-4-
Napasarap yata ang tulog ko kaya nandun si ate My. Inaalog-alog nya ako para magising.
“Ms.Denise Lauren Mendoza. Gising na po. Tatanghaliin ka na. ”
Bumangon naman na ako. Ginawa ko yung daily routine ko. Masaya naman kasi Friday na. Walang pasok kinabukasan. Kasabay ko si Daryll papasok sa school. Humihingi pa nga sya ng advice para dun sa nililigawan nya. Ako naman, todo bigay ng payo nga kahit ako mismo ay walang alam tungkol sa mga ganung bagay.
Ordinary day lang naman ngayon. Noong lunch, kasabay ko sina Leah at yung iba pa naming kaibigan. Natakam ako doon sa babae na nasa kabilang table na kumakain ng pork barbecue at kanin kaya tumayo ako para bumili.
Pagdating ko dun sa tindahan, last two pieces na lang kaya binilisan ko yung lakad. Swerte ko naman at may nakauna pa sa akin na lalaki. Binabayaran na nya yung barbecue.
“Ate, wala na po talaga kayong barbecue?!Paborito ko pa naman ‘yun.”
“Kare-kare na lang.Masarap din yan. Bagong luto pa.”
“Allergic po ako sa peanut butter eh.Ang konti naman yata ng luto nyo ngayon. Malas ko naman.” Sabi ko na parang bata na inagawan ng candy. Disappointed talaga ako. Kanina pa ako natatakam sa barbecue eh.
“Ganun ba? wala na talaga eh. Huling piraso na ‘to. Nabili na nya. ” Sabay turo nya dun sa lalaki kaya tiningnan ko.
Nyek. Si V-jay pala. Hindi ko napansin na sya yun dahil naka-ball cap sya. Kapag swerte ka nga naman. Sya lagi ang nakakatapat ko.Nakatingin pa sya sa akin nun. Oh my gosh. Ang cute nya pala talaga lalo na kapag naka-cap. But still, that’s not enough para mapabilang ako sa ‘bayan’.Natigilan nga ako eh, buti na lang nagsalita yung babae sa tindahan.
“Oh, V-jay, ito na barbecue mo.” Inabot nya na yung barbecue at kinuha na ni V-jay.
“Denise, sayo na lang itong barbecue oh.Pipili na lang ako ng iba.” Ganun? Kakahiya naman.
“Ha? Wag na. Ako na lang ang pipili ng iba. Sayo na yan eh. Nabayaran mo na.”
“Yun lang ba? Sige na,iyo na yan.Libre ko na sa’yo.” Ngumiti naman sya.
“V-jay!!! Dalian mo. Magsisimula na yung meeting.”
Anong meeting naman ‘yun?
“Sige pala Denise. Una na ‘ko. Bye.” Sabay kinuha nya yung kamay ko at binigay yung barbecue. Pagkatapos ‘nun ay tumakbo na sya.
“V-jay!” Lumingon naman sya pero medyo malayo na sya.
“Salamat.”Tumango lang naman sya tapos tumakbo na ulit.
Ako naman, pumunta na sa table at kumain na. Medyo nakakakonsensya pala kapag yung kakainin mo ay parang inagaw mo lang pero kinain ko pa rin . Ang sama noh?
Last subject, Social Studies, wala kaming ginawa. Paano, wala namang teacher. Nasa seminar daw. Mabuti naman ‘noh dahil ang dami magpasulat ‘nun. Nag-ingay na yung mga kaklase ko,palibhasa walang teacher. Ako naman,ngumunguya ng juicy fruit doon. Pagkakataon na ‘toh dahil walang teacher. Bawal kasi talaga.
Sinusubukan ko nga paputukin ng malakas yung gum tulad ng ginagawa ni
V-jay pero hindi ko talaga magawa. Kainis, ang hirap. Busyng busy ako sa pagtry tapos may narinig na lang akong tumatawa.
“Hindi ka marunong? Ang dali lang ‘nyan eh” May pagkamayabang din naman pala ‘to.
Lumapit sya at umupo sa katapat kong upuan. Itinaas pa yung paa nya sa upuan nung isang classmate namin. Feeling nya nasa bahay sya.
“Akin na, penge ng gum. Tuturuan kita.”
Binigyan ko naman ng gum, tapos maya-maya lang pinaputok na nya ng malakas. Nagtinginan nga yung ibang kaklase namin. Yung iba naman, deadma lang. Tinuro nya sa akin kung paano ‘yun. Kung titingnan mo, sisiw lang pero ako nahihirapan. Nakailang try yata ako. Nakasampu yata ako bago ko mapatunog ng malakas.
“Yay. Marunong na ‘ko.” After 50 years.
“Oh di ba? Madali lang.” Heck no! Napagod nga yung dila ko.
Pinaputok ko ulit tapos malakas yung tunog. Practice lang. Baka makalimutan ko eh.
Nag-ring naman na yung bell. Uwian na. Dumaan muna ako sa locker ko tapos nakasalubong ko si Daryll. Mamaya pa daw sya uuwi, ihahatid daw nya kasi si Gwen. Yun yata yung nililigawan nya.
Malapit na ako sa gate ‘nun nang biglang may tumawag sa akin.
“Denise.” Si V-jay, tumatakbo na naman.
Tumigil naman ako sandali hanggang sa makarating na sya sa lugar ko.
“Bakit? ” Sabi ko naman.Sabay na kaming naglalakad ngayon.
“Uuwi ka na ba?”
“Oo.”
“Bakit? May gagawin ka?” Ay.Ang daming tanong nito.
“Wala naman. Friday eh.”
“Tama pala. Samahan mo naman ako sa Mall.” Bakit ako pa? Tsaka Mall? Anong gagawin sa mall?
“Sa mall? Bakit? Bakit ako?” Tiningnan ko naman yung bag ko kung may pera pa ako.
“May bibilhin lang tsaka maglilibot na din. Tska, basta, gusto lang kita makausap ng mas matagal. Sige na oh...please? ”
Ano namang pag-uusapan namin?
Let me think. Friday naman ngayon, konti lang homework. Kaya lang wala akong pera.
“Sige, basta ba ililibre mo ko eh.” Ay.ang kapal ko!
“Of course.”
Ok lang naman kina lola dahil Friday nga.Hala sige...gagala muna ang lola nyo.
Sumakay na kami sa jeep papunta sa Mall. Hindi naman pwedeng lakarin yun eh. Ang layo kaya.
Una naming pinuntahan...KFC. Syempre, para kumain. Ano pa bang ginagawa ‘dun? Wala naman problema sa akin kung doon kami kumain, paborito ko yata yung KFC.
“Denise, ok lang ba dito tayo? Paborito ko dito eh. ” Paborito din nya dito?
Umoo naman ako.Hindi ko na sinabi na paborito ko din dito. Baka sabihin pa, gaya-gaya ako sa kanya.
Umorder naman na kami. Fried chicken, syempre. Dalawa nga yung kanya eh. Nagulat nga ako pero sabi nya hindi pa daw sya naglunch. Naubusan na ng time dahil sa basketball practice. See? basketball na naman!
Pagkatapos kumain,nagpahinga sya saglit. Nabusog yata. Maubos ba naman yung dalawang fried chicken. Nakakatawa nga yung itsura nya.
“Saan mo paborito kumain?”
“Ahmm...actually,KFC” hindi kita ginaya ah!
“Anong laman ng purse mo?” bakit ka interesado? Naka naman. Bading pa yata ‘to.
“Hindi naman ako nagdadala ng purse. Ang dala ko lang naman lagi eh cp, panyo, pera tsaka gum.Yun lang.Kasya naman sa bulsa ang mga yun.”
“Alright then...” Alright then what? Bakit bitin?!
Umalis na kami sa KFC at pumunta kami sa sa Sports Authority. Bumili sya ng knee & elbow pad doon. Nawala daw yung kanya eh may game sila bukas. Nagtingin-tingin lang naman ako doon. Napansin ko na may katulad dun yung ball cap nya. Malamang doon nya din yun nabili.
Next stop, pet store.
“Pet store? May bibilhin ka din dito?”
“Oo, food para kay Milo.” Sino naman yun? Pinapakain na pala ngayon ang pagkain ng hayop ang chocolate drink. Mapakain nga ng darak yung ovaltine.
"Pet namin. Pomeranian sya. Makilala mo rin sya one day. Ipapakilala ko sa’yo.” Waah! Aso. Ayoko nga. Takot ako sa aso.
-5-
Kinuha na nya yung dog food at binayaran na sa cashier..200 pesos na para sa pagkain ng aso? Ang mahal naman. Yung aso namin, tira-tira lang ang kinakain eh. Sa bagay, Pomeranian dog yung kanya,yung sa amin askal lang.
Sumakay kami ng jeep at bumaba sa doon sa kanto. Hindi naman kasi nadaan ang jeep sa lugar namin kaya naglakad pa kami tuloy. Hinatid nya ako kahit may kalayuan yung kanila sa amin. Gabi na daw kasi at maraming sira-ulo sa daan. Bahala nga sya, hindi naman ako yung mahihirapan sa paglakad.
Sa bahay naman, papasukin ko daw sabi Kuya. Ewan ko ba dun. Pinakilala ko naman kay Ate Mye at Lola Martha. Nagmano pa sya kay Lola. Kailangan ba talaga yun?Nasa bahay din nga pala yung boyfriend ni Ate Mye. Si Kuya Ryan.
“Denise...yung parents mo nasaan?” ooh right. I forgot to mention that.
“Ah... Yun ba? Nasa U.S. ,sa Chicago.Medyo matagal na rin sila doon...basta long story.” Eh talaga namang long eh. Saka ko na lang iexplain.
Nagkwetuhan naman yung mga boys. Syempre, basketball stuff na naman. Hindi rin nagtagal ay umalis na sya. Hindi ko na sya hinatid sa gate.Hanggang sa terrace na lang.
“Thanks.”
“For what?”
“Sa pagsama mo sa akin sa mall.” Nyek. Para yun lang.
“Ah...wala yun. Ako nga dapat magpasalamat. Dalawang beses mo ako nilibre sa pagkain ngayong araw.” Tumawa naman ako ng konti. Libre nya ang lunch and dinner ko.Haha! Wala bang breakfast?
“Ok lang yun.Sige pala, good night.”
“Sige. Bye. Ingat na lang.”
Nagsmile na naman sya tapos umalis na. Nilock naman nya yung gate. Buti naman naisip nya yun kundi ako pa ang gagawa ‘nun.
Pagpasok ko ng bahay , nakaabang sila lahat sa akin.
“Uyy,Denise ha! Jackpot ka...paano na si Yuan?” Sabi ni ate Mye. Si Kuya Ryan naman nakangiti lang doon. Jackpot? Hindi naman ako nataya sa lotto ah.
“Dalaga na itong apo ko.” Ayy..3 years ago na po.
“Den, di ba si V-jay yung team captain ng Brayden?Nanliligaw ba sayo? ” sabi naman ni kuya.
“Oo at hindi.”
“Boyfriend mo na?” at may nalalaman pang pagtayo si Daryll. Oa ha!
“Sira.Lalo namang hindi. Ano ba yang mga sinasabi nyo? Masyado nyo agad binibigyan ng meaning.”
“Sagutin mo na ate.”Hindi naman sya advance mag-isip eh noh?
“Ayos sya. Pasado na sa akin.” Pasado? At Kailan pa nagkaroon ng test?
“Sa ak in din” Talagang duet pa.
“Hindi po sya nanliligaw.OA Kayo.”
Hay naku. Nakakaloka. Umakyat na ako sa taas. Naligo na at naggawa ng homework. Naisip ko naman, iba ang feeling ko sa araw na ‘toh. Masaya na ewan.
Weekend. Wala naman masyadong nangyari. Saturday, naglinis kami ng bahay.Lagi naman. Ewan ko ba kay lola, tipong magnifying glass yata yung mata nya pagdating sa dusts. Nagpunta din kami sa grocery store para mamili ng mga kailangan sa bahay. Sunday, sumimba lang kami. Tumawag nga din pala sina Mama .As usual, kumustahan blues. Kay Daddy, nagmano lang ako at konting kumusta. Hindi naman kasi kami close.
Noong kinagabihan, may tumawag din sa akin. Hindi ko kilalang number pero mukhang galing ibang bansa kaya sinagot ko naman.
“Hello?”
“Hey,Denise. Si Yuan ‘to.”
-6-
“Yuan!!!"masyado yata akong naexcite.Ok,Denise. Calm down.
“I mean Yuan...bakit napatawag ka?”.
“Ang lakas ‘nun ah. Well, i just called para kamustahin ka.”
“Ok naman ako dito,awa ng Diyos eh buhay pa.Ikaw? Ang ganda siguro dyan noh?”
“Yeah, maganda. Pero ang lungkot. Next week na yung surgery ko.” Oo nga pala, pumunta sila dun para sa heart surgery nya. Ang yaman di ba?
“Ah, talaga? I’ll pray for you then.”
“Thanks,Denise. Bye na pala. I just wanted to hear your voice. Liligawan kita pagbalik ko. Bye.”
Pagkatapos ng tawag na yun, nakatulog na rin ako. Wish ko lang, nagbibiro sya dun sa sinabi nya.
Next day, Monday.Alam nyo na kung anung meron.
Pasok na naman sa school kaninang umaga. May choice ba ‘ko? Inannouce na
next week na daw yung periodical tests. Pahirapan na naman ‘to. Gagawa ka na ng projects,mag-aaral ka pa para sa tests. Kainis naman. Nagparinig pa yung teacher namin na may mga honors daw na kapag hindi nagtino ay baka mawala sa honor roll. Malamang isa na ako dun. Kailangan ko na palang mag-aral. Mahirap na. Sigurado, bubungangaan ako ni Lola kapag nawala ako sa honor roll.
Sa Social Studies , tinawag ako sa office. FYI, hindi ako na-office. Tinawag lang talaga ako dahil may pinakikibigay yung principal sa kapitbahay namin na dating teacher. Dahil doon, mga twenty minutes akong nawala. Pagpasok ko sa room, bigla na lang nagsalita si V-jay.
“Mam, si Denise na lang pala yung partner ko.”
“Yan, tama pala. Ok, you two are partners.” Naku naman, sa dinami dami ng kaklase ko, bakit sya pa. Wala na bang choice?
May sasabihin pa sana ako kaya lang pumunta na si Mam dun sa may table nya. At yung sasabihin ko, parang wala na lang sa kanya.
“Ok, quickly. Go with your partners. “
Naku.Patay na. Ako na naman ang gagawa ng trabaho. Asar naman kapag lalaki ang partner mo.
Umupo na si V-jay doon sa upuan na katabi nung sa akin. Ako naman medyo nakasimangot at nakahalumbaba pa.
“What’s wrong Denise? Ayaw mo kong partner?Huwag ka mag-alala. Tutulungan naman kita eh.” Yeah right. Nakaasar pa yung pagkakasabi nya.
Tumingin sya sa harapan tapos nagsalita ulit pero mahina lang.
“Hindi ko naman yata hahayaang mahirapan yung prinsesa ko.” Tapos tumingin sya sa akin. What’s that suppose to mean?
“Anong sabi mo?”
“Ha? Wala.” Wala daw. Narinig ko eh. Prinsesa? Ako ba yun?
Asa ka pa,Denise.
Inexplain na ni Miss Romero yung gagawin namin sa project. Yung project namin ay about Roman Empire. Ipapakita daw namin sa project na yun kung ano ang mga natutunan namin and chuva. Yung kapartner ko naman, busy sa pakikinig sa instructions ng teacher.Yun na lang ang naintindihan ko dahil bigla bumuhos yung malakas na ulan. Kainis naman. Kung kailan pa ako walang dalang payong.
Noong uwian na, sumakay naman na ako ng tricycle.Naglakad pa rin ako hanngang sakayan kahit umuualan.Bahala na kung magkasakit.Alangan naman hintayin ko pa tumila eh mukhang bukas pa titila yun. Marami pa akong gagawin na projects.
Pagdating ko sa bahay, basang-basa ako. Galit na galit nga si Lola sa amin ni Daryll. Basang basa din kasi sya gaya ko. Ayaw na ayaw pa naman nya na nagpapaulan kami dahil baka daw magkasakit kami. Naligo na ako at nagawa na ng projects.
Pagmulat ng mata ko kanina, sikat na ang araw. Rise and shine, Denise. Pero pagmulat ko, Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Bumangon na ako at naligo na. Wala akong balak umabsent. Malapit na ang tests, hindi ko pwede mamiss yung mga notes. Tsaka, masakit lang naman yung ulo ko, mawawala din ‘toh mamaya.
Nagklase kami noong umaga. Hindi naman masyado masakit yung ulo ko. Nawawawala tapos babalik ulit. Pagkatapos ng lunch doon na talaga sumakit. Nag-init na din yung katawan ko noon. Feeling ko,may sakit na talaga ako. Lagot ako nito kay Lola. Medyo umuulan pa rin pero ang kaibahan ngayon may dala na akong payong.
Hindi na ako nakaconcentrate sa klase. Nakaupo lang ako doon at kunyaring nakikinig.Ok pa naman,wag lang ako mapapansin ng teacher dahil papauwiin ako ‘nun kapag nalaman na masama ang pakiramdam ko.
Sa Social,pinapunta kami sa kanya-kanyang partner para makapagplano para sa project. Umupo si Leah malapit sa akin dahil yung partner nya ay yung katabi ko. Maya-maya lang, lumapit na rin yung partner ko. Sana lang hindi nya mapansin na masama ang pakiramdam ko.
“Simulan na ang project. Kelan ba due? ”At Ako pa ang tinanong eh sya yung nakikinig kahapon.
“Denise, ok ka lang ba? Namumutla ka ah.” Oh no!

.

bravenet.com