untitled
viviti


-41-


it feels like...











heaven...
























NOT! It turned out na nasa hospital pala ako.Ang sakit sakit ng katawan ko. Hindi ko maigalaw yung kamay ko dahil sa nakabalot na cast. Sa forehead ko naman ay may bandage din. Pagbaling ko sa kanan ko, nandoon yung nurse  What am I doing here?   

“Yung championship…si V-jay. Kailangan ko pumunta. May sasabihin ako..sa…kanya..”I tried to get up but I couldn’t. Pinigilan din ako ng nurse.

“I’m sorry Ms.Mendoza.Hindi ka pwedeng umalis. Yung nagbabantay sa’yo, may binili lang na gamot sa pharmacy.Mabuti naman at nagising ka na.” Aba,syempre naman gigising ako no. Kung magsalita naman ‘to parang ilang araw na ako natutulog.

“Almost 2 days ka na ring natutulog.” Ay ganun?! “Yun ngang nagbabantay sa’yo, isang beses pa lang umuwi simula ng dalhin ka dito”Maya-maya naman ay dumating na sya. I was expecting Lola Martha o kaya si Ate Mye…pero sabi nga nila…

expect the unexpected!

“V-jay?”hindi mo maintindihan yung reaction nya. Gulat na parang natutuwa na ewan.

“Denise, ayos ka ba lang ba? Anong masakit sa’yo?”nag-aala doctor na naman ito.

“ayos lang. kaya lang ito.” Tinuro ko yung kanang braso ko.”medyo masakit sya. Ano ba nangyari? Bakit ako nagkaganito? Ang naalala ko naglalakad ako nun papuntang Rec.Center.Sa championship nyo.” Bumangon ako nun para nakaupo ako.

“Nabangga ka ng kotse. Magpasalamat tayo at hindi ka namalmaan. Bakit kasi umiiyak ka na nga hindi ka pa nagpapay attention sa dinaraanan mo.”

“Ang dami kong iniisip nun. Hinahabol ko yung championship.So how did you do?”

“Hindi ko alam.”

“What do you mean hindi mo alam? Didn’t you play?” Umiling lang sya nun. Are you kidding me? Sya? Hindi naglaro sa championship? Imposible.

“hindi ka naglaro? Bakit?”

“Hindi pa naman yun ang championship.that was more like a ‘semi-finals stage 2’.At kung naglaro ako sino po ang  magdadala sa’yo sa hospital? Paano ako mapapalagay kung alam kong nanganganib ka?’”

“Thank you ah.E kalian pala yung championship? Dapat talaga naglaro ka nung isang araw. Favorite sport mo yun. Importante yun sa’yo di ba? I know how much you love basketball…”

“Ngayon yung championship. And yes that’s my favorite sport. Kaya importante at mahal ko talaga yun. Pero makakapaghintay pa yun. Yung sasabihin ko hindi na makakapaghintay.” mas lumapit sya sa akin at hinawakan nga yung balikat ko.
Parang alam ko na yung sasabihin nya sa akin nun. (Woohoo! For the first time, naka-sense din.)

“You probably hate me for waiting this long. Akala ko nung una, kaya kong magparaya para sa inyo ni Yuan. Pero hindi pala. It felt like I’m going to explode. Hindi ko kayang wala ka. I’m sorry Denise.  I love you. I really do.” At doon na bumuhos yung mga luha ko. V-jay naman! Lagi mo akong pinaiiyak. But I guess, it’s different this time. Luha ng kaligayahan. Niyakap naman nya ako nun. And I hugged him back. Kahit isang arm ko lang dahil may cast nga yung isa. Speechless na ako.Ewan ko ba kung saan napunta yung dila ko pero hindi talaga ako makapagsalita.  I only managed to smile and cry and cry and cry. Siguro nga parang ewan na yung hitsura ko. May panyo naman sya at pinunasan nya yung luha ko.

“Tahan na. Baka mamaya, bumaha dito. Sige ka, ikaw ang maglilinis.” Binatukan ko nga. Tatawa-tawa lang naman sya. Nagulat naming kami pareho nung biglang nagring yung phone nya. Natawa na lang ako sa ringtone nya. Paano ba naman kasi, may babaeng tumatawa. And that girl…





Is me.

Malakas yung boses ng kausap nya kaya naman rinig na rinig ko.

“Rivera, nasaan ka na? Nagsimula na yung Championship. Ngayon ka pa ba mawawala? Kailangan ka ng team! Please lang sumipot ka naman.”

“Ma’am, ano po kasi..hindi ako makakapun- -” inagaw ko naman yung phone nya sa kanya at ako yung kumausap.

“Hello Ma’am. Saglit lang po. Darating na po sya dyan. In 30 minutes. Sige po, bye.”then binaba ko na. Ako naman ay tumayo na at sinuot ko yung tsinelas ko. “Ano pang hinihintay mo? Tara na sa Rec.Center. Pupunta tayo sa Championship. Maglalaro ka.”

“Paano ka?”

“Syempre sasamahan kita. Tara na.” pagkatapos nun, hinawakan nya yung kamay ko. At lumabas na kami ng room. Hinarang naman kami ng nurse.

“Oh,san kayo pupunta?”

“hahabol lang po kami doon sa game nya. Championship na kasi.”

“Aba, teka. Hindi ka pa pwede umalis.”

“Sige na po. Please? Ibabalik ko sya mamaya dito. Yung tungkol sa bills,si Daddy na yung bahala. He’s coming here. ” then umalis na kami pareho. Tumatakbo pa nga kami nun e. Ang ewan siguro ng hitsura ko dahil may cast ako sa arm tapos may bandage sa ulo.Oh well. I don’t care.

Nakasakay naman kami agad  kaya lang….traffic. Naman! Bwisit. Another half an hour na naman kami doon. Naku po! Wala na yata syang maabutan sa game nito. Baka pagdating namin, tapos na. Kaya ginawa namin e bumaba na sa jeep. Total, hindi na rin naman ganun kalayo kaya nilakad na namin.

Diretso  agad kami sa gymnasium. Syempre, doon yung laro. Ang dami ngang tao. As in kailangan mo pang sumingit para makapasok. Intense sa loob ng gym.Nandoon din kasi yung mga taga-Saint Paul. Ooh. Ang pinakamabigat na kalaban ng Brayden.  Sabi ko na nga e, late na kami. 4th  quarter na..and much to my surprise, our team is losing.92-89. In favor of St.Paul.Ohh noooo!!!!!!!!!!!!

”magpalit ka  na ng uniform. Uupo lang ako dun. Good Luck.”

May mga sumisigaw naman ng pangalan ko galing sa mga nakaupo sa bleachers. Sina Leah. Tinawag ako para doon daw ako umupo. E di pahirapan na naman yung pagpunta ko doon. Syempre, inulan ako ng tanong kung paano ako nakarating doon e kahapon natutulog lang ako sa hospital. Pero sabi ko, saka na ang kwento.

Maya-maya naman, ipinasok na si V-jay sa game ng coach. At ayun nga, lalong lumakas yung sigawan ng mga tao. Naka-black and green jersey sya nun. Medyo magulo pa nga yung buhok nya nun. Oh.My.God. Ang cute tingnan. Sabay ganun e no? nawawala na naman ako sa sarili.

“Oh-em-gee! Akala ko hindi na darating si Rivera. Ang pag-asa ng Brayden High.”

“Ayayay! I love that 66 guy...GO WARRIORS!”Yun ang ilan sa mga narinig ko galing sa mga tao sa paligid. Napagod ako dun sa tinakbo at nilakad namin.

“tetererett!!”

Ayt. Back to the game. Grabe, kakaloka ito. Takbo dito, takbo doon. Dribble dito, chest pass, bounce pass, or overhand pass doon. Ang kumplikado ng larong ito. May pag-asa pa ba kaming manalo?!?


-42-


May nagawang violation yung isang taga-St.Paul kaya may free throw si V-jay. Waahh!! Ako ang kinakabahan dito e. Sana maishoot nya. Nagcheer naman yung mga senior.

“V-JAY , V-JAY , V-JAY!...” tingin ko hindi maganda yun kasi nakaka-pressure. Pero naishoot pa rin nya.Thank God! 9O na score nila. Sana mahabol  nila. Napasimangot naman ako nung nakascore na naman yung kabilang team. One point lang naman kaya lang, malaki pa rin yun. Hindi ko naman napigilan ang mapasigaw nung naka 3 point shot si V-jay. Ang galing! Tie na sila ngayon kaya lang tumunog na yung higanteng timer.  Waaaaaaaahhh!! Last 30 seconds na lang. Kailangan humabol.

Ano ba Warriors! Kaya nyo yan! Go!

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko nun. Paano naman kasi,  1 point na lang ang kailangan panalo na sila. Half-closed na yung mga mata ko. Nasa kamay kasi ng Saint Paul yung bola. At kung sakaling maiishoot nya, ayoko ko makita.

Ten

Nine

Eight

Seven

Six

Fi---

Ahh!!!He missed at Nakuha ni V-jay yung bola. Then shoot!!

Nagsigawan na kaming lahat doon. Yung mga taga Saint Paul syempre hindi. Pero OH MY GOD!!

“—and the 200* Champion of the High School Basketball association is Brayden Johnson Warriors!!!”

Wow! Ang sarap pakinggan. Si V-jay e nilift nila doon at sya yung may hawak ng trophy. Ang galing naman kasi diba? Nasa kalaban yung bola, tapos namiss then nakuha nya at nashoot nya. That’s what you call…what to do you call that again?

Rebound? yeah. that.

Bumaba naman na kami nun para i-congratulate sila. Nagmamadali nga kami e. Dala na rin
 siguro ng excitement.

“Congrats insan! Galing mo talaga.” Nagsimula si Yuan tapos sunod-sunod na sila nagcongratulate. Nandoon din si Reese.

“buti na lang dumating ka kuya. Kundi Tambak na tayo.”

“Oo nga.Teka nga tanong ko lang,” tapos unikutan nya si V-jay.”Nililito mo ko e, di ba dati laging 46 yung number ng jersey mo? Bakit parang laging 66 na ngayon?” Eto naman kung anu-ano napapansin, pero sabagay, may point naman.

“Yun ba? kung bibilangin mo yung letters sa V-jay at Radley,46 yun. 66 naman kung bibilangin mo ang…”

“ang………?”   

“Denise Lauren.” Ooh.that’s my name!

“Uyyy..kayo ha.”Lumapit naman si Trisha nun sa amin.With a smile on her face.

“Congratulations, ndi lang sayo V-jay, kundi sa inyong dalawa. I’m so sorry If I was a burden.Denise, I’m glad you came. Congrats nga pala. Gusto ko lang linawin sa iyo, the ‘me and V-jay part is not true.’ I made it all up. I know I’m crazy.  narealize ko, you can’t force someone to love you and you can’t force yourself to love someone who you really don’t.” exactly! Natumbok mo Trisha.

“Yup.”

“So ..wag mo sya sisihin ha.Wala syang kasalanan. He’s a really nice guy and he loves you.Sobra.” then tinapik nya kami ni V-jay sa balikat.

Thanks Trisha.”

Kinamusta naman nila ako kung ayos daw ba ako. Dadalaw nga daw sana sila sa hospital pagkatapos ng championship. Pero here I am na, so no need. Si Daryll ay nandoon din na nabigla dahil nandoon din ako. Samantalang kanina, natutulog lang ako sa hospital.

“Sige pala. Kailangan ko pa syang ibalik sa hospital. Basta na lang kasi kami umalis.” Natawa naman kami doon. Imagine that, basta na lang kami umalis at wala ng nagawa yung nurse.

“Naku.Mali yun ah. Pero tama rin kasi kawawa naman yung team natin.Congrats ulit ah. Ikaw, best friend, ayy! Kwento mo sa akin ha.” Ngumiti naman sya ng nakakaloko nun. Siguro nakwento na ni Yuan sa kanya.

Back to the hospital na nga ang drama namin. Ang kagandahan lang, hindi na ako pinagstay.May mga pinapirmahan lang at mga gamot na bilin. Kasama namin nun yung parents ni V-jay at si Reese. Hinatid nila ako sa bahay namin. Ang laking pasasalamat nga nina lola Martha e. Pero noon pa man, hindi na daw sya nag-alala dahil alam nyang si V-jay ang kasama ko. Sa amin na rin sila pinakain ng dinner ni Lola. Yan ang kagalingan ng magaling magluto. Kinuwento nga namin yung mga nangyari ngayong araw. Simula sa pag-alis na lang basta sa hospital. Nakakatawa na lang isipin.

Wow. This is one heck of a day.

Lalo pa noong nasa garden kaming dalawa habang sa loob ay nagkwekwentuhan sina lola Martha at parents nya. Hindi kasi kami masyadong makapag-usap sa loob kanina kaya lumabas kami. Hindi rin sya mapakali doon.


“Denise, hindi ako magaling sa ganito kaya siguro inabot ng ganitong katagal.”tapos huminga sya ng malalim. Akala ko kung anong sasabihin nya yun pala, “P-pwede na ba kitang …ligawan?”

Whoa! Sinabi nya ba talaga yun? Waaaaaaaaaaah! Pwede na akong himatayin. Asoowz! OA ko naman pala. Natatawa lang ako sa hitsura nya nun. Di mo maintindihan kung nahihiya na kinakabahan na natatawa na ewan.Nakatingin sya sa akin na parang naghihintay ng sagot. Umurong na naman yung dila ko nun kaya yung  ulo ko ay sya na yata mismo ang gumalaw at tumango. Parang reflex e no? Sa kwarto ko,mukha na naman akong sira nung gabi  na nakangiti habang nakapikit. Ang sarap kasi sa pakiramdam ng mga nangyayari. Pero  grabe ha, ang hirap din  pala kumilos kapag isa lang kamay mo.

“And the most valueable player of the year is   Melvin Endrinal” sino daw? Ahh si Melvin pala. Isang senior.

Months na rin ang nakalipas pagkatapos ng Championship. Tapos na ang basketball season sa school namin for this year.Sa kasamaang palad, hindi si V-jay ang Most Valueable Player. Wala kasi sya sa Semi-finals at sa last quarter lang sya ng championship lumaro. Pero ok lang daw yun sa kanya. Sa akin naman, walang kaso yun, dahil kahit hindi sya ang most valueable player, MVP pa  rin sya para sa akin.

Most Valueable Person.  (O ha?!)

Basketball is complicated but then many people choose to play it. Like love, it’s even more complicated but then, even more people choose to love. Like us.Narealize  ko din yung  mga basketball chuva na sinasabi sa akin ni V-jay dati.

‘Basketball…it’s like love.’

 Love is like basketball dahil jumpball sa start, minsan nakakagawa ng violations kaya foul. Free throw para sa second chance at ang rebound-. the act of securing possession of the rebounding basketball after a missed shot. Pinilit mong makuha at hindi na hahayaang maagaw pa ng  iba. Parang second chace din ito.It’s like what happened to me and V-jay. We had each other until other people came in to the game and took the ball. Luckily, nakarecover kami and we got each other back.

“Uminom ka muna.” Inabot ko sa kanya yung Gatorade. At pinunas ko ng towel yung mukha nya. Nasa Rec.Center ulit kami ngayon.Ang pawis na nya dahil sa kakabasketball. Pero okay lang,mabango pa rin naman.

“Denise..”

“Hmm?” hinawakan nya yung mukha ko para nakatingin ako sa kanya.

“I love you.”

“hmm…I love you too.”tapos kinurot ko sya sa pisngi.

May date nga pala kami ngayon. Kaya lang, nagkataon na may laro siya. Pero I’m willing to wait naman. Enjoy naman ako manood. Dadalawin nga pala namin si Dustin mamaya at mag man-to-man talk daw sila. Magpapaalam din ako,3 months na kasi kami ni V-jay ngayon.

Nasabi ko ba kung paano nya ako niligawan? Well, think about it, kung sa tingin nyo ay sweet na sya dati, ten times of that ang pagkasweet nya. Nalaman ko na rin yung purpose ng bracelet. Medyo corny na nga e but I do appreciate it. Tinanong nya ako 3 days before the prom night pero dun ko sya sinagot sa mismo na prom night. Bawat band ay kakanta ng 2-3 songs so yung last song nya, dedicated daw para sa akin. Sinayaw pa nga nya ako nun.

click here for the song

“I do,too. I love you.” Then we hugged. And that was the best night ever.


Last week nga pala, sinundo namin sina Mommy at Daddy sa airport.Ayee! ang saya. sa wakas nabuo rin ang pamilya namin. And guess what, magkakaroon pa ako ng another baby sister. Magiging ate na naman ako. Si kuyan Ryan naman ay nagpropose na kay Ate Mye so I guess, may kasalang mangyayari di ba?

Yuan left for the states with his Dad. And Trisha? Ang alam ko, nagdedate sila ni Conrad. Si Leah naman, hay naku, salida pa rin kung minsan. But I love her that way. Healthy naman si Lola Martha ngayon which is good dahil the best yang si lola. Sinagot na si Daryll ni Gwen  yata yun. Finally. Ang tagal huh.Masyadong pinahirapan yung kapatid ko.  Ako? Eto..mahilig pa rin sa juicy fruit. Minsan nga, pinasalubungan pa ako ni V-jay ng isang kahon. Lately, pinagkakaabalahan ko ang pag-aalaga kay Jayden- ang baby namin ni V-jay.

Yup.may baby na kami. Jayden finally came true. She’s a lhasa apso. Minsan nasa akin sya or kay V-jay. We take turns sa pag-alaga.

Hayy..ano ba yan, ang dami ko pang sanang gustong sabihin kaya lang kulang na ako sa oras. Naka-offer na yung kamay ni V-jay sa akin at naghihintay na. Remember we have a date?
So,I guess, this will be our ending, kahit na hindi naman talaga dito nagtatapos ang kwento namin.For sure, there’s more to us to come. Hope you enjoyed it!





Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com