-25-
Next day,ordinary day pa rin naman sa school. Nagtest pa nga kami sa Science tungkol sa Gay-lussac’s Law. Ayaw ko yun dahil may math na involved. Hindi man perfect score yung nakuha ko, pasado pa rin naman kahit paano.
Noong lunch, kasabay ulit namin si Yuan. Libre na naman nya. Mapilit sya eh. Well, ano pa nga ba? Eh di Naka-save na naman ako. Nanukso naman si Leah habang bumibili ng drinks si Yuan.
“Uy, Denise ha. Grabe na si Yuan. Mukhang interesado talaga. Ang cute pa.” sabi nya. No comment naman ako sa sinabi nya.
“Mukhang kailangan na kitang sampalin para magising ka. Ni-minsan ba hindi mo naisip kung bakit ganyan si Yuan sayo?”
“Ano? Syempre, kaibigan. Normal lang yun di ba?”
Ni-rub nya yung mukha nya gamit yung dalawang kamay nya. Alam nyo yung parang naiirita na. Ganun sya.
“Ano ka ba,Denise? Yuan likes you. Halatang halata. Hindi lang sya. Si V-jay din napapansin ko. Wag mong sabihing hindi mo rin ramdam yon? Mahid ka ba o ano? “
Ako? Manhid? Hindi no. In denial siguro...oo.
Hindi ko na lang pinansin yun sinabi ni Leah. Pero somehow, na-stuck sa utak ko yung mga sinabi nya. Nung hapon na yun, binalot ko na rin yung regalo ko para kay Yuan. Nakapagtext-text pa ako ng matagal since Friday na. Wala na rin akong masyadong gagawin.
Saturday. Pumunta si Leah sa bahay. Nagpasama pa sa akin bumili ng regalo. Kaya napasugod tuloy kami sa mall ng hindi oras. Madali lang naman kami sa mall. Una namin pinuntahan yung tunay na pakay namin. T-shirt din yung napili ni Leah. Bumili din si Leah ng flip-flops. Ako din napabili eh. Pano naman kasi, sale sila ngayon.
Pag-uwi namin ng bahay, binalot nya yung regalo. Ako naman, naligo at nagbihis ng panibago. Maya-maya nagtext na si Yuan.
>girls, get ready na po.sunduin ko n kau.
Naghintay na kami ni Leah nun kay Yuan. Hindi rin nagtagal ay dumating na sya. Namangha nga si Leah sa kotse nina Yuan. Mercedes Benz kasi. First time daw nya makasakay sa mamahalin na car eh. Ako naman, mga limang beses ko na siguro nakasakay sa kotse na ito.
Pagdating namin sa bahay nina Yuan, may mga tao na rin. Nandoon si Tita Racquel,Reese at V-jay. Mawawala ba naman sila eh sila lang yung pinsan ni Yuan.
Tapos yung marami sa kanila, alam ko mga kaklase nya ngayon sa Brayden High. Halos lahat ng nandoon eh produkto naman ng BJHS kaya hindi na nakakailang hanggang sa dumating din si Trisha.
“Happy Birthday, Yuan.” Sabi nya sabay may beso-beso pa. May dala pa nga sya na tray ng pagkain.
“Hi Denise.”
“Hello.” Sabi ko naman. Haba ng conversation namin no? Hi and Hello.
“Where’s Tita Juliet?”
“Umalis lang saglit si Mommy. May pahabol pa yata sya na dessert eh.” Sagot naman ni Yuan. Juliet pala yung pangalan ng mommy niya.
“Oh.Ok. Dalhin ko na lang ito doon sa kitchen.” Then pumunta na sya sa kitchen. Mukhang alam na nya yung pasikot-sikot dito sa bahay nina Yuan ah.
Si Leah, nakahanap na ng kadaldalan doon sa ibang bisita ni Yuan.Dating kaklase namin kasi ang iba dun. Sinamahan naman ako ni Yuan kumuha ng pagkain. Ang dami nyang handa.As in puno na yung table.Yung iba nga hindi ko na alam yung tawag. Masyadong pangmayaman siguro.
Tinawag naman ako nina Tita Racquel na doon na daw umupo sa katabi nila ni Reese. Ang bastos ko naman kung ako pa yung tumanggi kaya doon na ako umupo. Si Yuan naman, syempre, ine-entertain pa rin yung ibang dumarating.
“Hi Denise.” Dumating naman si V-jay at umupo din sa table namin.
“Anak,bakit ganyan? Wala kang ulam?" sabi ng mommy nya.
“Hinihintay ko pa po yung luto ni Manang Luz.”tapos nagtingin-tingin sya doon.
May dumating naman na matanda na may dalang isang bowl na kare-kare sa table namin. Hmm....ang bango. Mukhang masarap.
“thanks po,Manang.Yan, kakain na ako.” Nagsimula na syang kumuha ng kare-kare tapos sumubo na sya.Ako din eh kumakain na doon.Bigla naman pinalo ni Tita Racquel yung kamay nya.
“Aray Ma. Bakit? ” tanong naman nya sa mommy nya.Innocent effect pa sya.
“Hindi mo man lang ba aalukin si Denise nyang ulam mo? Don’t tell me uubusin mo yan lahat.”
“Eh Ma, Kare-kare to di ba? Allergic si Denise dito kaya useless lang kung alukin ko sya.” Oo nga naman. Wait...Paano naman nya nalaman? Wala akong naaalala na nasabi ko sa kanya yun.
“Oh...really? Sayang naman,Denise.”
“Oo nga po eh. Gustuhin ko man kumain eh hindi pwede. Ako din po ang magsusuffer.” ***
Nung natapos na kami kumain, tinawag naman kami ni Yuan para pumunta doon sa entertainment room para magkantahan. Nanlaki na lang yung mata ko sa nakita ko. Ang laki ng entertainment room nila. Yung tv nila ay plasma pa na sobrang laki din. Astig! parang sinehan. Sobrang High-tech. Kita doon yung PS3 nila na para daw sa mga bisita. Kaya yung iba naglaro doon sa separate room. Tapos ang daming remote para sa mga appliances na nandoon. Grabe, more than ten yata. Kahit siguro nakatira ako dito, hindi ko mamememorize which one is which.
After i-set up ni Yuan yung magic sing nila, tumabi na sya sa akin. Kita mo sa mukha nya na masaya sya kahit pagod. Unang kumanta yung si Lara,tapos sunud-sunod na. Ewan ko ba dun.Maya-maya lang,may dumating na isang babae. About 35 years old sya. Base sa matinding calculation ko, sya yung Mommy ni Yuan.
“Hi guys, kamusta naman kayo dito? Ayos ba?” ‘Ayos na ayos nga po eh.’ Sabi naman nila.
“Mom, ngayon ka lang ba?” see, Mommy nga nya. Tama ako.
“Yes. I had to buy something. Tapos traffic pa kaya nagtagal.” Tapos tumigil sya then “ Son, where is she? Nasaan na ang babaeng nagpapatibok ng puso ng anak ko?” sabi nya habang nakasmile. Lahat natahimik. Naramdaman ko na tumingin sa akin si V-jay tapos biglang iniwas nya. Anong ibig sabihin ‘nun?
“Mom, here she is. Si Denise po.” Huwwaat?!? Did I just hear my name? pakiramdam ko nag-apoy yung mukha ako.
“I knew it!” sabi ni Leah.
“Uyy, Denise ha, kelan pa?”
“Ha? Ewan. Hindi ko naman alam eh.”
“Now you know, right? I’ve been courting you for 3 weeks now.” Tapos may kinuha sya sa may likod at binigay sa akin. “Flowers for you.”
“Thanks, pero teka lang. Akala ko ba si Trisha yung nililigawan mo?” hindi ba?
Tumawa lang sya.”Trisha is my childhood friend, best bud ko yan, bukod kay V-jay. Trisha is just my friend. Ikaw yung gusto ko.”
“Yeah,Denise. Yuan is right. Ako lang naggaguide sa kanya sa panliligaw sa’yo. He really likes you...”
Nag-‘uyyy’ naman yung mga tao. Kainis no? Akala naman nila nakakatuwa itong nangyayari. Sobrang nahihiya na talaga ako at kinabahan at nalilito.
“Nice meeting you,Denise. You’re such a pretty girl.” Tapos hinug nya ako. “ Oh sya, pupunta na muna ako sa kitchen at may lulutuin pa ako. Ituloy nyo lang yung kantahan nyo.” Then umalis na sya.
-26-
Si Yuan naman ay masyadong gentleman at pati yung uupuan ko ay inayos pa. Tapos nanunukso pa rin sila.grabe ha! Pigilan nyo ko. Mamaya lang sasapukin ko na sila. Itinuloy lang nila yung kantahan nila. May kumanta ng ‘Narda’ kaya tumaas yung energy at nabaling na yung atensyon nila sa kanya at hindi na sa amin ni Yuan. Kumanta din si Leah at ang song ay ‘Especially For You’ .
“Sino ba yung sunod?” tapos walang sumagot.
“Oi, Yuan, kayo nga ni Denise dyan ang nagliligawan. Magduet naman kayo.” Naku, kung hindi ko lang talaga kaibigan ‘to,matagal ko nang nabatukan eh. Ayos na eh. Wala na yung atensyon nila sa amin tapos ibinaling na naman nya.
‘Oo nga naman. Pare, pagkakataon mo na ‘to.’ Sabi nung isang lalaki.
“Denise, ano? Ok lang ba sayo?” Tatanggi sana ako kaya lang nagsigawan sila, ‘Denise, sige na, birthday naman nya.Maawa ka na.’ Oh sige na nga. Ako na naman ang masama kapag tumanggi ako.
Kinanta namin ni Yuan ay ‘I’ll be’. Ano ba naman yan. Yun pa yung pinili nyang kanta. Lalo tuloy dumami yung mga nanukso. Naka- 97 kami.Lahat sila niloloko kami, maliban lang dun sa isa na tahamik lang na nakaupo doon. There’s something sa mukha ni V-jay na biglang nagbago. Paano ba idescribe yun? Nalumbay siguro. Tama. Ganun nga ata. Kanina lang ang saya nya eh. Bakit nalungkot? Di ba dapat masaya na nga sya kasi available pala si Trisha?
Hay, bakit ba ako affected?
Ang sunod na kumanta ay si Michael. Pambato daw sa kantahan. Ang kinanta nya...’Jealous’?
‘Guys,gagawin kong male version ‘to.’ ok.Male version pala.Infairness, ang galing nga nya kumanta. Pero ayoko nung song. Parang feeling ko kasi sinasaksak ako sa dibdib. Napatingin ako kay V-jay at nakita ko na katabi nya si Trisha. Nag-init yung mukha ko nun. Waah! Nagseselos ba ako sa kanila?
‘Jealous of the one who'se arms are around you
If he's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide ....'
Nasa gitna pa lang ng kanta si Michael ng biglang tumayo si V-jay. Napatingin nga kami. Gumalaw kasi yung upuan nya pagtayo nya kaya naggawa ng noise.
“Oh,San ka pupunta?”
“Lalabas na muna ako. Masikip na dito.”
“Hindi ka pa kumakanta ah! Mamaya na lang.” sabi ni Trisha.
“Nah, I don’t sing.” Tapos lumabas na sya. At binagsak pa nya yung glass door. Halos mabasag na nga. Galit ba sya?
Napatingin nga din si Yuan pero wala na lang syang sinabi. Tuloy pa rin sa pagkantahan hanggang sa gumabi na at nagsimula ng mag-alisan.
Isang malakas na ‘Happy Birthday Yuan!’ ang sinabi nila bago maghiwa-hiwalay lahat.Si V-jay, hindi na bumalik sa entertainment room. San kaya yun nagpunta. Nag-aalala na ako dun eh.
“Denise, halika na. Ihahatid ko na kayo ni Leah.” Tapos naglakad na kami palabas ng bahay nila. Nandoon naman sina Tita Racquel,Reese, at yung mommy ni Yuan.
“Aalis na po kami. Thank You po.” Sabay pa kami ni Leah.
“Your welcome mga hija.Ipapahatid ko na kayo sa driver. Gabi na, mga babae pa man di kayo.”
“Mom,ayos na po yun.I took care of that already.”
“Bye po, Tita Racquel. Bye Reese.”
“Ate, nakita mo ba si Kuya?Kanina ko pa sya tinatawagan eh,hindi naman sumasagot.”sabi nya nun habang kinakalikot yung phone nya,
“Hindi eh. Kanina ko pa rin sya hindi nakikita.”
“San ba kasi yun nag-suot?! Anyway, sige pala, bye, Ate Denise.”
“Sige Denise, take care,ok?” sabi ni tita Racquel.tumango naman ako tapos sumakay na kami sa kotse. Himala nga at tahimik itong si Leah. Nakatingin pa sa bintana.
“Hoy Leah, ok ka lang? Masyado ka bang nabusog at hindi ka makapagsalita dyan?”
“Ano ka ba, on-diet ako ngayon pero masarap talaga yung mga pagkain nila.Super. Tahimik lang ako kasi may iniisip ako.” Aba! Seryoso ah!
“Uy, Di ba si V-jay yung naglalakad na yun?”
“Onga no. Manong, tigil muna tayo.” Sabi ni Yuan tapos binaba nya yung bintana.Si Leah din ay binuksan yung sa amin.
“V-jay, sakay na. Papunta kami kina Denise.”
“Hindi, wag na. Maglalakad ako.” Pagkatapos nun ay nagkatinginan kami pero wala naman syang sinabi. Ano ba naman yan, bagong style na ba yun ngayon?
“Are you sure? Maluwag pa naman eh.”
“Maglalakad talaga ako. Sige, ingat na lang kayo.”
“Ikaw mag-ingat. Gabi na oh. Sige ah, una na kami. Ayaw mo talgang sumakay?” Umiling lang si V-jay. Tapos nun tumingin lang sya ulit sa akin. Ok, I’ll take that as a “Bye Denise.”
Nagdrive na kami, este si manong driver pala ,pauwi sa amin. Si Leah naman,sa bahay na rin yan matutulog. Bumaba din si Yuan sa kotse.Ako naman,binuksan ko na yung gate. Nahirapan nga ako dahil may dala pa akong bulaklak na binigay ni Yuan kanina.
“Ehemm...pasok na ko sa loob ha...para hindi ako istorbo sa inyo.” Sabi ni Leah. “Akin na muna ‘to, mukhang nahihirapan ka na eh.”sabay kinuha naman nya yung boquet.hayy..salamat. Matagal-tagal ko rin nasa kandungan yun.Pagkatapos ay pumasok na sya sa loob ng bahay.
“Yuan, happy birthday ulet ha. Thanks sa paghatid. Sana magustuhan mo yung gift ko.”
“Your welcome. Basta galing sayo,magugstuhan ko. Uhh..Denise, hindi ka ba galit sa nalaman mo kanina?”
“Hindi. Mukha ba akong galit sa hitsura ko? Shocked siguro,oo.” Nliligawan na pala ako ng crush ko,hindi ko man lang alam.
“Thanks. Sige pala, see you sa school na lang. Good night.” Then lumapit sya at hinalikan ako sa pisngi.Whoa! Another shocker!
“Sige, good night din.” Then pumasok na ako sa loob ng bahay.
-27-
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kanina sa birthday ni Yuan. Una, ako pala yung gusto nya. Pangalawa, nililigawan nya ako. Akalain mong may gusto pala sa akin yung crush ko. Swerte no? Pero bakit walang kuryente? Pangatlo, available pala si Trisha. Pero bakit ganun na lang yung reaksyon ni V-jay? Sa halip na magsaya dahil solong-solo na nya si Trisha, nagwalk-out pa. Pero ok din siguro na nagwalk-out sya.Dahil nakita ko lang sila na magkatabi ni Trisha ay biglang sumama yung pakiramdam ko. Idagdag mo pa si Michael, talagang natamaan ako dun sa kanta nya kanina.Wahhh! Parang awa nyo na, sumasakit ulo ko. Pinanganak yata ang dalawang magpinsan na iyon para bigyan ako ng migraine!Umabot sa 913 yung nabilang kong tupa bago ako nakatulog. Well, at least nakatulog di ba? Feeling ko talaga kinailangan ko ng pahinga eh. Napagod yung katawan ko at lalo na yung utak ko.
Sunday.Nagising na lang ako ng wala na si Leah. Hindi man lang nagpaalam ang bruha! Tanghali na nga ako nagising kaya hindi na rin ako nakasama kina lola sa pagsimba.
Monday, wala naman masyadong nangyari maliban sa nakasabay kong umuwi si Yuan. Este, hinatid nya pala ako. Napadaan ako sa room nila kaya yung mga invited sa birthday nya ay kung anu-anong panunukso ang ginawa.
P.E. time. Soccer unit kami kaya sa field kami ngayon. Kapag sinuswerte ka naman oh. Ngayon pa kung kailan mataas yung araw.
“Boys and girls, dito lang kayo sa left side. Doon kasi sa kabila ang Section C. Ok, I need two teams. Kayo na bahala.” Sabi ng teacher.ano ba yan, palagi yata akong napapatapat sa kanila ngayon.
“V-jay, dyan na kami sa inyo.” Sigaw ni Leah sabay hila sa akin papunta kina V-jay.
“Tama pala, guys kumpleto na tayo.” Wala man lang bang ‘hi’? Suplado naman nito.
Pumwesto na kami at maya-maya lang ay nagsimula na yung game. Hindi naman ako magaling sa soccer pero ako yung ginawa nilang goalee. Ayos lang naman sa akin basta wag akong tamaan ng malakas dahil kung hindi gaganutan ko sila.
“Guys, dahan-dahan lang ah. May mga girls tayo. Hinaan nyo lang yung pagsipa at baka masaktan yung goalee namin.” Tapos tumingin sya sa akin. Mukhang balak lang nyang tumitig at ayoko ng ganun kaya iniwas ko na lang yung tingin ko.
Napansin ko din yung kabilang section doon. Class yun nina Yuan at as usual, noong nakita nya ako ay kumaway sya sa akin. Nagwave back lang din ako.
Naglaro na nga kami nun. So far, hindi pa naman napapalakas yung sipa nila sa bola kaya ayos pa naman ako. Dahil kung matamaan nila ako sa mukha or sa dibdib. Naku, kawawa naman si Denise!
20 minute-game lang naman yun at sa kasamaang palad natalo pa kami. Pero hindi na rin masama dahil 5 -6 naman yung score. (In favor of the other team).
Libre naman na kami ngayon kung ano man ang gusto namin gawin. Yung iba, mas pinili na ituloy ang paglalaro ng soccer. Nakita ko si V-jay na nakaupo doon sa damuhan at nanonood sa kabilang section kaya linapitan ko naman.
“Oist! Anong ginagawa mo?” sabi ko sabay upo na din sa damuhan.
“wala lang. Watching, I guess.” Nakatingin pa rin sya doon sa mga naglalaro. Tsaka ko lang napansin na nandoon pala si Trisha at nakatayo naman kasama yung mga kaklase nya.
“Bakit ka nandito? I mean, bakit hindi mo lapitan si Trisha. Malaya mo nang magagawa ang gusto mo.Wala ka nang karibal. Pwede mo nang ligawan.” Sabi ko sa kanya.Geez. That kinda hurts me.
“Dito na lang ako sa tabi mo. Hindi naman bawal di ba?”
“Hindi naman.”
“Kapag bawal na, sabihin mo sa akin ha. Para hindi na kita guguluhin.” Seryoso yung mukha nya nung sinabi nya yun.
“Eh bakit ba kanina ka pang bawal ng bawal dyan? Bakit magiging bawal?”
“Kapag sinagot mo na yung pinsan ko, bawal na kasi girlfriend ka nya. Kapag nangyari na yun, sabihin mo sa akin ha. I’ll have to stay away from you two.” What? Bakit naman?
“Why would you do that?” sabi ko naman.
“Dahil dito.”sabi nya sabay hawak sa dibdib nya. Sa left side.
“Denise, sana maging masaya kayo ni Yuan.” Pagkatapos ay tumayo na sya at biglang tumango. Tiningnan ko naman kung sino yung tinanguan nya na yun.
“Pinsan, aalis ka? Kaarating ko pa lang ah.” Sabi ni Yuan.
“Kailangan eh. Sige ha. Una na ‘ko sa inyo.” Tumayo naman ako dahil parang may dalawang higanteng nag-uusap kung nakaupo ako. ‘Bye’ lang ang sinabi ni V-jay sa akin at umalis na rin sya. Nagweirdohan ako sa kanya at talagang sinundan ko sya ng tingin. Kaya lang hindi na sya lumingon. Naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin. Sino pa ba? Eh di si Yuan. Sya lang naman ang nasa tabi ko eh.
“Bakit ganyan ka makatingin?”
“Wala naman. I was just curious.” Curious about what? Itatanong ko nga sana kaya lang bigla naman napadpad yung soccer ball sa amin kaya nagyaya na si Yuan na umalis sa lugar na iyon. Baka daw kasi masaktan pa ang isa sa amin mamaya.
Dumating yung mga kaibigan ni Yuan,tapos dumating pa sina Leah. Hindi ko na tuloy naitanong yung gusto ko itanong sa kanya.
Katulad kahapon, hinatid na naman ako ni Yuan. Sakay na naman ako sa chedeng nila. Katulad din naman ng kahapon, ang pinagkaiba lang ngayon, pinapasok ko sya sa loob at pinakilala kay Lola. Wala naman syang sinabi na kung ano. Nagtaka lang kung bakit hindi na si V-jay ang kasabay ko ngayon kapag umuuwi. Pero wala din naman syang sinabi na kung ano. Basta tulad ng lagi nyang sinasabi sa amin, ‘Imulat ang iyong mga mata. wag mong hahayaang diktahan ng isip ang iyong puso.’ Ewan ko ba. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naman lubos maintindihan yun. Lalo na pagkakataong ito. Ano namang koneksiyon di ba? Pero siguro nga, tama si Kuya, may pagka-engot din talaga ako.
Nung isang araw nga pala, I’m so proud of myself. Na-overcome ko yung isang fear ko. Fear of dogs. Naglalakad kasi ako nun sa may park at hindi ko inaasahang may aso na humarang sa akin. Nililick na nung aso yung legs at paa ko. Tahimik lang ako pero sa loob sumisigaw na ako. Una kong naisip, tumakbo ako. Pero humabol pa rin sya.
“O my god. O my god. Wag mo ko habulin.” Lumiko ako nun sabay…
“Ou ch!” aray naman. Nagkabanggaan pa kami.
“Why are you running?”
“E kasi yung…yung…” tinuro ko yung aso.”hinahabol nya ako.”
“Milo! Nanghahabol ka lang palang aso ka. Kanina pa kita hinahanap.”
“yan…yan si..Milo?”
“yup. Nakalabas sya ng gate.Kasalanan ni Reese. Bakit ka nya hinabol? Tumakbo ka no?”
“E kasi naman no. Takot ako sa mga aso.” Nakasimangot pa ako nung sinabi ko.Tumawa naman sya.
“He won’t bite. Kapag mabait ka sa kanya, ayos din sya sa iyo. Basta wag mong papahalata na takot ka. Here..bagong linis sya.”tapos pinakarga nya sa akin si Milo.
Waah! Noong una gusto kong sumigaw e. Pero hindi nagtagal, ayos din pala. Ang cute at ang bango naman ni Milo. Natatawa nga ako kapag nililick nya yung face ko. Nakakakiliti kasi. Si V-jay naman, nagkakalikot doon sa phone nya habang ako e tawa ng tawa noong naglalaro kami ni Milo. Dog’s aren’t that bad pala.
Ano ba yan, gusto ko tuloy magkaroon ng sarili kong aso.
This week nga pala, 3 days lang kaming papasok sa school dahil may pupuntahan na four day-conference lahat ng teachers. As in L.A.H.A.T! Hay, ang saya!
“Guys, meron kaming resthouse sa Sta. Teresita. Balak ko doon magstay during weekend. Gusto nyo sumama?”
“Sure. Game ako dyan!”
“Pare,sama rin ako ha.” Sabi ni Ian na kaibigan din ni Yuan. ‘ako din.’ Sabi ni John.
“Ok guys, 1 hour away lang naman yun. Magpaalam kayo sa inyo ng ayos ha. 2 to 3 nights tayo doon.”
“Ayy...ang saya nito.May beach naman di ba? Sasama talaga ako.” Sabi nya kina Yuan.”Denise, samahan mo ko magpaalam sa amin ha. Di bale, sasamahan din kita magpaalam kay Lola Martha.”sabi naman nya sa akin.
“Bakit ako? Hindi naman ako sasama. Puro lalaki sila doon. Alam mo bang ikaw lang ang babae dun?”
“Sus. Ang KJ nito. Sumama ka na.” sabay tulak sa balikat ko. "O sige isama natin si Ashley para may girls din. Oi, ikaw nga Ian ang magyaya dun. Crush mo naman di ba? Pagkakataon mo na.” sabi naman ni Leah. Nag-agree naman si Ian kaya nagtatakbo na doon papaunta kay Ashley.Ang galing din ni Leah mag-utos eh no?
“Oo nga naman,Denise. Sumama ka na. Minsan lang naman mangyayari ito. Parang outing na rin. Sama ka na oh,please? If you want, I’ll ask your Lola Martha for you.” Payagan kaya ako ni Lola? Sana.
“Ok,I’ll go with you guys. Basta may permission ‘to ng parents mo ha?” sabi ko kay Yuan.
“Of course. Si Daddy pa nga yung nagsabi na magsama daw ako ng friends ko dun. Hindi na kasi nabibisita yung ibang resthouse namin.” Ganun? Ilang resthouse meron sila?
“Ah sige. Ako na bahala kay Lola.” Bahala na din kung papayagan nya ako. Hindi naman sya masyadong strikto. Pero hindi ko pa rin sigurado kung papayagan nya ako.
“Pssst! V-jay. Halika dito.” Sabi ni Yuan kay V-jay na nagbabasketball doon sa kabilang side. Lumapit naman sya at nagdridribble pa habang naglalakad. Bigla naman akong kinabahan. Hindi ko nga alam kung bakit. Nakakaasar.
“Bakit?” sabi nya tapos ako naman eh nginitian nya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko nun. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ako at naisipan ko na tumakbo.Ang sabi ko na lang ay “Una na ko sa inyo.” Then off I went. Parang tanga no? Kahit free time namin yun ay pinili ko na lang mag-stay sa classroom. May konting tao din naman doon. At least, nawala na yung kaba ko dun.
Nagring naman na yung bell na ikinatuwa ko rin. Malas nga lang at wala na pala akong juicy fruit kaya naglakad muna ako papunta doon sa may tindahan. Habang naglalakad ako ay may humila na naman sa kamay ko. Masyado na akong nastretch.Paglingon ko, may hawak sya sa kamay nya at inaabot nya sa akin.
“Ooh, thanks. Bibili nga sana ako eh.” Kinuha ko naman yung juicy fruit.
“I know.” Tapos nagsmile sya. “Are you coming?” coming where?
“Saan?” sabi ko naman.
“Kina Yuan. Sa Sta.Teresita.” oh, that!
“I think so.”
“Alright then....sasama na rin ako.” Tapos tumigil sya. “Uwi ka na? Wala kang kasabay?” hindi ba halata?
“Yup.” Tapos tumingin sya sa phone nya.
“Sige,uwi ka na. Hindi kita masasabayan eh. May practice, baka lalo kang gabihin.Sorry.”
“Ok lang no. Kaya ko naman.Sige bye.” Then naglakad na ako.Maya-maya lang eh may humila na naman sa akin. Ano namang nakalimutan nya?
“Denise, ingat ka ha.” Sus! Yun lang pala.
“Akala ko naman kung ano na. Opo,mag-iingat ako.” Ngumiti lang ulit sya at ako naman ay naglakad na ulit. In fairness, ang bait ha. Napangiti din tuloy ako. Buti na lang at walang tao masyado kundi napagkamalan na akong baliw.
Tuloy pa rin ako sa paglakad habang nakangiti. Hindi ko naman napansin na may hump nga pala doon. Natakid tuloy ako. Muntik pa ako mapasungaba doon sa daan.Badtrip! Hindi na ako lumingon dahil ayaw ko rin naman makita yung mga nakakita sa akin. Baka pinagtatawanan na nila ako.
Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May tumatawag.
“Hello?”
“Denise,kasasabi ko lang kanina.
“Sorry. My bad.”
“Pwede tumingin ka sa nilalakaran mo?”
“Yes sir. Sige na po. Magpractice ka na. Bye.” Then binalik ko na yung phone sa bulsa ko.At umuwi na ako.













bravenet.com