untitled
viviti

“I love you,Denise and I always will.”

-22-   

Pagdating ko sa bahay eh dun ko lang naramdaman na masakit yung tuhod ko dahil sa pagkakabagsak ko kanina sa volleyball. May malaking pasa din nga. Pero ok na yun kaysa naman sa sugat.Nakahiga ako sa kama ko nun nang biglang nagvibrate na naman yung phone ko.

> Mzta? Ndi na kta nkita knina.Lam mo ba ntalo tau sa bsktball?Syang tLga.

> Uu nga. Napanood q nga eh. Ndi m n q nkta knina...inu2san kc aq sa admin.
> Ah,gnun ba? grbe c Vj no? Muntik p mag-away. Nwei,nag-ubos lng me ng loAd.Last q na 2...tke care...mwaah ..

Ngek. Nag-ubos lang pala sya ng load. After 5 minutes nagvibrate na naman yung phone ko. Aba! Marami nakakaalala sa akin ngayon ah.

“Hello?”

“Denise,pwede ba tayong mag-usap?” nag-uusap na nga ang tawag sa ginagawa namin ngayon eh.

“Saan? Dito sa phone o personally?”

“Personally,kung ok lang sayo.”

“Sure.” Sabi ko naman

“Nandito na ko sa labas.” Whoa!Ang bilis naman!

Bumangon na ako at pumunta na ako sa labas. I wonder what brings him here.

 “Oh, naligaw ka yata.Upo tayo.”
Umupo naman kami dun sa malapit sa garden ni lola. Dahil marami na naman akong stock ng juicy fruit, binigyan ko sya. Alam nyo ba, sisiw na lang sa akin yung pagpapatunog na malakas.  Galing!

“Congrats nga pala kahapon. Hindi ko alam na runner ka din pala.”

“Hindi naman talaga. Napilitan lang ako kasi walang contestant yung section natin.” Ganun? So hindi pa sya handa ‘nun? Impressed ako ha.

“Kamusta yung tuhod mo?” here comes the doctor..

“Eto, may pasa.Sakit nga eh.” Pinakita ko naman yung tuhod at  binti ko na parang may purple na map sa sobrang laki ng pasa.

Tinitigan naman nyang mabuti. Lumuhod pa sya sa harapan ko at ininspection nya yung part na may pasa. Umiiral na naman yung pagkadoktor nya.

“Tayo ka nga.” Tapos kinuha nya yung kamay at tinulungan nya akong tumayo.“Ipatong mo sa unan kapag natulog ka.”  Binalot ko na yung juicy fruit ko at itatapon ko na sana. Kaya lang kinuha naman nya at shinoot doon sa basuraha. Itulad daw ba sa basketball. Pero infairness, nagshoot naman sa basurahan.

Niyaya ko sya sa terrace doon sa taas ng bahay namin. Maganda dun eh. Nakakarelax.

“Doon tayo sa may bubong, mas maganda ang view doon eh. Kita yung buong lugar.”Inalalayan nya ko papunta doon sa may bubong.Pareho kaming umup doon. Hindi naman siguro kami mahuhulog. Ang dami ngang stars ngayon eh. Ang ganda nilang tingnan.
Habang nakaupo kami doon napansin ko yung braso nya. May sugat.

“Napano yan?” sabay hawak ko dun sa braso nya.

“Wala yan.Kanina yan basketball.”
Speaking of basketball...

“Ano bang nangyari kanina? Parang hindi ikaw yung naglalaro dun.”

“Denise, you like  Yuan right?” Huh? Pano naman yun naging sagot sa tanong ko?


“ Yeah.” Sabi ko na lang sabay napatungo ako.

“He’s nice and you’re nice too. You two will make a good couple.” Ouch! Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako doon sa sinabi nya na yun. Uhm..pasensya na ah. hindi ako nakakaintindi ng Greek or Frence or whatever language he said.

“Ang gulo mo.”

 “Yung stuffed toy nga pala, nakaisip ka na ba ng pangalan?”
tagal na nun ah! Seryoso pala talaga sya sa sinabi nya na bigyan ko ng pangalan.

“Err..wala pa eh.”

“Ako na lang magbibigay ng pangalan. Hmm...” tumingin sya sa langit nun. Halatang nag-iisip sya ng pangalan tapos tumingin naman sya sa akin. Then nag-isip ulit.

“Why don’t we name it, Jayden.” Sabi nya habang nakangiti pa.

“Jayden?Ok ah. San mo nakuha ‘yun?”

“V-jay and Denise. Jay-Den.  Ipromise mo,iingatan mo sya ha.Kasi yung remembrance mo nung date natin, nakatago dito. ” Anong dito? Pagtingin ko sa kanya eh nakahawak sya sa dibdib nya. Doon sa may tapat ng puso.


“Oo naman. Kahit hanapin mo pa sa akin yun after 10 years,nasa akin pa din yun. May problema ka ba?  Iba ka ngayon.”
Napansin ko lang ah. Parang ang lungkot nya ngayon.
“Sabihin mo sa akin, baka matulungan kita.” Tapos tumingin sya sa akin. “Ok,kung wala akong maitutulong, just say it. Baka mas makabawas kung maishare mo.”

“Pareho na naman kami ng gusto. But this time, we can’t have it both at once. I mean, isa lang sya. Wala na kaming makikitang katulad nya. Isa ang kailangan magparaya. At ako  yun.”

“Bakit naman ganun? Laging ikaw?” kapag yung word na ‘magparaya’ eh narinig ko kay V-jay, alam ko kung sino ang tinutukoy dun.Napakaspecial naman ng bagay na yun at isa lang sya sa mundo. Pwede naman siguro gawan ng duplicate di ba?

“I don’t have a choice.Mahal ko sila eh. And I think they’re going to be happy together.”

“So you mean, tao ang pinag-uusapan natin dito?”

“Yup.” 

Hindi ko na tinanong kung sino. Alam ko na rin naman na. My gosh. Si Trisha din pala yung gusto ni Yuan. Swerte naman nya. Si V-jay at si Yuan sya yung gusto. Ano bang meron sa kanya?

“V-jay, kung sa tingin mo, magiging masaya yung dalawang tao na mahal mo, hayaan mo na lang. Kasi kung ako makikita ko na masaya yung taong mahal ko,sapat na yun para maging masaya ako.” Totoo yan. Sumasaya ako kapag nakikita ko silang masaya. “Pero syempre, kailangan mo din dumistansya sa kanila. Pero wag naman yung tipong lilipat ka na sa North Pole.”Napatawa sya doon sa sinabi ko. Bakit nga ba napasingit yung North Pole? Seryoso yung usapan eh. Napangiti din ako ‘nun dahil kahit paano I made him laugh.


“Ok lang yan. I’m sure may makukuha kang reward kay God. Kasi di ba, kapag may ginawa kang mabuti sa kapwa mo ay magandang kapalit na darating sa’yo. The time will come for that moment. Darating yun sa tamang panahon.”
  Sinabi ko ba talaga yun? Well, natutunan ko yan doon sa ale sa simbahan.

Pagkatapos kong sabihin yun ay niyakap nya ako ng mahigpit.As in parang ayaw nya akong pakawalan. Ang bango nya. Hindi ko na napigilan yung pagpatak ng mga luha ko. Yumakap na din ako sa kanya. Feeling ko nga may ibig sabihin yung yakap na yun. Alam mo yung tipong nagpapaalam. Ganun yung yakap sa akin nina Mama nung umalis sila.

And I don’t like it.

“V-jay, uhh...hindi na ako makahinga.”

“Sorry.” Then inalis nya yung pagkakayakap nya tapos tumingin sya sa watch nya. “9 na pala.Pasok na tayo sa loob.Baka inaantok ka na. Ako naman eh uuwi na rin.”Pumasok na kami sa loob. Hinatid ko na rin sya hanggang gate. Nagpaalam din naman sya kina Lola at Ate Mye. Pagdating sa gate eh niyakap na naman nya ako. Nakakadami na ‘to ah Roll Eyes.

“Denise, thank you so much.”

“Wala yun.” Hindi nga yata nakatulong eh.

“Bye na. Wag mo pahirapan si Yuan ah.” Say what? Pahirapan si Yuan?

Umalis na sya nun at ako naman ay pumasok na. Akala ko nga magagalit na si Lola dahil ang tagal namin sa taas. Pero hindi naman pala. May tiwala daw sya sa akin at kay V-jay na wala kaming gagawing masama. As if naman meron. Katabi ko naman pagtulog si Jayden. Niyayakap-yakap ko pa nga eh. At syempre, pinatong ko nga sa unan yung binti ko tulad ng sabi ni V-jay.

-23-  

Natapos na yung masasayang araw namin. Ang intrams. Awarding na kanina.May mga award din naman ako kahit paano. Sa badminton kahit 2nd lang at sa volleyball na kami ang champion. May remembrance pa nga na pasa di ba? At ang nakakabaliw ay yung ako na yung muse ng buong Brayden High. Ang dami ng pumapansin sa akin compared sa dati. Naiirita na nga ako eh.
Dahil nga tapos na yung intrams eh may mga assignment na naman ako para sa school newspaper.Balik na rin ulit sa dati yung klase namin. Tuwing breaktime, balik na naman kami sa payong. Dati ang nandito eh si Leah,Ashley at ako lang. Tapos naging si V-jay din na ngayon eh parang medyo wala sa mood dahil may problema yata sa pag-ibig. At ngayon,si Yuan,andito na rin.Nagkwekwentuhan kami dun ng biglang dumaan si Trisha.

‘Hi Yuan,Hi V-jay, Hi Girls’ yun yung sinabi nya tapos umalis din sya. Ngumiti lang naman ako sa kanya.

“Pinsan, paano ba manligaw?” sabi ni Yuan kay V-jay.

Tumingin sa akin si V-jay nun. Kasi ako yung may alam ng tungkol kay Trisha eh. Love triangle nila. Tapos tumingin ulit kay Yuan. Tingin ko hindi maganda na napadaan pa si Trisha sa area namin. At hindi rin maganda na si V-jay pa yung  pinagtanungan nya. Sakit siguro nun sa kanya. Teka, bakit ba ako affected?

“It depends to the girl.Bakit hindi sya yung tanungin mo”sagot ni V-jay. Oo nga naman. Bakit hindi si Trisha yung tanungin nya.

“Or ask other girls’ opinion.” Sabi naman ni Leah. Salida talaga eh no? Siniko ko nga.

“Ikaw Denise, ano sa tingin mo? Paano ba manligaw.” Ako pa yung tinanong. Mukha ba akong nanliligaw?
Pero sige na, opinion lang naman.

“Hmm...be nice to her? Make sure na  nandyan ka pag kailangan ka nya. Kwentuhan mo?”
Ay ewan ko!”And yung pinaka the best na magagawa mo... ask other girl’s opinion.” Sabi ko na lang. Hehe. Ginaya ko lang si Leah.

Maya-maya lang ay dumaan ulit si Trisha. Kaya si Yuan eh tumayo na at sumunod sa kanya. Baka nga tatanungin na nya kagaya nung sinabi ni V-jay.

Yung mga sumunod na araw,ilang beses  ko nakikita si Yuan at Trisha na magkasama. . Nung isang araw nga eh dumaan pa silang dalawa sa room namin. Kitang-kita ko sa bintana at alam ko na nakita din yun ni V-jay. Tiningnan ko lang din kung anong magiging reaksyon nya. Pero wala lang naman. Ang gulo din ‘nun eh. Kapag kaharap si Yuan at ako, napapansin ko na affected sya pero kahit ganun, wala lang. Tahimik pa rin sya. Hay, ewan. Basta ang alam ko, nasasaktan ako kapag nakikita ko si V-jay na nasasaktan dahil kay Yuan at Trisha. But on the other side, natutuwa din ako kasi nung nalaman ni Yuan na sya yung crush ko, hindi naman sya nagalit or something.

Dahil nga madadaldal yung mga kaklase ko ay mabilis na nakarating  yung balita na sya yung crush ko. Palagi nga nila akong tinutukso. Si V-jay nga lang yata yung hindi. Lately eh masyado syang seryoso sa buhay.Ako naman, nakikisakay na lang. Alangan naman i-deny ko pa. Eh sa bibig ko na mismo nanggaling di ba?  Isa pa, alam ko din naman na walang pag-asa dahil si Trisha nga yung gusto din ni Yuan.

Pero minsan nalilito ako dahil kay Leah. Sabi nya kasi mukha daw may gusto si Yuan sa akin dahil sa mga kilos nya  nitong nakaraang mga araw gaya nito:

Lunch time... naglalakad kami ni Leah papunta sa cafeteria ng biglang sumabay sa amin si Yuan.

“Hey girls, kakain na ba kayo? Sabay na’ko. ”  Nasan si Trisha? Or V-jay?

“Oh sige Yuan. Basta ililibre mo kami.”


“Leah?!?” tiningnan ko sya na parang ‘what the hell are you saying?’

“Sure. Yun lang pala eh.” Sabi naman ni Yuan. “Ako na magdadala nyan,Denise.”sabay kuha nya doon sa binder ko.

Pagdating namin sa cafeteria eh puna na sya. Natagalan pa ng konti bago makahanap ng mauupuan. Dahil may katangkaran din si Yuan ay nakakita sya doon sa may dulo.

“Ayun pala, kina V-jay. May space pa.”

“Tamang-tama. Pero bago ang lahat, Cr muna ako. Burger steak yung order ko.”

“Ok.”sabi nya kay Leah.”Denise,go ahead. Upo ka na ‘dun.” Sabay turo nya doon sa lugar nina V-jay.

Naglakad naman na ako papunta sa table nina V-jay. May dalawa syang kasama na varsity din. Nag-hi lang sila dahil busy sa pagkain.

“Kasabay mo si Yuan?”

“Yeah. Ang saya di ba?”sabi ko habang nakangiti pa. Makasabay mo ba naman yung crush mo eh hindi ka ba matutuwa?


“Ikaw? Kaya mo pa?”   nag-sip sya sa pepsi nya tapos tumango.Bigla ko naman nakita si Trisha  na dumaan. Glass door kasi. ”Talagang nagpapalamang ka sa kanya no?” medyo natagalan pa sya sumagot.

“Ayos lang sa akin. Basta masaya sya.” Sabi nya.Tapos dumating na sina Leah at Yuan dala-dala yung food. Actually,ngayon ko lang naalala na hindi ko sinabi kay Yuan kung ano yung order ko.

Binigay na nya sa akin yung pagkain.Rice at tsaka...pork barbecue???

“Yuan, paano mo nalaman--”

“-na favorite mo yang pork barbecue? Tinanong ko kay V-jay.”
Nagslight tap sya sa likod ni V-jay.

“Wow. Galing ah.Yuan,nanliligaw ka ba?” Ngumiti lang si Yuan.Tapos tumingin sa akin ng matagal tapos kay Leah ulit.

“Kung sabihin ko na oo nanliligaw nga ako. Ang tanong, may pag-asa ba ako?” Nakakainis naman. Bakit napunta dun yung usapan. Nahiya tuloy ako.

Bigla naman tumayo si V-jay na ikinagulat naming lahat na nasa table. May hindi ba sya nagustuhan sa sinabi ni Yuan?

“Uy, san ka pupunta?”

“Sa North Pole. Sige,una na ‘ko. Bye Denise.” Tinapon nya yung pagkain nya tapos umalis na sya.

Nagkatinginan na lang kami nina Yuan dun. Natawa na lang sila. Saan daw sya pupunta? North Pole?

“Oo nga pala, birthday ko sa Saturday.May konting celebration. Punta kayo ha. Tayo-tayo lang naman. People from this school din yung mga invited.”

“Sure.”

“Advance Happy Birthday pala. Anong gusto mong regalo?”

“Kahit wala na. Basta pumunta ka lang sa birthday ko.”

“Naks naman.” Sabay siniko ako ni Leah. Kanina pa sya ha!

“Teka lang, paano ba yung papunta sa inyo? Hindi ko kasi alam yung bahay nyo.”

“Don’t worry. Susunduin na lang kita sa inyo. Ikaw din Leah.”

“Oh sige. Pupunta na lang ako kina Denise. Para dun mo na lang kami sunduin.”

“Ok. That’s a good idea.” Sabi naman ni Yuan. Wala na akong nasabi kung hindi ‘ok’.

Wala naman sigurong masama doon. Birthday party lang naman.It’s not like I’m gonna die, right?


Nung hapon na yun ay dumeretso ako sa mall para bumili ng gift. Hindi naman ako pupunta sa party na yun ng walang dalang gift. Hindi naman yata tama yun. Naglakad-lakad ako dun sa mall habang nag-iisip kung anong pwedeng mairegalo kay Yuan nang biglang may dalawang lalaki na humarang  sa akin. Feeling ko nga kanina pa nila ako sinusundan.

“Hi Miss. I’m Raf. Mukhang mag-isa ka. Sama ka na lang  na sa’min.” sabi nya sabay hawak sa braso ko.Eh kung sampal-sampalin ko kaya ang mokong na ito. Ano bang mga sinasabi nya? Bakit naman ako sasama sa kanya eh hindi ko naman sya kilala.

“Sorry, hindi pwede.” Ang taray ng pagkakasabi ko sabay inalis ko yung braso ko sa kamay nya. Sabay talikod at lakad palayo sa kanila. Ang kapal ha!

“Uy, saglit nga lang. Bakit ba ang sungit mo?! Come on, I’m sure you’ll enjoy.” Lumapit pa sya sa akin. As in 4 inches na lang yung layo nya.Umatras naman ako.

“Hindi nga pwede eh. Ayoko. Tanga ka ba at hindi mo maintindihan yung simpleng tagalog ko?”

“Pare, tanga ka daw oh. Papayag ka ba ‘nun?”sabi ng isa nyang kasama.

“Hindi nga daw pwede. Alin ba yung hindi mo maintindihan? Tigilan nyo nga sya.” Sabi nung boses sa likod ko.

“Di maintindihan? Di ko maintindihan kung bakit ka nakikialam dito. Sino ka ba, ha?! Anong pakialam mo sa gagawin ko sa kanya?”


Lumingon naman ako kaya nakita ko na kung sino. Lumapit sya sa akin tapos umakbay.

“ Girlfriend ko sya. Bakit may angal ka? Sinasabi ko sa’yo, lumayo ka na. Baka samain ka pa.” sabi nya.

“Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka.” Tapos tumingin sya sa akin.”Pa’no mo ba nagustuhan ‘to?” sabi nya yun sa akin. Talagang ayaw nya akong tigilan.

“Talaga ka bang hindi ka titigil o baka naman gusto mong hindi na masilayan ang bukas?”

Bigla naman umatras yung dalawang lalaki at tumakbo na palayo. Sumigaw pa yung isa na: ‘Kala mo, ang angas mo. Malaki ka lang kaysa sa amin.’

“Yun na nga, kayang-kaya ko kayo ibitin patiwarik. Mga duwag.” sabi naman nya sa kanila na medyo natatawa pa.”Ayos ka lang ba?”

“Ha? Oo. Buti na lang dumating ka. Thanks ha...pero yung sinabi mo--”

“Ah...yung girlfriend? Ayos naman di’ba?Pwede na akong artista.”tapos tumawa sya.

Tapos may binulong sya....it was something like.....











”Sana nga tunay na lang.”


  -24-



Magkasama na nga kaming dalawa na naglakad dun. Maya-maya ay napansin ko na yung kamay nya ay  nasa balikat ko pa rin. Bakit ngayon ko lang napansin yun? Nag-enjoy ba ako? Roll Eyes Roll Eyes

Denise...sari-sari ka!>Sad

“Ahmm...V-jay...” tapos tumingin sya sa akin. Tiningnan ko naman yung balikat ko. Nalaman naman nya yung ibig kong sabihin kaya inalis na nya yung kamay nya. Nagsorry pa nga sya. Sa akin naman eh walang kaso yun.

“Bakit mag-isa ka lang? Hindi ka sinamahan ni Yuan?” sabi nya tapos humawak sya sa tiyan nya. Nagugutom yata.

“Hindi. Hindi pwede. Bibili kasi ako ng regalo para sa kanya.” Total pinsan naman nya, malamang alam nya yung mga gusto ni Yuan.

“Ei, naiisip mo ba yung naiisip ko?” sabi ko naman.

“Ano? Na nagugutom ka rin? Kanina pa nga ako eh. Tara,kain tayo. Libre ko.” Hinila na naman nya ako habang hawak yung kamay ko. Grabe talaga ang habit nitong manghila ng kamay. Pero sabi nga ni Tito Vic. Masaya sya kapag ganun.

Teka, dapat bibili ng regalo para kay Yuan ah? Oh well...

Nagdecide kami na sa jollibee kumain para maiba naman daw. Lagi na lang kaming KFC eh.

‘Baka tubuan na tayo ng feathers nyan sa KFC’ sabi ni V-jay.

Eh ganun din naman di ba? Manok din sa Jollibee. Pero iba daw doon.Mas madaming bata.Masaya daw sa Jollibee.Oh sya, sige na nga pabigyan na. Mukhang masaya talaga eh. I don’t wanna ruin it. For some reasons, natutuwa din ako kapag masaya sya. Ang ayoko lang, kapag naaalala ko yung tungkol kay Trisha. Bumibigat yung pakiramdam ko.

Pagkatapos kumain ay nagpatulong na ako pumili ng regalo. May naisip naman na ako. Shirt and  a book. Shirt kasi wala lang. Gusto ko lang. Yun nga lang hindi ko alam kung anong klase yung gusto nya.Alam ko mahilig sya magbasa kaya book na lang. Nabanggit nya kasi sa akin na balak daw nya bumili nung latest book ng Harry Potter. So yun, sa bookstore kami nagpunta. Luckily, tatlo pa yung natira.

“Geez, I wonder kung gaano nya katagal binabasa yung ganito. Ako siguro ,100 years later na hindi pa ko tapos.”

“Ako nga first page pa lang inaayawan ko na. Hindi ako mahilig magbasa. I’d rather watch movies.”

“Same here. V-jay, may bibilhin pa tayo. Shirt naman.” Ayos naman sa kanya kaya sinamahan nya din ako sa favorite store daw ni Yuan. Sa Hollister.

Nalaman ko kay V-jay na mahilig sa polo style si Yuan. Yung mala’Lacoste’. Pero dahil hindi kaya ng budget ko yung Lacoste eh dito na lang sa hollister. Dahil maputi naman si Yuan, madaling ihanap ng damit. Teal yung napili ko na kulay.  As far as my imagination can go, bagay yun sa kanya.

Gabi na rin kaya umuwi na kami. Mga 45-50 minutes away pa yung bahay namin sa mall. Pumara na sya ng jeep at swerte naman dahil maluwag pa. Kasabay pa nga namin sa pagpara yung isang matandang babae ba about 70 years old. Tinulungan pa nga namin sya umakyat sa jeep dahil marami din syang dala. Doon sya umupo sa katapat namin. Si V-jay naman ay katabi ko.

“Salamat mga apo ko.” Sabi nya habang nakangiti.

“Ayos lang po yun,lola.”sagot ni V-jay.

Ang sarap ng hangin. Sariwang sariwa pa. Ako naman ay  inaantok-antok na. Bumabagsak na nga yung mata ko. Sunod kong naramdaman,umakbay sya sa akin at sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. Hmm....ang bango nya. Madalas nangyayari sa akin yung ganito kapag nasa biyahe. Sobrang inaantok ako. Nakapikit nga yung mata ko pero yung ibang senses ko eh half-awake. Kung minsan tuloy kung anu-anong naririnig ko. Mostly yung usapan ng iba.

“Apo ko, kailan mo ba sasabihin sa kanya? Hanggang kailan ka magpaparaya? Hanggang saan ang kaya mong ibigay.”


“po?”   alam ko, boses yun ni V-jay.

“Hijo.Alam ko, alam mo yung tinutukoy ko.”

“Hanggang kaya ko po,Lola. Iba po kasi yung gusto nya.”

“Sabihin mo sa kanya. Kahit tulog sya. Baka makakabawas sa lungkot mo.Naku, dito na pala ako.”

Naramdaman ko na medyo gumalaw si V-jay.

“Tulungan ko na po kayo.”

“Shh...wag na.Kaya ko na. Baka magising sya. Sabihin mo na ha, bago pa sya magising.”

Naramdaman ko na umaandar pa rin kami. Nagkakapit pa rin yung mga mata ko. Pero half-awake pa rin ako. Alam ko na may nag-uusap sa paligid ko pero hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi nila. Minsan nga hindi ko na alam kung alin ang panaginip sa totoo.

“I love you,Denise and I always will.”


Aahh!!! Akala ko tumalsik na ako ng malakas. Bigla lang pala pumreno yung jeep. Naman oh! Ang ganda nung panaginip ko eh.  Naputol tuloy.

Teka, panaginip nga ba?

“Nandito na tayo.” Sabi ni V-jay.

Bumaba na kami nun at naglakad na pauwi. Yun nga lang ang hindi maganda sa lugar namin. Hindi dumadaan yung mga jeep.

Habang naglalakad kami, pilit kong inaaalala yung kung ano man yung kanina sa jeep.

“Uy, ok ka lang? Natigilan ka.”

“Ha? Sa jeep kasi kanina... ano—wala. Nanaginip lang siguro ako.” Sabi ko na lang. 

“Panaginip nga lang ba?” 

“Ha?” may sinabi ba ako? Inside thought dapat yun eh.

“Wala. Wala yun.” Nag-fake smile naman ako.

Hindi naman talaga ako sigurado kung ano yun. Malamang, panaginip nga lang...







pero paano kung hindi?  Waaaah!!!!!!!


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com