-28-
Pagdating sa bahay, balak ko ng sabihin kay Lola agad. Kaya lang natatakot ako. Baka sigawan ako eh. Nagbihis muna ako at nagsnack habang iniisip ko kung pano ako magpapaalam. Nilapitan ko sya doon sa silya nya at nagcrocross stitch sya doon.
“Lola, ahmm...may outing po kami ng barkada sa Sta.Teresita. 2 nights daw...pwede ba akong sumama? ” Tiningnan nya ako nun ng masama.
“Kaninong resthouse yan?”
“Kina Yuan po.”
“Hindi pwede. Hindi ko pa masyadong kilala ang batang yun.” Sabi na nga eh, hindi ako papayagan. Pero hindi ako sumuko at kinulit ko pa rin.
“La, marami naman po kami. Kasama din sina Leah at Ashley. Pumayag na po kayo.”
“Sinu-sino yung mga lalaki doon?”
“Si Yuan po. Tsaka yung dalawa nyang kaibigan. At si V-jay.” Sila lang yung sigurado ako na kasama.
“Ah,kasama ba si V-jay? Sige, mag-iingat ka doon ha.”
“Ibig po bang sabihin payag na kayo?”
“Oo, pero ipangako mong wala kayong gagawing masama doon ha.” Yes! Napapayag ko din. Niyakap ko si Lola at pagkatapos ay umakyat na ko sa kwarto. Tinext ko si Leah at tsaka si Yuan para ipaalam na pinayagan ako. Hinanda ko na yung mga damit at iba ko pang kailangan doon. Isang bag lang naman ang dadalhin ko at wala naman akong balak dalhin yung buong cabinet ko no.Teka, saan nga ba at anong oras kami magtatagpo ng mga yun?
Tinext ko si Yuan, tinawagan, at lahat na pero hindi naman sumagot. Kung kailan naman may itatanong pa ako na importante, saka pa hindi sumagot. Si Leah naman, hindi rin sumagot. Wala na siguro yung load. Ano ba yan,nagcellphone pa sila! Si Ian naman at John na alam kong kasama rin ay hindi ko alam ang cell number.
Ah! Alam ko na.May isa pa nga pala na hindi ko nasusubukan tawagan.Nagdial ako doon sa phone ko.
“Hello?”
“Oh, napatawag ka.”
“Itatanong ko lang kung alam mo kung anong oras tayo aalis bukas at tsaka saan yung meeting place. Hindi kasi sumasagot si Yuan eh.”
“Ang sabi nya sa akin 10:30 ng umaga daw. Sa kanila na lang daw yung meeting place.”
“Ah...ok. Paano nga ulit yung papunta sa kanila? Hindi ko alam eh.”tapos tumawa sya.Tama ba namang tawanan ako.
“Wag mo na alalahanin yun. Sunsunduin na lang kita bukas. Sabay tayo pupunta sa kanila.” Oh ok. That’s a better idea.
“Sige. Mas ayos nga yan.Oh pano, see you tomorrow na lang. Thanks ha.”
“Anything for you.” Sagot nya sa akin.
“Nge, thanks talaga.Bye na po.” Tapos nag-hang up na ako.
Kinabukasan, ang aga ko naman nagising. Excited? Inulit ko pa yung pagkakaayos ko ng gamit ko. Nilagay ko na rin yung toothbrush at yung mga panglinis sa katawan. Hindi ko kasi agad nilagay dahil ginalmit ko pa kagabi. Nagbihis na ako. Simpleng shirt lang naman at saka denim shorts at flip-flops.Suot ko pa din yung bracelet. Hindi ko naman na hinuhubad yon.
Tumama naman si Lola sa lotto ng 500 pesos kaya binigyan nya ako ng 200. Naging 1000 tuloy yung perang baon ko. In case, something happens, at least di ba may pera ako. Baka mamaya mawala ako dun or maiwan. Waah. Wag naman po sana.
Maya-maya lang 10:30 a.m. na. At eksakto naman na nandoon na si V-jay papasok ng gate. Naks, Yan naman ang gusto ko. Laging on time!
“Kamusta po, Lola.”aba.Nauna pang pinansin si Lola Martha kaysa sa akin.
“Bakit ngayon ka lang ulit napadalaw. Namiss kita ah.” Eh? Namiss daw.Close?
“Ehem-ehem....” Sabi ko naman.
“Madalas po kasi yung basketball namin ngayon. Tsaka may nakakasabay na po si Denise.” Tapos tumigil sya. “Oh, nasaan ba yung gamit mo? Ito ba?” tinuro nya yung bag na nasa sofa. Tumango naman ako. Kinuha na nya at sinabit sa likod nya. Nakakatuwa yung hitsura nya. Dalawa yung dala nyang bag. Yung sa kanya at sa akin.
“Lola, alis na po kami.” Hindi naman ako nagmamadali no? Excited na ko magswimming at makita na rin si Yuan at yung resthouse nila.
“Oh,sige. Mag-iingat kayo ha. Denise, magtetext ka para malaman namin kung anong nangyayari sayo doon.” Sabi nya sa akin.
“ikaw na ang bahala dyan kay Ate Denise ha. Pagpasensyahan mo na kung engot yan minsan.AY! madalas pala.” Bigla naman nagsalita si Daryl. Halatang bagong gising. Talagang siniraan pa ako eh no? Tiningnan ko lang sya ng masama nun at tinawanan lang naman ako ng loko.
“Oo, ako bahala dito sa ate mo.” Tapos umakbay sya at tinapik yung balikat ko.Pero inalis din nya agad. Pagkatapos nun ay nag bye na kami kay Lola.
Dinaanan pa namin si Leah sa bahay nila dahil nagtext na hindi nya daw alam ang papunta kina Yuan. 11:20 na rin ng nakarating kami kina Yuan. Nandoon na nga sina Ian, John, at Ashley.
“Sino pa ba hinihintay natin?" tinanong ko naman dahil mga 30 minutes na kami naghihintay doon.
“Oh, yan na pala sya. Sa wakas dumating din.” NApatingin naman kami lahat sa pinto.
“Sorry Guys, I’m late.Hinintay ko pa si Daddy eh.”
Waaaah!!! Si Trisha? Kasama saya???
Parang gusto ko ng umatras at umuwi na ulit sa amin. Ayoko yatang makasama sya doon. Habang nandoon rin si V-jay. Pero tumuloy na rin ako. Hindi naman kapanipaniwala kung mag-reason ako na bigla akong nagkasakit. Baka sabihin nila kanina lang excited ako eh. Tapos ngayon biglang ayaw ko na.
Nagsakayan na sila sa van nina Yuan. 10 kami lahat. Si manong driver at yung anak nyang batang babae. Mga 5 years old siguro. Tapos si Yuan, Ako, si V-jay, Ian, John, Ashley, Leah, at Trisha.
-29-
Ang traffic naman pala ngayong araw na ito. May nagkabanggaan pa kaya lalong tumagal. 2pm na rin kami nakarating sa resthouse nina Yuan. Yung mga boys ay parang mga nakawala sa hawla. Kulitan sila ng kulitan doon. Ang gaslaw nga nila eh. Samantalang si Yuan, parang dalagang pilipina pa rin. Mahinhin pero nakikigulo din.
Ang ganda rin nung resthouse nila. Bungalow house sya tapos malapit sa tabing dagat. Simple pero maaliwalas. May tatlo na bedrooms. Syempre, sama-sama ang mga girls sa isang kwarto. At yung boys sa katabing kwarto. Sa katapat naman ay si Kuya Bong at yung anak nya na si Arlan.
“Ang ganda pala dito. First time ko dito eh.”
“Yeah. It’s really nice here. Ilang beses na rin ako nakapunta dito.” Sabi naman ni Trisha.Nilapag ko yung bagpack ko doon sa gilid.
“Ei, tayo na doon sa terrace.” Sabi ni Ashley. Nagpuntahan na nga doon sa labas sina Ashley at Trisha.
“Denise, Tara na. Ayoko magkulong dito hanggang mamaya no.”
“Sige na, mauna ka na dun. Cr lang ako.” Sabay na kami lumabas ng kwarto. Sya ay dumeretso na doon sa terrace at ako naman sa CR. Naiihi na talaga ako eh. Pagkatapos ko ay dumeretso na rin ako sa terrace. Feeling ko nga may mumu doon kaya binilisan ko yung lakad ko. Takutin daw ba ang sarili?
Pagdating ko sa terrace, nagkakainan na naman ang mga yun. Street foods naman.Ang takaw rin eh. Si John at Ashley naman, mukhang nagkakaintindihan. Naku, parang gusto kong mahilo. Bakit sinusubuan ni Trisha si V-jay?
“Oh eto na pala. Denise, anong gusto mo? Fishball, squidball, or kikiam?” sabi naman ni Yuan.
“Fishball na lang.” Sagot ko naman. Ang takaw ko din. “Guys, kelan ba tayo uuwi?”
“Oi Denise, wag ka nga. Kadarating pa lang natin, uwi agad yung iniisip mo. Hindi ka na lang sana sumama.” Sabi naman ni Leah. Hay naku, bakit ba may kaibigan akong ganito? Pero sana nga hindi na lang talaga ako sumama. Kung alam ko lang.
“Yeah, Denise. Leah’s right. Enjoy the moment muna. Hanggang Saturday pa naman tayo.” yeah.ok! paano kaya yun kung nandyan ka?
joke.."Tara, swimming na tayo. Langoy na langoy na ako eh!” sabi ni Ian. Nag-agree naman lahat kaya nagtakbuhan na sila papunta sa dagat.
“Hoy saglit lang, yung phone ko, itatago ka muna.” Nagpahintay ako pero hindi na yata ako narinig. Grabe naman ang mga yun. Pumasok ako sa kwarto para itabi yung phone ko. Mahirap na. Baka mawala yun or mabasa pa. Pagsarado ko naman ng pinto,may biglang nagsalita.
“Let’s go. Nandoon na sila.” Aww.hinintay naman pala nya ako.May natitira pa palang mabait dito. Sabay na kami naglakad papunta sa dagat.
“Hindi mo ba tatanggaling yang bracelet mo?”sabi nya. Napatingin tuloy ko sa bracelet ko. Ayun yung bigay ni V-jay.
“Nope. Hindi ko naman tinatanggal ‘to eh. I always wear it. Mahal ko kasi ‘to...” Tuloy pa rin kami sa paglakad.
“Napansin ko nga eh. You know what, I’ve seen someone who has the same bracelet as yours. Iba nga lang yung pendant. I think it was a key. Hindi ko na nga lang maalala kung saan ko nakita. Basta alam ko meron eh.” Ahh...kay V-jay nya siguro nakita.
Lumusong na din kami ni Yuan sa tubig. Naggagaslawan na naman sila at si Ian at John ang pasimuno. Ang kulit talaga ng dalawang iyon.Nabasa tuloy ako agad.
“Denise, marunong ka daw lumangoy sabi ni Leah? Let me see how far you can go.” Aba! Hinahamon ba ako nito? Marunong yata akong lumangoy
“I can go as far as you can go or maybe farther.”Sabi ko naman
“Oh sige...hanggang doon sa may lubid kaya mo?”
“Sure.” Tapos nagrace na kaming dalawa. Ang bilis ko gumalaw nun. Syempre ayoko naman mapahiya no. Halos sabay lang kami nakarating doon sa may lubid at ganun din pabalik.
"Wow Denise, ang tindi mo. Daig mo pa ‘ko.” Sabi naman ni Ian.
“Sabi ko sa’yo John eh, marunong yang si Denise.”
“Pwede ka na sa swimming team. I wish I could swim,too.” Sabi naman ni Yuan.Hinihingal pa rin ako kaya hindi ako nakasagot. Teka lang, nasaan ba sya. Hindi ko yata nakikita. Napahanap tuloy ako ng di-oras.
Ay sus! Nandoon naman pala sa kabilang side. Kasama si Trisha. Mukhang tinuturuan nya syang lumangoy. Well, good for him. Gumawa na sya ng move. Bigla naman akong sinabuyan ng tubig ni Ian.
“Baka matunaw sila nyan sa ginagawa mo. Nasa dagat pa naman tayo.” Ang lakas naman yata ng pagkakasabi nya kaya lahat ay nagtinginan. Ako naman....i faked a smile. Pinunasan ko yung mukha ko at feeling ko,basang basa na.
Pagpunas ko napatingin ako sa braso ko. Waah!!!! Anak ng pating! San napapunta ‘yun?
“Leah!!! Yung bracelet ko...nawawala.” yun na lang nasabi ko sa kanya at nag-ala dyesebel na ako doon. Sinisid ko sa pagbabaka sakaling nahulog sya doon. Oh Lord, hindi pwedeng mawala yun. Sumisisid din ako pabalik doon sa pinanggalingan namin ni John kanina. Baka nahulog doon eh. Kailangan ko talaga makita yung bracelet na yun.
Alam ko na malalim na rin yung nararating ko pero hanap pa rin ako ng hanap doon. Malinaw naman yung tubig kaya hindi mahirap makakita sa ilalim.I was fine until hindi ko na maigalaw yung mga binti ko.
“Le..” sinubukan kong humingi ng saklolo. Pero masyado ng malalim at ang sakit talaga ng binti ko. Aaah! Hindi na ako makahinga. Malulunod ba ako, paano yung bracelet?!! Oh my God! Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan ko.Napapikit na lang ako at pakiramdam ko ay nandoon si Dustin.
-30-
Ang sunod ko na lang nalaman, nakahiga na ako sa buhangin. Ganito pala sa langit. Teka, buhangin nga ba?*coughs*
“Thank God she’s alive.”
“Denise, ok ka lang ba?” lumapit sa akin si Leah. Ang sakit pa rin ng binti ko.
“Leah... yung...bracelet ko” yun na lang ang nasabi ko then everything went black.
Pagmulat ko, puting-puti lahat. Ang lambot ng kinalalagyan ko. Bigla akong kinabahan.Oh my! Totoo na ba ‘to? Nasa langit na ba ako?

Pagbangon ko, may tao pala sa side ko. Nakaupo sya sa tabi ng kama.
“Denise, how do you feel? Ayos lang ba?” sabi nya sa akin tapos lumapit sya.
“Uhh...yeah.” napahawak na lang ako sa ulo ko. Medyo masakit kasi. ”Ano bang nangyari?”
“Muntik ka ng malunod. .....I mean, nalunod ka na pala.”
“Ganun ba? Muntik na pala ako mamatay no? Wait, nasaan sila Leah at tsaka si Yuan?” I gotta thank them. Sila lang naman ang maaring nakakita sa akin kaya isa sa kanila ang siguradong sumaklolo sa akin.
“Nasa bayan. Namamalengke. Wala kasi tayong pagkain eh. Nagugutom ka na ba? Meron naman akong pagkain dito.” Tapos inilapit nya sa akin yung malaking pack ng Oreo. Kaunti pa lang naman yung bawas. Kumuha na rin ako dahil umaangal na yung tiyan ko. Ang pinagtataka ko lang parang syang ewan ngayon. Parang naiilang na hindi mo maintindihan.
“Bakit hindi ka sumama sa kanila? Iniwan mo si Trisha dun.”
“Kasi po, binantayan kita. Kapag sumama ako,wala kang kasama dito. Hindi naman ako papayag ng ganun.” that’s so nice of him naman. Nahiya naman ako kaya nag ‘thank you’ naman ako.
“Kanina pa ba sila?”
“Mag 2 hours na.” Kanina pa nga sila. Ibig sabihin kanina pa rin nya ako binabantayan? Ang boring naman yata nun! Inabutan naman nya ako ng bottled water at uminom naman ako. Grabe, ganito pala ang feeling ng nalunod.Nakakauhaw. Ang weird no?
Maya-maya lang umingay na. Dumating na siguro ang tropa. Dahan-dahan pang pumasok si Leah sa kwarto.
“Oi gaga. Gising na ako.Ok lang mag-ingay.”
“Denise alam mo bang tinakot mo ko kanina . Akala ko mawawalan na ako ng best friend.” Tapos niyakap nya ako at nag-sob sya doon. Pumasok naman si Yuan. Tapos si V-jay naman yung lumabas. May sinabi pa nga si V-jay kay Yuan bago sya lumabas pero it’s not of my business.
“Wag ka ng umiyak. Hindi naman ako namatay, buhay nga ako oh. Thanks sa inyo.”then umalis na si Leah sa pagkakayakap.
“Denise, ayos lang pa ang pakiramdam mo? Sabihin mo lang kung may masakit sa’yo ah. May clinic na malapit dyan. Eto nga pala yung bracelet mo oh.” Oh my God! Yung bracelet ko. Nahanap nya. Sobrang tuwa ko nun at talagang napatayo ako tapos niyakap ko sya.
“Thanks Yuan. Thanks talaga. Akala ko mawawala na ito sa akin.”
“Maiwan ko muna kayo ha. Tutulong lang ako sa pagprepare ng food.” Tapos lumabas na si Leah.
“I got so scared noong nalunod ka. Hindi ko malaman yung gagawin ko.” Tapos hinawakan nya yung kamay ko. “I don’t know what I’m gonna do if something else happened to you. Hindi ka pwedeng mawala.” Masyado syang seryoso nung sinabi nya yun. Hindi ko naman alam kung anu bang isasagot ko kaya natuwa naman ako ng kumatok si Ashley at sinabing ready na yung pagkain.
Sabay na kami ni Yuan pumunta ng kitchen at inakay pa nya ako. Everybody was treating me like a princess. Pinaglalagay pa nila ako ng pagkain sa plate. Naku naman, baka masanay ako nito.
“Ano ba yan. Nakakahiya naman. We went here to have fun and I kinda’ ruined it.Sorry guys.”
“Ok lang yun no. Aksidente yung nangyari. Wala naman may gumusto nun.” Sabi ni Ian.
“Sorry talaga. Paano ko ba babayaran ang atraso ko sa inyo? Sa halip na nandoon tayo sa labas at nagsasaya, nastuck kayo dito sa loob dahil sa akin. Ano? Balik tayo sa labas.” Tapos nagtinginan sila sa akin ng masama. “Anu ba?! Hindi na ako magswiswimming ulit no.”
“We are your friends Denise. Hindi ka namin pababayaan.. Anyway, magandang idea yun. Balik tayo sa labas. What about the guys, set up a campfire. Tapos doon tayo sa labas. Boring dito sa loob eh.” Oh. Ayos yun ah.
“Sure. I like how you think Trisha.”sabi nya kay Trisha. “Denise, kaya mo ba?”
“Ako pa. game ako dyan!” sabi ko naman.
Binilisan namin ang pagkain para makapag set-up na sila ng apoy sa labas. May dalawang klaseng ulam kami. Corned beef at tocino. (gara no?) Pero may soup din na alam kong si V-jay ang nagluto. Simula nga kanina hindi pa nya ulit ako kinakausap.
Nalaman namin na birthday pala ni Arlan ngayon. 6th birthday nya.
“Mas lalo pala tayong dapat lumabas eh. Magcelebrate tayo.” Sabi ni John.
“Oo nga. May binili si Kuya Allan eh. Ibabarbecue daw nya.”
Si Leah at Ashley ang nagvolunteer na magligpit ng pinagkainan. Yung guys naman, lumabas na at magseset daw ng apoy. Kami ni Trisha ay naupo doon sa sofa.
“Ang bait talaga ni V-jay no? Gwapo pa.He’s available,right?” sabi ni Trisha habang nakadungaw sya sa bintana. ako ba kausap nito? Malamang kasi kami lang naman dalawa dito eh.
“A-huh.”
“Ang swerte naman yung magiging girlfriend nya..... Hmm...di bale,magiging akin ka rin.” Nakakatakot naman ‘to.Pero malamang nga tama sya. Magiging kanya rin sya. Lalo pa at sya rin ang gusto ni V-jay. Hayy....Denise, your hopeless. Buti na lang, nandito si Yuan.
“Tayo na sa labas, nakaset na yung fire.” Tapos sabay na kaming tatlo lumabas. Sina Leah at Ashley naman sumunod na rin. Hindi ko naman alam na ganito pala kalamig dito kapag gabi. Sana pala sinuot ko yung jacket ko. Napahawak na lang ako sa mga braso ko. Ang sunod kong nalaman, inaabot na ni Yuan yung jacket nya sa akin.













bravenet.com