-36-
Nagkagulo naman nung nag-quit yung vocalist ng school band. Actually band ng mga 3rd year. Paano naman kasi, ang gwapo noon at ang ganda ng boses. Kinailangan nya na mag-quit kasi magmigrate na yung family nila sa Australia. Kaya ayun, naghahanap na yata sila ng bagong vocalist. Papalapit pa naman yung battle of the bands.
“Sayang si Gerald. Sino na magiging vocalist ngayon?” pumasok sya sa room kasabay yung isa naming kaklase.
“Ikaw kaya V-jay.”
Siguro galing sa practice ‘to. Nakabukas pa yung polo at tsaka hawak pa nya sa kamay yung face towel. Medyo hinihingal pa nga. Nag-lean sya doon sa upuan at halata kong pagod sya.
“Denise...”
“Hmm?” Ano na naman? 
“Would you want me in the band?”
“Why not? Magaling ka naman e.” ugh!pinuri ko na naman ba sya?!
Hindi na ako nag-react ulit. Kung pwede nga lang wag na muna nya akong kausapin. Umiiwas nga ako di ba? Tapos sya naman ang lumalapit ngayon.
Ahhhh!! Kakaloka ang life!
Nag-celebrate naman kami ng birthday ni Lola Martha. At dahil nga kilala naman nya yung mga kaibigan ko, pina-invite na rin nya. Ang masaklap pa ay yung request nya.
“Wag na wag mong kakalimutan sabihan si V-jay ha.”
Dahil para kay Lola naman at birthday nga nya e sinabihan ko na rin sya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ka-fond si Lola sa kanya.Syempre, invited din si Yuan, Leah,Ashley at iba pa.
Masaya naman yung birthday ni Lola Martha. Umuwi nga si Kuya Darren para doon. Ganun din yung mga tito at tita ko na nakatira pa sa ibang lugar. Syempre, kasama din yung magugulo ko na pinsan. Actually, mga second cousins ko na sila. Nandun din yung ibang mga kaibigan ni Ate Mye at may mga barkada din si Kuya at si Daryll. Over all, kumpleto naman. Labis pa nga e. Kulang na lang sina Mama.
Si Tito Michael nag-rent pa ng videoke machine kahit meron na kami noong magic sing. Makaluma daw kasi yung mga matatanda at mas gusto nila yung videoke. Na-solo tuloy namin yung magic mic.Si Lola Martha naman, pabalik-balik. Punta sa kitchen, tapos sa terrace at dito sa amin,sa sala.
“Aruy. Kay sakit ng paa ko. Pwede ba akong mag-request? V-jay, hijo...kumanta nga kayo ng apo ko.”
“Lola??” naman! Ayoko nga. 
“Sige na. kaarawan ko naman hindi mo pa ako pagbigyan. Hala V-jay pumili ka na nga riyan. Yung mabagal-bagal para naman nakakarelax.”
At pumili na nga sya ng kanta. Inoffer pa nya yung kamay nya sa akin para tumayo ako. Si Lola naman,todo ngiti at may pagpalakpak pa na nalalaman. Nag-play naman na yung song na pinili nya. Oh no! Bakit naman yun?
click here for the song <<- (ndi na right here waiting..check it out)
It feels like a lifetime,
A thousand days have passed by
Since I held you close to me
If I could see that smile from my friend
I know that I could live again
I need you here with me
Heaven knows what to say
Even though for right
Now you're so far away
I hope and I pray
Somewhere in your heart I'll always stay
Nakangiti pa rin doon si Lola Martha. Sya na lang lagi ko tinitingnan at yung screen. Yung ka-duet ko naman kasi, para akong natutunaw na ice cream sa mga tingin nya. Masyado naman yata nyang sineseryoso yung kanta.
Girl, lately my sun doesn't shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what i was feeling girl
'cause my sun doesn't shine,
Sun doesn't shine without you
This is more for me than for you
Girl, I finally see there's no substitute
For what we have
Do you know how much I love you
And what we share I can't forget
Girl a love like yours I'll never let just slip away
Just promise that you'll stay
Heaven knows what to say
Even though for right now you're so far away
Gonna tell you and show you
Do whatever I can do to get back to you
Girl, lately my sun doesn't shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, girl
'cause my sun doesn't shine,
Sun doesn't shine
Have you ever seen a flower that never blooms?
Seen a starless night without the moon
Well that's me without you
So come back and turn my nights into days
Girl, lately my sun doesn't shine without you
Never noticed what it feels like to be without you
Feels like I took my last step
And my last breath in my life ending
Had to say just what I was feeling, girl
'cause my sun doesn't shine,
Sun doesn't shine without you
Laking tuwa ko nung natapos yun.
“kay gandang kanta.” Sabi ni Lola.
“Happy Birthday po ulit.” Nakangiting sabi nya kay Lola.
Gabi na rin ng unti-unting nag-alisan yung mga tao. Si Yuan ay sinundo ng driver nila. As usual. Si V-jay, nagstay pa ng konti dahil hinarang ni kuya at Daryll. Ang daya nga nila eh. Paalisin daw ba ako? Hindi ko daw dapat marinig ang usapan nila dahil usapang lalaki daw iyon. Wala daw akong maiintindihan. Hmpf! Sexual Discrimination!
“Ate aalis na si kuya V-jay. ” Tinawag lang ako nung tapos na sila mag-usap. Gusto kong batukan si kuya Darren dahil may evil grin pa sya. Si V-jay naman, nakangiti doon. Ano ba yan, kailangan ko pa bang makita ulit ang smile na yan? Oo na nga di ba..pamatay na nga ang ngiti mo. Nanghihina nga ako eh.
“Hoy Denise! Tatayo lang ba dyan? Samahan mo na magpaalam kay lola.”
Ayun! Sabi ko nga e hindi na naman ako natulala.
Sinamahan ko na nga sya para magpaalam kay Lola. Hinatid ko pa rin hanggang gate. Maglalakad lang kasi sya. Syempre naman babantayan ko hanggang sa makalayo. Kahit naman ganito ang sitwasyon namin ngayon, concerned pa rin ako.
Nag-reach sya doon sa bulsa nya. Hinahanap yata yung cellphone nya. Na-excite naman ako nung may nakita akong falling star.
“Uy tingnan mo yun. May falling star. ” pinalo ko pa nga sa braso pero gentle naman.
“Saan?”
“Doon.” Tinuro ko pa kaya lang nawala na sya.
“Wala na. Bagal mo kasi.” May sinabi pa sya e kaya lang di ko narinig masyado. Pabulong kasi.
“You still have the bracelet...” sabi nya. Sya din naman eh. He still has the bracelet.
“Oo naman. Ikaw din naman e.”
“Oo naman. Sayo yata galing.” e kung tadyakan kaya kita? dapat nga galit ako sayo dahil sa bet na yun e.
“Hoy, ingat sa mga sira ulo.” Ang galang ko di ba?
Tumango lang sya at nagsmile. Mga nakalima na hakbang na siguro sya nung bigla syang lumingon ulit. Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako. Diyos ko, ang bango naman ng tao ‘to.
“V-jay, para san ‘to?”
“Lately, nasa weakside ako. Ouf of bounds mga diskarte ko.” Ano daw? Weakside? Out of bounds? Talagang basketball ang laging nasa utak eh no?
Alam ko yung sinabi nya pero ganun pa man, naguguluhan pa rin ako. Umalis na sya sa pagkakayakap sa akin. Ngayon naman, hinawakan nya yung kamay ko. Wala lang. Hinawakan lang nya for minutes. Hindi ko nga maintidihan kung matatawa ba ako o maiiyak. But I ended up, crying anyway. Di ko rin alam kung bakit. Sabi lang nya...
“Pangako, babawi ako.”
-37-
Naglalakad ako papunta sa cafeteria eh may narinig ako na mga first year na nag-uusap. Nasa likod ko kasi sila.
“Ewan.. Chismis lang naman.”
“ Pumunta na lang tayo sa gym mamaya. Kukunan ko ng picture si ano...si number 46. cute yun eh. Sino nga yon?”
“Rivera. Tungek. V-jay Radley.”
Napalingon ako bigla eh. Lumalakas ang sagap ng satellite kapag naririnig ko ang pangalan na ‘V-jay Radley’. Si Yuan naman eh tumitig lang sa akin. Wala na rin akong sinabi at tumuloy na lang sa paglakad.
Hindi naman nya nabanggit na may laro sila ngayon. Usually kasi eh sinasabi nya sa akin. Siguro nga chismis lang. Steak ang kinain ko for lunch. Nilibre pa nga ako ni Yuan. Nag-insist naman ako pero talagang mapilit.
Saktong pag-ring ng bell ay sabay pasok ni V-jay sa classroom. Hindi naman nagalit yung teacher sa kanya. Seryoso ang klase nung hapon na ‘yun. Puro bago nga yung mga lessons namin. Hay....kakaloka.
Noong freetime, ang boring. Yun mga kaklase ko kasi,di ko alam pinag-uusapan nila. Yung katabi ko nman, kakausapin ko na sana kaya lang nakatakip yung cap nya sa mukha. At nakataas pa yung paa nya sa upuan nung isa naming kaklase. Kaya ayun, hindi ko na lang inistorbo. Natutulog yata. Sa halip eh nagsusulat na lang ako doon ng kung ano-ano. Hindi rin nagtagal, klase na ulit. Nag-interrupt naman yung intercom.
“Basketball players please report to the gymnasium now.”
Nag’bye’ lang sya sa akin at umalis na dala na rin yung mga gamit nya. Himala yata ngayon at hindi nya ako ininvite na manood. Teka nga. Bakit ba ako nag-eexpect?
“Denise, for the third time, will you give me the answer to number 5!”
Nagtaas na ng boses yung teacher namin. Nainis na yata sa akin. Nag-sorry naman ako then binigay ko din yung sagot. Fortunately, my answer was right. 15 minutes na lang at uwian na pero may pinasulat pa sya sa amin na pagkahabahaba. Inabot na nga ng uwian eh marami pa rin ang hindi tapos. Ako naman, binilisan ko magsulat. Halos sabay nga kami ni Leah natapos. Sabay na rin kami nagpunta sa locker namin. Sa malapit sa gate eh hinarang naman kami ni Yuan.
“Hey uuwi na kayo?”
“Yeah. Bakit?”
“Wag muna. Manood muna tayo ng game.”
“Sino daw kalaban?”
“I forgot pero narinig ko kay Ashley team daw ng crush mo.”
“Oh my gosh.Kailangan pala nandoon ako..” Sabi nya kay Yuan habang kinikilig pa.“Ano Denise? tara nood na tayo.” Tanong nya sa akin.
“Kayo na lang kaya. Ayoko eh.Tsaka ano ba yan? Basketball? Sabihin nyo na lang sa’kin kung ano resulta.” Sagot ko naman kay Leah.
“eh hindi naman pare-pareho ang takbo ng mga game no. Halika na. Si V-jay nandoon.” Yung last sentece na yata ang worst na excuse na pwedeng sabihin sa mga oras na ito. Lalo pa at kaharap si Yuan.
“May homework pa ako eh. Kayo na lang talaga.” Tuloy pa rin ako sa paglakad ko.
“Come on Denise. It’s the semi-finals. Hindi mo ba papanoorin yung pinsan ko?” Napahinto naman ako. Semi finals? Ngayon na pala yun. How can I be so stupid?
“Kahit na may home— -“ hindi na naman ako pinatapos ni Leah. Sasabihin ko sana na kahit na may homework eh manonood na rin ako.
“May homework din naman ako. Pero Denise kaunti lang naman yun. Madali na yun mamaya kaya halika na.Manonood na tayo.” Hinatak na nya ako papunta ng gym.
May nakareserve na upuan na pala para sa amin. Pinareserve ni Yuan kay Trisha. Ayun, magkakatabi tuloy kami kaya naman super naiilang ako. Nasa pangalawa na row kami ng bleachers kaya ang lapit namin sa mga players ng Brayden High. No wonder why Trisha picked these seats. Lumapit naman si
V-jay. Nakausuot na sya ng uniform nya. Black and green pa rin. Yun naman talaga ang color ng school namin. Pero this time hindi 46 ang number kundi 66. Kakaiba yata ngayon. Sa pagkakaalam ko eh 46 ang number ng lahat ng jerseys nya. Bakit kaya iniba?
“Denise, nandito ka?” obvious ba? Hindi naman ako multo dito noh.
“Obvious ba V-jay?” tumawa lang si Yuan at sina Leah.Hindi naman na sumagot si V-jay dahil biglang may itinanong si Trisha.
“Hey are you thirsty na? ihahatid mo ba ako mamaya?” tapos pinunas-punasan nya pa si V-jay. Nairita na lang ako eh. Paano naging thirsty eh ni hindi pa nga nagsisimula yung game kaya wala pa rin sweat or kung ano man. May sinabi ako kay Yuan kaya hindi ko na narinig yung conversation nila.
Nambulabog naman itong si Ian.Pinalo pa nga sa likod si V-jay pero mahina lang naman.
“Aray!” tapos bumawi lang din sya at binatukan lang nya.
“Tsk.Tsk.Kaya naman pala nilalanggam dito.” Tapos tumingin sya sa amin ni Yuan then kina Trisha ng nakakaloko.
“Tara na nga. Magsisimula na yung game.”
“Good Luck insan.” Nagshake hands silang magpinsan.
“Bye Denise.” Nagulat naman ako. Hindi ko naman kasi ineexpect na mag ‘bye’ sya sa akin.
“Ha...ah....bye. ...Good luck.”
Nagsmile lang sya at tumakbo na sila ni Ian papunta sa gitna. Nag-sigawan nga yung mga tao eh. Sus. Para nakita lang tumatakbo si Rivera. Sabagay, MTV effect nga naman.kahit ako eh I found it attra...nevermind. Noong napatingin ako kay Trisha eh nakatingin din sya sa akin pero bigla nyang iniwas. Medyo nakasimangot nga eh.
Nagsimula na nga yung game nila. Si Leah eh nakakatawa dahil sa halip na sa warriors sya kumampi eh doon nagchecheer sa kalaban. Sira talaga eh no? Kinakabahan ako kapag may natutumba sa kanila. Halos lumukso nga yata yung puso ko nung napahiga si V-jay dahil sa pag-iwas nya na makuha yung bola. Napapadami yata ang inom ko ng coffee at masyado akong nagiging nerbyosa.
Patapos na yung 3rd quarter ng tumayo ako para mag-CR.
“Samahan na kita. Madilim na kasi.”
“Kaya ko naman na. Dito ka na lang.” narinig yata kami ni Trisha kaya nagsalita sya.
“Punta ka ng CR? Sama na ako. Naiihi na rin ako.” Sabay na kami ni Trisha nagpunta sa CR. Dumidilim na rin noon pero hindi naman nakakatakot. Pumasok kami sa tig-isang cubicle. Nauna naman syang lumabas sa akin kaya paglabas ko eh nakikita ko sya doon at nagreretouch yata. Ako naman, hindi ako naggamit ng make-up kaya nag-hugas lang ako ng kamay.
“Denise, kamusta na kayo ni Yuan? Kayo na ba?” nagsalita sya habang naglalagay ng eye shadow.
“Hindi pa.Ikaw ba...kamusta kayo ni V-jay?” hindi pa sya sumagot nun dahil naglalagay sya ng lip gloss. Ang daming arte sa katawan nito.
“We’re great.” Sabi nya habang nilalagay yung mga make-up nya sa purse nya. Nalito naman ako sa sinabi nya. Ang labo di ba?
“What do you mean ‘great’?”
“He’s mine now. Boyfriend ko na sya.”
-38-
Suddenly, I was still. Hindi ako nakagalaw dun sa sinabi nya. Para akong binagsakan ng 12 tons na package dahil may parang kung anong mabigat sa dibdib ko at hindi ako makahinga.
“Denise, Let’s go.” Nagsnap sya sa harapan ko. Nakasmile pa sya nun. At tumingin pa ulit sa salamin bago kami lumabas ng CR. Bumalik naman na kami sa gym pero speechless talaga ako nun.
“Ok ka lang ba? Namumula ka kasi.” Sabi ni Yuan sakin. Tumango lang naman ako nun sa kanya at tuloy pa rin kami sa panonood ng game. 4th quarter na at hindi ko na alam ang nangyayari sa game.
Sunod ko na lang nalaman, nanalo na sina V-jay. Bumaba na kami ng bleachers,dahil hindi ko alam. Nakisunod lang ako kina Leah. Nag-aalisan na rin naman yung mga tao. Ako naman, gusto ko ng umuwi talaga pero si Leah mukhang may balak pang mag-stay.
“Ano bang problema? Nanggaling ka lang sa CR nawala ka na sa sarili.”
“Si...Tri..sha.” Ayoko talagang umiyak. At least hindi dito sa gym.
Narinig ko naman yung boses ni Yuan pero hindi ko naintindihan yung sinabi. Basta narinig ko na lang si Trisha.
“Nothing. I just told her na boyfriend ko na si V-jay.” Malinaw yung salita ni Trisha kaya rinig na rinig ko. Ayoko na rin naman na marinig pa yung iba nyang sasabihin kaya umalis na ako.
“DENISE! Where are you going?” nahabol naman ako ni Yuan.
“Home.” 
“Denise!! Sandali lang.” Arggh!! Talaga bang kailangan pa nya ako habulin? Wala na ring sense kung lalo pa akong tatakbo dahil kayang kaya nya akong habulin. Nung nakalapit sya ay medyo hinihingal pa.
“Yung tungkol kay Trisha...Let me explain.” Wow. Explain dawo!
“You don’t have to explain. So what kung kayo ni Trisha? Ano naman sa akin? You don’t like me right? I’m just your friend. So kahit nagkagirl friend ka pa...wala akong pakialam sa’yo. Wala ka din namang pakialam sa akin eh. Palibhasa kasi, manhid ka! Kaya pwede ba, JUST LEAVE ME ALONE!” dinuro-duro ko pa sya nun. Sabay talikod ko. Ewan ko kung natanim ba sya doon sa kinatatayuan nya o ano. Basta alam ko si Yuan, sumunod sa akin.
“Ihahatid na kita.”
“Maglalakad lang ako. Baka mapagod ka.”
“Hindi.Sasamahan na kita.”
Dahil gusto ko na talagang umuwi eh pumayag na rin ako sa sinabi ni Yuan. Ayoko makipagtalo sa kanya. Madilim na rin kasi. Alam kong hindi naman nya ako gaanong maipagtatanggol kung may sira-ulong humarang sa amin sa daan. Pero ayos lang, at least may kasama ako. Nahihiya na nga akong kausapin si Yuan kaya ang tahimik ko lang habang naglalakad.
Tungkol sa sinabi ni Trisha kanina, nabigla talaga ako. Ang inaasahan ko kasi, sasabihin man lang sa akin ni V-jay kung sila na nga.Since sa akin din naman nya unang sinabi ang mga bagay-bagay na tungkol doon. Di ba as a friend masasaktan din kayo?
Umiiyak na ako sa daan pero di ko naman masyadong pinapahalata kay Yuan. Syempre si Yuan pa rin yan. Lagi na lang sya. Sya yung walang kinalaman pero sya yung mahihirapan. Nakarating naman kami sa bahay. Tahimik na sa kalye namin. As usual. Akala ko sa kalye lang, yun pala pati sa loob ng bahay. May note doon.
‘Denise, nagpunta kami kina Ninang Betty. Gagabihin kami. Lock mo na lang ang pinto.’
Dahil wala nga sila, kami lang yung tao sa loob. Ang gulo ng nararamadaman ko. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Pero gawin ko man yun, wala pa rin akong karapatan.
“Denise, there’s nothing wrong if you cry out. Pwedeng pwede ka ng umiyak ngayon.Dito.” Inakbayan nya ako kaya napasandal na rin ako sa balikat nya. At ayun, yung kaninang pilit kong pinipigilan ay hindi ko na kinaya pa. umiyak na ako talaga. Wala naman syang sinabi nun kahit na nabasa ko na yung polo nya.
Hinayaan lang nya akong umiyak ulit hanggang sa tumawag na sa kanya yung mommy nya. Pinapauwi na sya. Sinabi ko naman na pwede na nya akong iwan at ayos na ako. (kahit hindi) Baka kasi hindi pa sya umalis. Sinamahan ko pa rin hanggang sa may gate para abangan yung sundo nya.
“Ei nabasa ko na polo mo. Sorry ah....kung nagkakaganito ako. It’s just that...nahihirapan na ‘ko.” Tapos niyakap nya ako.Dahilan kung bakit umiyak na naman ako.Hindi na ba titigil ang pagpatak ng mga luhang ito?
“Wag ka na umiyak” Tapos nag-let go na sya at pinunas nya yung luha ko.
“Please? And you know I’m always here right? All you have to do is tell me and I’ll do anything for you.”
Nilock ko na yung mga pinto pagkaalis ni Yuan. Naglinis ako ng katawan at nagkulong na sa kwarto. Halatang halata na umiyak ako dahil sa mata ko. Ang pula-pula.
Eto na ba yung sinasabi ni V-jay na babawi sya? Bakit naman sa ganitong paraan? Para nya akong sinasaksak sa dibdib. Napakaiyakin ko talaga kaya hanggang sa pagtulog ko, iyak pa rin ako ng iyak. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak sa lagay na ‘to. Na-touch ako sa sinabi ni Yuan pero lalo lang akong naguilty.
Nalilito na tuloy ako. Ano bang dapat kong gawin? Sino dapat kong piliin? Yung mahal ka pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko o yung mahal ko na may iba na kaya most likely hanggang kaibigan na lang din kami (kung kakayanin ko pa.)
Dapat talaga hindi na ako papasok sa school kinabukasan dahil I don’t feel like it. Pero naisip ko naman na panahon na yata para gawin ko ang dapat. At isa pa, naalala ko rin na bukas nga pala yung battle of the bands yata yun.
The next day napagdesisyonan ko na sabihin na kay Yuan ang totoo. Kung bakit ako nagkakaganito at kung ano ba talaga sya sa buhay ko. Ang dali lang no? Kaya nga iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako.Paano ko nga ba sasabihin kay Yuan. Kakayanin ba ng powers ko? Oh Lord. Help me!
Naglalakad na ako papunta ng room namin at ngayon nasa may tapat ako ng gym.
“Kaya mo yan,Denise. Kaya mo. Teka, sasabihin ko na ba talaga...(sighs) Tama. Sasabihin ko na kay Yuan.” Tuloy pa rin ako sa paglakad ng bigla na namang may humila ng kamay ko. Anak ng timawa. Isang araw, makikita nyo, putol na kamay ko.
“Anong sasabihin mo kay Yuan? Sasagutin mo na sya?! ” ang higpit naman ng hawak nito sa akin. Bakit ba ganito maka-react ‘to?
“E ano naman sayo kung sasagutin ko nga sya? Wala ka ng pakialam dun. Pwede bang bitawan mo ‘ko? Masakit sya ..kung hindi mo alam.”
“Sorry.” Tapos binitawan nya na ako. Ako naman umalis na without saying a word.
Kung ano-anong announcement ang sinasabi sa intercom tungkol sa battle of the bands na yan. Di ko alam kung sino-sino ang mga kasali doon pero manonood na rin ako. Si V-jay, hindi ko alam kung saang sulok na ng school napasuot. Kanina ko pa kasing hindi nakikita e.
Nung tanghali at lunch break na namin, nakahanap ako ng chance para makausap si Yuan. Nilapitan nya ako at tumabi sya sa bench. Pasan ko na naman daw kasi ang mundo.
Oh my gosh. Chance ko na ito para sabihin sa kanya.Parang galing sa freezer yung kamay ko sa lamig. Kinakabahan na ako.
-39-
This is it. Kayanin mo, Denise!
“Yuan..ano kasi..I think kailangan mo na talaga ‘to malaman. Naguiguilty na kasi ako. Ayoko ng magpaasa pa......” Hinga ng malalim.
” I’m so sorry but I don’t see you more than a friend. Yuan ...sorry talaga. Pero sinubukan ko naman e, kaya lang ...” walang tigil ang pagpatak ng luha ko nun. Isang dahilan siguro, alam kong nasasaktan ko ang isang tao na walang ginawa kundi ang i-comfort ako all this time.
“kaya lang--” nagsalita na agad sya kaya di ako nakatapos.
“kaya lang ... you love V-jay instead.” Nagulat ako doon sa sinabi nya. Ibig sabihin ba nito alam nya?
“alam mo?”
“Yeah.” Tapos tumango lang sya. Di ko maintindihan yung facial expression nya. Parang malungkot na nakatawa. Nakakaguilty talaga ito.
“S-sorry...”
“Denise, ok lang sa akin. I don’t want you to be forcing yourself to love me. I want you to follow your heart...”
“Follow my heart? True. Pero paano? Narinig mo naman dati di ba? Kaibigan lang nya ako. At tsaka May girlfriend na sya. ” this is hopeless. Pinunas ko yung luha ko. Salamat naman at may panyo ako ngayon.
“hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasubukan ko na ang umiwas at magmahal ng iba..pero wala talaga.”
“Well, you didn’t let him explain yet...did you?” umiling lang ako nun. Hindi ko naman talaga sya pinag-explain. For what? Para malaman ko every detail tungkol sa kanila ni Trisha? No way.
“Pasensya na talaga Yuan. It’s really my fault. Sana hindi masira yung friendship natin.”
“Ayos lang. I can’t deny I’m hurt but ayos lang sa akin. Basta ikaw.” Niyakap ko naman sya nun. Sobrang bait talaga ng taonag ‘to.
“Thank you so much.” Nag-time na nun kaya kinailangan na namin maghiwalay.
“Denise, pupunta ka ba mamaya sa battle of the bands?”
“Uhmm... hindi ko pa alam. Bahala na siguro.”
Back to class na kami pero konti lang yung ginawa namin. Hanggang ngayon wala pa rin ni-isang anino ni V-jay ang nakikita ko. Teka, bakit ko nga ba hinahanap eh galit nga ako dun?!
Nung bandang hapon na, biglang nagtext sa akin si Yuan.
>Denise,u hve 2 go.kailangan mo pmunta sa battle of the bands m2ya.
Kung ano man ang dahilan hindi ko alam. Pero dahil si Yuan naman ang nagsabi,hindi kalokohan yun for sure. Battle of the bands last year was good. Ewan ko lang ngayon na wala na ang vocalist ng magaling na band sa batch namin.
After school nga, nagpunta na kami doon sa auditorium. Ang daming tao. Sa 3000+ na estudyante ng Brayden high e 98% yata ang nandun. May bayad pa nga sa entrance. Pero ayos lang dahil fund-raising naman yun. Kasama ko sina Yuan, Leah, Ashley at John. Halos siksikan na papaunta sa mga upuan. Buti na lang, air-conditioned doon kaya di mainit.
In no time, nagsimula na rin ang “Battle of the bands.” Syempre, bago yung actual na laban, marami pang seremonya ang magaganap. May mga nagsalita pa galing sa Music Department, judges, at kung sinong galing doon sa cancer assoc. Matapos ang mahaba-habang paghihintay, nagsimula na talaga. Parang nakawala sa koral yung mga tao. Ganito na talaga kalakas ang impact ng music sa mga kabataan ngayon. Tatlong bands daw ang kasali bawat year. Yung mananalo, idodonate daw yung prize sa cancer patients.
Nauna yung banda na ‘Mary Lou’ 2nd year sila. Nagbunutan lang kasi e.Ayos din naman ang performance nila. Tapos sunud-sunod na. May mga kumanta ng Chiksilog, Gitara, at Prinsesa. May kumata rin ng ‘The Black Parade’. Medyo natakot ako sa group na kumanta nun. Parang zombie e. Nagulat ako dun sa ‘Jairus’. Paano naman kasi, all-girl band sila. Ang galing. Pero mas nagulat ako sa ‘Defy Gravity’ band.
“Good evening everyone. I’m Miggy. As we all know, Gerald migrated to Australia. And now,we’re here to introduce you the new vocalist of Defy Gravity. Kilalang kilala nyo na sya. Known as the Warrior’s captain ball... V-jay Radley Rivera!”
Whoa! Pati pagbabanda, pinasok na rin nya. Nagsigawan naman yung mga tao. Dalhin nyo ko sa EENT doctor. Nabasag na yata yung ear drums ko. Gulat na gulat ako nun, pero sina Leah at Yuan, nakangiti dahil alam na nila. Ano ba yan, parang napagkaisahan yata ako. Napasimangot ako nun.
Narinig ko na lang na nagsimula ng kumanta si V-jay. Unang kanta ay Tuliro ng Spongecola. Yung sunod ay ‘Magbalik’ ng Calla lily. Oh-em-gee. This guy has so many talents.
“Ang galing ng choice of songs! Go V-jay!” sinigaw ni Leah sa tenga ko. At sa tenga ko pa talaga.
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag ibig di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag agos
Pag ibig di matatapos
Hinihingal –hingal pa si V-jay nun. Nakita kong uminom sya ng mineral water na nasa tabi ng drums set.
“Hoo. Singing is just like playing basketball. Nakakapagod. Anyway, our next song is Just Can’t Say,for a very special girl in my life.” Ok, that’s Trisha. Sabi ko nga e dapat wala ako dito.
"Denise Lauren Mendoza. This is for you.”
It's not that, I think you are numb
Or you just don't feel all the things I do for you
Baby that's a clue that I am true
It's just unspoken but i mean it, yeah
But if you look into my eyes
You will see what's inside
I won't have to say it
All the things that you want to hear from me
And all the things that you want me to say
Baby say it,
Well if you want to hear me say it
That I want you
I would say it a hundred times a day
'Til your hurt will drown away
Just tell me, do I have to
It's not that i'm too shy to say
About the words that come out my way
All the tears that you shed
I guess I have to pay for
If I can only see
All the things that you want to hear from me
And all the things that you want me to say
Baby say it
Well if you want to hear me say it
That I want you, I need you, I love you
A hundred times a day (I would say it)
'Til your hurt will drown away (I would say it)
Just tell me (I want to say it, Yes I'm gonna say it)
Do I have to
I will say it
“I love you Denise.”
“Ayyy! Denise.Narinig mo yun? Grabe..nakakilig sobra.”
Pakiramdam ko parang gusto kong bumalik sa sinapupunan ng nanay ko. Di ko alam kung dapat ba akong matuwa o lalong magalit sa kanya. Ano ba ‘to,lokohan? Girlfriend nya na si Trisha tapos ngayon sasabihin nya na mahal nya ako?
That’s ridiculous!
Naguguluhan talaga ako ng mga oras na yun kaya the moment na lumapit si V-jay sa akin, pero pangalan ko pa lang ang nasasabi nya...
I slapped him in his face!
Pagkatapos nun, sabay alis naman ako. I don’t care kung tinatawag pa nila ako. Basta alam ko gusto ko na umalis dito. Bilis bilis akong naglakad nun papunta sa sakayan. Malas nga lang dahil yung huling tricycle, e sinakyan na nung matanda. Ano ba naman yan! Ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan.Pag-atras ko nun, di ko sinasadyang may tao sa likod ko.
“Aray!!! Ano ba--” paglingon ko nun, nandoon si V-jay. Worried pa yung hitsura ng mukha nya.
“Denise...” hahawak sana sya kaya lang iniwas ko yung kamay ko.
“Ano bang gusto mo? Bakit mo ginagawa sa akin ‘to? Ano bang kasalanan ko sa’yo,ha?!! Kung balak mong manloko at mag two-time, hwag ako idamay mo.” Naiyak na ako nun sa sobrang inis ko sa kanya.Sumasakit na nga yung lalamunan ko e.
“Saglit la--” at talagang hindi ko sya pinatapos.
“IF YOU THINK NA MAY PAPALA KA SA AKIN, THINK AGAIN! GEEZ, V-JAY. AKALA KO PA NAMAN,IBA KA. YUN PALA KATULAD KA NILA, YOU’RE SUCH A FREAK.”
Tiningnan ko lang sya ng ‘how-dare-you’ look sabay talikod. Naramdaman ko nga na susunod pa sya eh. Kaya bumalik ako at sinabi ko na.
“Pwede wag ka munang sumunod.”
This time, mayroon ng tricycle kaya nakauwi na talaga ako. Tinanong pa nga ako nung driver kung ok lang daw ba ako. Umiiiyak kasi ako sa tricycle.Pag-uwi ko sa bahay, si Lola at Daryll lang ang nandoon. Noong una, hindi ako pinansin ni Lola. Si DAryll lang ang may sinabi.
“Ate, ok ka lang?” tumango lang ako nun at nagmano naman kay Lola. Tapos diretso na ako sa kwarto.Medyo gabi na ng may kumatok sa kwarto ko. Si lola Martha.
“Apo, ano ba ang nangyari sa’yo? Pag-ibig ba ito?”
“Akala ko po ba, masarap magmahal? Pero bakit po ganun? May mga tao na basta, nakakaasar. Hindi pa nga sya nagsosorry sa ginawa nya dati, tapos mgayon, meron na namang isa. Nakakainis. Sasabihin nya na mahal nya ako pero parang ..ewan po. Ang labo nya e.” and then we had our talk. Mahaba rin at ang binagsakan lang ay “Pakinggan mo sya.”
Hindi ako nakapasok noong sunod na mga araw.2 days akong absent. Nagkasakit kasi ako. Hindi talaga maganda yung pakiramdam ko. Physically and emotionally. Sabi nga ni Leah, ang sira ko daw. Nagtapat na daw e inaway ko pa. Sabagay, abnormal nga naman.
Nagtetxt pa rin si V-jay sa akin at tumatawag. May pagkamaldita nga ako at talagang hindi ko sinasagot.
>Denise, sori na. I’m serious..pLz let me xplain. At least come 2 the champ.
Nakapasok rin naman ako sa school noong nawala na yung lagnat ko. Ayos na ako, I’m back to normal, I guess. Hindi naman na ako galit. In fact, gusto ko na nga na magkausap kami para maayos na ang dapat ayusin. Ang hirap din ng ganito.Hinahanap ko nga dahil hindi ko pa sya nakikita. Nasan nga ba yun?
“out-of-town ang family nila. Next week pa yung balik.ok? Kaya kailangan mong maghintay. Bakit kasi inaway-away mo.” Nakakainis ka Denise! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit nga ba inaway-away ko sya? Ang tanga mo talaga.
After 4 days…
“Denise, paano ba yan? Kita na lang tayo sa graduation nyo. Kailangan na ni Daddy bumalik ng U.S and I decided that I want to come with him. Ingat ka palagi ha. And always remember, that I love you.”Yuan naman.parang hindi mo alam ah.
“pero Yuan, alam mo naman na ---“
“Shhh…ang sabi ko mahal kita. Hindi ko sinabing mahalin mo rin ako. Pero kahit ganun, wala pa rin nagbago. I’ll always be your friend. Ngayon ko lang na-realize, na simula pa lang nung intrams, nagpaparaya na si V-jay para sa akin. Mga bata pa lang kami sya na yung laging nagpapalamang. And now I believe. it’s my turn.” Ngumiti naman si Yuan.
“I know you love him, but to sacrifice for this long, I know he loves you even more.”
“Really? I didn’t know that.”
“Well now you do. Kaya kumilos ka na. Nakakulong pa rin sya sa kwarto hanggang ngayon. Walang balak yun lumaro sa championship. Malapit nang mag-start yung game.”
“Ano? Bakit?”
“Because someone woudn’t talk to him and listen to his explanation. Denise, do me a favor, listen to him. It’s worth it. At isa pa,kailangan sya ng team, at ikaw lang ang siguradong makakapagpapayag sa kanya.”
Pinaiyak ako ni Yuan doon sa mga sinabi nya. Una, dahil aalis sya. Pangalawa, walang nagbago sa kanya even if I turned him down. Pangatlo, he’s ready to be sad just for us to be happy.At pang-apat, mahal pala ako ni V-jay? Geez. Ang hina nga ng Bluetooth ko. Pero take note, yung mga sinasabi sa akin ni Yuan, they’re actually making sense to me.Panglima,hindi ko na maitutuloy ito dahil kailangan ko nang puntahan si V-jay…
Before the time runs out.
“Sige pala Yuan. Pupuntahan ko na sya ha.” Tapos tumalikod na ako kay Yuan. Pero may nakalimutan ako kaya bigla akong bumalik. Sa dami ng pagkukulang ko kay Yuan, I have no clue kung paano ko sya babayaran. So ang ginawa ko, niyakap ko sya.
“Thank you ha. Sobra! I hope you find someone. Someone who deserves your kind-loving heart. ”
Nagbihis naman ako agad nun. Basta na lang ako humugot ng damit doon sa mga pang-alis ko. After ten minutes, natapos din ako. Nagpaalam na ako kay Lola at sinabi ko na may hahabulin ako na game. Nag-ala Darna na naman ako papuntang sakayan. Umiiyak pa nga ako nun dahil sa mga sinabi ni Yuan. Blurred na yung paningin ko hanggang sa may nabangga ako.Narinig ko pa nga na may tumawag ng pangalan ko.
The next thing I know, pagmulat ko ng mata ko, ang nakita ko lang ay yung sobrang puting liwanag.It feels like….
heaven..













bravenet.com