabado. Kasabay mo pa kumain kanina.”

Kasabay ko kumain kanina?    Shocked Tell me this is a joke.

“Si Yuan? Magpinsan kayo? Pano nangyari? Bakit magkaiba kayo ng apelyido?”

“Anong paanong nangyari? Yung mommy nya,only sister ni Daddy. Kaya Yuan Mercado sya. Hindi naman kailangan pareho ng apelyido di ba?“

“Ah...hindi mo naman agad sinabi. Eh bakit parang hindi kayo magpinsan nung nagkita kayo sa amin?”

“Kailangan bang ganun? Denise, nga pala. May game kami mamaya. Nood ka ha.”

“Ok. Anong oras ba?”

“Hindi nga?Manonood ka talaga?Sigurado ka” sabi tayo at hinawakan yung dalawang balikat ko. Pigilan nyo ako. Sasapukin ko ‘to eh.  Ayaw pa nyang maniwala.

“Oo nga. Kaya nga ‘ok’ di ba? Panoorin kita. Anong oras ba?”

“Mamaya,after school. Pwede bang  ihatid na rin kita mamaya sa inyo?”

“Ok.”


Filipino,wala na naman kaming teacher. Ok lang naman sa akin dahil boring naman ang subject na yun. Yung mga girls eh bigla na lang nag-ipop-ipon sa isang sulok ng room except for me and this other girl na sobrang tahimik.

“Denise,halika dito. May gagawin tayo. Masaya ‘to. “ sabi ni Leah. Dahil boring nga eh nakisali na din ako sa kanila.

“Ok, we’re going to play Truth or Dare.” Tama ba yung narinig ko? Ayaw ko na yatang sumali. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at balak ko na bumalik na sa upuan ko.

“Girls, kayo na lang.”

“Hep-hep-hep. Bawal ka umalis. Kapag umupo ka na bawal na. Kung tutuloy ka pa rin, it’s automatically a dare. A terrible dare. Ano aalis ka pa ba?”Naku ha! Terrible dare pa. sige na nga i’ll stay. Baka kung anung idare sa akin ng mga ito eh.

Bumalik na ako sa pagkakaupo ‘nun. No choice naman eh. Kapag natapat sa akin yung bote, truth na yung pipiliin ko.

“These are the rules, sa truth kung tao yung sagot, full name dapat. Kung Yes or No yung question, just answer straightly. Kung dare, you must do it no matter what. And doon sa magbibigay ng dare, galingan nyo.”  Undecided

Unang natapat yung bote kay Raylene. Dare yung pinili nya kaya dinare sya na ganutan ang pinakakinaiinisan nya na lalaki sa buong klase. Kaya ayun, ginanutan nya  si Jake. Yung ex nya. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng bote. May ilan na rin na pumili ng truth at ang mga tanong eh, ‘do you still love your ex?’ or ‘totoo ba na ikaw yung nagcheat sa inyong dalawa?’ kakatakot yung mga tanong. Mostly about sa boyfriends eh. Wala naman akong dapat ikatakot kung tanungin nila ako ng ganun dahil wala naman akong boyfriend at naging boyfriend. But thank God at hindi pa napapatapat sa akin yung bote.

“Denise, pangatlo na 'to.Is it Truth or Dare?” Nyikes.Speaking of the ....bottle.Kanina pa pala ako tinatanong.


“Uhh.....truth na lang!


-17-

“Ok, ako na ang magtatanong. Dahil hindi ka masyado nagkwekwento tungkol sa mga boys, eto yung tanong ko.Curious lang ako, parang masyado kasi kayo nagiging malapit ni V-jay, kayo na ba?"   Ano daw? Bigla akong nasamid sa sinabi nyang yun.

"Hindi no, kaibigan ko lang yun."

"E sino pala yung bf mo or kahit crush na lang.” Sasabihin ko na ba? Sige na nga, crush lang naman eh.

“Wala naman akong boyfriend eh. Sa crush na lang. I have a secret crush,matagal na pero dahil sasabihin ko na eh kaya hindi na sya secret. Si Yuan Mercado po.” Si Yuan naman talaga di ba?

Nung sinabi ko yun eh nagulat pa yung iba.Eto yung mga reaksiyon nila:
 ‘Akala ko kayo ni V-jay.’’kasabay mo sya kanina ah! ’ ‘si Yuan? Yung bagong student.He’s so hot!’’

Si Leah yung next na tinapatan ng bote. Naks naman. Talagang magkasunod pa kami. Dare ang pinili nya. This time,si Angela ang nagdare sa kanya. Yung pangalan na ‘angela’ eh hindi naman bagay sa kanya dahil opposite sya ng angel.

“Leah! Bestfriend mo si Denise di ba?" Si leah naman ay tumango lang. bakit naman ako kasali?

“I dare you to stand in front of the classroom and tell everyone who Denise’s crush is.”

“What? “Are you crazy?”

“No,that’s my dare. You must  do it.”   Akala mo kung sino makapag-utos. Pero Wala naman akong magagawa dahil dare yun. Tumingin si Leah na parang tinatanong kung ok lang kaya I just shrugged my shoulders and said....

“ok lang.”

Then pumunta na nga sya sa sa harapan. Sa gitna pa mismo. Parang ayoko nga marinig yung sasabihin nya kaya pinikit ko lang yung mata ko. Ang gara no? Ayaw marinig tapos pinikit yung mata?

“Oi, makinig kayo. Ang crush... ni... Denise ay si...si..Yuan Mercado.”
Sabi ni Leah.Narinig ko na rin.

“There Angel? Masaya ka na?”

“Yeah. Good Job.”
Nagthumbs up pa sya. At may evil grin pa sya. May lihim na galit yata yun sa akin e.

Kilala na ng lahat ngayon kung sino ang crush ko. Gulo ba itong pinasukan ko? Hindi naman siguro. Napatingin na lang ako kay V-jay bigla. Gusto ko lang siguro malaman kung ano yung reaction nya. Pagtingin ko eh nakatingin din sya sa akin pero bigla nyang iniwas yung tingin nya.

Attention: All students, Intrams na next week!!! Don’t forget to buy your
 t-shirts to show team spirit. T-shirts are available at the Student Council store sa room 205.


Boses pa lang eh kilala na. Si Mariel yung nagsasalita sa intercom. President ng  Student Council. Intrams na pala next week! Masaya yun!!!

After school nga eh dumeretso na ako sa gym kasama ko pa si Leah at Ashley. At si Yuan,nandoon rin. Marian School pala yung kalaban nila. Madami nga din tao dun na taga Marian school. Halata naman kasi sa uniform nila. Doon kami nakaupo sa bleachers sa bandang gitna. Ang magkatabi eh si Ashley at Leah,tapos ako at si Yuan. Kumaway pa si V-jay sa akin nung nakita nya kami kaya kumaway din ako. Nagwink pa nga sya sabay talikod. Naramdaman ko naman na nakatingin si Yuan sa akin ‘nun kaya napatingin na din ako sa kanya.

“Kayo ba ni V-jay?”

“Ha? Hindi pa.” sinabi ko ba talgang hindi ‘pa’? ok,i’ll rephrase it.

”I mean...hindi”

“Nanliligaw ba sayo?” Bakit ka ba interesado?

Umiling lang naman ako ‘nun. Sabay tingin ko doon sa mga naglalaro. Saktong-sakto naman na nakascore si V-jay kaya napapalakpak naman ako. Si Leah at Ashley naman eh nakasentro yung attention sa game. Palibhasa nandun yung mga crush ni Leah.

“Alright then.”   Alright then what??? Isa pa itong mahilig mangbitin. Nagmana din sa pinsan nya.And speaking of pinsan...

“Yuan, hindi mo nasabi sa akin, na magpinsan pala kayo ni V-jay. ” hindi man lang sinabi sa akin. Ako na lang yata ang hindi nakakaalam.

Ahh..yun ba? Magpinsan nga kami.  The best yang si V-jay. Ang dami ko na ngang utang dyan. He saved my life twice.” Wow. Niligtas nya pala sya. Hindi nya nasabi yun ah. Ang akala ko, lagi lang syang nagpaparaya. But either way, ang bait pa rin nya.

“That’s so nice of him.” Sabi ko naman.

“Yeah! They won!!!”

As usual, nanalo na naman sina V-jay. Hindi na bago yun para sa akin. Hindi naman maipagkakaila na magaling talaga sila.

Hindi rin nagtagal eh bumaba na kami sa bleachers para i-congrats si V-jay. Sinalubong naman nya kami na dala-dala yung ‘killer smile’ sa mukha nya.

“Hoy Denise, ano na? ” Aray naman. Tama ba namang batukan ako Sa harap pa ng maraming tao. Nandoon din kasi yung mga team mates ni V-jay.

“Ano?!” sabi ko habang hawak ko yung ulo ko.

“Lumilipad na naman yang isip mo dyan. Kanina ka pa tinatanong ni Yuan.”  Talaga? Kinakausap pala nila ako. Ang alam ko nandun pa rin ako sa moment na nakasmile si V-jay eh.

“Ha? Sorry. Ano nga ulit yun?” Nakakahiya ka,Denise!

“Sabi ko, ihahatid na kita sa inyo. Nandyan yung kotse namin sa labas.”

“Ahh..ano kasi...maglalakad ako eh. Tsaka may kasabay na ako.” sabay tingin ko kay V-jay.

“Denise, go ahead.kung gusto mong sumabay na sa kanya, ayos lang naman sa’kin”  sabi naman ni V-jay habang nakahawak sa strap nung backpack nya.


 -18-

Minsan lang nangyayari na makakasabay ko ang crush ko.Hindi ko na papalampasin ‘to.Pero paano naman si V-jay? Unfair naman dahil kanina pa nya sinabi sa akin na sabay kami uuwi. Si V-jay or Yuan?

Nagdial  si Yuan doon sa phone nya.

“Hello, Kuya. Mauna ka na. Maglalakad na lang ako. Ako na bahala kay Mommy.” Then he hang up.

“Oh, Let’s go. I’m walking with you,guys.” Sabi nya sa amin ni V-jay. Magkatabi kasi kami noong time na yun.


“Tara na pala.”  Kinuha nya yung mga libro na dala ko.

“Leah, sabay na rin kayo sa amin.”

“No.Hindi na. Hindi pa ako uuwi. Magha-hi pa ako kay Paulo. Yung taga-Marian. Ingat ka na lang. ” sabi ni Leah.

At  kayong dalawa, ingatan nyo si Denise."sabay dinuro nya yung dalawa.

“Syempre naman. Ako pa!”
Lumakad na papalayo si Leah at Ashley. Totoo nga palang magha-hi sya doon kay Paulo.

Naku naman. Ibig sabihin ako lang ang babaeng matitira? Ayoko naman yatang dalawang lalaki yung kasabay ko. At least, hindi ang magpinsan na ito.

***

Natulala na naman ako doon kaya ang sunod kong nalaman eh hinihila na naman ako ni V-jay. Si Yuan eh medyo malayo na rin ang nalakad at naghihintay na doon sa ,ay exit ng gym.

“May sakit ka ba?” hinawakan naman nya yung noo ko. Hawak pa rin nya yung isang kamay ko ‘nun. “Wala ka yata sa sarili mo ngayon.”

“V-jay, yung kamay ko.” sabi ko sa kanya pero mahina lang lang boses ko. Nakakailang kasi na magkahawak pa kami ng kamay tapos nakatingin doon si Yuan.

“Sorry.” Tapos binatawan na nya yung kamay ko.

Naglakad naman na kaming tatlo. Grabe, nakakahiya ‘to. Dalawang lalaki ang kasama ko.Baka isipin ng mga makakakita eh 2-timer ako.  Ako pa yung nasa gitna nilang dalawa. Ang tangkad pa naman nila. Si V-jay eh 5’11” at si  Yuan eh mas maliit ng konti kay sa kanya.

Habang naglalakad kami ay bigla naman may nagtext sa akin.Si Leah. Ano naman ang chikka?

> Denise, 2 mgpinsan yan. Ang hba ng hair mo. Naaapkan q hanggang d2! Ongah pLah...napansin ko yung bRacelet mo ha!preho kau ni V-jay..uyyy!


> Ngek. Luka ka tLga!

May pagkabaliw din eh. Sa bahay naman eh hanggang gate na lang silang dalawa. Talagang hindi ko na niyaya sa loob dahil another explanation na naman kina lola. Pagod na ako. Sabay na rin silang dalawa na umalis. Bahala na sila sa buhay nila basta ako nakauwi na. Hindi rin ako selfish eh no?


Yung mga sumunod na araw, ayos naman. Madalas walang klase kapag hapon.Puro practice kasi para sa Intrams.Bukas na kasi.Ang saya kapag ganun. Walang teacher. Libreng-libre sa chewing gum. Walang nanghuhuli eh.

Minsan eh napatingin ako sa bintana at hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nakita ko o ano. Nandoon kasi si Yuan sa bench kasama yung babae na ‘magnanakaw ng halik’.
Mukhang nililigawan yata ni Yuan yun eh.

Marami nga pala sa kaklase namin ay nasa practice at marami din naman yung naiwan lang sa room.Tapos na kasi yung practice nila at isa na ako doon.Volleyball lang naman yung sinalihan ko. Kailangan daw kasi lahat kami ay may salihanYung mga kasamahan ko ayun. Abalang abala na naman sa pagdadaldalan. Kanya-kanyang grupo pa. Dyan naman sila magaling eh at minsan ako din.

Doon sa area namin, konti lang yung tao, ako, yung isa pa naming kaklase na natutulog, at yung magaling kong katabi.  Nakataas na naman yung paa nya at pinaglalaruan nya yung ballpen. Feeling talaga nya eh nasa bahay sya. Hindi na rin nakabutones yung polo nya at yung buhok eh medyo magulo din. Nakangiti na naman ‘nun. Minsan tuloy naiisip ko na may mental problem ito eh.Lagi ng nakangiti. Hindi yata sya marunong sumimangot.

“Baka matunaw ako nyan.”
Sabi nya sabay tuminigin sa akin.The nerve! Hindi ko naman sya tinititigan. Tiningnan ko lang ng matagal eh...

“Ang boring naman. Puro daldalan ang naririnig ko.” Puro chismis pa.”Wala man lang bang music?Nasan ba yung casette ni Mam?” Ini-scan ko yung buong room at wala akong nakitang cassette.

Aha! may bigla akong nasisip!

“V-jay, kanta ka kaya.  Any song.”

Maya-maya lang eh narinig ko ng kumakanta yung katabi ko  pero mahina lang. Ayos..may music  na!

"Adik sa'yo", awit sa akin
nilang sawa na sa aking
mga kwentong marathon
Tungkol sa'yo, at sa ligayang
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi sa
bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita,
hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip,
bawa't pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita...........


Habang kumakanta sya eh tinatapik  nya yung arm chair na parang tambol.Hindi naman natapos yung kanta. Biglang tumigil si V-jay nung dumating si Lizeth. Ang pinakamaarte sa klase namin na feeling lahat ng lalaki ay type sya.Panira naman itong si Lizeth. Ang ganda ganda ng boses ni V-jay eh!

“Hey? Hottie, why did you stop? Nahiya ka sa akin? Siguro para sa akin yung song noh?” sabi nya sabay pumunta sya sa likod ni V-jay at hinawakan yung balikat nya na tipong nagbibigay sya ng massage. Hottie???

"Ano ka ba. Hindi para sa’yo yun. Sige na pumunta ka na dun.Alis.”Sabi nya sabay inalis yung kamay ni Lizeth.

Tama ba namang itaboy nya?Umiiral na naman yung pagkasuplado nya. Umalis na nga si Lizeth nun. Nakairap pa sya habang kumekembot papalayo. Talagang may kembot.


“Grabe naman yun.Hindi ka naman galit ng lagay na yan?”

“Nakakairita naman kasi. May pa massage-massage pang nalalaman! Hindi rin naman para sa kanya yung kanta na yun.” Para kanino nga ba yun?

“Natatandaan mo ba yung sinabi ko sayo nung kinantahan kita sa may payong?”

Yun ba yung I only sing for those who are special to me?

“Ahmm...I think so.”

“Ok then, para sa’yo yung kanta..” so ibig bang sabihin nito eh special ako sa kanya? Hay...gusto kong himitayin sa tuwa.Hmm..OA! Paalala lang Denise, iba yung special sa mahal.

 Yung babae kayang ninakawan sya ng halik? Kinantahan na rin nya? Malamang crush nya nga eh.

“I think you should join the band...may talent ka naman sa music eh.”

“Sinasali  nga nila ako. Pero hindi naman ako pumayag dahil alam mo na kung ano yung dahilan.hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon.”

“Ewan ko sa’yo. Kailan mo ba ilalabas yung hidden talents mo?Sayang naman.”

Medyo ngumiti lang sya dun sa sinabi ko. Nakakaloka ang lalaking ‘to. Sana lang meron akong dictionary na may defintion ng smile ng tao para nalalaman ko kung ano yung ibig nyang sabihin.

“Class, We have a problem. Walang tayong muse & escort. Bernard is sick. Sobrang nangitim naman si Shayne because of badminton. Walang magsusuot nito.”sabi ni Ms.Reyes..yung adviser namin. Medyo hinihingal pa nga sya habang hawak nya yung dalawang plastic na sa tingin ko eh uniform ng muse and escort.

Paano na yan? Sinong muse & escort namin? Ang pangit naman kung yung first section pa yung wala. Shame on us.

“Sino bang pwede?” sino nga ba?

Nag-look around naman ako at baka may makita rin ako na pwedeng pumalit sa kanila. The next thing i know...nakatingin sa area  namin yung mga kaklase namin. Uh-oh.

Hindi ko gusto  yung mga tingin nila. Si Ms. Reyes eh may evil smile sa face nya...which is ayoko rin.

“Denise,come here.”

“Pero Mam—“ayoko nga!

“JUST COME HERE.” Ok..easy ka lang.

Tumayo ako sa chair ko at lumapit ako kay Mam na malapit sa pinto.

“Patingin nga ng legs mo.”
Itinaas nya yung palda ko hanggang sa may tuhod ko.

“Mam!!!”

“Hey, calm down. Chineck ko lang kung may peklat ka. Sa hita mo ba wala kang peklat?”

“Meron po.”sabi ko naman. Haha. May palusot ako.

“Tell me the truth. Kung hindi titingnan ko pa ‘yan.” Naku ha. Ang daming lalaki dito sa room. Fine! Sabihin na nga yung totoo.

“W-w-wala po.”


“Ok.You’ll be our muse tomorrow.” Tumigil sya then naglook around ulit sa room.”And V-jay. You’ll be the escort, halika nga dito.”Waa. Ako yung  muse...si V-jay yung escort..Waah! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.

Lumapit naman si V-jay sa amin.Itinabi sya ni Ms.Reyes sa akin.

“Oh my god. You look perfect  together.Ang ganda pati ng height nyo. Thank God...My problem is solved.” Yeah. Ako naman ngayon ang may problema.


“Here , ito yung isusuot nyo bukas ok?”
nilabas nya yung mga damit sa plastic.

“Mam. Ang iksi naman nyan. Hindi ako nagsusuot ng ganyan. Hindi yan bagay sa’kin.”Hell no. There’s no way I’m going to wear that. Eh halos parang underwear na yung shorts eh!


“Hindi nyo naman kailangan isuot ito. You can provide your own. Basta kailangan lang eh maroon. That’s the color of III-A. Kayo na ang bahala,ok? I have to go.”


“Pero Mam—”

“Shh..wala ng pero pero. You’ll be fine.See you tomorrow.” Then umalis na sya.


ARRGGGGHH!!!!Ganun na lang ba yun? Sapilitan na lang? Hindi man lang ako pinakinggan? At si V-jay? Ngingiti na lang ba sya?Bakit  parang wala lang sa kanya?



Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com