untitled
viviti


-31-

“Eto, music trip tayo.” Sabi ni Ian habang hawak nya yung gitara. Ngayon ko lang naalala na may dala nga pala sya nun. 

“Ashley, may sasabihin daw nga pala si John sa’y- -” Hindi na nya natapos yung sinasabi nya dahil biglang tinakpan ni John yung bibig nya.

“Hinde. Wala. Wala yun. Mahilig magawa ng storya ‘to.” Sabi ni John habang nakatakip pa rin yung kamay nya sa bibig ni Ian. Tiningnan lang nya sya at inalis na rin yung kamay nya. “tumugtog ka na nga lang.”

Tinanong nila si Arlan kung anong request nya na kanta. “Kuya, gusto ko Narda. Kanta tayo lahat.”  And that was his request.  In fairness, magaling din tumugtog si Ian. Si Arlan naman ay parang nagwawala doon. Ginagawa nya daw si Jay ng Kamikazee. Pasaway din eh no? Lahat kami ay nakisabay sa pagkanta maliban lang kay Trisha. Kesyo hindi daw nya alam yung kanta.

“Happy Birthday, Arlan.” Sabi namin. Nahiya naman ako ng lahat sila ay may regalo. Hindi ko naman kasi alam no!

“Salamat Pare!” sabi ni Arlan kay V-jay. Teka, Pare??? Hindi ba bata pa sya para tumawag ng pare?   Nagpasalamat sya dahil binigay na sa kanya ni V-jay yung ball cap na suot nya. Halata namang bago pa yun pero binigay na nya.

“Tay, ang saya ng birthday ko ngayon. Buti na lang sinama mo ko dito.” Sabi nya sa tatay nya na nag-iihaw doon. Halatang tuwang tuwa nga sya.

“Pinakamasayang birthday man lang din ang pinag-uusapan, kailan ba yung pinakamasayang birthday nyo? Ako nung 5 years old ako. Niregaluhan ako ng ninong ko ng motor na pambata. Tuwang –tuwa ako nun!” sabi ni Ian.

“Ay oo, naaalala ko yun. Pinagmamalaki mo pa nga sa amin eh.Pinakamasayang bitrhday ko naman nung nakatanggap ako ng Playstation. Nakatago pa nga yun hanggang ngayon. Ikaw V-jay?”

“Akin? Pinakamasaya yung 15th birthday ko.” 15 na sya? Cool, malapit na rin ako mag-15.

“hindi ka naman daw nagcelebrate ah.” Sabi ni Yuan. Yung itsura nya ay halatang nagtataka.

“Walang party o kahit ano man. Kasama ko lang yung mahalagang tao sa buhay ko.It was the best day ever.”

“Pare, kailan ka ba nagbirthday?” tanong ni John.

“August 24th.”   Say what?  August  24th? Best day ever? Yun yung date na nasa ribbon ni Jayden ah. That was the day of our...




our...




 date? Waaaah!!!! Birthday nya pala nun?!?

Tinukso naman nila si V-jay like: ‘oi,ikaw ha.Malihim ka.’ ‘Bat di mo naman sinabi sa’kin?’ ‘Oi ha, sino yan, kilala ba namin?’ Hindi naman sya sumagot. Instead tumingin lang sya sa akin. Kaya lahat tuloy sila, tumingin din sa akin. Ano ba yan. Pakiramdam ko tuloy gusto nila akong kainin.

“Uhh...guys, salamat nga pala kasi hindi nyo ko pinabayaan. Hindi ko na maalala kung anong mga nangyari. Pero thank you talaga, especially to you, Yuan. Hinanap mo pa talaga yung bracelet ko and I suppose, ikaw din yung nagsave sa akin.” Sabi ko naman. Wooh! Muntik na ko dun ah!

“Ahh, Denise hi- - ” may sasabihin yata si Yuan ng biglang  tumayo si V-jay.

“Kuya V-jay,saan ka pupunta?” sabi ni Arlan habang suot nya yung cap na bigay sa kanya ni V-jay.

“Sa loob. Mag- CR lang ako.”  Tapos tumayo din si Trisha at may kukunin naman daw sya sa loob. Talagang sumabay pa eh. 


“Denise, ahmm...hindi naman...ako yung nagsave sa’yo. I’m not a good swimmer. Malalim na yung napuntahan mo. It was V-jay who saved you. Wala ka ng malay nun. Nobody knew how to resuscitate. Si V-jay lang kaya sya talaga nagsave sa’yo.” What?Huh Resuscitate? As in Mouth to mouth resuscitataion?

“Isn’t that like a... a...”

“a kiss Denise. Yes! May first kiss ka na. Yun nga lang hindi mo alam.”

“Denise, don’t get him wrong. He did that to save you. ”

“Oo nga Denise. Ayaw pa nga nyang malaman mo at baka daw magalit ka.” Sabi ni Ashley.

“Yeah, but we thought na dapat mong malaman. And yung bracelet nga pala, he looked for it,too. It was all him. Sa kanya ka dapat mag thank you.”

Speechless ako dun sa sinabi nila. Nangilid yung luha ko noon.Sya pala yung nagligtas sa akin. Bakit ba hindi ko naisip yun? Ang engot mo talaga Denise.

Napatingin naman ako sa suot kong damit.

“wag ka mag-alala. Ako nagpalit ng damit mo.” Si Leah naman pala ang nagpalit sa akin. Hindi na big deal. Kinuwento pa rin nila  yung mga nangyari sa akin.  Nakakaasar talaga dahil nalunod pa ako. Eh marunong naman akong lumangoy. Kundi sana ako nagka muscle cramps, hindi naman mangyayari yun. Nalaman ko na na ang buong pangyayari pero sina V-jay at Trisha ay hindi pa rin bumabalik doon. Hanggang sa nagkayayaan ng pumasok sa loob ng resthouse.Pagpasok namin doon, nakaupo sa terrace yung dalawa. Mukhang may pinag-uusapan eh.

“Hoy, masyado kayong seyoso dyan.” Nanggulo naman si Ian. Si Yuan na kasabay ko maglakad eh tiningnan ko lang. Sasabihin ko sana na mauna na sya sa loob at kakausapin ko pa si V-jay. Pero wala pa akong nasasabi ay tumango sya at nagsmile. Nagkaintindihan na kami nun. Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Trisha sa loob kaya ako na lang at si V-jay ang nandoon sa terrace. Nakatayo sya doon habang nakasandal sa balustrade kaya lumapit naman ako.

“Bakit hindi ka na bumalik kanina?” hindi naman sya sumagot.“Naks naman. Kasama mo si Trisha.Nagiging close na kayo ah. Congrats.” Tapos tinapik ko sya sa balikat. Again, hindi na naman sya sumagot. Ano namang drama nito at hindi ako pinapansin?

“Hoy, galit ka ba? Ayaw mo kong kausap?” tahimik pa rin sya doon. Fine. Sabi ko nga eh. Ayaw nya. Saka na lang nga ako magpapasalamat. Tumalikod na ko sa kanya para pumasok na sa loob. Pero hinila nya yung kamay ko.

Denise, saglit lang.” eh di  nagsalita ka rin. Yun lang ang sinabi nya tapos lumapit sya sa akin. Malapit na malapit. Pagkatapos ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Para namang ang tagal kong nawala.

“Tinakot mo ko kanina. Please don’t do that again. Pinakaba mo ako ng sobra.”   Sabi nya sa akin habang nakayakap pa rin.

“A-a-ano hindi na ako makahinga.” Sabi ko naman. Nag-let go naman sya agad.Ngayon naman, hawak nya ako sa dalawang balikat ko.

“Sa susunod,Wag kang pupunta sa hindi mo na kayang languyin!” Opo itay! Nakakatakot naman ito. Tumango na lang ako doon sa sinabi nya.

“Salamat. I owe you my life. About the resuscitation thingy, - -” hindi pa ako natatapos eh nag-salita  na sya. Hindi naman sya masyadong defensive no?

“Denise, I’m sorry. I just had to do it. If not, baka kung ano pa ang mangyari sayo.” Nakatingin lang ako sa kanya nun. At naiiyak na naman ako. Ang bait naman kasi nito.

“Don’t worry about it.” Ayoko na rin yung pag-usapan. “ Oh, thanks for finding my bracelet.” Muntik ko ng makalimutan. Ito yata ang dahilan kung bakit muntik na akong mawala sa earth. Lalo tuloy naging memorable.

Niyaya ko sya na pumasok na sa loob. Lumalamig na rin kasi at inaantok na ako. Pinansin pa nya yung suot ko na jacket. Nung sinabi ko na kay Yuan yun, ngumiti lang sya. Sabay na kami pumasok sa loob at sya pa yung naglock ng pinto. Nakasalubong pa namin si Yuan habang papunta kami sa kanya-kanyang kwarto. Nagkatinginan naman kaming tatlo. I hated that situation.

Dahil mas unang madadaanan yung girls’ room, makikita pa nila ang pagpasok ko. Si  Yuan nga eh pinagbukas pa ako ng pinto.

“Thanks. Good night sa inyong dalawa. ” sabi ko na lang. hindi ko naman mabuksan ng todo yung pinto at baka may nagbibihis sa kwarto.

“Goodnight girls!” sinigaw na lang ni Yuan doon sa pinto. Narinig din naman nila kaya nagsigawan din naman ng ‘goodnight.’ Sinisigaw na pala yun ngayon.

Sa girls’ room, hindi kami agad natulog. Nagkwentuhan muna kami sandali. Hayy... unang araw pa lang namin dito, ang dami ng nangyari. Lalo na sa akin. I wouldn’t be here right now kundi dahil sa kanya. Thank God he was there. Na-imagine ko tuloy yung mga nangyari kanina although hindi ko naman talaga alam. Base lang sa mga nakwento nila sa akin. And the whole resuscitation thing- - it freaks me out! First kiss na nga ba yun gaya ng sabi ni Leah? Nyikes!


-32-

Sa aming lahat, ako yata ang unang nakatulog. At dahil ako yung unang natulog, ako din ang unang nagising. Pinatay ko na rin yung aircon. Kaya naman pala parang nasa freezer sa sobrang lamig. Nasa ‘high’ pala. 

Paglabas ko sa kitchen, nandoon na si Yuan at umiinom ng iced tea? Ngee! Ang joker naman nun! Parang hindi tama eh. Dahil tulog pa yung iba, nagpunta kami ni Yuan doon sa tindahan para bumili ng breakfast. May kalayuan din yung bakery kaya may kahabaan din yung nilakad namin. Mainit-init pa nga yung mga nabili namin na pandesal. At may mga kung anu-ano rin kaming binili. Mga pang breakfast pa rin syempre. Hanggang sa pagbalik namin ay tulugan pa rin sila. Sinimulan naman namin ni Yuan ang paghahanda ng breakfast para ready na paggising nila.

Ako yung nag fry ng hotdogs and egg at si Yuan ang nagluto ng rice. May kanin na may pandesal pa.


“Denise,gaano karami alam mo tungkol sa pinsan ko?” nagulat naman ako doon sa tinanong nya.

“Maram-rami din. Pero depende kung tungkol saan.” Sagot ko naman habang nagpipirito pa rin ako.

“Like personal stuff. Alam mo ba kung sinong gusto nya? I’m sure you do.” Sabi nya sa akin.

“Yeah...si Trisha di ba?” hininaan ko yung boses ko. Kinakarir ko pa rin yung pagluluto. Hanggang sa naramdaman ko lang na parang matutunaw ako. Kung makatingin  naman kasi eh. Ibinaling ko nga yung mukha nya palayo sa akin. “Ano ba?Wag ka ngang ganyan makatingin.” Sabi ko naman.

“Eh bakit humina yung boses mo? Are you sure si Trisha?”

“Yun yung sinabi nya sa akin dati kaya sure yun. Teka, eh bat hindi sya yung tanungin mo? Kayo yung magpinsan ah.” Tumawa lang naman sya at sinabing ‘I alreaday did’
Nabago naman yung usapan nang umingay na. Gisingan na kasi ang tropa. SAt si Leah, (as usual malakas ang boses) at yung ibang girls ay sabay-sabay lumabas ng kwarto. Si Ian at John ay gising na rin. Ang aga pa nga lang nangungulit na sila.

“Naks naman. Kayo pala ang nagluto. Parang mag-asawa. May Mommy and Daddy.” Sabi ni John.

“Oo nga. Lalo tayo. Itaw ang kuya , tapos sila mga girls ,ate. Tapos sila mommy shaka daddy.Hi-hi-hi” Sabi naman ni John. Ang kulit talaga. Nagbatabataan pa sya. Sinakyan naman ni Yuan yung joke nila. Kaya lahat tuloy eh Mommy ang tawag sa akin.

“Oh mga anak, kainan na.” tapos nilapag na nya yung fried rice. Yung tropa eh akala mo mga anak nga namin kung umasta.

“Daddy, kulang yata kami ng isa. Si V-jay wala pa.” sabi ni Leah kay Yuan.

“Oo nga no. Natutulog pa siguro--” bigla naman nagsalita si Trisha.

“Ako na lang ang gigising sa kanya.” Sabi nya.Tatayo na sana sya nang sinabi ni Yuan na...

“No. Hindi na. Kumain na lang kayo. Ang mommy nyo na ang bahala kay V-jay.”sabi nya sa kanila. “Oh, Denise...gisingin mo na si V-jay.” Sabi nya sa akin. Sumagot naman sila na ‘oo nga mommy.’ Naman! Kailangan ba talaga ako gumising sa kanya? Baka akala nun pinapasok ko sya sa kwarto nila. Sinubukan ko pa na mag-excuse pero wala din akong nagawa.

“Sige na po,mommy. Pumasok ka na lang po doon sa loob.”

Kumatok na ako dun sa pinto pero walang sumagot. Binuksan ko na lang ng dahan-dahan. Nakita ko sya doon at nakahiga.Natutulog pa at soundless naman sya. Napabuntong hininga na lang ako eh. Gosh. Hanggang sa pagtulog ba naman dala nya yung pagkagwapo nya.

Inalog ko sya doon hanggang sa nagising. Halatang gulat sya nang nakita ako. Kinusot pa yung mata nya tapos ngumiti.

“ Good Morning,Denise.”

“Good morning din.Bangon na po. Breakfast is ready.” Sabi ko na lang. Tapos lumabas na ako. Maya-maya eh sumunod na rin sya sa kitchen. Medyo magulo pa nga yung buhok nya.

“V-jay, suklay ka naman. Gulo buhok mo eh.” Sabi ni Ian.

“Pabayaan mo. Nanahimik yung buhok ko eh. I like it this way.” Tapos umupo na sya.

“’Morning everyone. Uy, sunny side up. Favorite!” nanlaki na lang yung mata ko nung sinabi nya yun. Favorite din nya yun? Ano ba yan. Nung una, chicken tapos sunny side up naman ngayon. Nagkakataon lang ba talaga o sinasadya na nya?

“Luto yan ni Mommy.”

“Syempre kaya luto yan ni Mommy kase favolit din nya yan!” dagdag ni Leah.

“PAreho pa pala kayo ng favorite eh.”

“Oo nga Daddy. Peybolit din mo ba yan?” nalito na yata si V-jay. Kung makikita mo yung expression ng mukha nya eh parang ‘what the hell is going on?’

“ Bat ganyan kayo magsalita?” sabi nya. Inexplain naman ni Yuan kung bakit. Natawa lang sya eh nung nalaman na naglalaro kami.

 Hindi pa rin tumigil yung laro na yun hanggang sa umalis kami ng bahay para magstroll. Tumigil lang sila nung nakarating kami doon sa may basketball court sa plaza. Nakita kasi ni Yuan yung best friend nya dito noong bata pa sya.

“Kiko, Long time no see. Musta?”

“Yuan.Ikaw na ba yan? Di ka pa rin nagbago. Long time no see na nga.”

Pinakilala naman kami ni Yuan isa-isa kay Kiko. At dahil nadatnan namin sya na nagbabasketball doon, niyaya nya kami na makilaro din. Nagjoin nga silang lahat pati yung mga girls. Ako lang yung hindi. Manonood na lang ako. Wala naman akong alam dun eh. Sila na lang. At isa pa...naaalala   ko si Dustin noong nag out-of-town kami dito rin sa Sta.Teresita. TApos may basketball pa! Hayy...Sad Memories nga naman.

Dinala kami ni Kiko doon sa restaurant nila para maglunch. Parang katulad sya ng Barrio Fiesta pero syempre iba yung pangalan. It was named after Kiko. Napakarelaxing ng lugar na iyon. At talagang ang sarap ng pagkain. Sobrang nabusog nga ako dun eh.

Pagkatapos ay sumakay kami ng ferry boat para makarating doon sa mga shopping booths sa kabilang island. Yung hitsura ni Trisha eh parang ahas na nakapulupot kay V-jay. Kesyo natatakot daw sya. Hello? Ako rin naman natatakot no. Pero hindi ako pumupulupot kay Yuan.

Marami din kung anu-ano ang mabibili dun sa mga tindahan. Nagkahiwa-hiwalay na nga kaming lahat. Syempre, iba’t-iba naman kasi yung gusto namin bilhin. Ang nabili ko ay key chain at t-shirt na may naka print na pangalan nung beach. Binilhan naman ako ni Yuan ng small stuff toy na nakasuot ng shirt na katulad ng nabili ko. Si Leah,marami rin nabili. Pero pinakamadami ay kay Trisha. Halos binili nya yata yung buong tindahan.

Pabalik sa resthouse ay sumakay ulit kami ng ferry boat. Umupo na lang ako sa kabilang side para hindi ko  makita yung pagpulupot ni Trisha. Nakakasira ng view.5pm na rin kami nakabalik sa resthouse. Hindi ko pa rin maiwasan na mapatingin sa kanilang dalawa. Pero buti na lang, super galing na komedyante ni Ian kaya tawa kami ng tawa.

Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com