-19-
Nakakabadtrip naman yun. Hay naku. Bahala sila.Hindi ko kasalanan kapag natalo ang III-A bukas. Wala din akong balak na sabihin kay lola o kahit sino man sa bahay.Nag-ring na yung bell kaya nag-uwian na. Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung juicy fruit na binili ko kanina. Sa may gate eh medyo siksikan pa. Hindi nga ako masyado makalabas at nasabit pa yata ako sa kung ano. Parang may humila sa akin eh.
“Ano bang --”paglingon ko eh si V-jay pala. Bakit ba hindi ko naisip yun? Tuwing may manghihila naman sa akin eh sya yun. Wala ng iba.
“San ka pupunta?”
“Uuwi na.” Duh?!
“Bakit?”
“Anong bakit? Syempre, uuwi na ako. Tapos na yung school di ba?” sabi ko naman.
Naglakad na kami. Tahimik nga sya eh. May-iniisip yata. Maya-maya eh pumara sya ng tricycle.
“Denise, Sorry.Hindi kita masasabayan ngayon. May pupuntahan pa ako eh.”Saan?
Waka kang pakialam,dEnise.
“Ok.”
“Maggagabi na. MArami pa namang sira-ulo sa daan. Sakay ka na.”
Umarte na sya na akala mo eh binuksan yung pinto at inoffer sa akin.As if may pinto yung tricycle. Teka nga lang, bakit ako yung sasakay eh sya naman yung may pupuntahan? Tiningnan ko sya na parang ‘huh? at ngumiti lang sya. Ayoko pa nga sumakay nun eh kaya lang pinilit nya ako. Fine, sasakay na nga.
“Manong driver, sa westview lang po.” Sabi nya sa tricycle driver sabay abot nung bayad.“Ingat ha.” Sabi naman nya sa akin habang nakayuko sya doon may pinto ng tricycle.
“Oo. ‘kaw din.”
Umubo na naman si manong driver. Halata naman naiinip na sya kaya lumayo na si V-jay para makaandar na.
Sa bahay naman eh nanood lang ako ng tv. Wala namin kasing assignments. Chicken Adobo ang ulam namin. Ang sarap nga nung kain ko.Ako daw yung may pinakamaraming nakain kaya ako yung pinaghugas ng mga pinggan.
“ATE!!! GISING NA!!! INTRAMS NGAYON. WALA NAMAN SIGURO SA BALAK MO ANG MA-LATE.BALITA KO MUSE KA DAW EH.”
Si Daryll na naman. Napakaingay naman nyang manggising. Eto na naman yung kung kumatok eh akala mo wala ng bukas.
“Oo na. Wag mo naman sirain yung pinto ko.” Asar naman! Ang sarap pa naman ng tulog ko.
Naligo naman na ako. Pagpasok ko sa kwarto ko eh nandun si Ate Mye pati yung mga kakikayan nya. Nakabalot lang ako sa tuwalya nun.
“Denise Lauren! At bakit hindi mo sinabi na muse ka pala ngayon? Hindi tuloy tayo nakapaghanda. What were you thinking? Hindi ka papasok sa school ng basta na lang.” paano ba nya nalaman?! Sino naman kayang madaldal ang nagsabi?
Hinila ako ni Ate Mye at pinaupo sa salamin. Inalis nya yung towel sa ulo ko. At nagsimula syang mag blow dry.
“Ate Mye, baka naman pwedeng magbihis muna ako. Nilalamig na ako eh.” Sabi ko na medyo inis.
“Oops...sorry. Go ahead magbihis ka na. Bilisan mo. Eto yung isusuot mo.” Sabay kinuha nga yung damit na nakahanger sa handle nung cabinet ko.
“Wow.San naman nanggaling yan?” ang ganda ha.
Parang damit ng cheer leader pero mas simple at mas maganda. Maroon yung kulay tapos may konting white.
“Dumaan dito si V-jay kanina. Dala nga nya ‘to eh.Ang galing ng taste mo.” so si V-jay pala ang nagdala at nagsabi sa kanya ng tungkol sa ‘muse’ thing na ito. kainis na yun.
“Wala akong gusto sa kanya.” Wala nga. Si Yuan nga ang crush ko di ba?
“Ayoko din magmuse.”
“Asus! In denial ka pa.Halata naman na. Anong hindi ka magmumuse? Move your ass,Denise.”
Alam mo hindi naman na nakapagtataka kung mahulog ka sa kanya.”Tiningnan ko sya ng masama.Anong pinagsasasabi nya? Friends lang kami ni V-jay no.
“Hay naku. Bahala ka nga.Magbihis ka na at lalagyan pa kita ng make up.”
Make up? Ayoko nga!
“Wag ka mag-alala,konti lang naman, para simple. ”
Nagbihis na nga ako ‘nun at pagkatapos ay inayusan na ako ni Ate Mye. I hate this pero dahil extra points din eh pwede na.
Pagdating ko sa school eh marami na rin tao. Excited kasi sa Intrams kaya hyper na naman sila. Habang papunta ako sa room namin eh nararamdaman kong nagtitinginan yung mga tao. Parang mga nakakita ng alien. Grabe, kakahiya yun. Buti na lang nakaball cap ako ‘nun kaya medyo takip yung mukha ko.Mamaya ko na lang aalisin.
“Ayy! Ang taray ng lola mo. Ang ganda ng outfit mo. Dalian mo na,magsisimula na ang iyong pagrampa. Galingan mo ah.”
Talagang nagmamadali na si Leah kaya binilisan ko na rin para may kasabay ako papunta sa line namin. Ayoko naman dumaan sa gitna ng mag-isa no. Habang naglalakad kami eh nakatingin na naman yung mga tao. Naririnig ko pa nga yung iba na nag ‘wow’. ANg lakas ng loob nilang sabihin yun. Yung iba naman eh shocked na ako yung muse. Nadaanan pa nga namin si Yuan. Escort din pala sya.
“Hey Denise. You look good.” Kakahiya ah. Ang lakas ng boses nya.Pero hello? Si Yuan and I look good? EEekk! Kumpleto na araw ko.
“Thanks, Yuan.” Salida talaga eh no?
Nagsmile na lang ako sa kanya. Nakakahiya naman yung sinabi nya.And hulaan nyo kung sino yung partner nya. Yung girl na humalik kay V-jay.
“Hi Denise.”
“Hi - - -” what’s her name?
“Trisha.Trisha Farnan.”
“Oh,Hi. Nice meeting you. Sige pala, punta na kami dun. Bye Yuan. Bye Trisha.”
Then pumunta na kami ni Leah sa pila.Sa line ng III-A. Nakamaroon na t-shirt lahat.
‘you go girl!’‘ikaw pala ang muse natin.’ ‘Denise, ang ganda mo!’ ‘Bagay sayo ang damit mo’ Kanina ka pa namin hinihintay’ ‘ang ganda pala ng legs mo’ ‘ang sexy mo...naiilnlove na ako sa’yo’ Yun yung sabi ng mga kaklase namin. Mga !@#$ rin eh.Sarap sapukin! Ang lakas mangbola.
Nung nakita ko si V-jay na escort ko eh wala akong nasabi. Speechless ako. Grabe. Nastarstruck yata ako. Bigla na lang may nagsnap sa harapan ako. Gosh! Kakahiya.Natulala pala ako. Mukha siguro akong tanga.
“Denise, hindi ako nagkamali sa pagpili. Look how pretty you are. Bagay pa kayong dalawa.Come on, follow me. Magpupunta na tayo sa gym. Doon gaganapin eh.” Sabi ni Ms.Reyes.
Hay naku, masyadong maraming papuri ang pumapasok sa tenga ko ngayon. Baka masanay ako nyan. Naglakad na kami papunta sa gym. Ako at si V-jay yung nasa unahan tapos sa likod eh yung buong klase namin. Simula nung dumating ako kanina eh wala pa akong naririnig mula kay V-jay. Binati nya lang ako kanina with his ‘killer smile.’ No wonder, natulala na naman ako.
“Denise, this is how you will walk.” Naglakad sya tapos pinagawa sa akin. Bwisit. Kailangan ba talaga nun?!!
“Ikaw naman V-jay, just walk like normal. I like it like that.” May pagnanasa pa yata si Ms.Reyes kay V-jay. Hahaha!!!

Nakatayo lang kami doon sa gym habang naghihintay na dumating yung mga importanteng tao sa school. Like the principal , and all that.Nangagalay na nga ako eh.
“Oi, Salamat nga pala dito sa damit. Tahimik ka yata ngayon.” Sabi ko kay V-jay.
“Wala lang. Ano kasi...Uhmm....You look so beautiful.” Sya pa lang ang nagsabi nun of all the people na pinansin yung hitsura ko ngayon. Feeling ko nga namula ako eh.
-20-
Nagsmile na lang ako dun sa sinabi nya. Maya-maya naman eh nagsimula na yung program. National Anthem, tapos School Hymn, at kung anu-ano pa. Nagspeech pa yung principal at yung may-ari ng school. Si Mr. Larry Johnson. Son ni Brayden Johnson na founder ng Brayden Johnson High School. Minsan nga lang yan nandito eh.Dun daw kasi nakatira sa New York.
Sa wakas natapos din yung pagkahaba-habang ceremony. Salamat naman at malapit na i-declare na simula na nung intrams. Sino kayang torch bearer? Last year eh yung Martial Artist na 4th year. Lagi naman nilang pinipili eh yung crush ng bayan at syempre sports-related.
‘TO ALL THE TEACHERS AND STUDENTS OF BRAYDEN JOHNSON HIGH SCHOOL, I NOW OPEN THE FIELD AND THE GYMNASIUM FOR THE 200* INTAMURALS. ‘ Mr. Johnson announced.
Nagsigawan na yung mga estudyante. Ako eh nakisigaw din naman. Kahit paano eh excited din ako sa intrams. Napansin ko na lang na wala na yung katabi ko. Nasaan na naman ang V-jay na yun? Kung hindi biglang susulpot eh biglang mawawala. Hinanap ko sya sa paligid and guess what?
‘V-jay Radley Rivera from III-A. The Basketball team captain.’ Sabi nung emcee.
Nagtatatakbo sya around the gym with a torch???Sya yung torch bearer??? Ahhh!!! Nakangiti sya habang tumatakbo. Nangingibaw yung tilian ng mga babae.Nakakabingi. Parang bigla namang nagslow motion ang mundo ko. Grabe, nakakabaliw ‘to.
“Napagod ako ‘dun. May tubig ka ba dyan?”
Binigay ko naman yung mineral water na bigay sa akin ni Yuan kanina. Hindi rin naman ako masyadong nauuhaw.
At eto na nga yung pinakaayaw ko. Eto na yung part ng muse and escort. Kinaya ko na magsuot ng ganitong maiiksi pero hindi ko yata kakayanin na maglakad doon sa gitna. Kinakabahan talaga ako.Waah. II-D na. Dalawa na lang, III-A na yung sunod. Kami na yun. Si Ms.Reyes eh sumesenyas mula sa malayo na ngumiti daw ako. Pano ka naman ngingiti ng lagay na ito at idagdag mo pa na yung katabi mo eh nakatitig pa sayo.
“Denise, Kaya yan.”
Nilapit nya yung kamay nya kaya humawak na rin ako. Mahigpit yung pagkakahawak nya then ni-let go na nya nung tinawag na kami.Nag-iba na ngayon yung position ng kamay nya. Naging yung tulad ng sa escort na talaga.
‘From III-A, (screams) Denise Lauren Arellano and V-jay Radley Rivera (screams)’
Then we walked around just like how Ms.Reyes told us. Kailangan pang nakangiti. Asar. Pagkatapos namin eh may isa pang section bago sina Yuan at yung partner nya. OA naman yung partner nya. Pakembot kembot pa. Hindi naman nagtagal eh natapos na din yung intro na yun.Salamat naman no. Para magkaalaman na kung sinong nanalo at makapagpalit na ako ng damit. Hindi naman ako interesado manalo at kating-kati na ako magpalit ng damit.
“Nahihirapan yatang magdecide ang mga judges natin kung sino ang mananalo na muse and escort. Ah.” Sabi ng emcee.
Biglang tumayo si Mr.Larry Johnson at hiniram yung mic:
“We are having a hard time deciding who are going to win. You’ve got good-looking muses and escorts here . How about we they perform something for us, right? So we could decide.”
What? You’ve got to be kidding me!
“Ok,we heard the verdict. They want the muses and escorts to perform something. Big shocker there, huh? They want the one who has got the looks and the talent. On-the-spot ito. Let the game begin!”
Nagsigawan na yung mga estudyante. Halatang Na-excite sila. Yung ibang mga muse and escort eh nagpanic. Kahit ako naman ako eh magpapanic. Biglaan naman kasi ‘to. Anong gagawin ko?Naykupo! Lola.Sunduin mo na ako!
“What the heck? Anong klase naman ‘to! Patay na,” sabi ko kay V-jay.
Aba, at nakangiti na naman sya? Talagang hindi nauubusan. Bigla naman lumapit si Ms.Reyes sa amin.
“Guys, on-the-spot ito. I hope you know any dance moves,poems, drama, declamation or whatever. Kayo na bahala. Kahit ano na lang.”
“Opo, Mam.No problem.” Sabi ni V-jay then umalis na si Ms.Reyes.
Anong no problem ang pinagsasasabi nya. Big problem nga ito eh.
Sa pagkakaalam ko eh intrams ngayon. Hindi ito star search. Hindi ko maintindihan kung bakit may talent portion ‘to. Biglaan pa masyado. Sana man lang sinabi nila agad no.
Nauna magperform yung mga freshmen tapos yung mga sophomore. Kung anu-ano na yung pinaggagawa. May isang pair na kumanta.Nag-rap. Meron din nag-acting. Merong tumula at marami ang sumayaw. May hiphop, breakdancing, at yung basta na. Itik-itik sa manila zoo.
Pagtingin ko sa tabi ko eh wala na naman si V-jay. Nasaan na naman sya nagsuot? Don’t tell me iiwan nya ko magperform mag-isa dun. Sasakalin ko sya. Nagtingin-tingin ako dun.Maya-maya eh dumating na sya at may dala pang gitara. Mukhang alam ko na yung gagawin nya.
“Kakanta ka?”
“Hindi lang ako. Ikaw at ako."Sabi nya habang tinuro nya ako tapos yung sarili nya.
”Kakanta tayo.” Huwaat???
“Hindi pwede. Hindi ako marunong.” Hindi ako kumakanta. Not in front of many people.
Nilabas nya yung phone nya.
“Denise tingnan mo yun oh.” Sabay turo nya doon sa taas then’ click.’ Narinig ko na lang yun bigla.
“Para saan naman yun? Talagang stolen pa ha. Delete mo na nga. Pangit ako dyan.”
“Paano mo nalaman? Hindi mo naman nakita.Cute mo nga eh.Oh sige isa pa.” then nagtingin-tingin sya sa paligid.
“ Ms. Sharlyn,kunan mo naman kami oh.” Sabay abot nya ng phone nya.
“Ok....smile.” Biglang umakbay si V-jay sa akin kaya masyado akong napalapit sa kanya. Hindi ko na ginawang big deal pa yun kaya nagsmile na rin ako,just like what Ms.Sharlyn said. Kakahiya naman yata. Ginawa pa nyang photographer yung student teacher.
“Let’s witness it from III-A with V-jay and Denise.”
Nagsigawan na yung mga kaklase namin nun. Nangingibabaw pa yung boses ni Leah. Kailangan ba talagang ganun? Pihado, halit ang lalamunan ‘nun.
Nagstep forward na kami ‘nun. Wala na talagang choice. Mapapasabak yata talaga ako sa kantahan ng lagay na ito. I can’t believe this.
Kumuha si V-jay ng dalawang mic at isang stool. Ako yung pinaupo nya. Malamang sya eh tatayo na lang. Aba! Mala Juris and Chin ng MYMP ang dating namin ah. Wait, ano nga bang kakantahin namin?
“We’re going to sing If We Fall In Love.” Yun yung kanta sa koreanovela ah!
Nagsimula na syang tumugtog ng gitara. Nagsigawan na naman yung mga tao.
“There will be no ordinary days for you...
Coz there is someone who cares like I do...
You will have no reason to be sad anymore
I am always ready with a smile
With just one glimpse of you..”
Maya-maya eh tumigil sya. Napatingin na lang ako bigla sa kanya. Nag-ingay naman yung mga tao.
“That was just a testing." Sabi nya habang nakangiti.
“Denise, ikaw yung magsimula.” Binulong nya sa akin. The nerve! Bakit ako?
“Ok, everyone, this is for real. This is for the girl I ..uh..adore."
Umingay yung mga tao. Nacurious yata sa sinabi nya. Who is the lucky girl nga ba?
Tumugtog na sya sa gitara. Ok, for real na talaga ‘to. Para matapos na ‘to. Ako na nga yung magsisimula. God, help me get through with this.
If we fall inlove << Listen to the song. 
Finally, natapos na din. Nakahinga din ako ng maluwag. Dapat kanina pa nya tinapos eh. Nakakahiya yung ginawa ko na yun.Pero in fairness,maganda naman yun. Naging acoustic yung kanta . May drums din kaya binack-up-an kami ni Rj.Yung mga estudyante naman eh lalong nagsigawan. Nakakakilig daw. OA!
‘Eeeek! Oh my gosh...halos mangisay na ako sa kilig.’ Sabi nung isa naming kaklase.
Bandang huli, kami rin yung nanalo. Naggustuhan daw yung performance namin, Unique daw. Kami lang kasi yung gumawa nun. Ginamit din nilang criteria yung audience impact. Starstruck na starstruck ang dating.
Tuwang-tuwa naman si Ms.Reyes at yung mga kaklase namin. Syempre, bwena mano kami. Unang araw pa lang ng intrams eh may panalo na ang III-A.
“Natapos din. Thank God. ”
“Galing mo palang kumanta. Congrats!”
“Buti na lang kamo, alam ko yung lyrics. Halos ako yung pinakanta mo eh.”
Tumawa naman sya.
“Ang ganda ng message ng kanta na yun eh.Hindi ko nga lang alam yunglyrics, pero hindi naman nila nahalata. nakasabay naman ako di ba?Congrats na rin sa akin.”oo na sige na. Magaling ka na din.
Usap-usapan naman kung sino nga yung girl na pinag-alayan nya ng song kanina.
“Bakit ba big deal sa kanila kung sino yung girl?” oops. Inside thought dapat yun.
“Hello? Si V-jay Radley yan. Crush ng bayan. Syempre gusto namin malaman kuung sinong pinagpalit nya sa amin no..” sabi nung mga babae.
Hay naku, alam ko na kung sino yung girl. Si Trisha yun.
Waah!Pwede bang time-out muna?
-21-
Kinatuwa ko naman na natapos na yun kaya nakapagpalit na ako ng damit. Eto na talaga yung tunay na intrams. Go Me!“Congrats.”sabay tapik nya sa balikat ni V-jay. “Congrats din,Denise. Ang galing nyo.”
Inabot ni Yuan sa akin yung dala nya na mineral water at hamburger. Ang galing naman. Alam nya kung kailan ako nagugutom. Ayos ah!
“Thanks Yuan.”Nakaupo kami ‘dun sa may payong. Sa dating tambayan. Bigla namang dumating si Leah na kanina pang sigaw ng sigaw.
“Denise, grabe. Ang galing nyo kanina.Parang tunay. Alam mo, bagay kayo ni V-jay.Kakakilig.”Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya tapos bigla akong napakunot.
“Leah!” sabi ko sa kanya. Kung anu-ano kasi yung sinasabi. Nginitian lang nya ako ng nakakaloko.
Umalis na rin si Leah ‘nun dahil kasali sya sa chess. Kami na lang ang natira ni Yuan doon sa may payong. Nakapagkwentuhan din kaming dalawa dun. Hindi naman ako nabored. Komedyante rin naman kasi si Yuan.Corny nga lang kung minsan. Yung mga tao naman sa school eh busy dahil intrams nga.Sigawan ng sigawan. Yung intercom maya’t maya eh gumagana. Hindi na nga masyado magkarinigan. Ang saya nga ng araw na ito. Nanalo pa ako sa singles ng badminton. Narealize ko rin na yung ‘muse’ thingy is not bad at all. It’s kinda cool. Nakakabaliw na experience.
2nd day ng intrams, ano pa nga ba? eh di laro dito,laro doon. Takbuhan,sigawan, tulakan, lahat na. Ang gulo nga eh. Pero masaya naman. Sa badminton nga eh lumaban ako kahapon at nanalo naman kaya ngayon kinalaban ko naman yung isang classmate ko na lalaki. Unfortunately, natalo nya ako. Kaya ayun, the end na ng career ko sa badminton ngayong intrams. 2nd placer ako.
After ng laro ko sa badminton eh gumala kami around the school. Kasama ko si Leah, si Ashley, at si Yuan. Nilibre nya ako ng meryenda eh. Syempre, damay na rin yung dalawa kong kaibigan.Sa kalalakad namin ay napadpad kami sa track Sakto naman na magsisimula pa lang yung 100 meter dash. Nakaready na doon yung mga runners. Nagulat na lang ako ng biglang nakita ko yung isang lalaking nakapwesto doon. Nakatalikod sya sa amin eh. Pero by heart, alam ko na kung sino.
“Go V-jay!!!” nagcheer si Yuan.
Nagtaka siguro kaya biglang lumingon. Ngayon eh nakatingin na sya sa direksyon namin. Medyo may kalayuan din kami at madami din tao kaya there’s no way na makausap namin sya. Instead, kumaway lang sya at as usual, yung pamatay nya na killer smile.
Grabe din eh no? Hindi pa nakuntento sa basketball. Pati running eh kinarir na nya.Masyadong athletic eh. Ang bilis ng mga pangyayari nun. Narinig ko lang yung pistol na pumutok then nagtakbuhan na. Ang sunod kong nalaman eh tapos na. 2nd place si V-jay. Ang first eh yung isang senior na hindi ko kilala.
3rd day ng intrams. Ngayong yung game namin sa volleyball. Excited na ako and kinakabahan at the same time.
“Good Lu ck, Denise.”
“Thanks,Guys.”
Kalaban namin ang section B. So III-A versus III-B ang laban. Kasama ko sa team si Leah at yung iba pa naming kaklase. Halos lahat yata sila eh may kneepads. Ako lang yung wala. Malay ko bang kailangan pa nun. Hindi naman nabanggit sa akin yun eh. Pang-arte lang din naman yun.
Nakapwesto na kami ‘dun sa gym. Hinihintay na lang namin dumating yung coach ng kabilang team. Kinakausap ko si Leah ‘nun habang naghihintay kami ng may biglang humila ng kamay ko. Sino pa nga ba ,it’s none other than ... V-jay.
“Denise, bakit wala kang kneepads? Here, use this.” Inabot nya yung knee pads. Napansin ko na suot pa rin nya yung bracelet na pinili ko for him. Yung akin naman eh obviously hindi ko suot dahil sa volleyball. Pero lagi ko din suot yun.
“Kailangan ba talaga to? Pwede namang wala di ba?”
“Of course kailangan yan. Para yan sa safety mo. Baka mamaya kung anong mangyari, mabuti na yung handa.”
“Wag ka mag-alala, bago lang yan. Kay Reese dapat pero meron na pala sya. Isuot mo na...please?It’s for your own good.”
“Oo nga naman Denise,isuot mo na. Pakipot ka pa eh.” Hmmpf! Pakipot ka dyan!
“Oh sya sya...isusuot na nga po.” Then sinuot ko na nga.
Nagsimula na nga yung game at suot ko yung knee pads na pinahiram ni V-jay. Naupo lang silang dalawa ni Yuan doon sa may bleachers. Mukhang may pinag-uusapan nga
eh. Napansin ko din na paminsan-minsan eh tumitingin sila akin. Ako kaya yung pinag-uusapan nila? Pinagkukwentuhan nila ako? Tungkol saan? Bakit?
“Denise, tira!!!”Aaahhhhhhhhh!!!!! Booog!!!!!!
“Nice one,Denise!!! Are you alright?” sabi nung coach.
“Naku, ok ka lang ba?” Inalalayan naman ako ni Leah sa pagtayo.
Natira ko nga yung bola ,ang sakit naman ng tuhod ko. Nung tinira ko kasi eh napaluhod ako ng diretso. Parang nagslide yung tuhod ko ‘nun. Ang sakit talaga. Ngayon ko lang narealize na tama yung sinabi ni V-jay. It’s for my own good nga. Buti na lang talaga naka kneepads ako kaya pasa lang ang nakuha ko.
Panalo naman kami sa set na yun. Hay naku.Dapat lang ‘no. Sakit ng tuhod ko eh. Umupo muna ako sa bleachers para tingnan yung mga tuhod ko. Si Yuan naman at V-jay eh bumaba at tumabi sa akin. Ako yung nasa dulo. Nasa gitna eh si Yuan.
“Ei, ayos ka lang ba? Kaya mo bang lumaro ulit?” sabi ni Yuan.
“Oo naman. Nagkapasa lang naman ako. Malayo ba sa bituka. May kneepads kasi. V-jay,Salamat nga pala dito ah.”
“I told you kakailanganin mo yan.” Oo na...sabi ko nga e.Tama ka, mali ako.
Tumayo na ulit ako para ituloy yung game. Dahil hindi naman ako yung pinakamagaling sa team namin, nanalo ang III-A. Hindi naman ako naging sagabal sa kanila. Nakatulong pa rin ako kahit paano.
Kanina pa ako nagpapakalat-kalat sa school dahil inutusan ako sa admin na ibigay yung notice sa mga coaches. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang ipatawag yung lahat ng coach at doon ibigay yung kung anong letter na yun. Pinapagod pa nila ako.
Sa pag-ikot ikot ko sa kahahanap kung saang sulok ng Brayden High nandoon yung mga teachers/coaches eh ilang beses akong dumaan sa bench na malapit sa room namin. Ilang beses ko din nakita doon si Yuan and V-jay. Masyadong seryoso ang dalawang yun eh. Well, at least V-jay is.I could see it in his face. Sa sobrang serious eh hindi na ako lumapit. Ano ba yun? Quality time siguro.
Nung natapos ko yun eh sobrang napagod talaga ako. Gawin daw ba akong messenger. Hindi rin madali no! Naupo muna ako sa pinakamalapit na upuan na nakita ko which is yung malapit sa cafeteria.
Sobrang init talaga dito sa Pilipinas. Buti pa sa States malamig. (As if nakarating na ako dun.)

“Denise, tamang tama I was just looking for you.” Hinahanap ako?
“Inutusan ako sa admin eh. Ginawa nila akong messenger.” Pinunasan ko yung noo ko dahil sobrang pawis na. Ang init talaga.
“Do you want any drinks?”
“Yeah. Sige,bibili muna ako dun.” Sabay tayo at turo sa cafeteria.
“Ako na. Dito ka na lang.Ano ba yung gusto mo?”
“Tubig na lang.” sabi ko naman at sya ay pumunta na dun sa cafeteria.
Nagpahinga lang ako dun habang hinintay ko si Yuan. Hindi nagtagal ay dumating na sya dala yung mineral water. Medyo frozen pa nga kaya ang lamig.
“Mag-4 na."sabi nya pagkatapos tumingin sa watch na.”Ngayon yung tie-breaking nina V-jay. Tara, nood tayo.”
Naglakad na kami papunta sa gym. Sa lahat yata ng game na pinanood ko ngayong intrams eh dito sa basketball ang pinakamaraming nanood. Shocker pa ba yun? Hindi na. Ang shocker eh yung fact na ako as in A.K.O. ay nanonood ng basketball. Na naman. Kinain ko na talaga yung mga sinabi ko about basketball for the past few years. Lahat ng yun ay dahil kay V-jay.
Nagsisimula na yung game ng dumating kami ni Yuan. Patapos na yung 2nd quarter yung nadatnan namin. Pero ang pinagtataka ko lang, lumalamang yung kabilang team kina V-jay. Bakit ganun? School level lang ito. Dapat eh sisiw na lang sa kanila. Lalo na sa kanya.
Humanap lang si Yuan ng mauupuan namin tapos ay nagpunta sya ng CR.Nasa left side kami ng gym nakahanap ng upuan . Kaya nung napadpad si V-jay doon sa left side ay todo sigaw yung mga katabi ko na freshman. Sumigaw pa nga yung isa na ‘V-jay!!!’ kaya napatingin sya sa area namin. Kumaway naman ako at sya eh ngumiti din. Pero iba yung ngiti nya ngayon parang malungkot tapos ng biglang dumating si Yuan ay tuluyan na nyang inalis yung smile sa mukha nya at tumakbo na papunta sa kabilang side.
Anong probelema ‘nun?

Nanood na nga kami ng game. Matatapos na nga eh mukhang wala pa rin sa kondisyon si V-jay. Halos sa kanya kasi sila umaasa since varsity player sya. Pero tingin ko wala naman silang aasahan sa kanya ngayon.Bigla naman pumito ng mahaba at malakas yung referee. Nagkapikunan kasi yung mga players. May tulakan pang nangyari. Si V-jay yung tinulak nung isa.
“HOY,UMAYOS KA NGA!” yun yung sabi nya kay V-jay.
Ang lakas nga siguro ng pagkakatulak nya dahil talagang napatumba si V-jay sa sahig. Lalaban pa nga sana sya eh kaya lang inawat na sila. Inilabas muna sya sa game. Kaya yun, tuluyan ng natalo yung team nila.














bravenet.com