untitled
viviti
"gusto mo talagang malaman? Well...I think the basketball game has started".

-7-   


“Masakit ang ulo nyan. Ang kulit.Ayaw pang umuwi.” Umiral na naman ang pagkasalida nya.

Hinawakan naman ni V-jay yung noo ko.

“Ang init mo ah. Nilalagnat ka. ”

“Patingin.” Hinipo din ni Leah yung noo ko. Bakit ba parang yelo ang kamay ng mga tao ngayon?

“Ang lamig ng kamay nyo.  Hindi po ako nilalagnat. Hindi pwede. Madami pa akong kailangan gawin. Homeworks, mag-aral para sa tests at tsaka etong project. ”

“Uunahin mo pa ba yung school work kaysa sa sarili mo? “ Oo naman.

“Tsaka hindi malamig yung kamay namin. Ikaw yung mainit.”

“Gusto mo dalhin kita sa nurse?”   OA naman yun. Bibigyan lang ng gamot dun.Mas gugustihin  ko pang umuwi na lang sa bahay.

“Naku wag na po. Waste of time yun. Magsimula na tayo sa project.”   Sabi ko naman tapos napahawak ako sa ulo ko dahil biglang umikot na naman yung paningin ko.

Hindi yata ako narinig nung partner ko dahil bigla na lang syang tumayo at lumapit sa teacher namin na nasa kabilang side. Hindi ko alam kung anong sinabi nya doon.

Maya-maya lang lumapit na sya. Pinasok nya sa bag nya yung notebook at libro nya. Ano namang gagawin nya? Kanina lang nagyayaya na maggawa na ng project tapos ngayon aalis na sya. Wala pa kaming naggagawa ah. Ang weird ng lalaking ‘to. Maya-maya lang nililigpit na rin nya yung gamit ko. What is he doing?

“Hoy, teka lang. Anong ginagawa mo? Bakit mo niligpit? Wala pa tayong naggagawa.”  Naku, hihimatayin na yata ako dito.

“Dahil ayaw mo pumunta sa nurse, ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na. Nagpaalam na ako kay Mam.” Bakit ba sya masyadong concern ?

Hindi naman na ako kumontra. Sa ngayon ay gusto ko na rin umuwi dahil parang ang bigat na talaga ng pakiramdam ko.  Si V-jay na ang nagdala ng gamit ko. Nilabas ko yung payong ko sa bag dahil umuulan na naman. Wala naman akong balak magpaulan ulit at baka  sa halip na lagnat lang ay kung ano pang sakit ang masagap ko.

Naglakad na kami papalabas ng school. Giniginaw nga ako eh. Isa lang ang payong at si V-jay ang may hawak. Ako lang ang pinapayungan nya noon. Nakakakonsenysa naman.

“Igitna mo kaya yung payong para meron ka din.” sabi ko naman sabay inilipat ko yung payong sa gitna para meron din sya. Ang bait ko yata ngayon.

“Hwag na ako. Mas kailangan mo, wala naman akong sakit." Sabi nya sabay tinapat nya na naman yung payong sakin. This time, umakbay sya sa akin. Hindi na talaga ako mababasa sa lagay na ‘to. Nakatulong din dahil nabawasan yung pagkaginaw ko.

Sumakay na kami sa tricycle. Buti naman ‘noh. Dahil hindi ko na yata kakayanin maglakad pauwi sa amin.

“Denise, ok ka pa ba? Konting tiis lang ah. Malapit na tayo sa inyo.”  Siguraduhin mo lang.

Tiningnan ko sya at seryoso naman mukha nya. Parang natatakot na ewan. Mukhang seryoso nga.

“Oo, o...k pa ‘ko.” Kahit hindi dahil ang ginaw na talaga. Naghalukipkip na lang ako  dahil wala naman akong dala na kahit anong jacket or something.

Maya-maya lang nasa bahay na din kami. Nadatnan namin doon si Lola na nanonood ng tv. Mexican Telenovela yata. Nagulat pa nga sya at maaga ako ngayon. Noong sinabi ni V-jay na nilalagnat ako. Nagbunganga na sya.

“Sinabi ko na sa’yo na wag kang magpapaulan. Iyan tuloy ang nakuha mo. Naku, ang batang ito talaga.Tsk tsk tsk”   sabi nya habang umiiling pa sya doon.

Hindi naman ako nag-react. Una, kasalanan ko naman talaga. Pangalawa, masakit talaga yung ulo ko. Pangatlo, gusto ko na magpahinga.

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga na. Nakatulog na ako kaya hindi ko na alam yung mga nangyari. Madilim na noong nagising ako. Ginising kasi ako ni Lola para kumain at uminom ng gamot. Alas- 8 na yata yun.  May dala pa syang soup at kung anong tinapay. Dinner in bed? Chineck din naman ni Lola yung temperature ko. 38.5 daw.

“Naku. Ang taaas ng lagnat mo.Kain ka muna at inumin mo itong gamot.”


Habang humihigop ako ng soup na ngayon ko lang natikman at hindi ko alam ang tawag pero masarap,  salita na naman ng salita si Lola. Hindi ko na daw pinansin yung kasama ko kanina. Matapos daw akong ihatid, hindi man lang daw ako nagpasalamat. Nasaan na daw yung manners ko. Sabi ko naman, saka na lang ako magpapasalamat. Sabi nya din na wag na daw akong pumasok sa school bukas at magpahinga daw muna. Naubos ko naman na yung soup kaya uminom na ako ng gamot at natulog na ulit. Balot na balot ako noong natulog ako dahil  sa sobrang ginaw.


Paggising ko kaninang 9am.  mas maayos na yung pakiramdam ko. Hindi na sya katulad ng kagabi. Bumangon naman ako at bumaba sa kusina. Nagugutom na din kasi ako. Wala naman akong balak magpakaprinsesa dito.

Pagbaba ko sa kusina, may pagkain na nakatakip na doon sa mesa. May note pa si Lola para sa akin. Wala naman akong naintindihan sa sinulat nya kundi ‘ako’ at ‘palengke’pero gets ko na naman kung anong ibig sabihin nya doon.

Kumain na ako doon ng oatmeal. Napansin ko naman yung nandoon sa tabi ng oven. May bouquet doon at may papel na nakafold. Nakasulat sa labas ay ‘Denise’. Malamang ako yun di ba so binasa ko na.



Denise,
   Musta na? I hope you’re feeling better now. Eto na po yung project natin. I worked on it last night. Ano sa tingin mo? Ayos na ba yan?. Dadaanan ko nga pala ‘to mamayang breaktime para maipasa na. May extra pts. daw kasi yung unang tatlong pairs na magpapasa. Sana pasado yung pagkakagawa ko. Just do the final touch. Get well soon. See you later.    
                  V-jay Radley   


Aww. Ginawa na nya yung project namin. Infairness ha. Ang ganda. At talagang may bulaklak pa ako. Binasa ko naman yung mga caption ng pictures doon sa poster. Nakalagay na rin doon yung pangalan naming dalawa.Ayos! Kaya lang, wala naman yata dapat doon yung pangalan ko. Sya lang naman kasi ang gumawa nun. After all, hindi pala ako yung gagawa ng lahat ng work. Sya pala.

Dumating na si Lola galing palengke. Ako naman ay nahiga sa sofa habang nanood ng tv. Kung anu-anong pambatang palabas ang pinanood ko. Maya-maya lang, may kumatok sa pinto.

Sino pa ba ang inaasahan na dadating?

Pinapasok ko naman sya at pinaupo. Hinawakan nya yung noo ko. Check up ba ito?

“Kamusta ka na?”

“Eto mas ok na kaysa kahapon. Ayos yung project. Ang ganda.”  Ngumiti lang sya doon sa sinabi ko.

Tinawag kami ni Lola Martha at doon na sya pinakain ng lunch. Sinigang na baboy ang ulam namin. Ang sarap. Habang nakain kami, nagkwentuhan din sila ni Lola tungkol sa nangyari kahapon. Nagtagal pa pala sya kagabi dito sa bahay. May sinauli din syang t-shirt kay Lola. Pinahiram daw kasi nabasa yung polo at tshirt nya.

“Lola, nasaan yung soup na kagaya nung kagabi? Ano po ba yung tawag doon? Ang sarap ah. San nyo po yun natutunan?”Nagtawanan naman silang dalawa.

“Anong nakatatawa?” Wala naman akong nakakatawang sinabi ko ah! Nagtanong lang naman ako.

“Wala naman. Nagustuhan mo ba talaga yung soup?”

“Oo nga po.”

“Si V-jay ang nagluto noon eh.” 

Weh? Nagluluto sya?  Hindi bagay.

Di ba?

-8-

Ngumiti na naman sya doon. Ang cute nya talaga lalo na kapag ngumingiti sya. Tumayo naman na sya dahil malapit ng magtime. Binigay ko na yung project namin para maipasa na. Hanggang sa terrace ko lang ulit sya inihatid. Nakailang hakbang na  sya noon kaya lang may naalala ako. Tinawag ko sya kaya lumapit ulit.

“V-jay...ahh..ano...ahh..ano kasi” Bakit ba ako nauutal?Kainis naman.

“What?”

“Ano kasi...gusto ko lang magpasalamat sa paghatid mo sa akin kahapon. Tsaka doon sa soup, akalain mong nagluluto ka pala”ngumiti naman ako ng kaunti.” sa flowers, at dito sa project. Nakakahiya naman sayo , hindi na ako nakatulong.” Pero mas nahihiya ako sa ginagawa ko ngayon.

“Wala ‘yon. Anything for you.”
Huh?

“Umalis ka na nga.” Napangiti na lang ako tapos ay tinulak ko sya.

“Bakit hindi ka na lang kaya magtricycle para mas mabilis. Ang hilig mong maglakad.” Napansin ko lang ah.

“Sumasakay lang ako kapag malayo yung pupuntahan. Mas gusto ko yung maglakad. Exercise na rin. Nakakapag-isip isip ako. At tsaka mas enjoy.” Ganun?


“Ah. Ok. Maglakad ka na pala. Baka malate ka pa. Ingat ha.”


“Thanks. Sige po. Pagaling ka ah.” Ngumiti na naman sya at nagsimula na maglakad.

“Enjoy” may pahabol pa ako eh no?

Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay. Medyo nakapag-aral din ng konti para sa periodical test. Pero mas marami pa rin yung oras na ginugol ko sa panonood ng tv. Yung flowers na binigay nya ay dinala ko sa kawarto ko.

Wednesday. Pumasok na ako sa school. Wala naman na akong lagnat o kahit anong sakit. Sa totoo lang, ang saya ko nga ngayong umaga eh. Hindi ko lang kung bakit. Maybe I woke up on the right side of my bed.

Pagdating ko sa room namin, busy na naman ang mga tao. Busy sa pagdadaldalan. Lagi naman eh. May mga ilan din na bumati sa akin. Si Leah naman namiss daw nya ako. Madrama din yun minsan eh. Nagtaka lang ako nung may nakita akong bag sa upuan ko. Tinanong ko yung mga tao dun. Yun nga daw. May new assigned seats daw kami. Tinuro sa akin kung saan yung sa akin. Napansin ko naman yung bag na nandun sa katabing upuan. Kilala ko yung bag na yun ah! Bakit ba lagi akong napapatapat sa kanya?

Sa bahay naman, ayun, birthday ni Ate Mye. Nandun yung mga co-worker nya sa banko at nagcecelebrate.Nagtext naman si V-jay nung gabi. Wala daw syang magawa.Hindi pa nakuntento at tumawag pa. Nagsasayang yata ng load.

“Hey Denise, may sasabihin lang ako.”

“Huh? Eh bakit hindi mo na lang tinext?”

“Wala lang, gusto ko lang ako talaga magsasabi sa’yo.”  Ganun din naman sa text ah!

“Ano ba kasi ‘yun?”

“Thanks.” Yun lang? “I’m so happy.”

“Ganun? Bakit naman?” sabi ko naman. Medyo napatawa naman ako nun. Ang weird. ‘Thanks , I’m so happy’ normal lang naman yun sa tao.


“Wala lang. You’re making me happy.Basta.Sige po. Baka nakakaistorbo na ako. Sweet dreams.”
Nyek. Masaya ka tapos basta lang? May mental problem ata ‘to ah.

"Hey ano nga?"

"gusto mo talagang malaman? Well...I think the basketball game has started".

“Ahh..sige. Goodnight.”   yun na lang sinabi ko.Hindi ko naintindihan yung sinabi nya e.
 
Friday. Yehey! Last day of the week na. Nakasabay ko sa lunch si V-jay. Nalibre na naman ako pero this time, yung drinks lang. Nakabili na kasi ako ng pagkain ko.

Noong P.E naman namin ay excused muna daw ako dahil baka mabinat. Naupo lang ako sa bleachers at nanood habang ngumuya ng juicy fruit.Nagmumukhang kambing na nga siguro ako sa kakanguya eh. Si V-jay? Ayun, kung ano-ano yung ginagawang basketball  moves na hindi ko alam yung tawag. Hindi naman kasi ako nanonood ng basketball. Titingin sa akin paminsan at ngingiti tapos ishu-shoot yung bola. Nagpapahanga ba sya o ano? Dahil kung oo, effective dahil napapahanga nya ako.

Nagring na yung bell kaya ako naman ay bumaba na doon sa bleachers. Sa gitna na nga ako dumaan para mabilis. Ang hirap din pala dumaan doon kapag nagmamadali. Nagsala tuloy yung paa ko kaya napaupo ako. Ang lakas nga eh.Ang sakit tuloy ng puwet ko. Nakakahiya nga yun. Agaw eksnena pa ako. Maya-maya ay may naka-offer na kamay doon. And guess whose hand it was?

Natigilan na naman ako noon kaya nag-snap sya.

“Ei, kamay mo na. Hindi mo naman balak umupo dyan hanggang mamaya  di ba?”

Inabot ko na yung kamay nya at inalalayan nya akong tumayo.  Dumaan pa sya sa boys locker room para magpalit at ako naman ay dumeretso na sa room namin.
 
Pinilit kong magfocus sa lesson pero hindi ko magawa.  Nadidistract kasi ako dito sa katabi ko. Ewan ko ba.Noong uwian na, dumaan ako sa locker para kuhanin yung mga books. Alam nyo na...exams na next week kaya mag-aaral muna ako. Wala munang gala.

Si V-jay naman nakisabay sa paglakad pauwi. Kumain pa nga kami ng fishball habang naglalakad. Kung anu-ano naman ang pinagtatatanong nya sa akin habang naglalakad kami. Kwento pa ng kwento tungkol sa experiences nya sa basketball. Like I care  about basketball? Hindi ko na namalayan na nandoon na pala kami sa bahay.

Hanggang sa gate na lang sya dahil may practice sila ng basketball. Ano ba yan? Exams na pero basketball pa rin? Papasok na sana ako sa loob ng bahay, pero hinawakan nya ako sa braso. Inabot nya sa akin yung bag ko. Oo nga pala,sya ang may dala. Napatawa at napailing na lang ako ‘nun. Ang engot ko talaga.Pati ba naman bag ko nakalimutan ko pa. Sya naman ay natawa na lang din. Ang cute nga nya tingnan noon eh. Umalis  na rin sya at ako pumasok na at naaupo sa terrace. Maya-maya naman may bumatok sakin.

“Aray!!!” wala na naman magawa sa buhay nya itong si Kuya. Ako na naman ang napapagtripan nya ngayon.

“Lola, ano po ba kasing pinapakain nyo kay Denise? Tingnan nyo parang sira, nakatulala tapos nakangiti. Ano kaya yun? Parang nakadrugs.”

“Masaya lang yung tao.“ masaya nga lang ba ako?


-9-

Pumunta na ako sa kwarto ko at nag-aral na. Ganun din noong weekend. Pinasadahan ko yung mga notes ko para naman may alam ako pagdating ng exam. Hindi naman  ako study freak. Grade-conscious lang siguro. Ayoko naman na puro palakol ang makita ko sa report card ko dahil baka ako ang palakulin ni Lola Martha.

Exams week. Maayos naman ang kinalabasan. Yung Math eh medyo madugo pero pasado pa rin naman. Weakness ko na talaga yun. Si V-jay naman na akala mo ay pabasketball basketball lang ay may ibubuga din pala pagdating ng exams. Yung iba naming kaklase gaya pa rin ng dati. Nagtratransform into giraffes kapag may test. Pahabaan sila ng leeg sa pangongopya. Yung iba naman akala mo ay matalino, matalinaw naman pala.

 Sa lahat ng nangyari noong week na yun, pinakaayaw ko na siguro yung nung tumawag si Mama. Nanakaw daw yung passport nila at ayaw silang payagan sa trabaho. Which means, hindi na naman sila makakauwi dito sa Pilipinas. Halos 10 years ko na silang hindi nakita ah.Nagkaroon pa kami ng konting arguement tungkol doon pero sa bandang huli ako rin ang nagsorry. But deep inside, masama pa rin yung loob ko.

At hindi lang ‘yun. Si kuya lilipat na ng school kaya magdodorm na sya. Ibig sabihin nun, hindi na sya titira sa bahay. Mawawalan na nga ako ng kaagaw sa remote ng tv, mawawalan din ako ng adviser. Kahit laging aso’t pusa kami nun, mahal ko yun. Nawala si Dustin. Ngayon naman si kuya ang lalayo.

Badtrip naman ako ng mga nagdaang araw. Ikaw ba naman ang umasa na makikita mo na yung mga parents mo after all those years, tapos biglang hindi pala matutuloy, hindi ka naman ba masasaktan? Minsan tuloy, naisip ko na hindi naman talga kami gusto nina Mama makita. Mukhang hindi naman sila gumagawa ng paraan. Kahit naman hindi kami masyadong close ng mga magulang ko, gusto ko pa rin naman silang makita. Idagdag mo pa si Kuya na lilipat sa ibang college. Doon pa sa malayo. Kailan ba makukumpleto ang pamilya namin?


“Denise, ok ka lang? anong problema?” sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria.

“Wala.” Pinipilit kong pigilin yung luha ko. Nakatingin ako nun sa lupa habang naglalakad.. Ayokong umiyak ngayon at tsaka wala akong dalang panyo.

“Wala? Eh kulang na lang, Ibuhos mo yang luha na kanina mo pa pinipigil dyan. Come on, Denise. Sabihin mo naman sa akin. Hindi ako mapakali na ganyan ka.
Dali na ... makikinig ako.”


This time, nakaharap na sya sa akin. Hawak nya yung dalawang balikat ko. Nakatingin pa rin ako sa lupa noon. Pinipigil ko talaga yung luha ko kaya lang hindi ko na nagawa. Tuluy-tuloy na yung pagtulo.Hinawakan nya yung chin ko at inangat nya yung mukha ko.

“Sina Mama at Daddy, hindi na naman sila uuwi. Lagi na lang ganun. Mas pinipili pa nila yung trabaho nila. Si kuya, lilipat na sya sa dorm. Parang lalo silang lumalayo sa amin. Sa akin. ” Ok. Umiiyak na talaga ako ngayon. Hindi ko na talga mapigilan. Pinunasan nya yung luha ko at niyakap nya ako.

“Don’t worry, magkikita din kayo hindi nga lang suguro ngayon. I’m sure there’s a reason. God has a plan. Yung kuya mo naman, alam naman natin na mas ok ang aral dun sa lilipatan nya. Mas makakabuti yun sa kanya at sa inyo.” Lalo naman akong umiyak sa sinabi nya. Sa bagay may point din sya.

Umiiyak pa rin ako doon. Narealize ko na lang na magkayakap pa rin pala kami. Gumalaw naman ako kaya inalis na nya yung pagkakayakap nya. Binigay nya sa akin yung panyo nya kaya pinunasan ko naman yung mata ko.

“Wag ka ng umiyak. Nandito lang naman ako, hindi kita iiwanan.”  I wish.

“Ako na lang ang bibili ng pagkain. Hintayin mo na lang ako doon sa may payong.” Oh, thanks. Ayoko naman magpakalat kalat sa school na ganito yung hitsura  ng mata ko. Daig pa yung namurder eh!

“Ok.”


Pumunta naman na ako doon sa payong. Maya-maya rin ay dumating na si V-jay dala yung pagkain. Kumain na kami doon sa may payong.

Wala pa rin ako sa mood noong time na yun. Kakaiyak ko lang at hindi naman ako yung tipo na parang pagkatapos eh wala lang. Nakatungo ako nun ng napansin ko na may nakatitig sa akin. Tiningnan ko nga sya ng masama.

“Ano bang pwede kong gawin para maging ok ka? Do you like music?”

“Err...yeah. I love music.”

“Talaga?”   then bigla syang tumayo. “Dito ka lang muna.” Tapos ay tumakbo sya papunta doon sa isang room. The heck? Bigla na lang tumakbo.

Umupo lang ako doon dahil alam ko naman na in any moment eh babalik pa yun.Nung bumalik sya ay may tangay na syang gitara. Ewan ko kung saan nya yun nakuha. Nakita ko na lang na may nakasulat doon sa gitara na V-jay Radley.May gitara sya?

“Marunong ka maggitara? Kailan pa? Sinong nagturo sa’yo? Mahirap ba?”
Hindi naman sunud-sunod yung tanong ko di ba?

“Whoa. Ang dami ‘nun ah. Isa –isa lang. Marunong ako maggitara, since grade 6 . Walang nagturo sa’kin. Self study lang. Mahirap sa una pero ganun talaga. No pain, no gain.”  Hmm..oo nga naman.

Anong gusto mong kanta?” Ano nga ba?  Wala ako sa mood mag-isip ng kanta ngayon.

“Madami. Depende sa mood ko.”

Tinitigan lang nya ako ‘nun. As in titig talga na tipong binabasa nya ako. Ang weirdo. Parang natutunaw na ako nun kaya binaling ko yung tingin ko sa kabilang direksyon.

Maya-maya lang, nagsimula na syang tumugtog.

“Denise, this  one’s for you.”

 Nangingilabot na ako nun. Bumilis nga yung tibok ng puso ko.

Your sky seem so cloudy
I can barely see a single star
Your eyes become teary
And found yourself hiding in the dark
You are not alone
Someone’s here to play your song
Take my hand
We’ll fly to the sky
Close your eyes im at your side
Tomorrow’s gonna be just fine


Tumutugtog pa  rin sya nun.Ako naman, nakikinig lang. May hidden talent naman pala eh. Ang ganda ng boses nya.Ang sarap pakinggan. I’ve never heard him sing before.

Everything’s been bitter
Like there was no reason to smile
Pieces of dreams have been shattered
And you feel like you’re being left behind
You are not alone
Someone’s here to play your song
Take my hand
We’ll fly to the sky
Close your eyes im at your side
Tomorrow’s gonna be just fine
Take my hand
Close your eyes
Take my hand
Close your eyes
Take my hand
Close your eyes
We’ll fly
Take my hand
We’ll fly to the sky
I’ll save you from this life
I’m at your side
Tomorrow’s gonna be just fine



Natapos na rin yung kanta nya. Ano bang masasabi ko? ‘Wow’ siguro. Swak na swak sa mood ko ngayon yung song. Lalo na yung last verse. Parang na lift-up yung spirit ko. Hindi ko malilimutan yung mata nya na yun habang kinakanta yung huling part.Nakatitig sya sa akin ‘nun.Naiyak pa nga ako. Ewan ko nga kung bakit. Buti na lang nasa akin pa rin yung panyo nya.

“Nice voice. Ngayon ko lang nalaman na kumakanta ka pala.”

“Kumakanta nga ako. Pero I only sing for those who are special to me.”oh...ganun pala yun.

Nilalaro nya doon yung  gitara at nagsalita ulit. Nakatingin sya doon sa kamay nya sa gitara. Tapos tumingin sa akin.

“Dun lang para sa mga mahal ko.”

Dumating naman si Leah kasama pa si Ashley, kaibigan din namin.

“Hoy, kayong dalawa. Bakit naman kayo nagsosolo dito?”

“Wala lang. Dito na kami napadpad eh.”

Umupo din naman sina Leah at Ashley doon sa bench.

“V-jay, marunong ka maggitara? Sample naman oh.” sabi ni Ashley

“Ha? Sige, pero kayo yung kumanta ah. Tutugtog lang ako.”

Naalala ko naman yung sinabi nya kani-kanina lang.’ I only sing for those who are special to me.Ang laki talaga ng sira nya. Kung ako lang ang magaling kumanta, ipapaalam ko yata sa lahat ng tao.






Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Email Marketing
powered by a free webtools company bravenet.com